You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Lungsod ng Batangas
District IX
PAARALANG ELEMENTARYA NG PAGKILATAN

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EKAWP VI


Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot at itiman ang titik
nito.
1. Matalik na kaibigan ni Allan si Ariel. Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain, nais ni
Allan na desisyon lamang niya ang dapat masunod. Bilang kaibigan, paano papayuhan ni Ariel si
Allan?
A. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang gumawa ng gawain.
B. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion ng lahat.
C. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D. Sasabihan ko siya na huwag na lamang gumawa ang pangkat.
2. Ano ang maaring gawin ng isang may-ari ng kompanya upang malutas ang sigalot sa pagitan ng
kanyang mga manggagawa?
A. Tumawag ng isang pulong at alamin ang sanhi ng sigalot.
B. Huwag na lamang pansinin ang pangyayari.
C. Hayaang lumala ang sigalot
D. Alamin ang sanhi ng sigalot at magdesisyon ukol sa ikalulutas nito.
3. Ikaw ay panaganay sa apat na magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na
pangangailangan at walang hanapbuhay ang iyong mga magulang dahil dito nais na ng mga kapatid
mo na huminto sa pag-aaral. Ano ang maari mong maging desisyon?
A. Hahayaan ko na lamang silang huminto sa pag-aaral.
B. Bilang nakatatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon.
C. Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag-aral.
D. Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral.
4. Nasalubong mo ang kaibigan mo na may dalang tirador. Sinabi niya na gagamitin niya ang tirador
sa paghuli ng ibon. Ano ang gagawin mo?
A. Sasama ka sa kanya sa paghuhuli ng ibon.
B. Kunin ang kanyang tirador at itapon
C. Takutin siya na may malaking ahas sa mga kahoy.
D. Ipaliwanag sa kanya na ang mga ibon ay kaibigan ng tao.
5. Paano kayo makakatutong sa mga magsasaka?
A. Huwag patayin ang mga ibon.
B. Hulihin at paglaruan ang mga ito.
C. Pabayaang pinapatay nila ang ibang hayop
D. Kunin ang mga itlog ng ibon.
6. Nakaugalian na ng taga Barangay Malinis na magtapon ng basura sa ilog. Paano kaya malulutas
ang ganitong gawain?
A. Makipagtulungan sa mga opisyales ng barangay hinggil dito.
B. Tumulong sa pagtatapon ng basura.
C. Ikulong ang mga nagtatapon ng basura.
D. Ipalinis sa mga opisyales ang kalat sa ilog.
7. Si Alden ay pinuno ng mga kabataan sa kanilang barangay. Nais niyang hikayatin ang tulad niyang
kabataan na makilahok sa gaganaping Blood Letting Campaign . Anu ang pinakamabuting paraan
na maari niyang gawin upang makahikayat?

A. Mgbigay ng reward sa mga makikilahok.


B. Kausapin ng isa-isa ang bawat kabataan sa barangay.
C. Magdaos ng isang symposium ukol sa halaga ng gagawing programa.
D. Piliin na lamang ang mga kakilalang kabataan sa lugar.
8. Matalino at masigasig na mag-aaral si Fatima. Nais niyang maging isang magaling na guro ngunit
kurso sa medisina ang nais ng kanyang mga magulang. Ano ang maari niyang gawin sa sitwasyong
ito?
A. Kuhanin ang kursong guro at doctor ng sabay.
B. Hindi na lamang mag-aaral.
C. Susundin ang nais ng magulang ngunit di ito pagtatagumpayan.
D. Ipaliwanag sa magulang ang kagustuhan at sikapin na maunawaan nila ang iyong
kalagayan.
9. Kapwa lumapit sa iyo na umiiyak ang dalawa mong pinsan na nag-aangkinan ng isang laruan.
Alam mo na ito ay kay Ana na walang ingat sa kanyang gamit. At ngayon ay napulot ni Betty na
masinop. Ano ang iyong gagawin upang walang magdamdam na sino man?
A. Ako na lamang ang hahawak sa laruan.
B. Ibabalik sa may-ari at sabihan na ingatan na ito sa susunod.
C. Siarain na lamang ang laruan.
D. Itago na lamang ang laruan at huwag nang ilabas kailanman.
10. Nagkagalit sina Pepe at Lito. Naunang maghamon ng away si Lito dahil sinabi ni Boy sa kanya na
hindi kapani-paniwala ang matataas na marka ayon kay Lito. Nauwi sa malaking away ang lahat.
Paano malulutas ang sitawasyon?
A. Tawagin si Boy at siya ang pagagalitan.
B. Mag-usap ang dalawa at alamin ang sanhi ng nagging gulo sa pagitan nila.
C. Huwag na lamang sila magpansinan upang matigil ang gulo.
D. Daanin na lamang sa paligsahan ang kanilang away.
11. Ano ang posibleng epekto ng polusyon sa hangin at tubig?
A. Sariwa ang hangin at malinis na tubig.
B. Saganang ani ng isda at malulusog na mamamyan.
C. Sakit ng mga mamamayan at pagkaubos ng yamang tubig.
D. Malinis na hangin at ligtas na tubig para sa lahat.
12. Kayo mga talunan, mga patpatin kasi! ito ang sigaw ni Ben sa kanyang mga kalaban sa
basketbol. Ano ang maari mong itawag sa asal na ito ni Ben?
A. Pagkamabait
B. Pagkamasayahin
C. Panunukso
D. Pagkamaginoo
13. Palaging nahuhuli ang pangkat nina Alyana sa mga pangkatang gawain sa klase ni Bb. Reyes.
Ano ang mainam gawin ng mga bata upang matapos nila ito sa takdang oras?
A. Gawin ito ng mabilis ngunit maayos.
B. Isa na lamang ang gumawa upang maging mas mabilis ito.
C. Isumiti na lamang kahit kulang ang gawain.
D. Magtulungang gawin ito ng maayos at mabilis upang matapos sa takdang oras.
14. Sina Marie, Vina, at Rose ay mga naatasang maging lider ng tatlong pangkat sa klase. Sino kaya
sa kanilang tatlo ang nagpapakita ng isang mahusay na lider?
A. Si Rose ay palaging galit sa mga kagrupo ngunit nakakatatapos ng gawain.
B. Si Vina na hinhayaang mga kagrupo lamang ang tumapos ng mga gawain
C. SI Marie na isinasaayos ang kanyang pangkat at sinisikap na matapos lahat ng kanilang
gawain.
D. Mahusay na lider sina Marie at Vina.
15. Lahat ng sitwasyon sa ibaba ay nagpapakita ng pagpaparaya sa kapwa. Alin sa mga ito ang
HINDI?
A. Pag-aalok ng upuan sa matanda sa loob ng MRT.
B. Pag-akay sa matanda na tatawid sa kalsada.

