You are on page 1of 18

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

PANIMULA
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, iyan ay ayon sa ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal na naniniwalang ang kabataan ang may hawak ng susi tungo sa
ikauunlad ng ating bayan. Ito rin ang naging sandigan nina Jose C. Olivarez at Dr.
Vicente M. Santos ng kanilang itatag ang Our Lady of Fatima College of Nursing noong
1973 na mas kilala na ngayon bilang Our Lady of Fatima University. Isa sa mga
institusyong pang-edukasyon na nangunguna sa larangan ng medisina at paramediko,
kilala na rin ngayon ang Our Lady of Fatima University sa mga kursong tulad ng
Physical Therapy, Hotel and Restaurant Management, Computer Studies, Marine
Education at Criminology.
Sinasabi nilang ang tagumpay ng isang mag-aaral ay nakabatay sa antas ng
eduksayong kanyang tinapos, ngunit paano pa magiging pag-asa ng ating bayan ang mga
kabataan na hindi nagbibigay importansya sa edukasyon? Maraming mga bagay ang
maaring mawala sa isang mag-aaral kung ito ay liliban sa isang klase, maliban sa dunong
na kanyang makukuha sa pang-araw-araw na pag-aaral, nariyan din ang karanasan na
sana ay kanyang magagamit sa panahong kailangan na niyang magtrabaho. Ngunit ano-

ano nga ba ang mga dahilan ng pagliban ng isang mag-aaral sa klase? Ano ang mga salik
na nagtutulak sa mga mag-aaral na lumiban sa kani-kanilang mga klase?

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang ibat ibang mga dahilan ng madals
na pagliban ng mga mag-aaral ng Tourism Management ng Our Lady of Fatima
University.
Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang pag-aralan ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang mga posibleng epekto ng madalas na pagliban sa klase ng
mga mag-aaral ng Tourism Management ng Our Lady of Fatima
University?
2. Anu-ano ang mga kahalagahang maidudulot sa mga mag-aaral ang
palagiang pagdalo sa mga klase?
3. Auo-ano ang mga posibleng paraan na maaring gawin ng mga
institusyong pang-akademiko upang mahikayat ang mga mag-aaral na
limitahan ang bilang ng pag-liban sa mga klase?

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang ibat ibang mga dahilan sa madals
na pagliban ng mga mag-aaral ng unang antas ng Tourism Management ng Our Lady of
Fatima University.
Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay naglalayong:
1. Mailahad ang ibat ibang epekto ng madalas na pagliban sa klase sa
pampersonal at pang-akademkong kahusayan ng mga mag-aaral.
2. Maipakita ang kahalagahan ng palagiang pagdalo sa mga klase.
3. Mabigay ng mga possible paran upang mahikayat ang ga mag-aral na
limitahan ang bilang ng pag-liban sa mga klase.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksin na ito ay naglalayong matukoy ang ibat ibang mga dahilan ng
madalas na pagliban ng mga mag-aaral ng Tourism Management ng Our Lady of Fatima
University. Ang pag-aaral na ito sa isinagawa upang maka-kalap ng kaalaman na
magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:
PARA SA MGA MAG-ARAL: Sa tulong ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral ay
mamumulat sa mga posibleng epekto ng madalas na pagliban sa klase sa kanilang
kahusayang pang-akademiko maging sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kapwa kamagaral at mga guro. Ito rin ay magbibigay linaw sa kanila ng mga magagandang dulot ng
palagiang pagdalo sa mga klase.

