You are on page 1of 1

Suspect sa mga sunod sunod na nakawan ng motorsiklo sa Liliw, Laguna at

mga karatig bayan nito, arestado na.


Nahuli ang suspek na si Romel Macaraeg matapos magreport sa Liliw
Municipal Police Station ang biktimang si Gil Cadornigara Jr. Itoy matapos
agawin sa kanya ng suspect ang kanyang motorsiklong Suzuki na may
plakang 5015-WA. Agad na nakipagtulungan sa Nagcarlan Municipal Police
Station ang Liliw MPS upang mahuli ang suspect. Nagsagawa naman kaagad
ng checkpoint operation ang Nagcarlan MPS kung saan naharang at nahuli
ang nakipag habulan pang suspect na si Macaraeg habang minamaneho ang
ninakaw na motor.
Ang suspect ay kasalukuyan ng nasa custody ng Nagcarlan Municipal Police
Station.
Samantala, nakasampa na sa Laguna Provincial Prosecutors Office ang
kasong CARNAPPING laban sa suspect.
Mula dito sa Liliw, Laguna,
Katherine Bisco
Eagle News

You might also like