C. Pakikipagpaligsahan sa batang may kapansanan


D. Pag papauna sa babaeng buntis sa loob ng Department Store.
16. Sina Marvin at Jeffry ay magkalaban sa larong sipa.Hindi sinasadyang natamaan ng bola ni Jeffry
si Marvin sa mukha nito. Paano ipapakita ni Marvin ang pagiging isport?
A. Umiyak at magalit kay Jeffry.
B. Hindi na muling makikipaglaro kay Jeffry.
C. Batuhin din ng bola si Jeffry.
D. Hindi magagalit at uunawain na laro lamang ang nangyari.
17. Napili ka ng inyong guro na sumali sa paligsahan ng pagsulat ng sanaysay. Ngunit alam mong
mayroon kang kamag-aral na may higit na kakayahan upang sumali dito. Tatanggapin mo ba ang
pananagutang ito? Bakit?
A. Opo, dahil ako naman ang napili ng guro.
B. Opo, dahil nakasusulat din naman ako.
C. Hindi po, sapagkat alam ko na may mas marunong pa kesa sa akin.
D. Hahayaan ko na lamang ang guro ang makaalam na may mas mahusay pa kesa sa akin.
18. Malapit na ang eleksyon s ainyong barangay. Kandidato ang iyong tiyo ngunit alam mo na
gagamitin lamang niya ang posisyon upang makalikom ng pera. Ano ang maari mong gawin sa
sitwasyong ito?
A. Iboto siya dahil tiyo ko siya.
B. Hindi na lamng boboto sa darating na eleksyon.
C. Magiging matalino sa pagpili ng kandidadtong iboboto.
D. Ipangampanya ang tiyuhin.
19. Maagap na bata si Renz. Maaga pa lamang ay tapos na niya ang kanyang mga gawain maging
pampaaralan man o pang tahanan. Lahat ng kaya niyang tapusin ay kaagad na niyang ginagawa.
Ano kaya ang pinahahalagahan ni Renz?
A. oras at panahon
B. pera
C. tirahan
D. kagamitan
20. Ang iyong kamag-aral na may kapansanan ay nakita mong nahihirapan sa pagdadala ng kanyang
mga gamit para sa inyong proyekto sa EPP. Ano ang iyong gagawin?
A. Ibaling ang tingin s aiba.
B. Tumawag ng iba para tulungan siya.
C. Ipagdala siya ng gamit
D. Tumakbo papalayo sa kanya.
21. Nakita mong naglilinis ng daan ang inyong mga kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magtago upang hindi kayo magkita
B. Titingnan mo lamang sila
C.Tutulong sa paglilinis.
D. Maglalakad na lamang palayo
22. Alin ang sumusunod na kalagayan ang hindi tama?
A. Ang pulis ang dapat maglinis ng daan
B. Magtulungan ang lahat sa paglilinis ng daan.
C. Ang mga bata ay dapat magtulungan sa paglilinis ng daan.
D. Magkaisa ang lahat tungo sa kalinisan
23. Ang pag-awit, pagsayaw, pagtula at pagguhit ay tinatawag na mga_______________________
na maaring ipagmalaki kaninuman.
A. kilos
B. ugali
C. talento
D. gawain

24. Paano mo maipapakita na marunong kang maglaro nang patas at hindi nagsasamantala sa
kalaban?
A. Siksikin ang maliit na kalaban sa laro.
B. Dayain ang score ng kalaban.
C. Saktan ang kalaban sa laro.
D. Maglaro ng maayos at ipakita ang pagiging isport sa lahat ng oras.
25. Si Mario ay isa sa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nananalo sa kanilang
distrito. Isang araw habang sila ay naglalaro, nakita niya na sadyang binangga ng kanilang ka-team,
si Peter. Nadapa ito at napasubsob. Tamang-tama siya ang sisipa at mananalo sila ngunit sa halip,
tinulungan niya si Peter na siyang ikinatalo ng kanilang team. Anong katangian ang ipinamalas ni
Mario sa pagkakataong ito?
A. Pagiging mabait
B. Pagiging patas
C. Pagiging isport
D. Lahat ay maaring sagot.
26. Nangangailangan ka ng pera para sa anak mong may sakit. Nagkataong nakapulot ka ng pitaka
na may maraming pera, ngunit hindi sa iyo. Ano ang gagawin mo sa pitaka?
A. Itatago na lamang ang laman ng pitaka
B. Kukunin ang laman at iiwan na lamang ang pitaka
C. Hindi gagalawin ang laman ng pitaka at ahhanpin ang may-ari nito
D. Magmamaangmaangan na lamang na walang napulot na pitaka.

27. Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang nakatayo at maraming dala-dalahan. Ang
lahat ay nakaupo ng maayos. Ano ang iyong gagawin?
A.Pababayaan siya.
B. Tatayo at siya'y iyong pauupuin
C.Pagtatawanan.
D. Magkukunwari na wala akong nakikita
28. Binigyan ka ng tatay mo ng paborito mong laruan, nakita ng iyong nakababatang kapatid at nais
niya na sa kanya ito ibigay. Ano ang gagawin mo?
A. Iinisin siya.
B. Hindi papansinin.
C. Ibibigay mo sa nakababatang kapatid ang laruan kahit na ito ang pinakagusto mo.
D. Sasabihin kay tatay na ibili din siya ng ganoong laruan.
29. Ano ang masasabi mo sa isang taong tumutupad sa pinagkasunduang oras?
A. Pabaya
B. May pagpapahalaga sa pangako
C. matulungin
D. Walang pakialam
30. Kausap mo ang iyong kapatid na magkikita kayo ng 7:30 ng umaga sa harap ng simbahan, ano
ang gagawin mo?
A. Paghihintayin siya ng matagal
B. Hindi ka darating
C. Dadating ka sa takdang-oras ng usapan
D. Kalilimutan ang usapan
31. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahan, talino at galing na ibinigay sa iyo ng Poong Maykapal?
A. Gamitin sa pang-aapi ng kapwa.
B. Gamitin upang manlamang sa kapwa
C. gamitin at ipagmalalaki sa lahat ng oras
D. Itago at huwag ipaalam sa iba
32. Nautusan si Nena na bumili ng sabon at gatas. Nang pauwi na siya, napansin niyang sobra ang
sukling ibinigay sa kanya, ano ang gagawin ni Nena?
A. Hindi na papansinin na labis ang sukli

B. Itatago ang labis na sukli


C. Babalik sa tindahan at isasauli ang labis na sukli
D. Ibibigay na lamang ang labis na sukli sa nakababatang kapatid.
33. Ikaw ay gutom na gutom dahil wala kang almusal at baon. Napadaan ka sa tindahan at walang
bantay na tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Dadampot na lamang ako ng paninda.
B. Hihintayin ko ang may-ari ng tindahan at sasabihin sa kanya ang aking kalagayan.
C. Lalampasan ko na lamang ang tindahan.
D. Titisin ko na lamng ang aking gutom.
34. Nagkagalit ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang magaaral sa kabilang pangkat. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag silang pansinin
B. Hayayan na lamang silang mag-away
C. Panoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D. Pagsabihan ang dalawa sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa
kapwa.
35. Malapit mong kaibigan si Lucas, ngunit higit na may kakayahan Si Andres, nagpasiya ka na si
Andres ang gawing assistant lider sa inyong grupo.Tama ba ang ginawa mo sa sitwasyong ito?
A. Opo, dahil tunay na si Andres naman ang may kakayahang mamuno sa grupo
B. Opo, hayaan na lamang ang kaibigang si Lucas.
C. Hindi po dahil nakakahiya naman kay Lucas.
D. Hindi po sapagkat maaring hindi na kami maging magkaibigan.
36. Bilang lider nagpasiya si Jocelyn kahit hindi magiging maganda ang kalalabasan nito. Ano ang
masasabi mo sa ginawa niyang ito?
A. Hindi siya dapat maging lider ng grupo.
B. Tama ang kanyang ginawapara din nman ito sa grupo.
C. Tama ang kanyang ginawa sapagkat ginampanan niya ang kanyang tungkulin.
D. Mali ang kanyang ginawa dapat pinag isipan niyang mabuti para sa magandang
kakalabasan nito.
37. Nagkaroon ng paligsahan sa asignaturang English. Halos ang lahat ng bata ay gustong lumahok
ngunit isa lang ang pinili ng English adviser. Si Mely ang siyang piniling lider ng pangkat. Bilang lider,
sinikap niyang mapaunlad ang kanyang samahan. Palagi silang nagsasanay upang maging
matagumpay ang samahan nila sa Dramatic Guild. Nang dumating ang araw ng paligsahan, nagwagi
sila Mely, ito ay nagpapatunay na si Mely ay _____________.
A. Masigasig at maasahang lider ng grupo
B. Maaring palitan bilang lider ng grupo
C. Wlang ginagawang lider
D. Mapagmalaking lider.
38. Oras ng rises, nakita mo ang iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain. Ikaw ay
pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong Ina. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay ang isa sa kamag-aral.
B. Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka.
C. Sabihin sa guro na walang baon ang isa mong kamag-aral.
D. Huwag na lamang siya pansinin
39. Umiiyak ang bunso mong kapatid dahil gusto niyang gamitin ang iyong bisikleta. Ano ang
gagawin mo?
A. Hahayaang umiyak ang kapatid.
B. Aalis na lang ng bahay upang di-marinig ang pag-iyak ng kapatid.
C. Pagbibigyan ang kapatid sa gusto niya.
D. Ibibili ko siya ng bisikleta.
40. May programang sa paaralan. Nakita mo ang isang matanda na nakatayo sa tabi. May mga
upuan ngunit ito ay mga reserba para sa mga bisita. Ano ang gagawin mo?
A. lbigay ang upuan sa matanda na nakareserba sa bisita.
B. Humingi ng paumanhin sa matanda.

