You are on page 1of 6

Ano ang sakit na dengue?

In: Mga Sakit [Edit categories]


Chat With Single Men
Meet Handsome Single Men Register Today & Start Chatting
asiandating.com/Filipino
ImproveAnswer:
Ang dengue ay nakukuha sa isang lamok na karaniwang gumagala sa umaga
ito ay tinatawag na aedes egypti mosquito.ang symtomas nito sa umpisa ay
parang trangkaso...un nga lang unglagnat ay d bumababa kahit anong
painom ng paracetamol o kahit na anong gamot na makapagpababa ng
lagnat ang lagnat laging nasa 39-40 degree centegrado.napapatunayang
may dengue ang pasyente kapag positivo sya sa torniquet test na kung saan
pagkatapos ng 30mins na nakatorniquet ung braso ng pasyente ay may mga
red rashes na lumalabas sa braso,nanghihina at masakit ang mga
kasokasuhan.kapag may active bleeding ito ay tinatawag na hemmorrhagic
dengue fever...na kung saan ang platelet ng pasyente ay bumababa ng
bumababa na dahilang ng pagkakaroon ng pagdudugo.sinasalinan ng
platelet ang isang biktima at naglalagay din ng swero para mapunan ang
pagkadehydrate ng isang may dengue at nakakatulong din ito para
mapanatili na well hydratyed ang isang pasyente na syang daan para
makarecover ito sa nasabing sakit.yong swero ay hinahaluan ng vit c para
muling lumakas ulit ang resistensya ng nasabing biktima.
Iba't ibang kasagutan:
1. Ang dengue ay isang sakit galing sa mga lamok na may dalang
bacteria...
2. Ang dengue ay isang sakit na maaring ikamatay ng isang tao..
3. Ang dengue ay isang malubha at nakamamatay na sakit.Dahilan nito ang
pagkagat ng lamok ng di namamalayan at ang lamok mismo ay may dalang
'virus' at kung ikaw ay kagatin nito maari na ngang doon makuha ang sakit
na dengue

ANO ANG GAMOT SA DENGUE FEVER?

Dengue fever ay isang kondisyon dulot ng Dengue virus,


na siya namang dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes
aegypti. Hindi nakakahawa ang dengue tao sa tao; Kagak
ng lamok na may dala ng dengue virus ang sanhi ng
pagkakasakit. Lagnat at pagdudugo sa katawan ay
dalawang katangian ng dengue na malala na, kaya itoy
tinatawag na Dengue Hemorrhagic Fever.

Kusang nawawala ang dengue fever matapos itoy


magsanhi ng ibat ibang sintomas sa loob ng ilang araw
hanggang isang linggo. Subalit mahalagang bantayan ng
mabuti ang pasyente na may dengue fever. Narito ang
mga payo upang gumaling ng maayos ang pasyente:
1. Kumpletong pahinga. Alisin na ang mga bagay na
nakaka-stress sa pasyente, at mga nakakapagod na
aktibidades na pisikal. Sa halip, hayaan syang
makapahinga sa kama ng walang iniisip. Kung ang
may sakit ay isang estudyante, mag-absent na lang
muna sa klase.
2. Uminom ng maraming tubig, juice, soup, atbp. Ang
pagpapanatiling sapat ang tubig sa loob ng katawan
ay isang mahalagang haligi ng gamutan ng dengue.
3. Magpatingin kaagad sa doktor kung may mataas
na lagnat na may kasamang mga sintomas na ating
nabanggit sa naunang artikulo. Ang pasyente ay
maaaring ma-ospital kung kinakailangang tiyakin ang
sapat ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng swero
o IV fluid hydration, at para ma-monitor kung meron
o magkakaron ng mga palantaan ng pagdudugo sa
katawan, at masalinan kaagad ng dugo kung
nararapat.
4. MAHALAGA: Iwasan ang pag-inom ng aspirin o
ibuprofen kung ikaw ay may dengue fever, o may
mataas na lagnat na hinihinalang dengue, sapagkat
ang pag-inom nito ay nakakataas na posibilidad na
magkaron ng komplikasyong pagdurugo sa katawan
ang dengue. Sa halip, uminom na lamang ng
Paracetamol na siyang ligtas na pampababa ng
lagnat at sakit ng ulo sa mga may dengue.
5. Huwag basta maniwala sa kung anu-anong gamot
na inaalok na para daw sa dengue. Dahil uso ang
dengue, maraming mga taong nanganako ng gamot

