Nang muling magising Habang nagtatalo ang subot sagitsit Ng tuyot sinaing. Kumukutitap pa sa sulok ng mata Ang planetat bitwin Bagamat naglaho ang sintang prinsipe, Hasmin at palangkin. Naisumpa niya noong dalagita Na siyay aahon Mula sa malansa at bukid na basa Ng liblib na nayon; Kipkip ang pangarap sa isang tampipi, Hindi lumilingong Napaangkin siya sa tukso ng lungsod At bughaw na layon. Tulad sa istorya ng ligaw na sisiw, Pagod na at lanta Nang kanyang kagatin ang buhay sa isang Lumang aksesorya. May nakapagsabing darating nga ngayon Ang galang asawa Kayat maaga pay naghandat naglinis Saka nagpaganda. Sa pagbukas ng pinto, siya ay pipikit Sa saliw ng byolin At magpapalunod sa hasmin at himas Ng asawang lasing.
Ibong Adarna Corrido at Buhay Na Pinagdaanan Nang Tatlong Principeng Magcacapatid Na Anac Nang Haring Fernando at Nang Reina Valeriana Sa Cahariang Berbania by Anonymous (Anonymous)