You are on page 1of 34

Kabanata I

Suliranin
Panimula
Ang mga Pilipino ay may mayamang kaisipan at may taglay na katangitanging katalinuhan buhat sa lahing kanilang pinagmulan. Sa paglipas ng panahon,
nakilala ang panitikan at niyakap ito ng mga Pilipino.
Ang nobela ay isang matibay na patunay ng isang uri ng akdang
pampanitikan na handang sumalamin sa kulturang ating pinagmulan.

Ito ay

kinapapalooban ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananalampalataya


at karanasan ng mga tao. Maaaring ito ay hango sa tunay na buhay ng isang tao o
maaaring pangyayari na sumasakop sa mahabang panahon. Ang malawak na
imahinasyon ng manunulat ang nakatutulong upang mapalabas ang mga ganitong
kaisipan.
Ang nobela ay isang genre ng panitikan na naghahatid upang magkaugnay at
magkaisa ang bawat tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang paggamit ng
nobela bilang isang behikulo sa pagtuturo ay nangangailangan ng epektibo at
mabisang pamamaraan ng paglalahad upang magkaroon ng isang makabuluhang
pagkaunawa at pagkatuto ang mga mag- aaral.

2
Nagiging daan ang panitikan upang maraming manunulat sa Pilipinas ang
makilala at makapaglathala ng kanilang mga akda. Ang ganitong pangyayari ang
nagtulak sa mga tulad nina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez- Jaena, Apolinario
Mabini at iba pang mga bayani para magsulat ng sarili nilang mga akda upang
ipahatid ang kanilang saloobin sa mga mamamayan hinggil sa mga nangyayari sa
ating lipunan noong unang panahon. Samantalang nagpamalas din ng kanilang
mga talento sa pagsulat sina Efren Abueg, Ildefonso Santos, Teo Baylen,
Buenaventura Medina Jr., Bienvenido Lumbera dahil sa pagkakamit nila ng mga
parangal sa kanilang mga nakathang tula, kuwento, sanaysay, at mga libro na
kinagigiliwang basahin ng mga Pilipino. Ang Don Carlos Palanca Award ang isa
sa mga nakamit nilang gawad parangal sa akdang kanilang nagawa.
Sa napakaraming manunulat ng nobela, isang manunulat ang nakaagaw ng
atensyon ng mga mananaliksik, siya ay si Inigo ed Regalado. Siya ay tanyag noon
sa sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat,
Pagkakaisa at ng lingguhang magasin na Ilang- ilang. Isa siya sa mga Taliba ng
panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag- ibig. Ang kanyang mga tula ay
natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang
gantimpala sa Timpalak Komomwelt noong 1941. Nag- aral si Inigo Ed Regalado

3
sa Escuela Municipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantile
sa Colegio Filipino.
Nag- ugat naman ang pagnanais ng mga mananaliksik na maisakatuparan
ang pananaliksik na ito batay sa kanilang obserbasyon sa mga mag- aaral sa
kasalukuyang panahon. Karamihan ay nawawala na ang interes sa pagbabasa at
pakikinig ng mga akdang pampanitikan na gaya ng nobela. Halimbawa nito ay ang
Madaling- Araw at ang Sampaguitang Walang Bango ni Inigo Ed Regalado.
Dahilan nito ay sa lubusang mahaba ang nilalaman ng bawat kabanata na dapat
basahin kung kaya, ito ay nangangailangan ng mahabang panahon at malawakang
pag- unawa upang matapos ang isang buong akda. Dagdag pa rito ang mga piling
salita na ginamit sa akda na kadalasang nasa antas pampanitikan na siyang
nagiging dahilan upang mahirapan ang mga mag- aaral na ito ay maunawaan.
Gayon din ang kapaligiran, nakakaapekto ito sa kawilihan ng mga mag- aaral sa
pagbabasa ng nobela. Dahil sa panahon ngayon ang makabagong teknolohiya ang
lubhang nakapupukaw sa atensyon ng mga mag- aaral. Halimbawa na lamang nito
ay ang mga gadgets na tulad ng laptop, tablet, cellular phones, at kung anu- ano pa.
Gayundin naman ang social media na talaga namang halos doon na nakutuon ang
buong atensyon ng karamihan sa mga mag- aaral at talaga namang akma sa panlasa
nila.

