You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG PAGPAPAUTANG

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT,


Ang kasunduan sa pagpapautang ay ginawa at ginanap dito sa Brgy. Queens Row
West, Lungsod ng Bacoor, Lalawigan ng Cavite nina DAYLINDA A. LICARDO, may
sapat na gulang, Pilipino at may pahatirang sulat at tirahan sa Blk 29, Lot 31,
Queens Row West at dito siya ay tinalaga sa unang panig at syang nagpapautang at
si ____________________________________________, may sapat na gulang, Pilipino at may
pahatirang sulat at tirahan sa _________________________________________________at
siya ang itinalagangng pangalawang panig at siya ang umuutang.
AT PINATOTOHANAN:
Na, Ang unang panig ay namumuhunan ng maliitang pondo para makatulong sa
mga nagtitindi o nangangalakal sa Molino Wet and Dry Market, upang sa kahit
papaano maibsan ang problema ng mga nagtitinda sa palengeke.
Na, ang pangalawang panig, ay nagsadya at nagpabatid, na gusto niyang umutang
ng konting puhunan para pang suporta sa kanyang pangaraw-araw na pagtitinda at
ang unang panig ay pinaunlakan ang panagalawang panig na umutang sa mga
kondiyones o mga termino na nailathala sa ibaba:
1. Ang unang panig ay magpapautang sa pangalawang panig ng halagang
_______________________, na babayaran sa loob ng _______________ na araw.
2. Ang utang ay magkakaroon ng interest o tubo. Sa bawat sampung libo ay may
tubo na limangdaang piso at ibabalik ng ikalawang panig sa unang panig ang
hiniram na pera pagkatapos ng tatlong araw kasama ang napagkasunduang interest
o tubo.
Na, ang pangalawang panig o umuutang ay nangangako na susundin ang mga
kondisyones at tutupdin ang pangakong pagbabayad sa takdang araw na
napagkasunduan at bilang garantiya na tutuparin ng ikalawang panig ang
pangakong pagbabayad sa takdang araw ay isinasangla ko o ipinasakamay ko ang
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Bilang patotoo, ang mga nagkasundo ay lumagda sa kasunduang ito ngayong ika_____ ng ___________ taong 2015, dito sa lugar na unang nabanggit sa itaas.

DAYLINDA A. LICARDO
Unang Panig/ Nagpapautang
Nangungutang

__________________________
Ikalawang Panig/

Sinaksihan ang kasunduan ng pagpapautang ni:

PERCIVAL JAMES L. LACEBAL

You might also like