You are on page 1of 1

Baniqued, Julius Rey D.

2012-47114
Buod ng Kultura ng Wika ni Prospero R. Covar
Ang wika ay kultura sapagkat ang kultura ay likha ng tao at ang wika ay likha rin ng tao.
Ang kapaligiran ay nahahati sa dalawa. 1) Kalikasan ang mga bagay na dinatnan na ng tao sa
daigdig at 2) Kalikhaan - ang mga gawain ng tao. Ito ang kultura ng tao. Bilang gawa ng tao,
ang wika ang nagpapakilala sa kakanyahan ng isang grupo ng taong lumikha nito. Ngunit ang
mga salita o kataga na nagmumula sa wika ay walang kahulugan sa kanilang sarili lamang. Ang
pagpapakahulugan ng mga salitang ito ay gawain ng tao. Dahil dito, ang wika ay isang kultura.
Ang tunog patinig at katinig, ang pundasyon ng wika. Ang pagsasama-sama ng mga ito
ay bumubuo ng pantig. Ang isa o grupo ng pantig ay bumubuo ng salita o kataga. Ang kahulugan
ng mga ito ay bigay ng tao. Ang kayarian ng mga salita sa isang wika ang nagpapakita ng ibat
ibang bahagi ng pamumuhay ng mga taong nagsasalita nito. Ang balarila ay ang pagtay ng
tamang paggamit ng wika. Nakapaloob sa wika ang kultura ng bayan at ang kultura ng wika.

You might also like