4
Maipapakita ang ilang paraan kung paanong ang mga mag- aaral ay
magkaroon ng interes sa pagbabasa ng nobela at kung paano ang bawat kabanata
ng nobela ay maintindihan ng maayos at mabigyang kasagutan ang mga tanong
nila sa mga bahaging hindi nila maintindihan ang ilan sa mga adhikain ng mga
mananaliksik.
Dagdag pa rito ang kagustuhan ng mga mananaliksik na malaman at
mapabatid lahat ang mga tema o paksang namayani sa dalawang nobela ni Inigo
Ed Regalado na siyang pinakamalalim na dahilan kung bakit sila humantong sa
pag- aaral na ito. Ang pagkakaugnay- ugnay nito sa isat isa ay nais din nilang
matukoy. Kaalinsabay nito ninais nilang mailahad ang ilang paksa na maaaring
iugnay sa ating buhay at lipunan. Sa kagustuhang mapunan ang kakulangan sa
pagsusuri, nagsumikap silang basahin ang dalawang nobela. Sa ganitong paraan ay
mapapalalim nila ang pagtalakay dito at matutugunan din ang mga katanungan na
sa kanila ay bumabagabag.
Sa mga suliraning kinaharap, higit na napatibay ang kagustuhan ng mga
mananaliksik na gawin ang pananaliksik na ito upang bumuo ng out- put na
magiging kapakipakinabang lalot higit sa mga mag- aaral at mga guro.

5
Layunin sa Pag- aaral
Ang tesis na ito ay nakatuon sa pagsusuring Thematic sa dalawang nobelang
pampanitikan ni Inigo ed Regalado.
Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang nilalaman ng dalawang nobela ni Inigo Ed Regalado?
2. Ano- anong mga tema o paksa ang namamayani sa dalawang nobela ni
Inigo Ed Regalado?
3. Ano- ano ang mga paksa sa dalawang nobela na maaaring maiugnay sa
ating buhay at lipunan ngayon?
4. Batay sa analisis ng pag- aaral, anong kagamitang panturo ang magagawa
upang pukawin ang interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga
nobela?
Kahalagahan ng Pag- aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng pag- aaral na ito para
sa mga sumusunod:
Sa mga mag- aaral. Magiging kapaki- pakinabang ito sa mga mag- aaral
sapagkat magiging instrumento ang pag- aaral na ito tungo sa lubos na
6

pagkaunawa sa dalawang nobela ni Inigo ed Regalado. Gayundin, magkakaroon


sila ng ibat ibang perspektibo upang higit na maunawaan ang mga nobela gamit
ang pagsusuri ng mga paksa sa bawat akdang kanilang mababasa. Mahalaga rin
ang mga impormasyong nakapaloob dito upang sila ay mabigyan ng tamang
kaalaman sa pagbabasa habang nagsusuri ng nobela.
Sa mga guro. Magagamit nila ang mga estratehiya sa kanilang pagtuturo ng
nobela upang madaling ipaunawa sa mga mag- aaral ang pagsusuri ng nilalamang
paksa. Gayundin ay upang maisiwalat ang kagandahan ng panitikan sa mga magaaral. At sa pamamagitan ng pag- aaral na ito, magkakaroon sila ng kakayahan sa
madaling pagtuturo sa bawat kabanata sa dalawang nobela ni Inigo Ed Regalado
ang Madaling- Araw at Sampaguitang Walang Bango.
Sa mga susunod na mananaliksik. Magagamit nila ang mga kaalaman
mula rito at maihahambing sa sariling pag- aaral nang sa gayon ay makalikha sila
ng higit na de- kalidad at piakamainam na likhang pampanitikan.
Sa mga mananaliksik. Dagdag pa, maniniwala ag mga mananaliksik na
anumang resulta ng pag- aaral na ito ay makakatulong ng malaki sa kalinangan ng
kanilang propesyong gagampanan sa hinaharap.

