You are on page 1of 7

INTRODUKSIYON

Ang nobelang Barefoot in Fire ay isinulat ni Barbara-Ann Gamboa


Lewis. Si Barbara-Ann Gamboa Lewis ay may amang Pilipino at inang
Irish. Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid. Ang nobelang kanyang
isinulat ay tungkol sa kanyang kabataan sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Ang daloy ng istorya ay umikot sa kung paano harapin ng isang
pamilya ang mga hindi magagandang pangyayari sa kanilang buhay.
Binibigyang-diin din dito ang naging buhay ng isang musmos na bata sa
kabila ng kaguluhan sa kanyang bansa.

BANGHAY
Isang pitong taong gulang na bata ang hindi pinangalanan ng
kanyang mga magulang dahil kanilang napagpasyahang na ang kanilang
anak ang pipili ng gusto niyang pangalan para sa kanyang sarili. Isang
gabi, humanap ang batang ito ng kanyang maaaring maging pangalan sa
diksyunaryo at kanyang napili ang Barbara dahil nangangahulugan itong
foreign, strange na tugma sa kanyang pagkatao. Ang kanyang mga
kapatid ay sina Snuffy at Trotsky. Ang Pamilya ni Barbara ay nasa Pilipinas
sa kadahilanang hindi tanggap ng ama ng kanyang ina ang kanyang ama.
Ang mga magulang ni Barbara ay inilarawan niya bilang leftists o mga
taong may kakaibang pananaw sa mundo; na ang mundo ay nararapat na
pantay-pantay, walang mayaman at walang mahirap. Wala rin silang
relihiyong kinabibilangan.
Sa panahon ng digmaan, ang pamilya ay lumilipat sa ibat ibang lugar
dahil sa delikadong lagay ng Manila kung saan sila nakatira. Nang
pasabugin ng mga Hapon ang Manila sa unang pagkakataon, walang
nagawa ang pamilya ni Barbara kundi ang umalis sa kanilang bahay upang
lumabas ng lungsod sa loob ng dalawang linggo. Ngunit, nang mapagtuloy
ang pagpapasabog ng mga hapon, tuluyan na silang umalis ng kanilang
tahanan sa Maynila at lumipat sa paanan ng burol. Ang lugar na ito ay

malayo sa pinagtatrabahuhan ng ina ni Barbara-Ann at eskwelahan ng


magkakapatid.

Dahil

dito,

napilitang

huminto

sa

pag-aaral

ang

magkakapatid ngunit hindi sila pinabayaan ng kanilang mga magulang. Sa


tuwing ang magkakapatid ay naiiwan sa kanilang tahanan, sila ay iniiwanan
ng mga pagsusulit dahil ang kanilang ina ay isang guro.
Nang matapos ang digmaan at ang mga Amerikanong muli ang may
hawak sa Pilipinas, nawalan ng tirahan ang pamilya ni Barbara-Ann dahil
sa wala silang pambayad. Nawalan ng trabaho ang mga magulang ni
Barbara-Ann sa panahon ng digmaan. Nakakita sila ng isang lugar sa ilalim
ng isang bahay na kung saan sila maaaring manatili. Ang bahay na ito ay
walang dingding at mga pinto. Malayo rin ito sa mga lugar na pwedeng
pagtrabahuhan ng mag-asawa.
Malimit magkasakit ang mga kapatid at ang ina ni Barbara-Ann. Dahil
siya ang panganay, siya ang naatasang magbantay sa kanila sa Ospital
habang ang kanyang ama ay naghahanap ng trabaho sa ibat ibang lugar.
Sa Philippine General Hospital dinala ang ina ni Barbara dahil sa libreng
serbisyong medical dito. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting gumagaling
ang karamdaman ng kanyang ina.

