You are on page 1of 5

Abstract

Pangalan; Ian Libradilia, Jonel Acejo, Jan Kevin Flormata, Bernard Lagrada, Vanessa
Alcala, Ruffy Castro

Pamagat; Maagang pag-aasawa ng ilang kabataan sa paaralan ng PNS sa edad


na labing apat hangang labing walo.
Kurso; Bachelor
Tagapayo;Gng; Mary Grace Ancheta Jagmis
Pangkalahatan Layunin;
1 .Malaman kung ano-anu ang mga naging dahilan kung bakit nangyayari ito.
2. Upang matukoy kung ilang pursyento ng mga kabataan ang nagaasawa ng
maaga.
3. Upang mabigyan ng pansin ang kabataang nalilihis ng landas .
4. Upang mabigyan ng sulosyon ang mga problimang ito.

Pamamaraan
Ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang palarawan at semieksperimental
upang makamit ang mga layunin sa pag-aaral na ito. Isinagawa ang mga
sumusunod na hakbang.
1.Humingi ng permiso sa punong guro upang manaliksik sa guro ng Values
Education upang alamin kung gaanu karami ng kabataan ang nasasangkot sa
pangyayaring ito.
2.Bago umpisahan ang pananaliksik na ito aalamin kung anung baiting ang
kalimitang nasasangkot sa pangyayaring ito.
3.Pag iinterview sa mga kabataang nasasangkot sa maagang pag-aasawa.

Talaan ng Nilalaman

Dahon ng pagpapatibay;
Basi sa aming pananaliksik napatonayan ito basi sa aming nakikita na kabataang
nagaasawa ng maaga at nahihirapan sila kung papaanu nila bubohayin ang
kanilang pamilya ,dahil wala pa silang sapat na karanasan o kaalaman sa trabaho.
Paghahandog;
Ang grupo ng mananaliksik ay lubusang hinahandog ang kanilang pagsusulit sa
kanilang minamahal na mga magulang,kaibigan kamag aral,guro at higit sa
panginoon na gumawa upang maging posible ang lahat.
Pasasalamat;
Ang mga mananaliksik ay lubusang napapasalamat sa mga taong tumulong upang
mabuo ang pananaliksik na ito.
Abstrak;
Pangkat ikalawa ang gumawa sa pananaliksiik na ito tungkol sa maagang pagaasawa ng ilang kabataan sa PNS sa edad labing apat hangang labing walo, Bunga
ng maagang pag-aasawa karamihan sa kanila ay nagsisi kung bakit nag asawa sila
ng maaga dahil sa hirap ng buhay at walang maayos na trabahaong mapapasukan.
Panimula
Sa bahaging ito ay magpapakita ka ng batayang ideya na iyong pag-aaral sa
pamamgitan ng maikling talata. Mabuting ipamalas sa bawat pahina nito ang mga
bagay na tulak o nag bigay sa kanya ng motibasyon kung bakit kaylangan ng
gaanong pag-aaral dapat ipahayag mo ang iyong panimmula o introduction ng
pananaliksik sa pinakapayak na anyo ng pangungusap. Ang panimula ang
nagsisilbing diwang gabay sa tunguhin ng pagaaral sapagkat sa bahaging ito
iminumulat ng mananaliksik ang kanyang mga mambabasa sa katuturan at esensya
ng pag-aaral.
Halimbawa ng Panimula
Ang pamilya ang unang humubog sa pagkatao ng isang kabataan. Dito tinutuwid
ang lahat ng pagkakamali upang lumaki ng may takot sa diyos ng isang kabataan.
Kaya kung mali ang pagpapalaki sa isang bata ito ang nagiging dahilan kung bakit

napapriwara ang isang kabataan. Dito na pumapasok ang pagtikim ng ibat-ibang


bisyo gaya ng alak, sigarilyo, marijuana, rugby, at syabo at pagsali sa mga gang at
barkada dahil doon nila nararanasan ang kasiyahan na hindi napapadama ng
kanilang mga magulang na akala nilay tama. Syempre pagkasama mo ang barkada
hindi maiwasang magyayaan ng inuman at hindi mo ito matatanggihan.
Pagnasapunto na ng kalasingan hindi mo na alam kung anu na ang iyong ginagawa,
kaya ditto pumapasok ang premarital sex ito ang nagiging dahilan kung bakit
nakakapag-asawa ng maaga ang ibang kabataan. Pero hindi lahat ng yun ay dahilan
ng maagang pag-aasawa. Ang iba naman ay nagrerebilde sa magulang, naglalayas
ng bahay na walang paalam pag balik buntis na.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang bahaging ito ang tinatawag ni Dr. Mabilin (2010) na pinakaubod ng
pananaliksik. Inilalahad ditto ang mithi ng pag-aaral at ang magiging katuturan nito
sa makikinabang sa gagawing pag-aaral.
Pinapahayag sa bahaging ito ang end user ng pananaliksik upang sa simula pa
lamang ng pagbabasa ay magkaruon ng gabay kung kaninu magiging
kapakipakinabang ang pananaliksik na isinagawa. Isinasaad din ditto ang mga tiyak
na maaaring gumamit ng pag-aaral at may direktang kinalaman sa pag-aaral upang
ito ay mapayaman pa.

