You are on page 1of 2

Pagiwas sa masamang pakiramdam dulot ng labis na pagkapuno ng suso o

breast engorgement

• Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang hindi magangdang


pakiramdam na dulot ng mabigat at puno na suso ay ang pagubos ng laman
ng suso sa pagpapadede sa sanggol.
• Minsan, masyadong masakit ang mga suso upang magpadede.
• Upang maiwasan ang pagsakit, gumamit ng bra na husto sa laki ng suso
upang maiwasan ang pagkahila ng mga suso at upang masuportahan ang
mga ito.
• Kung hindi magawa ng sanggol na kagatin ang suso nang maayos
○ Ggumamit ng mainit-init na bagay tulad ng tuwaliya upang mainitan
ang mga suso.
○ Pagkatapos, masahihin (massage) ang mga suso upang masimulan
ang paglabas ng gatas. Sa ganitong paraan, mas magagawang sumuso
ng sanggol.

Paghilom ng mga sugat sa suso

• Ang mga sugat sa suso ay dulot ng malakas na pagsipsip ng sanggol sa suso.


• Ang mga sugat ay maaring lumala dulot ng
○ Maling posisyon ng sanggol (hindi pagsuso ng bata sa itim na bahagi
sa paligid ng utong o areola at sa utong
○ Pilit na paghila sa sanggol upang alisin sa suso
○ Pagpapasuso kahit ubos na ang gatas ng isang suso
○ Hinahayaang basa ang suso nang matagal galing sa lumalabas na
gatas
• Ang mga utong ay maaring magsugat kung masyadong matagal na basa o
tuyo ang mga ito.
• Upang maiwasan ang pagsugat, ibahin ang posisyon ang sanggol sa bawat
pagpapadede.
• Hayaang nahahanginan ang mga suso sa pamamagitan ng pagtanggal sa bra
ng mga 10-15 minuto pagkatapos ng pagpapasuso.
• Kung masyadong masakit ang mga suso at hindi kakayanin na magpadede,
gumamit ng electric o battery operated pump upang lumabas ang gatas.
• Ang masamang pakiramdam dulot ng labis na gatas sa suso ay isang natural
at normal na pagbabago sa suso.

Pagkabahala dulot ng pagsukat ng nainom na gatas ng sanggol

• Upang malaman kung sapat ang napadede sa sanggol, pakiramdaman ang


kagustuhan ng sanggol. Kung kontento na ang sanggol, sapat na ang
napasuso.
• Sa unang mga lingo pagkatapos ipanganak ang sanggol, ang pagkabasa sa
anim hanggang walong diaper o lampin sa loob ng isang araw o 24 na oras
ay sapat na senyales na napasuso ng wasto ang sanggol.
• Habang nagpapasuso sa sanggol, huwag uminom ng kahit anong gamot na
hindi inihatol o hindi naisangguni sa doctor. Ang mga gamot na iniinom ng
nanay ay lumalabas din sa gatas ng ina at maiinom ng sanggol, na maaring
makasama sa sanggol.

You might also like