You are on page 1of 10

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO


Panimula
Susi ang Edukasyon sa bawat pinto ng Oportunidad. Sa mundong ito na lalong
nagiging kumplikado, ang Edukasyon ay isa sa pinakamahalagang makamtan sa buhay.
(Elder Craig A. Cardon, www.lds.org/liahona/google.com)
Ang Edukasyon ay katumbas ng imbisibol na susi, tulay, hagdan at sandatang
panghabambuhay na bitbit na magagamit sa paglalakbay at sa mga labang kahaharapin sa
buhay. Edukasyon ang tanging daan upang labanan ang kahirapan tungo sa magandang
kinabukasan. Maaring mas angat ang mga pasilidad at kagamitan ng mga paaralan sa
ibang bansa, katulad na lamang ng Singapore University of Technology and Design na
mayroong kumpleto at modernong teknolohiya. Ngunit sa kabilang banda, mayroon parin
negatibo at masamang epekto sa mga mag-aartal ang pagkakaroon ng mga teknolohiyang
ito sapagkat mas inilalaan pa ng mga mag-aaral na ito ang oras sa paggamit nito higit pa
sa pagtutuon ng pansin sa mga aktibidad ng paaralan ng Singapore.
Ang pananaliksik sa Epekto ng Kakulangan ng Kagamitang Pampaaralan at Silidaralan ng San Luis Elementary School ay naglalayong mailahad ang epekto nito sa mga
mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng ideya upang pag-aralan ang nasabing
paksa. Ang nasabing problema ay nagbigay sa mga mananaliksik ng kaisipan sa
pagsasaliksik ng kakulangan na ito na kung saan ang mga problemang ito ay
masolusyunan at mabigyan ng pansin. Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyan aksyon at
atensyon upang maibigay ang mga karapat-dapat na kagamitang pampaaralan at maging
1

silid-aralan man. Magiging mahirap ito sa pamunuan ng paaralan kung patatagalin pa ang
pagresorba sa problema ng kakulangan dahil sa unti-unting pagtaas ng bilang ng mga
mag-aaral sa paaralan at mas marami ang nangangailangan sa serbisyo ng nasabing
pasilidad. Kaugnay dito, inaalam ng mga mananaliksik kung ano ang magiging epekto ng
mga problemang ito sa mga mag-aaral kung hindi agad ito masosolusyunan.

Paglalahad ng Suliranin
Hinahangad sa pag-aaral na ito na maipakita ang epekto ng kakulangan ng
kagamitan at silid-aralan sa mga mag-aaral ng San Luis Elementary School.
Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga tagasagot batay sa kanilang:
a. Gulang
b. Kasarian
c. Grado sa Paaralan
2. Ano ang Epekto ng Kakulangan ng mga Kagamitang Pampaaralan at Silid-aralan sa
mga Mag-aaral ng San Luis Elementary School?
3. Anu-ano ang solusyon upang malutas at mabawasan ang nararanasan ng mga magaaral sa kakulangan ng kagamitang pampaaralan?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang maipabatid sa pamunuan ang epekto ng
kakulangan sa kagamitang pampaaralan at silid-aralan sa mga mag-aaral ng San Luis
Elementary School.
Magiging makabuluhan ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Mag-aaral. Mahalagang matuunan ng pansin ang kakulangan sa kagamitan at silid-aralan
sa paaralan sapagkat itoy tunay na makatutulong sa mga mag-aaral. Mas magiging sapat
din ang kaalaman kung sapat din ang kagamitan at silid-aralan sa San Luis Elementary
School.
Guro. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga guro.
Maaaring isagawa ang mga paraan na makatutulong upang mas mapaganda ang paaralan
at mas maengganyo pa ang mga mag-aaral. Malaking bagay din na malaman ng mga guro
ang mga bagong paraan sa pamamagitan ng research.
Mananaliksik. Magkakaroon ng malawak na pang-unawa kung paano matutugunan ang
kakulangan sa kagamitang pampaaralan.
Mananaliksik sa Hinaharap. Magkakaroon ng ideya kung paano mabibigyang pansin ang
problemang kinakaharap sa kakulangan sa kagamitang pampaaralan at silid-aralan na
may makalaking epekto sa mga mag-aaral.
Gobyerno. Magkakaroon ng kaalaman kung ano ang mga bagay at pangangailangan ng
mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Saklaw at Limitasyon
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral na ang sinasaklaw lamang
ay ang mga nasa ika-lima at ika-anim na baitang sapagkat ang mga mag-aaral na ito ay
ang nakararanas ng paksa ng mga mananaliksik. Ang mga mag-aaral din na ito ay
mayroon ng kakayahan na masagot ang mga katanungan na nababatay sa pamantasan ng
San Luis Elementary School.
Hindi naman sinasaklaw ng pag-aaral ang mga mag-aaral na nasa ika-una at ikaapat na baitang sapagkat hindi pa sapat ang kaalaman ng mga mag-aaral na ito sa
pagsagot ng mga katanungan ng mga mananaliksik.

