You are on page 1of 3

SINING III

I. Layunin:
1. Matukoy ang kaibahan ng laki ng iginuhit na tao para maituro ang
distansya mula
sa manonood
~ Nasasabi na mas malapit panoorin ang mga taong iginuhit ng mas
malalaki
~ Nasasabi na ang maliliit na iginuhit ay malayong panoorin
2. Maiguhit ang laki ng tao para maipakita ang distansya mula sa manonood
3. Maipadama ang pagpapahalaga ng isang gawaing pansining
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Kaibahan ng Laki ng Tao na Iginuhit para Maituro ang
Distansya
mula sa Manonood
Sanggunian: K to 12, Grade 3 Learning Competencies, p.12
Kagamitan: mga gamit pansining, larawan ng 2 tao na magkaiba ang
laki at
iba pang bagay na nagpapakita ng malapit at malayong distansiya
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Ipaawit ang kantang (Malaki at Maliit ) ( Tono: Deep and Wide )
B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong: Tungkol saan ang awitin?
Sa layo ng distansya, kailan mo masasabi na ang ibon ay malaki?
Maliit?
Ano ang itsura nito kapag ito ay nasa malapit? Malayo?
2. Magpakita ng 2 magkaparehong larawan . Ang isa ay mas malaki
para
mabigyan ng liwanag ang laki kapag malapit o malayo.

Itanong:
Alin sa mga larawan ang nagpapakita na malapit sa iyo?
(malaki )
Alin sa mga larawan ang nagpapakita na malayo sa iyo?
(maliit )
3. Magpakita ng 2 larawan ng tao.
Itanong:
Alin sa mga larawan ang nagpapakita na iyon ay
malapit? Malayo?
4. Magbigay ng mas marami pang mga larawan o bagay ng dalawang
magkaibang distansya.
5. Ano ang itsura ng tao kapag ito ay nasa malapit?
(Ang tao ay malaking tingnan kapag siya ay malapit sa manonood.)
Paano kapag siya ay malayo?
(Ang tao ay maliit kapag siya ay malayo sa manonood. )
C. Paglalapat:
Pangkatang Gawain: ( Palabunutan )
Unang Grupo: Gumuhit ng 2 larawan ng magkaparehong klaseng
halaman/puno sa magkaibang distansya.
Pangalawang Grupo: Gumuhit ng 2 larawan ng magkaparehong
klase
ng bahay sa magka-ibang distansya.
Pangatlong Grupo: Gumuhit ng 2 larawan ng magkaparehong
klase ng
bundok sa magkaibang distansya.
Pang-apat na Grupo: Gumuhit ng 2 larawan ng tao sa
magkaibang

distansya.
Pagpapakita ng mga gawaing natapos.

D. Paglalagom:
Itanong: Nagustuhan niyo ba ang inyong drowing? Bakit? Bakit hindi?

Ano ang inyong naramdamn habang ginagawa ninyo ang


gawain?

Bakit?
Naging masaya ba kayo sa paggawa ng gawain? Bakit? Bakit

hindi?
IV. Pagtataya:
Panuto: Gumuhit ng 2 larawan ng inyong paboritong tao sa magkaibang
distansya.
V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng 2 larawan ng iyong kaibigan na nagpapakita ng malayo at
malapit.

You might also like