You are on page 1of 5

5 Patakaran sa Pagsasalita na kailangan mo malaman!

1. Huwag pag-aralan ang gramatika

Ang patakaran na ito ay nakakapag-taka para sa mga nag-aaraln ng ESL, ngunit ito
ang pinaka-importante sa mga patakaran. Kung gusto pumasa sa pagsusulit, dapat
pag-aralan ang gramtika. Ganunpaman, kung gusto mong maging mahusay
magsalita ng Inglis, huwag mong pag-aralan ang gramatika.

Matagal at nakakalito ang pag-aaral ng gramatika bago ka matuto. Pag-iisipan mo


ang mga patakaran kapag gumagawa ka ng pangungusap imbes na binibigkas mo
ito ng natural gaya ng likas na Inglis. Tandaan, 20% lamang sa mga taong
nagsasalita ng Inglis na alam ang patakaran sa gramatika. Maraming ESL na
estudyante ang may alam sa gramatika kaysa sa mga taong Inglis. Sinasabi ko ito
ayun sa aking karanasan. Ako ay likas na Inglis, medyor sa English Literature, at
nagtuturo ng Inglis sa loob ng 10 taon mahigit. Gayunpaman, marami sa aking mga
estudyante ang may alam sa detalye tungkol sa gramatika ng Inglis kaysa sa akin.
Madali ko ito tingnan at ginagamit, ngunit di ko ito masyado sinasaulo.

Madalas ako magtanong sa aking mga kaibigang Inglis tungkol sa tanong panggramatika, at ilan lamang sa kanila ang nakakaalam ng kasagutan. Gayunpaman,
magagaling sila sa Inglis at marunong magbasa, magsalita, makinig, at epekto
kapag sila ay nakikipagtalastasan .

Gusto mo ba malaman ang ibig sabihin ng causative verbm o gusto mo makapagsalita ng mahusay sa Inglis?

2. Matuto at pag-aralan ang mga parirala

Maraming estudyante ang gusto matuto sa bukabolaryo at pinag-sasama ang mga


ito upang makagawa ng pangungusap. Namamangha ako sa dami ng alam ng mga
estudyante ko, ngunit hindi nila alam paano gamitin ang mga ito. Ang dahilan ay
hindi nila pinag-aaralan ang parirala. Kapag tinuturuan natin ang mga bata ng ating
lenguahe, natututunan nila pareho ang mga salita at parirala. Ganun din kailangan
mo aralin at matutunan ang parirala.

Kapag may alam kang 1000 na salita, maaaring hindi mo nasasabi ang mga ito sa
tamang pangungusap. Ngunit kung alam mo ang 1 parirala, makakagawa ka ng
daan-daang pangungusap. Kapag may alam kang 100 parirala, masusopresa ka sa
dami ng masasabi mong pangungusap. Sa wakas, kapag may alam kang 1000
parirala, walang duda na magiging mahusay ka sa Inglis.

Ang English Speaking Basics ay seksyon na may epektibong halimbawa sa paggawa


ng maraming pangungusap sa loob ng isang parirala. Kung kaya, huwag na
aksayahin ang oras at oras ng pag-aaral ng mga iba-ibang salita. Gamitin mo yan sa
pag-aaral ng parirala at siguradong magiging magaling ka sa Inglis.

Huwag isalin

Kung gusto mo gumawa ng pangungusap na Inglis, huwag ka mag-salin mula sa


iyong pangunahing lenguahe. Siguradong iba ang magiging ayos ng mga salita at
parehong matagal at mali kapag ginawa mo ito. Alamin ang mga parirala at
pangungusap upang hindi mo na kailangan mag-isip pa tungkol sa mga sinasabi
mo.

Ang ibang pang problema sa pagsasalin ay sinusubukan mong ingkorporahin ang


patakaran ng gramatika na iyong napag-aralan. Ang pagsasalin at pag-iisip tungkol
sa gramatika ay dapat iwasan sapagkat makakagawa ka ng maling pangungusap.

3. Pagbabasa at Pakikinig ay HINDI sapat. Praktising sabihin ang mga naririnig mo!

Ang pagbabasa, pakikinig, at pakikipag-usap ang mga pinaka-importanteng aspeto


sa kahit anong lenguahe. Ganun din sa Inglis. Gayunpaman, ang pagsasalita ang
kailangan para maging magaling. Normal lamang sa mga bagong silang, at mga
bata ang una matuto magsalita, maging magaling, tapos mag-simula magbasa,
tapos magsulat. Kaya ang ayos nito ay pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, tapos
pagsusulat.

Pangunahing Problema
Hindi ba't nakakapagtaka sa mga paaralan na ang una nila itinuturo ay ang
pagbabasa, tapos ay pagsusulat, tapos pakikinig, at huli ang pagsasalita? Kahit ito
ay kakaiba, ang pangunahing dahilan ay dahil kailangan mo ng materyal para
maintindihan ang pangalawang lenguahe, kailangan mong magbasa ng materyal
upang maintindihan at matuto ka dito. Kaya ang natural sa ayos ay pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa, tapospagsususlat, ang ayos sa ESL ay pagbabasa,
pakikinig, pagsasalita, tapos pagsusulat.