Tala ng Sanggunian
4

www.lds.org/liahona/google.com

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Ang Kabanata II ng kasalukuyang pag-aaral ay naglalaman ng Kaugnay na
Literatura, Kaugnay na Pag-aaral, Sintesis, Balangkas Konseptwal, Paradigma ng Pagaaral, at Katuturan ng Terminolohiyang Ginamit.

Kaugnay na Literatura
Sa isang ulat ni Sison sa pahayagan ng Inter Press Service, inilahad ang
problema sa kakapusan ng mga gamit at pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa
Pilipinas. Ayon kay Sison, mayroon lamang isang libro sa bawat anim na estudyante sa
elementarya at isang libro naman sa bawat estudyante sa hayskul. Sa ganitong
pamamaraan, lubos at higit na naaapektuhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang problemang ito ay tinalakay din ni Igaya ng Angat National High School.
Ayon sa pananaliksik, napakahalaga para sa isang paaralan na magkaroon ng kumpleto at
dekalidad na pasilidad at kagamitan sa paaralan. Dahil kung hindi sapat ang kagamitan,
hindi lubos maiintindihan at mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga leksyon sa
paaralan.
Ayon naman sa pananaliksik nina Khanam, Reddy at Mrunali ng Acharya NG
Rangga Agriculture University na pinamagatang Opinion of Student on Seating
Furniture Used in Classroom (2006), karamihan sa mga estudyante ay nasabing hindi
komportable sa mga upuan na may arm table. Dahil karamihan sa mga estudyante ay
kaliwang kamay ang ginagamit sa pagsulat.

Sa isang artikulo sa internet, ang karera sa edukasyon ay nagpapahintulot sa


bawat indibidwal na magamit ang kanilang talento sa pagtuturo sa mga kabataan at sa
mga nakatatanda. (www.christianet.com/education) Nabanggit din ni Taylor (1997) na
maraming mag-aaral ang mayroong magandang pagkakaunawa sa mga natura ng
kanilang napiling propesyon.
Isa pang pangunahing problema ng mga mag-aaral ay inilahad ni M.K Holder,
Ph.D., Executive Director ng Handedness Research Institute, isang samahang sumusugpo
sa diskriminasyong natatanggap ng mga left-handed students. Sa pag-aaral ni Holder,
sampong porsyento hanggang tatlumpong porsyento ng mga mag-aaral ay nakararanas ng
ibat-ibang problemang kaugnay ng kanilang paggamit ng desk. Dahil dito, ang mga
mag-aaral ay nakararanas ng muscle spasm, chronic back, head pains at iba pang mga
sakit.

Kaugnay na Pag-aaral
Batay sa pag-aaral ni Trunk ng Brazen Careerist, isang ahensyang nag-uugnay
sa mga malaking kompanya, ang pagkakaroon ng maayos at maluwang na espasyo ay
nakatutulong upang ang isang tao ay mas makapag-isip. Samakatuwid, ang maliit na
espasyo ay may malaking epekto.
Sa isang pag-aaral ng European Agency for Safety and Health of Work, ang maayos
at epektibong pasilidad ay may positibong epekto sa pagiging produktibo ng isang tao o
mag-aaral.