Sa Panitikang Pilipino. Makapag- aambag din ito sa pagpapaunlad ng


Panitikang Pilipino sapagkat nag mga mag- aaral ang mga pangunahing
mamababasa ng ibat ibang babasahing pampanitikan katulad na lamang ng nobela.
Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa dalawang nobela: Sampaguitang
Walang Bango, at Madaling Araw ni Inigo ed Regalado.

Ang pag- aaral sa

dalawang nobela ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa paksa ng bawat


nobela.
Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pagsusuring thematic upag
mailahad ang mga namamayaning tema. Nakapaloob dito ang mga pangyayaring
naganap sa loob ng isangg nobela at kung ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.
Gayunpaman, ang ilang nobela ay hindi isinama sa pananaliksik na ito.
Ang pananaliksik na ito ay hindi gumamit ng ibang instrumento Maliban sa
sariling pagbabasa ng tema ng mga mananaliksik sa nasabing dalawang nobela.
Dinilimitahan ng mga mananaliksik ang mga tema na susuriin sa bawat
kabanata upang mapalabas ang namamayaning tema sa loob g dalawang nobela.

Kabanata II

MGA KAUGNAY NG LITERATURA AT PAG- AARAL


Sa kabanatang ito inilalahad ang mga literaturang konseptwal at literaturang
pananliksikupang lubos na maunawaan ang balangkas ng isinagawang pag- aaral.
Literaturang Konseptwal
Sa literaturang konseptwal inilahad ang mga konseptong may kaugnayan sa
pagpapalawak ng pag- aaral na lubhang nakatulong sa pag- unlad nito.
Panitikan
Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming

Pilipino

tungkol

sa

pamumuhay,

pag-uugaling

panlipunan,

paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyayakap ng mga Pilipino.


Ang panitikan ng isang lahi ay ulat ng nagpapakilala ng pagtuturo at mga
damdamin ng lahing ito. Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang mga kaisipan
at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito.
Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay nakakaimpluwensya sa panitikan
nito.

Anumang babasahing nilimbag sa isang magasin, pulyeto, o aklat ay

itinuturing na panitikan. Sa larangan ng magandang panitik, ang salitang panitikan


ay may iba at tanging kahulugan, at dito masusumpungan ang tunay na idinidiwa
9

ng salitang ito. Hindi lamang ito nangangahulugan ng kahit na anong nasusulat sa


isang magasin o aklat.
Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na
isinasagawa sa paraang masining. Ito ay isang maayos na pagtutugma- tugma ng
mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag. Ang
panitikan, ayon kay Long (1917), ay nasusulat na tala ng pinakamabubuting
kaisipan at damdamin ng tao.
Ayon naman kay Dr. Rofino Alejandro 1949 ang panitikan ay katuturang
bungang- isip na isinatitik. Ito ay bunga ng malikhaing isipang pinanday ng isang
manunulat na inilimbag sa ibat ibang mga paraan na sinang- ayunan naman ni
Wester (1974). Ayon sa kanya, ito ay anumang bagay na naisatitik basta may
kaugnayan sa pag- iisip at damdamin ng tao maging ito ay totoo, kathang isip o
bungang tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan.
Uri ng Panitikan
Sa mga kahulugang nabanggit, iniuuri ng mga manunulat ang panitikan sa tatlo:
(1) panggawaing pampanitikan, (2) masining na panitikan at (3) malikhaing
panitikan.
10

Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa


gayot ganitong uri ng gawain at karunungan. Masining na panitikan naman kung
maituturing ang ating bait higit kaysa ating damdamin. Malikhaing panitikan
naman kung ang layunin nito ay tahasang pukawin ang ating guniguni at
damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito ay binansagang
gayon sapagkat ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi
pangyayaring binigyang kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog ng
guniguni ng kumatha.gayundin ay nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating
kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa
puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang
gunuguning ito at sa gayong paraay gisingin sa ating mga puso ang damdamin
nag- uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa.

