Professional Documents
Culture Documents
ni G. Chandi T. Santos
Sa isang liblib na probinsya ay may isang
babae na ubod ng itim at may katabaan,
ngunit ang tingin ng babaeng ito ay siya ay
napakaganda. Sapagkat naniniwala ang
babaeng ito na ang tunay na kagandahan ay
nagmumula sa kalooban, sa isang busilak na
puso ang babaeng ito ay nagngangalang
Bertang Ulingdi lamang dahil sa kulay ng
balat nya na katulad sa itim ng ulingkundi
siya ay tindera ng uling sa kanilang baryo
Bertang Uling :Magandang umaga araw,
magandang umaga bulaklak, magandang
umaga ibon at sa lahat magandang
maganda ako sa inyong lahat aba-aba! tila
may di sumang-ayon sa akin naturan at may
nagmamaasim ang di maniwala sa akin ay
mangangamoy maasim na tila kasing-asim
ng sinigang sa bayabas.ngayon may di pa
rin ba sasangayon sa akin.
Sa Bahay nila Berta
Aling Bising: BertaBertaBerta
( Palakas ng palakas ang tinig) tama na yang
pagsasalamin mobaka sa sobrang
pagsasalamin mo ay mabasag na ang
salamin sayang naman.
Berta Uling : Si inang naman palabiro ka
talagaalam mo naman na ang aking
kagandahan ay namana ko lang sa iyo at
baka nakalimutan mo na inang na minsan ay
sumali na ako sa patimpalak ng kagandahan
at naging paborito ako ng madla
( pagbabalik tanaw)
Guro ng Palatuntunan: At ang nagwagi
bilang Bb. Mag-uuling ay walang iba kundi
si..Bb. Bertang Ulingpalakpakan natin
sya.
Bertang uling : ( kakaway) Sa lahat
maraming-maraming salamatsa naniniwala
na ako ay maganda at maalindog.
(rarampa) anu panama sa akin ni Venus
Rahjni Shamsey Supsup at Janine .? ano
nga apelyido nya kcsapsapChuba o
Chorbaa basta ang importante ako ang
nagwagi at sila ang mga nasawi Isang
malaking Korekpinagpala yata akodahil
lamang yata ako sa pag-unday ng aking
balakang kay MJ Lastimosa( kakaway uli na
tila pang-Miss Universe)
Aling Bising Naku! tama na nga yan Berta
at tanghali na, siguradong tirik na ang araw
kapag ilalako mo na ang mga paninda mong
uling.
Ang Paglalako
Bertang uling: Ale, mama, bata, matanda
at anumang kasarian bili na kayo ng aking
mga ulingmaganda ang aking mga uling,
sapagkat ang mga ito ay galing pa sa
Bundok ng Pralalasa tuktok ng mga
bundok.
Menggay: Abaaba narito pala ang reyna
ng mga ulingna para bagang nanghiram pa
ang uling para ito ay maging maitim.