PARA SA MGA MAGULANG:Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan


kaalaman ang mga magulang sa mga hindi magandang dulot ng palagiang pagliban ng
kanilang anak sa klase. Ito ay daan upang magabayan ng tama ng mga magulang ang
kanilang anak sa kanilang pag-aaral.
PARA SA MGA GURO: Hinihikayat ng pag-aaral na ito na alamin ng mga guro ang
mga posibleng dahilan ng madalas na pagliban ng isang mag-aaral sa kaniyang klase.
Magagamit ang pag-aaral na ito upang maayos na magabayan ng mga guro ang mag-aaral
at mahikayat itong pumasok ng palagian.
PARA SA ADMINISTRASYONG PAMPAARALANG: Ang pag-aaral na ito ay
maaaring gamitin upang bumuo ng maayos na alituntunin para sa mga mag-aaral na
madalas lumiliban sa klase sanhi ng ibat ibang dahilang katanggap-tanggap at hindi.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga dahilan ng madalas na pagliban
ng mga mag-aaral sa klase. Ang pangangalap at pamimili ng datos ay magmumula
lamang sa mga piling mag-aaral ng unang antas ng Tourism Management ng Our Lady of
Fatima University. Ito ay upang malaman kung mayroon bang kaugnayan ang madalas na
pagliban at pang-kahusayang akademiko.
Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng survey-questionnaire sa mga piling
mag-aaral ng unang antas, mapababae man o lalaki ng Tourism Management.
4

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


1. Pagliban ito ay ang hindi pagdalo sa mga nakatakdang klase sa paaralan.
2. Kahusayang pang-akademiko ito ay tumutukoy sa antas ng kakayahan ng isang
mag-aaral sa pag-aaral.
3. OLFU Our Lady of Fatima University
4. BSTM Bachelor of Science in Tourism Management

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay magbigay ng mga lokal at dayuhang literatura at pag-aaral


na may kinalaman sa mga dahilan ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral sa klase.
Kaugnay nito, ang kabanatang ito ay maglalahad din ng mga posibleng epekto ng dahilan
ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral.

LOKAL NA PAG-AARAL
Ayon sa pag-aaral ni Paul Aries A. Estrella, ang pagliban ay isang malaking
suliranin na kinakaharap ng mga kabataang magaaral sa kasalukuyan. Ngunit paano nga
ba natin ito masusulusyunan? Ano angmasasamang epekto nito sa ating mga kabataan?
Ano ang mga sanhi at bunganito? At bilang isang mag-aaral, paano nga ba ako
makakatulong sa pagsugponito? Papaano maiiwasan ito?Sa papaanong paraan ito
masusulusyunan ngmga ahensya ng pamahalaan?
Marahil, isa sa mga nalalaman kong dahilan nito ay ang KAHIRAPAN. Marami
samga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin mannilang
makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upangmakapasok. Ikalawa ay
6

ang PROBLEMA SA PAMILYA. Ito rin ang dahilan kungbakit marami sa mga mag-aaral
ay nakakaisip ng mag-cutting classes dahil sasama ng loob sa mga magulang. Away
siguro ng away ang kanyang mgamagulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang
sa mga ito. At angpanghuli ay ang IMPLUWENSIYA NG MASASAMANG
BARKADA, angmasamang dulot ng modernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan.
Maraming masasamang epekto ang nakikita ko sa suliraning ito. Una sa lahat,pag
madalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ngkanyang
tagapayo. Sumunod dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyangnasimulang pag-aaral.
Liliit ang pagkakataon nitong magkaroon ng maayos atmarangal na pamumuhay sa
hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang satabi-tabi at malulong sa mga krimen.
Dahil naniniwala ako na ang pagkakaroonng EDUKASYON pa rin ang ating magiging
gabay sa pag-unlad at ito lamangang pamanang mananatiling taglay natin sa pagtahak
natin sa panibagong yugtong ating buhay.Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na
ipagbigay-alam sa mga magulang kungano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase.
Nararapat din na intindihin ngguro ang kalagayan ng mag-aaral kung may kinakaharap
man itong problema.
Dapat din nating kausapin ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaralang
mga problemang kinakaharap nito. Sa aking palagay, nararapat siguro namagbigay ng
mga scholarships ang pamahalaan para sa mga deservingstudents. Sa ganitong paraan,
maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral saklase. Pero para sa akin, ang
PAGMAMAHAL AT PAGGABAY pa rin ng mgamagulang ang mabisang paraan upang
malunasan ito. Dahil kung pupunan ngmga magulang ng pagmamahal ang kanilang mga