At ang

pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakan nagtataas


sa ating kalagayan sa buhay.
Ang bias ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang
itoy nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon, gaya rin naman na ang
mga pintura ay nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag, at
anino. Subalit ang mga salitang nilimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang
11

matatag na kaisipan, ang marahas na damdamin ng puso, ang pag- ibig, ang
kalungkutan, lumbay, galak, pakikiramay, paghihiganti, paninibugho, at ang
matatamis at masasaklap na karanasan ng kaluluwa ang lahat ng ito ay natititik
sa panitikan ng isang bansa.
May mga dahilan kung bakit mahalaga ang pag- aaral ng ating sariling
panitikan.

Una, ay upang malalaman ng mga tao ang kanilang kaliangan at

kasaysayan. Ikalawa, ay upang mabatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang


paniniwala at pag- uugali. Ikatlo, ay para maging matatag at matibay ang kanilang
pagkalahi.

Ikaapat, ay para makilala ang mga kapintasan at kagalingang

pampanitikan upang ito at lalong mapayabong at ang ikalima, ay upang magkaroon


ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
Ang panitikan ay may dalawang anyo, ang patula at tuluyan. Ang panitikang
patula ay masining na pagsasama- sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod,
may sukat at tugma o malayang taludturan. Ang panitikang tuluyan naman ay
gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na
pagsasama- sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.
May mga uri ng tula una ay ang tulang liriko o tula ng damdamin ito ay
matatawag ding tula ng puso nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni, o
12

damdamin ng may akda.

Kabilang sa tulang liriko ang dalit na tuluyang

nagbibigay ng parangal sa Maykapal. Ang soneto na may labing- apat na taludtod


at nagsasaad ng mga aral sa buhay. Ang elehiya naman ay pumapaksa sa mga
alaala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis. Ang oda naman
ay tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao at awit kung ang mga paksa nito ay pag- ibig, kabiguan, pag- asa,
kaligayahan, at iba pa.
Pangalawang uri ng tula ay ang tulang pasalaysay. Ito ay tulang may kwento at
may mga pangunahing tauhang gumagalaw. May mga kagitingan ng mga bayani
sa pakikidigma ang paksa nito. Kabilang dito ang epiko na mahabang tulang
nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may
mga tagpong kababalaghang hindi kapanipaniwala.

Awit at korido naman ang

mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian


gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may labing dalawang
pantig samatalang ang korido ay may wawaluhing pantig. Ang balad naman ay
tulang inaawit habang may sumasayaw.
Sa tulang patnigan naman ay may tinatawag na karagatan na ito ay paligsahan
sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay. Duplo naman kung paligsahan
13

sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan


matapos mailibing ang patay bilang pang- aliw sa mga naulila nito. Ensiledasa
kapag paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang- aliw sa namatayan. Ito ay
ginagawa gabi- gabi hanggang ika- siyam na gabi. Balagtasan naman ang tawag
sa isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.
Ang tulang pandulaan ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro- moro at
komedya.
Ang ikalawang uri naman panitikan ay ang panitikang tuluyan o prosa.
Maikling Kuwento ang isa sa mga ito.

Naglalahad ito ng isang natatangi at

mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang


panahon.
Ang sanaysay naman ay naglalahad ng kuru- kuro at pansariling kaisipan ng
manunulat hinggil sa anumang paksa. Ang mga uri ng sanaysay ay pormal o
maanyo. Seryoso ang tono at nakatuon ang paksa sa paglalahad at lumalayo sa
katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng
maingat na mga salita at mabisang pangungusap. Impormal o personal naman ito
kung nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad
14

ng paksa. Parang kaswal na pakikipag- usap lamang ng awtor sa mambabasa. Ito


ay tinatawag na malayang sanaysay.
Ang isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may akda o buhay ng isang tao ay
tinatawag na talambuhay. Ang mga uri nito ay maikli, pinipili ang mga bahagi ng
buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga
pangyayari. Mahaba kung ang lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay isinasama.
Ito ay nagsisimula sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran,
at maging hanggang sa kanyang pagpanaw. (Lalic et al., 2004)
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa
pamamagitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing
tauhan na ginaganap sa isang tanghalan.

Ito ay naglalahad ng katotohanan,

propaganda o editoryal na may layuning makisangkot ang mga manunuod.