Nabalitaan ng lolo ni Barbara, ang ama ng kanyang ina, ang mga


kaganapan sa Maynila at ang karamdamang mayroon ang kanyang ina.
Pinadalhan sila nito ng sulat na nagsasabing pumunta sila sa Amerika at
doon magpagaling. Ang lahat ay ibinili ng kanyang lolo ng tiket, maliban sa
ama ni Barbara. Ngunit, ang mga kaibigan ng kanyang mga magulang ay
nagtulungan upang makasama ang kanyang ama. Nang dahil dito, ang
pamilya ni Barbara ay masaya at sama-samang nagpunta sa Amerika.

Pagsusuri sa mga tauhan


Lima lamang ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Si Barbara,
ang kanyang ina, ang kanyang ama, at ang kanyang dalawang kapatid.
Ang ama ni Barbara ay isang taong hindi pababayaan ang kanyang
pamilya.

Lahat

ay

kanyang

gagawin

upang

matugunan

ang

pangangailangan ng kanyang pamilya sa kanyang sariling pamamaraan.


Ang kanyang ina naman ay isang taong gagawin ang lahat ng kanyang
kagustuhan sa ayaw man o gusto ng iba. Isang patunay dito ang pagsama
niya sa isang Pilipino, di man ito nais ng kanyang ama. Si Barbara, sa
kabila ng kanyang kamusmusan, ay nakagawa ng mga bagay na
kapakipakinabang para sa kanyang pamilya. Siya ay sumisimbolo sa isang
ordinaryong Pilipino na may lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok
ng buhay.
Ang pamilyang ito ay sama-samang hinarap ang lahat. Pinatunayan
na kung sama-sama ay hindi sila matutumba. Ang pamilyang ito ay hindi
nagsasawang gumawa ng paraan upang malutas ang kanilang mga
problema. Dahil sa hindi sila sumuko, natapos ang kanilang problema nang
sila pa rin ay sama-sama.

Pagsusuri sa Paksa
Ang dulog na maaaring ilapat sa nobelang Barefoot in Fire ay ang
realismo. Ito ang dulog na pinakamainam na dulog para sa nobelang ito na
hango sa tunay na karanasan ng isang bata. Totoong ang buhay ay
maraming pagsubok. Sinuman ang ating tanungin, siguradong may
pagsubok na nararanasan. Tulad na lamang ng takbo ng nobela, maraming
pagsubok ang pinagdaanan ng pamilya ni Barbara-Ann ngunit ang lahat ng
ito ay kanilang nalampasan ng sama-sama. Ito ay isa sa mga katotohanan
at realidad sa buhay ng isang tao. Kung kayat dulog realism ang
mailalapat sa nobelang ito dahil walang sinuman ang maaaring salungatin
ang isang bagay na TOTOO.

Konklusyon
Habang aking binabasa ang nobelang Barefoot in Fire, inilalagay ko
ang aking sarili sa sitwasyon ni Barbara-Ann. Itinatanong ko sa aking sarili
na Paano kung ako ay isa ring batang namuhay sa panahon ng digmaan?
at Magiging kasintapang rin kaya ako ni Barbara?. Isang aral ang aking
natutunan sa nobelang ito, ang huwag sumuko sa anumang pagsubok.

Nararapat lagi na mayroong tayong tiwala sa ating sarili dahil kung hindi,
mawawalan tayo ng lakas ng loob upang harapin mga pagsubok sa ating
buhay. Huwag ding dapat mawalan ng pag-asa dahil may solusyon sa lahat
ng bagay.
Isang musmos na bata ang namuhay sa matinding digmaan,
Barefoot in Fire. Ang kabataan ni Barbara ay tila isang apoy na sumusunog
sa kanyang kasiyahan. Ngunit, hindi niya hinayaang masunog siya nito,
bagkus, ginamit niya ito upang magkaroon ng mga kaalaman sa mundo.
Ang apoy na ito ay nagsilbing liwanag at nagbukas sa isip ni Barbara-Ann
Sa ibat ibang aspekto ng buhay.

Mendoza, Theresa C.

You might also like