You are on page 1of 3

HOW TO PREROG (UPDATED: 1/19/2015)

Para sa mga tanggap na talagang wala na silang aasahang slots kay Rodolfo (e.g. rank 69/96 ka pa
sa waitlist lol), eto yung steps para sa pagp-"prerog" (manual enlistment) sa mga pinakaaasam
nilang subjects:
1. Kung sure ka na talagang ayaw mo nang umasa pa (at masaktan jk) kay Rodolfo, i-finalize mo na
yung sched para ma-print yung form 5 after 24~36 hours (excluding weekends). Finalize at your own
risk. :))
2. I-claim ang form 5 (ibigay ang ID) sa Office of the College Secretary as early as 24 hours after mo
mag-finalize ng sched kung Jan. 19-20 nag-finalize, or 36 hours after kung Jan. 21-23 nagfinalize. I-fill-out ito pagkatapos makuha.
FAQ: Pwede po bang sa ibang araw pa kunin yung form 5?
Answer: Pwede po kahit kelan basta hindi mas maaga kaysa sa nasa taas. Pwedeng sa 26 pa kunin
or sa 27 or kahit sa Feb 3 okay lang din. >_< =)))
2.5. Kung under ng CAS ang course mo, kailangan mong kumuha ng form 2 mula sa booth sa
Humanities building. I-fill-out tapos papirmahan sa prof ng subjects na gusto mong i-prerog. Ang
form 2 ay proof (para sa CAS secretary) na may tatanggap talaga sa'yo. Ipasa sa Office of the
College Secretary afterwards, then proceed to # 3. Kapag hindi under ng CAS, no need to go
through step # 2.5. :)
3. Depending on your respective colleges, pwede na kayong mag-fill-out ng request form (form 26a)
at ibigay/i-attach ang accomplished form 5 starting sa specific date na ibinigay/ibibigay nila (see
college student council page) para makakuha ng form 26 (usually nire-release 24 hours after magrequest). Ang form 26 ay yung official form para sa pagp-prerog.
Para sa CEAT, pwede na mag-request ng form 26 (thru filling-out and submitting form 26a) starting
Jan. 22 (PM). Wala pa akong nakita announcement so far regarding form 26 sa SC page ng sa CAS,
CA, CHE, CDC, at CFNR habang tina-type ko 'to (stay tuned lol). Hindi ko lang sure kung may
request form (26a) pang nalalaman sa ibang colleges na parang sa CEAT, or kung deretso
form 26 na agad after ma-claim yung form 5.
4. I-fill-out nang maingat, maayos, at kumpleto ang form 26 tulad ng kung paano mo finill-out yung
form 5 bago pumasok ng UP. Okay lang na mabagal at dahan-dahan basta sigurado (lol wat).
5. Hanapin at puntahan mo na yung instructor/prof ng klase na gusto mong pag-prerog-an and kindly
ask kung pwede ka nilang tanggapin sa klase tapos kung oo, papirmahan na yung form 26 sa kanya.

Kung hindi pumayag, i-try daanin sa pakiusap (or pwede rin sa pag-iyak hahaha jk). Kapag ayaw
talaga, move on. Marami pang iba diyan. ;) Pero kung kailangang-kailangan mo talaga yung subject
kasi sobrang major tapos yun na lang timeslot na pwede (o kaya andun yung crush mo lol jk),
subukin ulit kausapin si prof. :)))
Btw kung may ima-manually cancel or trade ka na section (bawal yung ibibigay talaga, tapos hindi
rin lahat ng prof ay pumapayag sa trade), sa form 26 din yun ilalagay.
5.5. Para pala sa CHEM subjects, ang alam ko may priority listing na ganap haha basta tanungin mo
na lang yung kung sino mang faculty na makita mo sa Institute of Chemistry kung saan pwede magprerog para sa *insert chem subject* tapos ayun papasulatin ka dun sa priority list (kunsakaling
meron na).
(https://www.facebook.com/groups/uplb14/permalink/430877313729424/)
6. Pag okay na lahat ng subjects mo, punta ka na sa registration adviser at papirmahan ang form 26.
7. Pumunta pagkatapos sa department head or institute director sa course mo para papirmahan
yung form 26.
8. Bumalik sa Office of the College Secretary at ipasa na yung form 26. Hintaying mapirmahan ng
college sec yung form o kaya pwede ring balikan na lang (depende kung gaanong katagal yung
sasabihin ng mga tao sa booth).
9. Pumunta ng Office of the University Registrar dala ang form 5 at form 26 para ipa-reassess yung
fees.
10. Pumunta ng cashier's office (sa may old admin building sa tapat ng CPark) o sa Landbank para
magbayad ng tuition fee (tulad ng kung paano yung ginawa dati sa unang enrollment).
11. Bumalik sa Office of the University Registrar (dala ang form 5 at form 26 na parehong may mark
mula sa kung saan nagbayad) para kumuha at magpa-stamp ng class cards.
12. Mag-party ka na hangga't gusto mo (at manlibre jk) kasi sa hinaba-haba ng proseso, sa wakas
registered ka na! ()*:
13. Mag-aral nang mabuti kasi ano ba isipin mo na lang yung hirap na pinagdaanan mo para lang
makuha yung mga subjects mo this sem di ba hahahahhaha

Haha ID lang talaga >> kunin ang form 5 ngayong sem sa OCS >> bayad ng tuition sa cashier's office or Landbank
>> kunin ang class cards sa OUR :))

You might also like