para dito. Kasama na dito ang mga herbal na gamot


gaya ng tawa-tawa (Tingnan ang artikulong ito sa
Kalusugan.PH tungkol sa tawa-tawa). Bagamat
maaaring may pag-asang makatulong ang mga ito,
sapagkat ang dengue ay isang kritikal na
karamdaman, mabuti na ang sigurado.

Ano ang sintomas ng sakit na


dengue?
1. May lagnat
2. nangangaligkig at giniginaw
3. masakit po ang mata pag gumagalaw
4. masakit ang ibabang bahagi ng likod
5. Masakit ang mga hita at mga kasukasuan
6. Mataas ang lagnat na umaabot sa 40degrees tapos
mabagal ang pagtibok ng puso
7. mapula ang mata
8. may rashes sa mukha tapos nawawala
9. paggrabe na po ang dengue dumadami na po ang
rashes sa katawan.
Ibang kasagutan:
Pagdudugo ng ilong, pagkakasakit ng 2 linggo,
pagsusuka at pamumula ng mata.

Alamin ang pagkakaiba ng mga


sintomas ng dengue at
meningococcemia


"Sa isang tingin, posibleng may pagkakapareho ang mga sintomas ng
dengue at menigococcemia tulad ng pagkakaroon ng lagnat at rashes."
Sa isang tingin, posibleng may pagkakapareho ang mga sintomas ng
dengue at menigococcemia tulad ng pagkakaroon ng lagnat at rashes.
Ngunit binigyang-diin ng isang eksperto na mayroon itong mga pagkakaiba
na kailangang obserbahan bago lapatan ng lunas.
Inisa-isa ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, sa panayam ng ABSCBN News Channel (ANC), ang pagkakaiba ng dengue fever at
menigococcemia
Dengue bacteria:
1. Ang dengue bacteria ay nakukuha mula sa kagat ng lamok.
2. SINTOMAS: On and off fever hanggang tatlong araw.
3. SINTOMAS: Muscle pain at headache.
4. SINTOMAS: Maliit na rashes.
5. Wala pang gamot laban sa dengue bacteria.
Menigococcal bacteria:
1. Ang meningococcemia ay nakukuha sa neisseria meningitidis bacteria
na naipapasa ng mga healthy adult.
"We find it in healthy adults. They are carriers, we harbor it. You, me

everybody, about 5%. Now the way we spread it is that we if we directly


sneeze or cough," ani Tayag.
2. Ang menigococcemia ay hindi gaanong nakakahawa.
3. SINTOMAS: Pagkakaroon ng lagnat na sasabayan kaagad ng
pagkakaroon ng mga rashes na kulay pula o kaya'y purple.
4. Kadalasang tinatamaan ng meningococcemia ang may mga mahihinang
immune system partikular ang mga laging puyat, heavy smoker, in extreme
diet, mga bata, matatanda, buntis at may existing medical condition.
5. SINTOMAS: Seizure, stiff neck, anxiety, shock, pagdurugo sa ilalim ng
balat, pagkahilo.
6. Mayroon nang bakuna laban sa menigococcemia virus na commercially
distributed ngunit wala pang programa nito ang Department of Health
(DOH).
Una nang pinawi ng DOH ang pangamba ng publiko
sameningococcemia kasunod ng pagkamatay ng isang apat-na-taong
gulang na bata sa Amang Rodriguez Memorial Hospital sa Marikina City.
Paaala pa ni Tayag, tanging ang mga may direct contact sa isang
menigococcemia patient ang dapat bigyan ng antibiotic prophylaxis hindi
ang lahat na nakakita o nakasama nito.
Nakukuha ang direct contact sa paghalik o kaya'y paggamit ng mga gamit
na pinagkainan ng pasyente tulad ng mga kutsara, tinidor, baso, at iba.

You might also like