masaya, Para bang sarili natin ang mundo Habang dinadama ang saya sa piling mo At ang lahat ng pighati, lungkot pinawi ng ngiti Walang katumbas bawat sandali Ikaw ang dahilan sa aking pag-ngiti. Ito ay simpleng kanta At ako ang mismong gumawa at ikaw ang dahilan kaya labis na natuwa Naaalala ko nung tayo'y nasa elementary Iisa ang ating classroom at Ikaw ang Katabi. Ang bawat oras sakin ay sobrang napakahalaga Habang nakatitig ako sa mala-Dyosa mong ganda At araw-arae lagi na kong gumigising ng maaga Kahit na wala kong baon ay palaging masaya Nagagawa ko ng lahat ang mga utos ni Inay At sa mga kaibigan ay naging mapagbigay Hindi na ko takot matulog sa dilim na mag-isa. Natutunan ko na rin damit ko pa'no maglaba Ang takdang aralin nagagawa ko mag-isa Ikaw na rin kaya ang aga ko natuto magbasa Pagtapos na klase natin sabay tayo uuwi Parang bibigay ako 'pagnakita ka ngumiti Lumipas ang ilang taon parang mas matindi Lalo kang gumaganda habang tayo'y papalaki At 'pag nakita kong hinawi ng ,malambot mong kamay Ang buhok parang limot ko na ang palo ni Itay Gumamela ang tingin koy parang mamahaling rosas Pag daan mo para bang nagkaroon ng bandiritas Parang birthday ko pag magkasama tayong dalawa at kinikilig ako kapag ngumingiti ka na Ang mga ibon ay parang mga angel na umaawit Feel na feel ko pag sa mga braso ko ay naka'kapit Pag tumitig ka ay para bang titigil ang mundo At ang tinig mo ay para bang pipigil ng bagyo Lakas loob ko na sa'yo na sasabihin ng tapat Na mahal kita, Ang kaya ko'y ibibigay lahat Halos ikabaliw ko nang malaman kong mahal mo rin Saksi ang puno"t bulaklak sa Gitna ng Bukirin Lahat ng oras laging nasa isip ko'y ikaw Bawat minuto nais ko'y lagi kang matanaw Ikaw ang reyna ko, Ang bukid para bang naging palasyo Sa kasal ang gagawin ko kalabaw ang ating oto Pagmamahal na iuukol ko'y 'di matutumbasan Promise ko' di ka iiyak laging babantayan Gagawa tayo ng isang maligayang pagsasama Sa bukid tayo bubuo ng isang masayang pamilya Iingatan ko kayo na parang aking kayamanan Ikaw ang ilaw at ako'y haligi ng tahanan Matibay na para bang gawa sa punong narra Magtiwla ka, Lahat ng pagsubok ay makakaya
Kahit anong balakid man ang atin dumating
Sa pag-ibig mo kahit ang sakit koy gagaling\ Diko na kailanagn pa ng mga yaman at ginto At sa pag-iibigay walang makakapaglayo