You are on page 1of 2

Lupain ng Taglamig

Buod

Ito ay isinulat upang ipakita ang pag-iibigan sa dalawang magkaibang tao. Ang
akda ay tungkol sa pagmamahal, pagnanasa, kagandahan, pagkalungkot at
kawalan. Ang ''Lupain ng Taglamig'' ay masasabang kwento tungkol sa babae at
lalaki, mayaman at mahirap, bayan at lalawigan, tradisyon at pagbabago,
kanluran at silangan, at ang panandaliang paglitaw ng bagay-bagay. Ang akda ay
may pinaghalong sangkap ng kultura at kalikasan.

Ang paksa ng kwento ay kalungkutan, pagkasidhi ng imposibleng pag-iibigan,


kalunos-lunos na kaparangan sa kagandahan at pag-iibigan, ang tradisyonal na
tema ng ''mono no aware'', ang kamalayan ng kagandahan at kapanglawan sa
pansamantalang imahe ng kalikasan, buhay at kaugnayan ng bawat tao. Ang
kwento ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkaibang tao--isang lalaking
masasabing kabilang sa mga nasa gitnang uri at isang geisha na may mababang
sosyal na katayuan.

Ang lalaking protagonista ay si Shimamura. Siya ay baguhan ngunit mapera. Ang


pinakapinag-aabalahan niya ay ang pagsulat ng mga monograp tungkol sa
ballet. May asawa na siya ngunit may natipuhan siyang isang geisha na naging
kaibigan niya. Ito ay si Komako. Palagi niya itong dinadalaw sa resort na
pinagtatrabahuan nito. Si Komako naman, ay halatang may gusto rin kay
Shimamura. Hindi niya ito hinahayaang mawala sa kanyang paningin at palagi
siyang nananatili sa kwartong inuukopahan ni Shimamura. Samantala,
interesado rin si Shimamura kay Yoko. Si Yoko ay isang babaeng nasa ilalim ng
pangangalaga ng isang nagtuturo sa musika. Sa gitna ng kwento ay tila may
agawan sina Yoko at Komako para kay Shimamura.

Ang pamagat ng kwento ay ibinase sa tagpuan ng kwento, sa isang lalawigan sa


Japan na nakakaranas ng matinding taglamig tuwing Disyembre. Ang tagpuan ng
kwento ay sa maniyebe na kabundukan sa Kanluran ng Japan.

Si Shimamura ay bumalik sa lupain ng taglamig, dahil sa kagandahan ng


kapaligiran at tradisyonal na pamumuhay ng mga tao rito. Isa rin sa mga dahilan
kung bakit siya bumalik ay si Komako, isang bata at baguhang geisha na nakilala
niya noong nakaraang byahe niya rito. Siya ay isang mayamang mamamayan na
nais kumawala sa buhay niya sa Tokyo at sa kanyang asawa. Noong tagsibol ay

pumunta siya sa kabundukan upang makapag-isa at doon siya nagkaroon ng


interes sa mga geisha. Kasunod nito ay nagkaroon sila ng relasyon, isang pagiibigang tila ayaw matupad. Ngunit sa huli, tila wala siyang kakayahan upang
umibig. Si Komako naman, ay naninirahan sa gitna ng pag-ibig at buhay,
madaling naaapektuhan sa kanyang mga emosyon at mga pagsubok sa buhay
na maaaring ikahantong niya sa pagkasawi at pagkabigo. Siya ang sentro ng
kwento, dahil siya, mula sa isang baguhan at walang kaalam-alam na bata ay
naging isang madamdaming babae at tanggap na niya na talagang may
pagbabago sa bawat yugto ng buhay.

You might also like