C. Kumuha ng upuan sa silid-aralan at ibigay sa matanda.


D. Magsawa!ang bahala, hindi mo naman siya kakilala
41. Ano ang masasabi mo sa isang taong nagsasauli agad ng anumang bagay na kanyang hiniram?
A. Siya ay matapat
B. Siya ay masunurin
C. Siya ay matulungin
D. Siya ay matapang
42. Bakit kailangang tuparin ang isang pangako?
A. Upang makatanggap ng gantimpala sa taong pinangakuan
B. Upang mapanatili ang pagtitiwala ng isang tao.
C. Upang mapuri
D. Upang hindi madali ang taong kausap mo.
43. Humiram ka ng pera sa iyong kaibigan at nangakong babayaran pagkalipas ng dalawang araw.
Ano ang iyong gagawin?
A. Kalimutan na lamang ito.
B. Iwasan ang kaibigan sa oras ng bayaran.
C. Kausapin ang kaibigan at hingin na lang ang ahalagang inutang.
D. Ibalik ang hiniram na pera sa takdang oras na pinag usapan.
44. Sina Dina at Joyce ay naglalaro ng chess. Natalo si Dina kaya labis na lamang ang galit nito kay
Joyce. Paano maaring sabihin ni Joyce si Dina?
A. Sabihin kay Dina na mali ang kanyang ginawa.
B. Pagalitan din si Dina.
C. kausapin si Dina at huwag na makipaglaro dito kahit kalian.
D. sabihin kay Dina na tama ang ginawa niya.
45. Inatasan ka ng iyong guro na gumawa ng limang slogan tungkol sa pagmamahal sa kalikasan.
Sa loob ng dalawang araw. Dumating ang takdang araw ng pagpapasa ngunit tatlo pa lamang
ang iyong nagagawa. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagtapat sa guro na tatlo pa lamang ang iyong nagagawa at pipilitin mo naming tapusin ito.
B. Hindi na magpapakita sa guro
C. Hindi na ibibigay ang ginawa.
D. Hindi na muling tatanggap ng gawaing ibibigay ng guro dahil di mo naman natatapos.
46. Nasalubong mo ang kaibigan mo na sinisira ang bakod ng paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasama sa kanila.
B. Sasabihin sa kanila na mali ang kanilang ginagawa.
C. Tawanana lamang sila.
D. Panoorin na lamang sila
47.

Paano kayo makakatulong sa mga mangingisda sa inyong lugar?