(tatawa ng malakas)
Kiloy: Mali ka nang pagkukumpara kay Berta
sa kaitiman sa uling...sobra ka naman
Menggaymadalas ko ngang makita sa
aming kusina si Berta.Bakit kamo
Menggay? Madalas kasing masunog ng
aking ina ang aming sinaingyung bagang
tutongna madalas na pagkain ng aming
alagaing baboy.( mas malalakas na
pagtawa ng dalawang nanlalait kay Berta)
Bertang uling : Hoy.hoyhoy! mga
magaganda at kagwapuhan na
Kiloy..nahihiya naman ako sa inyosa
porselana nyong mga balat..kung di ko pa
alamna kung bakit sa tirik at tindi ng sikat
ng araw ay nakamahaba kayong
kasuotan.Menggay tignan mo nga ang
katawan mo na tila aparador na binalutan ng
kurtinaat ikaw naman kiloynaging blandi
lang naman ang buhok mo dahil ito ay
pinaliguan mo lamang ng agua oksinada
(magbubulungan ang mga tao sa paligid sa
kantyawan nila Berta at may tatawa ng
malakas)
Kiloy:Kung ako sa iyo Berta lalayas na ako
dito. Dahil pati mga tao nagtatawanan na rin
sa iyo
Berta: Mahina rin pala ang kokote mo
Kiloypaano ako tatawanansa ganda kong
itoDiyosa sa lahat ng Diyosadi tulad nyo
mga alipin sa gigilid na mukhang mga
gilagid
Mengay: Talagang hinahamon mo ako
Berta..kapag di ako makapagpigil ay
tatamaan ka na sa akintandaan mo bukas
amin naman ang araw at luluhod ka sa
asinan na magmakaawa sa amin
Sa Kaharian ni Sinukwan
( Mga sigaw ng mga hayop)
Itigil ang pamumutol ng puno
Ibagsak ang ulingan nila Bertang Uling
Sunugin si Bertang Uling
Tama na sobra na tigilan na
Ituwid ang likong gawi ng mga tao( Lalabas
ang Diwatang Sinukwan sa kaniyang
kaharian)
Sinukwan: Ano ang kaguluhan na ito? Bakit
kayo tila galit na galit ?
Manok: Mahal naming diwatanagkakasakit
na po ang lahat ng hayop dito sa
kabundukan, pati kabundukan ay nakakalbo
na sa kakaputol ng mga taolalo na si
Bertang mag-uuling walang habas sa
kasusunog ng mga pinutol na puno upang
gawing uling
Kambing: Di na rin po ako makahinga ng
maayos, dahil di na malinis ang hangin na
aking nalalanghap nakakalason na po.
Kaya lagi na lang akong hinahatsing
Baboy: Mahal na diwatadapat na pong
turuan ng aral si Berta para malaman niyang
mali ang hanapbuhay na kaniyang
pinagkakakitaan
Sinukwan: Sa lahat ng iyong isinumbong sa
akin ako ay sumasang-ayon na dapat
parusahan ang sinuman nagkakasala sa
kalikasankaya kayong tatlo ay inaatasan
kong dakpin nyo si Berta at iharap sa akin
upang siya ay aking maparusahan(sabaysabay na sagot ng mga hayop)
Mga Hayop:Masusunod po mahal naming
diwata.
Sinukwan: At para mapabilis ang paghuli
nyo kay Bertang Uling narito ang aking
mahiwagang alampay sakyan nyo at ito at
lilipad, upang dalhin kayo sa kinaroroonan ni
Berta Uling at narito rin ang aking
mahiwagang lambat upang mahuli nyo sya
agad...ihagis lamang ninyo habang kayo ay
nasa himpapawid sa tapat ni Berta at kusa
itong kikilos upang hulihin ang mag-uuling
na Berta.(dali-daling sumakay ang tatlo at
inilipad na nga sila ng mahiwagang alampay
ni Diwatang Sinukwan)
Ang Paghuli kay Berta
( sa himpapawid sa tapat ni Berta)
nagpalawak ng karagatan;Nagpasibol sa
damo, pananim at punung-kahoy sa
kagubatan;Nagparangya sa araw, mga bituin
at buwan;Nagpabukal nang sagana sa
kinapal ng himpapawid, katubigan at
kalupaan.Lahat ay nagkagayon, nalikhat
naisakatuparan nang dahil sa Wika ng
Dakilang Maylalang!Buong inat na isinaayos,
perpektong inihubog, Nilalang at nililok nang
sa sangkatauhay maihandog. Ngunit
pagdakay namulat, Kalikasay nawasak,
naghihingalot niyurak. Nang mga
tagapangalagang pinaglaanan at
pinagtagubilinan.Kagubatay kinaingit
tuluyang hinubdan ng kabirhenan. Patawad
kalikasan! Mula ngayon di na ako si Bertang
Uling dahil bukas ako na si Bertang
luntian.binhi at gulay na lamang ang aking
ilalako at ako na ang magiging Mutya ng
mga Mutya ng Kalikasan