You are on page 1of 1

MGA PAALAALA SA MGA MAY BAHAGI SA SIMPOSYUM SA KOMBENSIYON

Ang iyong pahayag ay isa lamang sa maraming pahayag na inihanda para idiin ang kabuuang tema ng
kombensiyon. Pakisuyong huwag magpasok ng mga puntong wala sa iyong outline.
Napakahalaga ng lubusang paghahanda para makapagharap ng isang masigla at nakapagpapatibay na bahagi.
Maingat na sundin ang oras! Buuin ang outline ayon sa itinakdang haba ng oras sa bawat subtitulo. Kung mago-overtime ka, mapipilitang magpaikli ng pahayag ang mga brother na kasunod mo, at hindi makikinabang
nang husto sa programa ang mga tagapakinig. Ang buong pahayag mokasali na ang mga interbyu,
pagtatanghal, isinadulang pakikipag-usap sa sarili, at ang pagpapakilala sa susunod na tagapagsalitaay dapat
na pask sa kabuuang oras ng iyong pahayag. Kakain ng maraming oras ang mahabang introduksyon. Ang
introduksyon mo ay dapat na maikli at tuwiran sa punto. (be 216) Ang oras para sa bawat seksiyon ay makikita
sa subtitulo na nasa malalaking titik.
Hindi kailangang basahin ang lahat ng binanggit na teksto. Bigyan ng higit na pansin ang mga tekstong
sumusuporta sa mga pangunahing punto.
Bigyan ng sapat na panahon ang mga tagapakinig na hanapin ang mga teksto. Para sa mga mungkahi kung
paano ito gagawin nang hindi ka mag-o-overtime, tingnan ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo,
pahina 146, parapo 4-5.
Magpahayag nang ekstemporanyo. HUWAG BASAHIN SA MGA TAGAPAKINIG ANG IYONG
PAHAYAG.be 50, 166, 174-178.
Bagaman mabuti ang pagpapahayag sa paraang nakikipag-usap, kailangan ang pagkontrol sa pagsasalita, lakas
ng tinig, at pagdiriin ng mga susing salita. Sa kabilang panig naman, iwasan ang pagiging bombastiko.
Inayos ang outline ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ideya; sa halip na baguhin, maging pamilyar sa
pagkakasunod-sunod na ito. Huwag magpasok ng iba pang materyal o opinyon. Huwag sasabihing may
mahalagang punto sa outline na nais mong basahin nang salita-por-salita.
Iwasan ang mga ilustrasyon na puwedeng makasakit sa damdamin ng ilang tagapakinig.be 240-246.
Kapag humahanap ng mga huwarang kapatid na gagamitin sa iyong bahagi, lagi munang makipag-ugnayan sa
kani-kanilang Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon.
Dapat na sa iyo sasabihin ng mga iniinterbyu ang kanilang komento, hindi sa mga tagapakinig. Pero hindi nila
kailangang ulit-ulitin ang pangalan mo sa tuwing sasagot sila. Dapat na espesipiko ang kanilang sagot sa bawat
tanong, at karaniwan nang hindi lalampas sa 30 hanggang 60 segundo. Ang mga iniinterbyu ay hindi dapat
hilingang magbigay ng mungkahi o payo sa mga tagapakinig, maliban na lang kung iyon ang tagubilin sa
outline. Ikaw ang may pananagutan na ikapit ang mga puntong naglalarawan, sumusuporta, o nagbibigay-linaw
sa mga pangunahing punto.
Dapat tapusin ang bawat pahayag sa magkakatulad na paraan. Mas makatitipid sa oras kung sa paglabas ng
tagapagsalita sa entablado magpapalakpakan ang mga kapatid. Kaya sa halip na iharap ang konklusyon,
huminto sandali, at saka ipakilala ang susunod na tagapagsalita, pakisuyong isama na sa nakapagpapasiglang
konklusyon mo ang pagpapakilala sa susunod na tagapagsalita.
Ipanalangin kay Jehova ang iyong bahagi sa kombensiyon, at pagpapalain niya ang iyong pagsisikap.
Pagkatapos ng iyong bahagi, maaari kang hilingang pumunta sa Chairmans Office.
CO-91-TG Ph 3/14

You might also like