Ayon kay Professor Andam (2007) ng Kwame N Krumah University of Science and
Technology, lumalabas sa pag-aaral na ang mga mag-aaral sa paaralang may kakapusan
sa maayos at angkop na pasilidad ang mayroon lamang na maliit na tyansa upang
magtagumpay at makapasa sa mga eksaminasyon.
Ito ay tinalakay din ni May (2010). Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng maliit na
silid-aralan ay isang malaking problema ng mga guro. Kinakailangan na masiguro na
matagumpay na maisasagawa ang mga aktibidad sa desk ng bawat estudyante.
Ang isinagawang pag-aaral ni Chua, ang bulok na Sistema ng edukasyon at ang
kakulangan sa pasilidad ang dahilan kung bakit karamihan sa mga fresh graduates ay
hindi handa sa kumplikadong mundo.

Sintesis
Ang pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral ay ang sitwasyon na kung saan ang mga
mag-aaral ay naaapektuhan ng lubusan sa maliit na espasyo na inoukupa. Epekto nito,
nahihirapan ang mga mag-aaral ng San Luis Elementary School na makapag-isip at
makagalaw ng maayos.
Batay sa kasalukuyang pag-aaral, ang maayos na pasilidad at kumpletong kagamitan
ay lubos na makatutulong upang maging isang produktibo ang mga mag-aaral. Dahilan
ito upang mas maengganyo ang karamihan at maging aktibo sa paaralan.
Sa kasalukuyang pag-aaral, matutuklasan ng mga mananaliksik na ang hindi angkop
at sapat na kagamitan ay makakaapekto sa pag-unlad ng mag-aaral ng San Luis
8

Elementary School. Base narin sa unang pag-aaral, ito ay lubusang nakakaapekto sa mga
mag-aaral.
Sa isang maliit na silid-aralan, nagkakaroon ng problema sa pagtuturo ang mga guro
sa kadahilanang walang sapat na lugar sa pagtuturo. Katulad ng unang pag-aaral, ang San
Luis Elementary School ay may maliit na espasyo lamang at walang sapat na pasilidad.
Ang isinagawang pag-aaral ni Chua ay katulad ng isasagawang pag-aaral ng mga
mananaliksik sapagkat sinasabi rito na ang bulok na sistema ng edukasyon ng kanyang
pag-aaral ay walang pinagkaiba sa paksa ng mga mananaliksik.
Dahil wala pang naisasagawang pag-aaral tungkol sa epekto ng kakulangan ng mga
kagamitang pampaaralan at silid-aralan sa mga mag-aaral ng San Luis Elementary
School, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral tungkol dito.

Balangkas Konseptwal
Ang naobserbahan ng mga mananaliksik sa mababang pamantasan ng San Luis
Elementary School ay ang sumusunod; Kulang ang pasilidad, Walang sapat na aklat,
Kulang sa upuan at lamesa, Silid-aralan, Electric fan, Espasyo, Palikuran, Pisara, at
Makabagong Teknolohiya.
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Survey Questionnaire upang mabatid ang
saloobin at opinyon ng mga mag-aaral sa paaralan ng San Luis Elementary School sa
Epekto ng Kakulangan ng mga Kagamitang Pampaaralan at Silid-aralan. Magsasagawa

din ng pakikipanayam ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng ika-lima at ika-anim


na baitang.
Batay sa prosesong gagamitin ng mga mananaliksik, matutuklasan ang Epekto ng
Kakulangan ng Kagamitang Pampaaralan at Silid-aralan sa mga Mag-aaral ng San Luis
Elementary School.

Paradigma ng Pag-aaral
Pinagbatayan

Kulang ang
pasilidad

Walang sapat
na aklat

Kulang sa
upuan at
lamesa, silidaralan,
electric fan,
espasyo,
palikuran,
pisara at
makabagong

Proseso

Paggamit ng
Survey
Questionnair
e

Pakikipanaya
m sa mga
mag-aaral ng
ika-lima at
ika-anim na
baitang

Katututran ng Terminolohiyang Ginamit


Narito ang mga Katuturan ng Terminolohiyang Ginamit;
Mag-aaral. Mga estudyante

10

Kalalabasan

Matutukoy ang
Epekto ng
Kakulangan ng
Kagamitang
Pampaaralan
at Silid-aralan
sa mga Magaaral ng San
Luis
Elementary
School

You might also like