You are on page 1of 7

Aralin 2: Naipapaliwanag

na ang ispiritwalidad ay
pag kakaroon ng mabuting
pagkatao
Unang Markahan sa ESP VI

Ang Prusisyon
Ate Lita, magmadali ka wika ni Melba sa nakatatandang kapatid.
Narining mo ba ang naririnig ko?
Aba, oo, tunog ng banda yan ah, sagot ni Lita na sabay takbo sa
may bintanan. Siguro yan na ang prusisyon na paparito sa ating
kalye.
Ate, kukuha ba ako ng kandila? tanong ni Melba. Sige kumuha
ka at dalian mo lamang, wika namna ni Lita. Kumuha ng dalawang
kandila si Melba at sindihan ang mga ito.
Inabot ang sinding kandila sa ate niya. Ang isa naman ay
hinawakan niya. Ilang minuto lang ay dumaan na ang prusisyon sa
tapat ng bahay nila.

Ang Prusisyon
Tahimik ang buong paligid habang dumadaan na ang prusisyon.
Nang makalipas lamang ito, saka pinatay ni Lita ang sindi nilang mga
kandila.
Nakaayos ng prusisyon at punong-puno ng kulay ito, puna ni Lita.
Ate napansin ko na ang bahay ni Aling Rosa ay may sindi ring kandila. Hindi
naman sila Katoliko ah, pansin ni Melba. At hindi lang iyan ate. Napansin
ko rin na ang mga anak niyang naglalaro sa tapat nila ay nagsipaghinto sa
paglalaro at tahimik na pinanood ang prusisyon, dugtong pa rin ni Melba.
Oo hinsila Katoliko pero iginagalang nila ang ating gawaing panrelihiyon
sagot ni Lita. Talagang ganyan ang dapat gawin ng isang mabuting tao.
Igalang niya ang relihiyon ng kapwa niya.

Panlinang na
tanong

Bakit nakaabang sa bintanan ang magkapatod?

Ano ang kanilang ginawa na tanda ng kanilang paggalang sa


dumadaan na prusisyon?

Ano ang ginawang kanilang kapitbahay na si Aling Rosa nang


dumaan ang prusisyon?

Ano ang ipinakita ni Aling Rosa sa pagsisindi niya ng kandila?

Kayo ba ay nagsisindi rin ng kandila o kayay nagpapakita ng


magandang asal kung may prusisyon ng ibang relihiyon na
dumadaan? Bakit?

Pagtataya
Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na
nagsasaad ng dapat mong gawin?
1. Kaibiganin ang mga kamag-aral na iba ang uri ng
pananampalataya.
2. Gumawang mga bagay na makakatawag pansin sa
ibang nananalangin upang malaman nila na iba ang
reihiyon.
3. Kumbinsihin ang mga kaibigan mo na maganda ang
relihiyon mo kaysa sa kanya.
4. Manalangin sa paraang natututunan mo sa inyong
relihiyon kahit sa ibang pook dasalan.
5. Igalang ang ibang pook dasalan ng ibang relihiyon.

Takdang Aralin
Ano ang mangyayari kung may batas na
nagsasaad na dapat isang uri lamang ng
pananampalataya ang paiiralin sa bansa?

You might also like