anak ay hindi na nila maiisipna magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay PAGBUTIHIN pa


ito.
Ayon naman kay Liezl Valenciano Asilo, Ang ABSENTEEISM ay tungkol sa
pagliban ng isang mag-aaral sa eskwelahang kanyang pinapasukan. Marami tayong salik
kung bakit madalas na lumiliban ang isang bata sa klase. Marahil sa kakulangan ng
pantustos kawalan ng baon sa eskwela, naghahanapbuhay sa murang edad, pagpigil sa
anak na huwag ng pumasok o sa madaling salita ay kahirapan.
Ito ay dahil din, takot sa guro, tinatamad,walang ipapasang proyekto, walang
takdang aralin, udyok ng barkada,tanghali ng magisibg,may nagwang kasalanan sa klase,
nalulong sa pagkokompyuter, pagkakaroon ng sakit o aksidente at marami pang iba.
Dahil sa mga salik, ito ay nagdudulot ng pagbaba ng marka sa mga asignatura, huminto
sa pag-aral, pagpapatalsik sa eskwelahang pinapasukan, pagbalik sa mga asignatura kung
saan sila'y bagsak, pag-ulit sa hayskul, elementary o kaya'y kolehiyo.

DAYUHANG PAG-AARAL
Ang pagliban sa klase ay hindi lamang nagsisimula sa kolehiyo, kung pag-aaralan
nating mabuti, makikita nating ang madalas na pagliban ay nagsisimula sa panahong ang
mga mag-aara ay tumungtong na sa sekondarya. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni
Franco (1999), ang pagliban sa klase ay isang pangkaraniwan ng bagay na ginagawa ng
mga tao at mag-aaral na nabibigay daan upang hindi nanila isipin ang mga posibleng
epekto nito sa hinaharap. Ayon sa huling datos na nakalap, isang malaking bahagdan
(81.24%) ng mga mag-aaral ang lumiliban sa klase.
8

Sangayon sa pag-aaral na ginawang pag-aaral ni Franco, base sa resulta ng


ginawang pag-aaral ni Song (2013), ang mga karaniwang dahilan ng madalas na pagliban
sa klase ng mag-aaral ay ang mga sumusunod: pagkakasakit (30%) naniniwala ang mga
mag-aaral na ang pagkakakaroon ng sakit ang pinaka epektibong rason sa pagliban.
Teknolohiya (18%) karaniwang ginagawang dahilan ng mga mag-aaral sa pagliban ay
ang pag-ugnay sa teknolohiya tulad ng pagkasira ng computer, pagkawala ng tinta ng
printer, at kung ano-ano pa. Pamilya (15%) Ang mga mag-aaral ay naniniwalang, ang
problema sa pamilya ay labas sa saklaw ng kapangyarihan ng mga guro at hindi tamang
kwestyunin ng mga guro kung ang personal na problema ng mga mag-aaral ay totoo o
hindi. Transportasyon (10%) madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang isyu sa
trapiko dahilan upang hindi sila umabot sa klase. Employment-related (7%) ang mga
mag-aaral na nagtatrabaho upang mabayaran ang kani-kanilang matrikula. Ang ilan pa sa
mga dahilan ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral ay, meeting with the advisor
(5%), school activities (4%) at kung ano-ano pa (11%) tulad ng hindi pagkagising sa
umaga, at hindi pagtunog ng alarm clock.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Chang at Romero (2008), ayon sa 100 na mag-aaral
na nasa unang taon sa kolehiyo, ang pagkakasakit, problema sa pamilya,
pangangailangang pinansyal, part-time job, at gawaing pampaaralan ay ilan lamang sa
mga dahilan sa pagkakaroon nang hindi kaaya-ayang bilang ng liban sa klase. Ang mga
hakbang para pigilan ang mga dahilan ay sinisimulan ng ilatag, ito ay maaring magdulot
ng magandang epekto sa mga mag-aaral upang mapagyabong ang kanilang kaalaman, at
maihanda ang mga ito sa isang mabungang karanasan sa kolehiyo at sa panahong sila ay
magsisimula nang mabuhay bilang isang manggagawa.
9