Nasasalamin dito ang kahapon, kasalukuyan at bukas ng isang bayan. Masasabing
ito ang pinakamagandang uri ng panitikan sapagkat pumapasok dito ang lahat ng
uri ng tula- may damdamin, may tinuturo, pumupuna, nanunudyo, naratibo- na
nagbibigay ningning sa kabuuan ng dula.
Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming ligaw
na tagpo. Maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon.
15

Higit na kinawiwilihan ang nobela kung ito ay itinuturing bilang sa maraming


posibilidad na napapaloob sa malawak na tradisyon ng pagkukuwento. Dumadaloy
din sa mga nobela ang mga sangkap ng didikatisismo o ang paniniwala na ang mga
katha ay mapagkukunan ng mga aral na maiuugnay sa buhay ng mga mamamayan.
Kahulugan ng Nobela
Ang nobela ay sinasabing galing sa salitang Latin, NOVELUS at itinuturing na
supling o kaugnay ng kasaysayan o istorya sapagkat dito isinasalaysay ng saksi ang
mga kaalamang kanyang namasid, kung hindi man walang labis o kulang,
nababawasan o nadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad, piasasaya o
pinalulungkot (Angeles, 1947).
Ayon kay Roman Reyes ang mga nobela ay kinalalarawan naman ng sariling
pag- uugali, mga kilos at damdaming katutubo ng baying pinaghanguan ng
matiyagang sumulat; at hindi lamang ganyan kundi gumagamot din naman sa
maraming sakit na pag- uugali, maling paniniwala atv masasagawang kilos na
nagpapapusyaw sa dapat na maningning na kapurihan ng tao kung kaya
nabubuhay(Reyes 1908).
Ayon kay Inigo ed Regalado ang nobela ay isang akdang pampanitikan na likha
ng guni- guni na naglalarawan ng buhay na pinaganda ng tunay o maaaring tunay
16

na pangyayari, na ang layunin ay magbigay- aliw sa mga mambabasa sa


pamamagitan g kanais- nais na pagganap ng mga kaugalian at gawi ng pamumuhay
o dili kayay paglalantad ng panganib o salungat sa kabutihan upang itoy
maiwasan (Mejares, 1983).

Karagdagan pa sa mga pahayag niya ang mga

katangian ng nobela ay tugmang- tugma sa mga katangian ng isang awit. Ang


kaibahan nga lamang ay sa palula isinulat ang mga awit samantalang sa tuluyang
anyo ang nobela samakatuwid, masasabing ang nobela ay isinilang na noong
panahon ng mga awit.
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo
ng ibat ibang kabanata. Mayroon itong 60,000- 200,000 salita o 300- 1, 300
pahina. Noong ika- 18 siglo, naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming
tiyak na istilo.
Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
piakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa kabila- isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring
17

ito ay may kanya- kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo g isang matibay at


kawili- wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela- binibuo ng mga
kabataan- maraming tauhan at pangyayari- kinasasangkutan ng 2 o higit pang
tauhan.
Kasaysayan ng Nobela
Nakagugulat ang pagsilang ng nobela bilang sangay ng panitikang tagalong.
Bilang isang natatanging anyo ng panitikan, ang nobela at tiyakang isinilang sa
unang bahagi ng ika- 20 dantaon kasabay ng paglalatag ng impluwensya ng
Estados Unidos sa Pilipinas. Gayunpaman, maipapaliwanag na ang nobela ay
bahagi ng ebolusyon ng panitikang pambansa. Taglay nito ang mga katutubong
sangkap ng panitikang- bayan na patuloy na nakapaloob sa panitikan sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol at ang mga elementong banyagang bunga ng ating
kasaysayang kolonyal.
Mahalagang pasukin ang nobela bilang bahagi ng pambansang kamalayang
naghahanap ng bagong anyo upang isatitik ang karanasan ng lahi at ng bawat
Pilipino. Sa ganitong pagsasaalang- alang sa kasaysayan ng sambayanang Pilipino
at mga salungatang puwersang panlipunan at pangkabuhayan ay maaaring

