You are on page 1of 1

MAGADIA, Angelo M

BSBA-MM-3-1N
Apolinario Mabini: Ang Dakilang Lumpo
Magmula pa noong unang panahon ang mga bansa ay nabubuo, nabubuwag at
muling nabubuo sa pamamagitan ng paghihimagsik at rebolusyon. Tigmak ang
kasaysayan ng mundo sa madudugong pag-aklas at labanan na nauuwi sa
maramihang pagkamatay ng mga magkasalungat na pangkat.
Sa Pilipinas, ang mga pagpupunyagi ng lahing Filipino na maging isang
malayang bansa ay tinampukan ng mga bayaning katulad ni Lapulapu, Francisco,
Diego Silang, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Sila ang matatapang na Filipino.
Subalit sa makabagong kasaysayano dahil marahil sa mas masigasig na mga
mamamahayag o mananaliksiklumilitaw na ang mga rebolusyon ay hindi lamang sa
tapang at lakas ng mga bayani naipagtatagumpay. Sa likod ng matatapang na lalaking
namumuno sa larangan ng digmaan, sa likod ng mababagsik na mandirigmang may
hawak na patalim at baril, mayroon palang mga ibang nilikha na umuugit sa kapalaran
ng digmaan sa pamamagitan ng kanilang kakaibang talas ng isip at tibay ng dibdib. Ang
kanilang lakas ay nasa talino at paninindigan. Sila ay malimit na bansagang mga utak
ng rebolusyon.
Maitatanong marahil, bakit kailangang gunitain at dakilain si Apolinario Mabini ng
mga Pilipino? Ano ba ang nagawa niya na nakapagpabago sa ating pamumuhay bilang
Pilipino? Narito ang ilan sa mahahalagang kontribusyon ni Mabini:
1. Si Mabini ang sumulat ng Programa Constitucional de la Republica Filipina
na naging balankas ng unang Konstitusyon ng Republika ng Filipinas. Bagaman hiram
ang karamihang probisyon nito sa American Constitution, si Mabini ang naglagay ng
mga pagbabago at pagsasaayos upang umangkop ang saligang batas sa lokal na
pamahalaang likas sa mga Filipino;
2. Ang El Verdadero Decalogo na sinulat ni Mabini ay hindi mapantayan na
sampong tuntunin para sa makatotohanan at makabuluhang pamumuhay bilang isang
patriotikong Filipino.
Tama lamang na maihalintulad si Apolinario Mabini sa isang abaka, tunay na
matibay sa kabila ng kanyang pagiging paralitiko. Isa siyang inspirasyon sa lahat lalo na
sa aming mga kabataan na hindi hadlang ang anumang kakulangan upang maipahayag
ang nilalalaman ng isip at damdamin.

You might also like