Ang mga mag-aaral na madalas lumiban sa klase ay siya ring mga mag-aaral na may
mababang antas ng akademikong pag-unlad. Ang ganitong pangyayari ay isang hadlang
na naglilimita sa kakayahan ng mga mag-aaral maging sa mga guro na makapagbigay ng
dekalidad na edukasyon. (Arney, 1997)

10

KABANATA 3
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

DISENSYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng paglalarawang pagsusuri (descriptive studies).
Gamit ito, inilalarawan, itinatala, sinusuri, at ipinapaliwanag ang mga dahilan ng madalas
na pagliban ng mga mag-aaral sa klase. Sa pag-aaral na ito ay maipapakita ang mga
pagkakaiba sa pang-kahusayang akademiko ng mga mag-aaral ng Tourism Management.

RESPONDENTE
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa
limampu (50) respondent na naaayon sa mga kategorya na mga mag-aaral ng unang antas
ng Bachelor of Science in Tourism Management ng Our Lady of Fatima University.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
11

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga


mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng
mga datos upang masuri at malaman ang mga kadahilanan ng mga mag-aaral sa madalas
na pagliban sa klase.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa
ibat ibang mga hanguan sa aklatan ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon. Kumuha rin
ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa internet.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang paraan ng pananaliksik na gagamitin sa pag-aaral na ito ay isang sarbey na
sasagutan ng mga piling mag-aaral sa unang antas ng Tourism Management ng Our Lady
of Fatima University. Ang mga mag-aaral ay tatanungin tungkol sa mga personal na
impormasyon at kanilang mga kadahilanan sa madalas na pagliban sa klase.

TRITMENT NG MGA DATOS


Ang pormulang ito ang ginamit upang makagawa ng porsyento o bahagdan ng
mga respondent,
f
P=

x 100
12

n
Kung saan ang P ay tumutukoy sa pursyento, ang f ay tumutukoy sa dami ng sagot ng
respondent, ang n ay tumutukoy sa kabuuang bilang o dami ng respondent.

KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga interpretasyon ng mga datos na nakalap


ng mga mananaliksik.
1. Anong antas ng lipunan nabibilang ang iyong pamilya?

13

35
30
25
20
15

30

10
5

11

0
Mababa (11)

Katamtaman (30)

Mataas (9)

Sa graph na ito pinapakita ang antas ng pamilya napapabilang ang mga piling
mag-aaral ng Tourism Management sa unang antas na napasama sa pag-aaral na ito. 22 %
(11) ng mga mag-aaral ang napapabilang sa mababang antas, 60% (30) ang nasa
katamtamang antas, at 18% (9) ang napapabilang sa mataas na antas ng lipunan.
2. Ano ang iyong dahilan sa madalas na pagliban sa klase?

14

Mga dahilan sa madalas na pagliban


12
10

PALATANDAAN:
1 Impluwensya ng
masamang barkada
Mga dahilan sa madalas na pagliban 2 Problema sa
pamilya
3 Kahirapan
4 Pananakot o
Bullying
5 May Sakit
6 Problema sa guro
7 Kaadikan sa
pagkokompyuter
8 at iba pang rason

8
6
4
2
0
1

Sa graph namang ito naipapakita ang mga posibleng dahilan ng madalas na


pagliban ng mga mag-aaral ng Tourism Management sa unang antas. Ayon sa
pananaliksik, ang pinaka madalas na dahilan ay ang Impluwensya ng masasamang
barkada 20% o 10 mag-aaral na sinusundan ng Problema sa guro 18% o 9 na mag-aaral.
Isa rin sa madalas na dahilan ay ang pagkakaroon ng sakit 16% o 8, problema sa pamilya
14% o 7, pananakot o bullying at kaadikan sa pagkokompyuter na may 12 % o 6, at
pinaka huli ay ang kahirapan na may 4 na mag-aaral o (8%).