A. Huwag silang pagamitin ng lambat.
B. Pagamitin sila ng dinamita.
C. Pabayaan silang gumamit ng lason sa pangingisda.
D. Linisin ang mga tabing dagat upang maging ligtas ang tubig

48. Si Jeffrey ay isang boy scout na napiling lumahok sa Boy Scout. Palagi silang nagsasanaay sa
ibat-ibang Gawain at nakilala ng kanilang Scout Master ang kanyang mga kakayahan bilang
isang boy scout. Dahil dito palagi siyang pinaalalahanan na pagbutihin ang kanilang distrito.
Pinapangako rin niyang sisikaping makauwi ng ganitong medalya. Nang dumating ang araw
ng Jamboree, tuwang-tuwa ang kanilang pangkat sapagkat marami silang dalang panalo dahil
kay Jeffrey. Anong katangian mayroon si Jeffrey?
A. Isa siyang mahusay at determinadong iskawt.
B. Palaasang iskawt
C. Mahilig siyang managarap ng panalo
D. Masayahing iskawt siya.

49. Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng maraming kakayahan?


A. Nagagamit ito upang makamit ang tagumpay.
B. Naiipagyabang ito sa iba.
C. Maari itong ipagbili sa iba.
D. Magagamit ito upang makamit ang pansariling interes lamang.
50. Paano gagamitin ang mga magagandang kakayahan natin?
A. Gamitin ito sa pang mamaliit ng kapwa.
B. Gamitin ito sa ikabubuti ng lahat at ikauunlad ng sarili.
C. Gamitin ito ng may pagyayabang sa iba.
D. Gamitin ito upang makalait sa kapwa

Prepared by:
AIZA E. DELA ROCA
Noted by:
MRS. FELISA R. SULIT
Head Teacher III

Checked by:
MRS. ROSALINDA M. COMIA
District Supervisor

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Lungsod ng Batangas
District IX
PAARALANG ELEMENTARYA NG PAGKILATAN
TABLE OF SPECIFICATION
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EKAWP VI
Competencies

Knowled
ge

Comprehens
ion

1. Nagbibigay ng mga tamang


desisyon para sa kabutihan ng
2,
nakararami batay sa ginawang
pagsusuri
2. Pagsusuri muna nang mabuti
bago magbigay ng desisyon.

Applicati
on

Analys
is

1,3,

46

5,6,8,

10

3. Nakagagawa ng solusyon
batay sa wastong
impormasyon.
4.
Isinasaalang-alang
ang 11
kapakanan ng mga apektado
sa paggawa ng pasiya.
5. Napag-aaralan ang gawain o
pananagutan bago magbigay
ng pasya/konklusyon.
6. Naisasagawa ang mga
gawain nang maluwag sa loob.
7. Nasisimulan at natatapos
ang gawain sa takdang
panahon

9. Nagagamit ang kakayahan


nang lubusan

Evaluati
on
47

36

34

17

35

18

28

27

45

13

20

21,

19

8. Nagkukusang tumulong sa
kapwa kung kinakailangan

Synthe
sis

22
23

31, 48

49

14

50
37

10. Natatanggap ang mga


gawain bilang lider ng pangkat.
11. Nakatutupad sa mga
41
pangako/pinagkasunduan/komit
ment/usapan.
12. Naipapamalas ang
pagpaparaya sa kapwa.
13. Laging nakasusnod sa
alituntunin sa paglalaro.
14. Naipakikita ang mga
gawaing rnaka-Diyos ayon sa
sariling paniniwala.
15. Naiiwasan ang
pangangasiwa/panunukso sa
mga kalaro.

15

43

30

38

39

24

25

32

33

12

44

29

42

40

26

16

TOTAL AYTEM

50
KEY TO CORRECTIONS

1. B

31.C

2. D

32.C

3. B

33.B

4. D

34.D

5. A

35.A

6. A

36.D

7.C

37.A

8.D

38.A

9.B

39.C

10.B

40.C

11.C

41.A

12.C

42.B

13.D

43.D

14.C

44.A

15.C

45.A

16.D

46.B

17.C

47.D

18.C

48.A

19.A

49.A

20.C

50.B

21.C
22.A
23.C
24.D
25.D
26.C
27.B
28.C
29.B
30.C

You might also like