Pangalawang Problema
Ang rason kung bakit alam ng karamihan ng mga taong marunong pagbasa at
makinig ay dahil praktis nila ito. Ngunit upang maging mahusay sa Inglis, kailangan
mo i-praktis ang magsalita. Huwag tumigil sa portyong pakikinig, at kapag nagaaral, huwag lang basta makinig. Ibigkas ang materyal na iyong pinapakinggan at ipraktis ito. Hindi mo na kakailanganin ang mag-ipon pa ng ilang lakas upang ibigkas
ng malakas upang maikapit sa iyong bibig at isip. Sa paggawa nito, amgiging
magaling ka sa Inglis.

4. Lulunin ang sarili

Ang pagsasalita ng languahe ay walang kinalaman gaano ka katalino. Lahat ay


natututo magsalita ng lenguahe. Napatunayan lahat ito sa buong mundo. Lahat ay
nakakapagsalita ng isang lenguahe o mahigit. Matalino ka man o hindi,
makakapagsalita ka ng isang lenguahe.

Natuto tayo sa ating lenguahe sapagkat ito ang lagi natin naririnig sa lahat ng oras.
Sa inyong bansa, lagi mo itong napapakinggan at ginagamit ang inyong lenguahe
sa pakikipag-usap. Mapapansin mong maraming mga taong magagaling magsalita

ng Inglis. Nakakapagsalita sila ng Inglis hindi dahil nag-aral sila sa eskwelahan,


kundi napapalibutan sila ng mga taong nagsasalita ng Inglis

Mayroon ding nag-aaral sa ibang bansa at natuto lamang sila ng kaunti.


Nagpupunta sila sa paaralang nagtuturo ng Inglis, ngunit pagbalik nila sa kanilang
bansa, hindi rin nila ginagamit ang Inglis at hindi nila ito pina-praktis sa kanilang
mga kaibigan.

Hindi mo kailangang pumunta kahit anong lugar upang maging magaling ka sa


Inglis. Kailangan mo lamang ng kapaligirang nagsasalita ng Inglis. Magagwa mo ito
sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kaibigan mo ng Inglis. Maaari mo ring
lagi dala dala ang iyong iPod para pakinggan ang mga pangungusap na Inglis.
Makikita mo ang pagbabago kung may pagbabago mismo sa kapaligiran mo.
Lulunin ang sarili sa Inglis at matututo ka ng mas mabilis.

Ang TalkEnglish ay maaari nang i-download. Sa package na ito, makakagamit ka ng


higit 8000 audio files at palibutan ng English ang iyong sarili. Mayroon itong higit na
13.5 oras na audio files na hindi kabilang sa web form. Ang lahat ng konbersasyon
at lahat ng pangungusap ay sakali, kaya kahit kakaunti lamang ang kaibigan mong
marunong magsalita ng English, maaari mong palibutan ang sarili mo ng English
gamit ang iyong MP3. Ang package na ito ay matatagpuan sa English Download
pahina. Huwag nang palampasin pa ang oportunidad na ito at magsimulang matuto
ng English ng mas mabilis. Pindutin o pumunta lamang sa english-download.aspx.

5. Aralin ang tamang materyal

Ang karaniwang parirala na mali ay:, "Practice makes perfect." Ito ay malayo sa
katotohanan. Kung ano ang lagi mong pinapraktis, iyon ay magiging permanente.
Kung nagpapraktis ka ng maling pangungusap, magkakaroon ka ng maling
pangungusap. Samakatuwid, importante ang na pag-aralan mo ang karaniwang
ginagamit ng mga to.

Isa pang problema ang napansin ko, ay ang pag-aaral ng mga estudyante sa mga
balita. Gayunpaman, ang lenguahe ay higit na pormal at ang nilalaman nito ay puro
tungkol sa pulitika at hindi ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay.
Importante ang maintindihan nila ang dapat sabihin, kailangan nila magkaroon ng

paunang pag-aaral na dapat nilang matutunan para sa karaniwang batayan sa


Inglis.

Ang pag-aaral ng Inglis sa mga kaibigang hindi gaano magaling sa Inglis ay


nagdudulot ng maganda at panget na resulta. Kailangan mong alamin ang naaayon
at kontra sa kanyang pagsasalita. Nakakapag-praktis ka sa iyong kaibigan at ganun
din pinatitibay ninyo ang bawat isa at punupunto ang mga mali. Ngunit hindi
maiiwasang makapulot kayo ng hindi magandang aral sa bawat isa at hindi rin kayo
sigurado sa pagtatama ng iyong mali. Gamitin ang pagpaparaktis gamit ang mga
tamang materyal. Hindi kung paano sabihin ang pangungusap.

Sa madaling salita, pag-aralang ang mga Inglis materyal na iyong


pinagkakatiwalaan, karaniwang ginagamit, at tama.

Buod

Ito ang patakarang na makakatulong sayong makamit ang mithiin mong


makapagsalita ng Inglis. Lahat ng tinuturo at leksyon sa TalkEnglish.com ay mga
paraan dapat sundin upang matuto, at matupad ang pangarap mong makapagsalita ng tamang Inglis.

You might also like