You are on page 1of 2

(REPUBLIKA NG PILIPINAS)

(LALAWIGAN NG BULAKAN)S.S.
(LUNGSOD NG MALOLOS)

SAGOT SA KONTRA SALAYSAY

Ako, si Victorina A. Delos Santos, nasa wastong taong gulang at


kasalukuyang naninirahan sa Looban 1, Loma de Gato, Marilao,
Bulacan, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay malaya at
buong katotohanang nagsasalaysay ng mga sumusunod:
1 Na totoong kami ay mag-asawa ni Norman L. Delos Santos at
nagkaroon ng anak na si Norein A. Delos Santos;
2 Na walang katotohanan na umalis ako ng aming tahanan ng
hindi nagpaalam at walang anumang dahilan. Ang katotohanan
ay nakipaghiwalay ako kay Norman L. Delos Santos dahil sa
kanyang paulit-ulit na pananakit at pang-aabusong verbal at sa
kanyang paulit-ulit na pambababae;
3 Na walang katotohanan na iniwan at pinabayaan ang aking
anak na si Norein A. Delos Santos at puwersahan ko itong
kinukuha kay Norman L. Delos Santos. Ang katotohanan ay
nagkaroon kami ng kasunduan sa barangay kung saan
mapupunta sa aking kustodiya si Norein A. Delos Santos
tuwing Lunes hanggang Biyernes, na nilabag ni Norman L.
Delos Santos sa pamamagitan ng pagkait sa akin na makita
ang aking anak;
4 Na noong una ay naging maayos ang kasunduan namin ni
Norman L. Delos Santos tungkol sa schedule kay Norein A.
Delos Santos ngunit nang nagkaroon ng bagong kasintahan si
Norman ay hindi hindi ko na nakikita ang aking anak;
5

Na walang katotohanan na si Norman L. Delos Santos ang


nag-iisang nagbigay ng suportang pinansyal at emosyonal sa
aming anak na si Norein A. Delos Santos. Ang katotohanan ay
kapag nasa aking kustodiya si Norein A. Delos Santos ay ako
ang nag-aalaga at sumusuporta dito. Ako rin ang sumasama sa
kay Norein A. Delos Santos sa mga kaganapan sa kanilang

eskwelahan at nagbibigay ng mga pangangailangan nito para


sa pag-aaral;
6 Na walang katotohanan na ako ay hindi nakikipagkita sa aming
anak. Ang katotohanan ay tuwing pumupunta ako para sunduin
si Norein A. Delos Santos ay laging sinasabi ng kasambahay
nila Norman L. Delos Santos na ito ay wala sa bahay o kaya
naman ay tulog. Malinaw na itinatago nila Norman L. Delos
Santos ang aking anak para hindi ko ito makasama;
7 Na hinihiling ko sa Kagalang-galang na Taga-usig na maituloy
ang reklamo laban kay Norman L. Delos Santos sa kasong
paglabag sa RA 9262 par. (e)(2), (h), at (i) sa kadahilanang
pawang walang katotohanan at walang basehan ang laman ng
kanyang kontra salaysay.
BILANG PATUNAY, aking nilagdaan ngayong ___________ dito
sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

VICTORINA A. DELOS SANTOS


Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap


___________ dito sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

ko

ngayong

You might also like