You are on page 1of 1

JOSE RIZAL

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay


ipinanganak sa CALAMBA Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang
kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Si Rizal ay
pampito sa labing-isang magkakapatid.
Ang ina ni Rizal ang kanyang unang naging guro. Nakapagtapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23,
1876. Ipinagpatuloy ang pag-aaral ng Medisina at Pilosopiya sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid sa
Espanya.
Sinulat niya ang dalawang nobela na Noli Me Tangere (Touch Me
Not) at El Filibusterismo( The diseases of the Society) na
naglalarawan ng pagtrato ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Nagtatag ng samahan na tinawag na La Liga Filipina na ang
layunin ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at mapaunlad ang
komersiyo,industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, siya ay nakulong sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan sa loob ng apat na taon.
Noong Disyembre 26, 1896, si Rizal ay nahatulan ng kamatayan
sa dahilang siya ay nagpasimula ng rebelyon laban sa mga kastila at
noong Disyembre 30, 1896, siya ay binaril sa Bagumbayan ( Luneta).

You might also like