15

3. Ano sa tingin mo ang epekto sa iyo ng madalas na pagliban?


Sa parte ito ay binigyan ng laya ang bawat mag-aaral na magbigay ng kanila mga
kasagutan. 52% o 26 na bilang ng mga mag-aaral ang nagsasabing isa sa malaking epekto
ng madalas na pagliban sa klase ay ang pagbaba ng grades. Isa rin sa iniisip ng mga
mag-aaral na maaring maging epekto ng madalas na pagliban ay ang pagkakaroon ng
FDA (failure due to absences) na marka sa kanilang transcript na may 10% o 5 magaaral. Ilan pa sa mga dahilan ay ang kawalan ng matututuhan at maaring pagkakaroon
ng problema sa pamilya na may tig-isang mag-aaral o 2%, at 34% o 17 mag-aaral ang
nagsasabing walang magiging kahit anong epekto ang madalas na pagliban. (Tignan ang
pigura sa baba)

Epekto ng madalas na pagliban

Bababa ang marka


FDA sa transcript
34%

Pagkakaroon ng problema
sa pamilya
26; 52%

Walang matututunan
Walang Epekto

2%
2%
10%

16

KABANATA 5
KONKLUSYON, LAGOM AT REKOMENDASYON

Konklusyon
Base sa mga natuklasan sa pag-aaral, ang mga sumusunod na konlusyon ay ang
mga sumusunod:
1. Ang pinaka madalas na dahilan ng pagliban sa klase ay dulot ng mga
impluwensya ng mga barkada. Ngunit ito ay madalas na nagyayari lamang sa
mga mag-aaral na nasa 16 na taong gulang.
2. Ayon sa mga mag-aaral ng Tourism Management sa unang antas, sa kahit
anong antas sa lipunan at gulang, isa sa pinakanakikita nilang epekto ng
madalas na madalas na pagliban sa klase ay ang pagbaba ng grado, ibig
sabihin naniniwala sila na ang pagdalo sa mga klase ay nakakaapekto sa mga
natututunan ng bawat mag-aaral, na ang bawat oras na inilalagi sa klase ay
nakakatulong upang madagdagan ang kaalaman at karunungan ng bawat isa.
3. Ang mga dahilan at epekto ng madalas na pagliban sa klase ay depende sa
taon/gulang ng mag-aaral at sa antas ng lipunan na kanyang kinabibilangan.

LAGOM
17

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang alamin ang mga posibleng dahilan na
madalas na pagliban ng mga mag-aaral Tourism Management sa unang antas sa klase.
Inilalahad rin ng pananaliksik na ito ang posibleng epekto ng madalas na pagliban sa
klase.
Gamit ang descriptive-analitik na pamamaraan, ang mga mananaliksik ay
nagdisenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa limanpu (50) na mag-aaral ng
Tourism Management sa unang antas. Ayon sa pag-aaral na ginawa, ang tatlo sa pinaka
madalas na dahilan ng madalas na pagliban ay ang sumusunod: (1) Impluwensya ng mga
barkada, (2) Pagkakaroon ng problema sa guro, at (3) pagkakaroon ng sakit na
nagrersulta ng pagkakaroon ng mababang grado sa mga asignatura.

REKOMENDASYON
Ayon sa resulta ng pananaliksik, inirerekomenda ng mga tagapagsaliksik ang mga
sumusunod:
1. Magkaroon ng maganda programa/symposium/talk ang student council ng
mga institusyong pang-akademiko na naglalayong na maipakita ang
kahalagahan ng pag-aaral, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
2. Magkaroon ng consultation period ang bawat guro para sa mga mag-aaral na
upang magkaroon ng bukas na komunikasyon ang bawat panig, sa
pamamagitan nito maiiwasan ng mga mag-aaral ang magkaroon ng mababang
marka, at matutulungan ng mga guro/propesor ang mga mag-aaral na
mapagbuti ang kanilang pag-aaral.
18

You might also like