You are on page 1of 3

Filipino 40

Aldric Eugene C. Caga


2013-44303

Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ang pamamaraang
ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha
ng tunog. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Lingua Franca
Ang Lingua Franca ay wikang karaniwang ginagamit at nauunawaan sa malaking
bahagi ng isang bansa. Ito rin ay maaaring maging opisyal na wika gaya ng karaniwang
nangyayari sa maraming bansa. Nangangahulugang ito ang ginagamit na opisyal na
komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan o sa ibang mamamayan at
ibang bansa sa daigdig.
Dayalek
Dayalek ang barayiti ng wikang nililikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag
din itong wikain. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o
pook, malaki man o maliit.

Idyolek
Ang idyolek ang impluwensiya ng indibidwal na katangian ng bawat tao sa
paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa isang indibidwal.
Wikang Pambansa
Ang wikang pambansa ay isang kasangkapang pambuklod ng mga grupong may ibatibang sosyokultural at lingwistikong pinanggalingan sa isang bansa. Ito rin ay isang
paraan ng komunikasyon sa pambansang level para sa implementasyon at
development ng administrasyong panggobyerno.

Mga Sanggunian:
https://www.scribd.com/doc/76568616/KAHULUGAN-NG-WIKA
https://mifilipino9.wordpress.com/tag/lingua-franca/
http://www.rabernalesliterature.com/?p=1347
http://www.slideshare.net/saraaaaah/wikang-pambansa

You might also like