18

maliwanagan ang kaibhan ng naging takbo ng Nobelang Tagalog sa mga modelong


nobelang Europeo- Amerikano.
Matutukoy rin ang masinop na kasaysayang pampanitikan ng mga bukal at
batis ng pagsulong ng nobelang Filipino. Sa ganito magliliwanag ang masalimuot
na kasaysayan ng nobela at ng panitikan sa pagkahalatan. Bawat batis ay may sarisaring daloy at paraan ng pag- unlad, bagaman dapat ipagpaunang hindi ganap na
nagsasarili bagkus dumadaloy nang kaalinsabay ang ibang batis at may mga
pagkakataon ng pagsanib at pakikisanib sa ibang batis. Sa liwanag ng ganitong
kasaysayang pampanitikan higit na mabibigyan ng angkop na pagpapahalaga ang
mga nobela. Ang paglikha ng isang panunuring pampanitikan na napapatnubayan
ng isang pambansa at makabansang kasaysayang pampanitikan ang saligan ng
panukala ng Bagong Pormalismong Filipino noon pang 1992.
Layunin ng Nobela
Nang sumilang ang nobela bilang akdang pampanitikan, nagkaroon ng ibat
ibang layunin ang mga nobelista sa pakikipagtalastasan sa mga mambabasa. Sabi
nga ni Inigo Ed. Regalado, ang layunin ng mga unang nobela ay magbinhi ng mga
simulain o aral na hangad na pagbungahin ng sumulat o magdulot ng aliw sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng magandang paglalarawan ng mga gawi at galaw sa
19

pamumuhay, o maglahad kaya ng isang panganib o sama na makakalasan sa


kadakilang- asal upang maiwasan at malayuan(Regalado, 1939).
Kay Valeriano Hernandez Pena naman, ito ang nagbibigay- aral hinggil sa
kagandahang asal na magiging puhunan sa pamumuhay sa baying kahapishapis.(Pena, 1920).
Samantala, ipinahayag naman ni Fausto Galauran ang ganito, na ang nobela ay
may sariling aral na tinatalakay, aral na maaaring panuntunan ng buhay. May mga
nobelang nakapagtuturo ng kabutuhang- asal, nakapagpapaalab ng damdamin ng
isang naaapi, lumulutas ng malubhang suliraning pambayan at panlipunan at higit
sa lahat, may aral sa mga naliligaw sa landas ng mabuting kabuhayan ( Galauran,
1971).
Ang nobela sa panahong 1960- 1970, ay tumatalakay rin sa mga hilaw na
katayuan ng buhay. Naroroon pa rin ang maririkit na daigdig ng mayayaman at
karahasan ng mga makapangyarihan.

Ngunit naroon din ang katotohanang

panimbang rito: ang trahedya ng karukhaan at nasa huli ang diin. Wala ang
pagsuko ng mga api manapay ipinagsisigawan ang pagpupuyos tanda ng
pakikihamok at pakikibaka (Pineda, 1979).
Uri ng Nobela
20

Mayroong mga uri ng nobela una na nga rito ang nobelang romansa kung
saan ay binibigyang pansin dito ang pag- ibig: sa bayan, sa Diyos, sa kapwa, sa
mga magulang.

Nagbibigay halaga sa utos ng puso o damdamin at

paghuhumaling. Sumunod ang nobelang kasaysayan binibigyang- diin naman dito


ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na. Ang may akda ay hindi lamang
naglalayong maiulat ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa
kasaysayan kundi maglarawan ng pagmamahal at pakikipaglabang ginawa ng ating
mga bayani para sa minimithing kalayaan ng inang bayan. Ang nobelang banghay
naman ay isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili
ng mga mambabasa. Nangingibabaw ang pagbabalangkas ng mga pangyayari o
ang porma ng pagkakalahad ng kuwento.

Nobelang masining naman kung

paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud- sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng


mga mambabasa.

