You are on page 1of 2

Kabutihang Panlahat

Ang buhay ng tao ay panlipunan.


Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kanyang sarili lamang. kinakailangan
niyang makibahagi at mamuhay sa lipunan. Isa ito sa mga itinalagang likas na katangian ng
mga nilikha ayon sa Likas na batas.
Ano ang Lipunan?
Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang "lipon" na nangangahulugang pangkat. Ang mga
tao ay may mga kinabibilangang pangkat na may iisang layunin o tunguhin. Sa isang banda,
madalas gamitin ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan. Ito ay galing sa salitang
Latin na communis na ang ibig sabihin ay common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay
binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi
ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang halaga ang mga
natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang
mga layunin o tunguhin sa buhay.
Ano ang kabutihang panlahat?
Sa simpleng pananalita, masasabing ito ay kabutihan ng bawat isang nasa lipunan. Kailangang
maunawaan na ang layunin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal o ang
koleksyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong bumubuo nito. Kapag ganito ang
paniniwalang mangingibabaw, patuloy na mabibigyan ng laya ang mga malalakas na apihin ang
mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
Sanggunian: Learners' Module in EsP Grade 9 ph. 7-12
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
Ang Kabutihang Panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento (Compendiumof the
Social Doctrine of the Church)
1. Ang Paggalang sa indibidwal na tao. Upang maging makatarungan ang lipunan, kailangang
nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang ,
pinoprotektahan at pinahahalagahan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng tao ng kanyang
bokasyon, tungo sa paglinang ng kanyang sarili.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang pag-unlad ang
kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang
sinusukat ito halimbawa sa mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan,
epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad, kapayapaang namamagitan sa bawat
bansa sa mundo, makatarungang sistemang legal at pampolitika, malinis na kapaligiran at
umuunlad na sistemang pang-ekonomiya. Mahalagang may mamagitan upang masigurong
nakakayanan at nararating ang mga ito ng bawat isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito,
natutugunan ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
3. Ang Kapayapaan (Peace)
Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o
kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang
ginagalawan at iba pa Subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat

indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng


kabutihang panlahat.

You might also like