Professional Documents
Culture Documents
Katipunan
Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay
Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay
Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang
lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan
ng armadong himagsikan.
Sa loob ng lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio Jacinto, na
naglingkod bilang kanyang tagapayo at katiwala, at bilang kasapi rin ng
Kataastaasang Lupon. Ginamit ni Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto bilang
opisyal na panturo sa samahan bilang kapalit ng kanyang dekalogo, na ayon sa
kanya ay mababa kung ihahambing sa gawa ni Jacinto.
Ang mabilis na mga kilos ng Katipunan ang nagbigay ng hinala sa mga Kastila.
Noong unang bahagi ng 1896, ang mga intelehensiyang Kastila ay alam na
pagkakatatag ng lihim na samahan, at ang mga pinaghihinalaang mga kasapi ay
minatyagan at pinag-aaresto. Noong ika-3 ng Mayo, nagsagawa ng
pangkahatalang asemblea ng mga pinuno ng Katipunan sa Pasig, kung saan
pinagdebatehan nila kung kailan magsisimula ang paghihimagsik. Habang nais
ni Bonifacio na magsimula ang pag-aalsa sa lalong madaling panahon,
nagpahayag ng pagpapasubali si Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil sa kawalan
ng mga armas. Ang napagkasunduan ay sumangguni muna kay Jos Rizal sa
Dapitan bago pasimulan ang kanilang mga kilos, kaya pinadala ni Bonifacio si
Pio Valenzuela kay Rizal, na salungat sa hindi pa handang pag-aaklas at
nagpayong magdagdag pa ng paghahanda.
Dr.Jose rizal
Si Dr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala
bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani.
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito
sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa
Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at
nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid,
Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng
karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at
Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tngere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng
dalawampu't dalawang mga wika
Pag-aaral
PEOPLE POWER
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na
tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang
demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22
hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye
ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand
Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga
tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni
Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni
Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong
nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos
Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.
DEATH MARCH
Ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan (Ingles: ang Death March) ay ang
pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan
hanggang San Fernando, Pampanga ng wala sa kanilang pinakain o pinainom,
kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang pinagpapapalo
kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na inumin ang tubig sa
imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.
Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan ay may
bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y
pinatay sa saksak ng bayonete habang lumalakad ng walang pahinga, pagkain,
at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay