Professional Documents
Culture Documents
James 2:26 Kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayundin ang pananampalataya
na walang mga gawa ay patay.
Sa unang tingin ay parang nagtuturo ng pananampalataya + mga gawa = kaligtasan. Ngunit kung ganito
ang itinuturo ni Santiago ay may problema ang Bibliya: sinasalungat ni Santiago si Pablo at sinasalungat ni
Santiago ang sarili niya mismo, dahil
Sa Acts 15 ay isinalaysay ni Lukas ang paglutas ng mga apostol sa kontrobersiya tungkol sa gustong
gawin ng ilang mga Hudyo na pagtutuli sa mga Hentil na sumampalataya at ipailalim sa kanila sa Batas ni
Moises. Sinabi ni Pedro na hindi kailangan iyon. At sa v. 11, ang naging panghuling salita ng apostol ay:
Naniniwala tayo na tayoy naliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Hesus, tulad din naman
nila. = ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ( i.e. pagsunod
sa Batas ).
Pagkatapos ng ulat nina Bernabe at Pablo, nagsalita si Santiago at sinang-ayunan niya ang sinabi ni
Pedro. Sa v. 19 ay sinabi niya: Kayat ang hatol ko ay huwag nating pahirapan ang mga Hentil na
nagbabalik-loob sa Diyos. ; na ang ibig-sabihin ay huwag dagdagan ng mga alituntunin ang paraan ng
pagbabalik-loob sa Diyos; na ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng mga gawa, kundi sa pamamagitan
ng biyaya, gaya ng sinabi ni Pedro ( v. 11 ).
Ang susi sa kahulugan ng talata ay nasa v. 18: ipapakita ko sa pamamagitan ng aking mga gawa ang
aking pananampalataya. Itoy isang pansakaling sitwasyon ( hypothetical situation ) kung saan sinasabi
ng isang tao na siyay may pananampalataya ngunit hindi naman nakikita sa kanyang buhay = walang mga
gawa. Kaya ang sabi ni Santiago ay ipapakita niya ang katunayan ng kanyang pananampalataya sa
pamamagitan ng mga gawa.
Hindi nagtuturo ng pag-aaring ganap ( justification ) sa pamamagitan ng mga gawa si Santiago sa talatang
ito. Ang itinuturo niya ay: ang mabubuting gawa ay katibayan ng tunay na pananampalataya = ang tunay na
mananampalataya at ligtas na ay mayroong mabuting patotoo ng kanyang kaligtasan.
Sa Romans 4, ang itinuturo ni Pablo ay: ang pagpapawalang-sala o pag-aaring-ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng mga gawa; samantalang sa James 2:14-25, ang itinuturo ni
Santiago ay: ang ebidensya ng tunay na pananampalataya ay ang mabubuting mga gawa; kung walang mga
gawa, walang tunay na pananampalataya ( = patay pa rin ang tao-- Eph. 2:1 )
Gaya ni Pablo ay ginamit din ni Santiago na halimbawa ang karanasan ni Abraham ( Jas. 2:21-23 ); ngunit
ang binanggit niyang pangyayari sa buhay ni Abraham ay iba kaysa sa binanggit ni Pablo sa Rom. 4:1-3.
Ang binabanggit ni Pablo na karanasan ni Abraham ay matatagpuan sa Gen. 15:4-6 kung saan
sumampalataya si Abraham sa pangako ng Diyos tungkol sa kanyang magiging anak, at ito ay ibinilang
na katuwiran sa kanya ( v. 6 ). Sa puntong ito na hindi pa isinilang si Isaac ay binilang na siyang
matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
Samantalang ang binabanggit naman ni Santiago na karanasan ni Abraham ay matatagpuan sa Gen. 22:114, maraming taon na ang nakalipas matapos ang pangyayari sa Gen. 15 = binatilyo na si Isaac. Pagsubok
ito sa pananampalataya ni Abraham ( Gen. 22:1 ). At sa pamamagitan ng pagsubok ay napatunayang tunay
ang kanyang pananampalataya ( Jas. 2:22 ).
Ganito isinasa-buod ng The Evangelical Dictionary ang talata sa James 2:21-25: In James 2:21, 2425 its reference is to the proof of a mans acceptance with God that is given when his actions show he
had the kind of living, working faith to which God imputes righteousnessThe justification which
concerns James is not the believers original acceptance by God, but the subsequent vindication of his
profession of faith by his life. [ Sa Jas. 2:21, 24-25, ang tinutukoy nito ay ang katibayan ng pagtanggap ng Diyos sa
isang tao na ipinapalagay kapag ang kanyang mga gawa ay nagpapakita na siya ay mayroong buhay at gumaganang uri ng
pananampalataya kung saan ang Diyos ay nagbibilang ng katuwiranAng pag-aaring-ganap na nasa isip ni Santiago ay hindi
orihinal na pagtanggap ng Diyos, kundi ang sumusunod na katibayan ng kanyang pagpapahayag ng pananampalataya sa
pamamagitan ng kanyang pamumuhay. ]