Halimbawa ng Kahalagahan ng Pag-aaral


Mahalaga ang pag-aaral sa pag hubog ng kaisipan ng isang kabataan upang
masmadali nilang maintindihan ang tama o mali sa buhay nakatutulong din ang
patnubay ng kanilang mga guro upang mailayo sila sa masamang bisyo. Halimbawa
na lamang ang mga kabataang naligaw ng landas na nagkalat sa ating lansangan
karamihan sa kanila ay namulat sa maling pagpapalaki ng kanilang mga magulang
pero maari sana itong maituwid kung nagkaruon sila ng pagkakataong mag-aral
pero dahil sa hirap ng buhay ito ay naipagkait sa kanila, Kaya nga kung mabibigyan
lamang sila ng tamang edukasyon mababawasan ang suliranin ng ating
pamahalaan at mabibigyan pa sila ng magandang kinabukasan.

Saklaw ng Delimitasyon ng Pag-aaral

Sa bahaging ito inilalahad ang sasakupin mo at hindi isasama sa pag-aaral.


Kailangang ispesipiko ang mga parametro na ilalagay sa mga bahaging ito upang
maging malinaw ang direksyon ng mga impormasyong pagkukuhaan at ang
hangganan ng mga detalye na tatalakayin at bibigyan ng elaborasyon sa pagaaral.a

Saklaw at pukos lamang sa mga kabataang maagang nagsisipag-asawa nabuo ng


mag-aaral ang pananaliksik na ito gamit ang ilang kabataang nakipagtulongan sa
pananaliksik namin.
Ginawa ang pananaliksik sa Palawan National Highschool sa Puerto Princesa City na
matatagpuan Manalo Street. Gamit ang mga gurong nagkaroon ng mga estudyante
ng may karanasang maagang pag-aasawa, ang mga mag-aaral na ito ay
kasalukuyang hindi na nag-aaral.

Depinisyon ng mga Terminolohiya. Ang pagtatala mo ng mga terminolohiya ay


isa sa mga mahalagang dapat bigyang-tuon mo bilang mananaliksik sapagkat
kailangan mong piliin ang mga salita na hindi popular at di pamilyar para sa
kapakanan ng mambabasa.
Ang magsisilbing daan upang magbukas sa isang diwa o magkaugnay na kaisipan
na nais mong palutangin sa iyong pag-aaral ay ang pagtatala at paglalaan ng
depinisyon.

Mayroong dalawang klasipikasyon na dapat taglayin ang bahaging ito. Una, ang
konseptwal na kahulugan na nagbibigay ng denotatibong depinisyon na karaniwang
batay sa diksyunaryo o pamilyar na nauunawaan. Ang ikalawa ay ang opereysyonal
na kahulugan na nagpapakita kung papaano ginamit ang salita batay sa layunin ng
pananaliksik. Ito rin ay tinatawag na supplemental meaning o pantulong na
depinisyon upang maging tiyak ang balyu ng salitang mamamalas sa kabuuan ng
pag-aaral.
Halimbawa ng depinisyon ng mga terminolohiya:
Ang mga sumusunod na salita ay ginagamit sa pag-aaral na ito kaya kailangang
bigyang kahulugan upang lubos na maintindihan ang pananaliksik.
Pamilya, Ito ay binubuo ng nanay at tatay at mga anak, dito rin hinuhubog ang
pagkatao ng isang kabataan.
Gang, Isang samahan ng mga kabataan na walang maidudulot na mabuti sa
kaisipan ng kabataan.

Sigarilyo, Isang uri ng bisyo na mahirap pigilan pag natikman na.


Alak, Ito ay uri ng likido na nakakaimpluwensya sa kaisipan ng isang kabataan
kapag napasubra.
Marijuana, Isang uri ng halaman na ipinagbabawal ng gobyerno dahil sa
masamang epekto sa utak ng kabataan.
Premarital Sex, Pagtatalik ng wala pa sa tamang edad at hindi pa kasal.
Pagrerebilde sa magulang, Pagsuway sa kautusan ng magulang sa kadahilanan
ng maling pagpapalaki ng magulang.

IKATLONG KABATAAN: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Sa bahagi ito nakapaloob ang disenyo ng pag-aaral na naglalarawan kung papaano
mo isasagawa ang pagkuha ng impormasyon sa pag-aaral. Ikaw bilang mananaliksik
ay kailangang sensitibo sa bahaging ito sapagkat sa pagbuo ng disenyo ay dapat
ding isinasaisip ang layunin ng pag-aaral upang magtugma ang mga datos sa
inaasahang direksyon ng pananaliksik.
Sa pagbuo ng disenyo, kailangang isaisip mo muna ang resorses at panahon na
gugugulin sa pagkalap ng impormasyon at saan, sino ang pagbibigyan nito. Ang
disenyo ay nakapadron sa ninanais na gagawing pag-aaral, kung ito ba ay
komprehensibo o isang tangkang prototipong pag-aaral lamang.

You might also like