Mahusay na pagkakahanay at pagkakatalakay ng mga

pangyayari. Taglay rin nito ang mahusay na paglalarawan ng pagkatao ng mga


tauhan. Nobelang layunin naman kung ito ay umiikot sa mga layunin at mga
simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao. Nobelang tauhan, binibigyang- diin
sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan,
sitwasyon at pangangailangan. Nobelang pagbabago o panlipunan kung ukol sa
mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema. Binibigyang diin
21

ang mga layunin ng may akda o mga ninanais na pagbabago sa pamahalaan at


lipunan.
Literaturang Pananaliksik
Sa bahaging ito inilahad ang mga pananaliksik na may kaugnayan sa
kasalukuyang pag- aaral.
Sa pag- aaral nina Jane L. Comia et al., 2015 sa tatlong akda ni Lualhati
Bautista na Gapo, Dekada 70, at Bata, Bata Pano ka Ginawa?. Natukoy nila ang
tatlo sa pinaka nangingibabaw na tema sa bawat nobela, kung saan ay iniugnay sa
kasalukuyang pangyayari upang maipakita ang mga kaganapan sa isang
indibidwal, pamilya at lipunan na ating ginagalawan. Sa pagnanais na makatulong
sa mga guro, mag-aaral at iba pang mananaliksik ay humantong sila sa pagkamit
ng Elektronikong Pagsusulit na magagamit upang mapukaw ang interes ng lahat at
sa mas matagumpay na pagkaunawa ng isang paksa o akda.
Sa pag- aaral nina Enriquez, et al., (2014) sa akda ni Dante Alighieri na
Divine Comedy nasuri nila na ang mga tila ay nagpapakita ng nangingibabaw
nitong tema.

Kung saan ito ay umiikot sa pisikal, political at ispiritwal na

pagkaunawa ni Dante sa mundo. Ang karanasan ng tao ay nagpapakita sa mga


mambabasa ng kahalagahan ng ibat ibang mukha ng buhay. Inirekomenda din
22

nila na malaki ang tulong na nagagawa ng E- Learning Book at E- Quiz sa mga


mag- aaral at guro sa pag- unawa ng panitikan bilang paradigm ng kanilang
pagsusuri gamit ang thematic na paraan.
Napatunayan sa pag- aaral nina Candava at Magno (2006) ukol sa
pagsususring Thematic ng Nobela ni Antoine de Saint Exupery na ang nobela ay
isa sa may malaking impluwensya upang mapukaw ang kawilihan ng mga magaaral sa pagbasa.

Nabigyang pansin dito kung paanong ang tema at ang

simbolismo ay nagagamit sa pagpapaunlad ng takbo ng nobela. Gayundin ang


kahalagahan ng kaugnayan nito sa buhay ng tao- ang pakikipagkapwa- tao,
paggalang, pagmamahal at pagkakaibigan.
Sa isinagawang pag- aaral nina Cerda, et al., (2005) sa apat na maiikling
kwento ni Guy De Maupassant nasuri nila na ang bawat tema ay sumasailalim sa
ideolohiya at pilosopiya ng buhay. Ipinapakita din ang pagkaganid ng ugali ng tao
sa kapwa. Ang apat na katha ay madaming implikasyon sa kontemporaryong
buhay tulad ng pagiging kontento sa buhay. Ang relasyon sa pamilya ay di dapat
balewalain at ang maging malikhain at pagkakaroon ng pagbubuklod- buklod ng
pamilya. Inirekomenda nila na ang mga guro sa panitikan ay nararapat gumamit

23

ng ibang metodolohiya sa pagtuturo at ibang aktibiti para sa mga mag- aaral upang
mapukaw ang interes nila sa pagbabasa ng mga kwento o panitkan.
Ayon naman sa pag- aaral nina Corpus, et al; (2004) sa dalawang nobela na
isinulat ng mga kilalang feminist na sina Lualhati Bautista at Liwayway Arceo,
sinuri nila ang Gapo at Canal dala Reina. Ang pagsusuring ito ay batay sa
mga pananalig pampanitikan, pamamaraan at istilong awtor at ang mga
pagpapahalagang Filipino. Matapos ang masusing pagsusuri inirekomenda nilang
hindi lamang mga nobela ang dapat mapag- aralan kundi pati na rin ang iba pang
sangay ng panitikan tulad ng maikling kwento, dula at iba pa para sa
pagpapayaman ng kaalaman natin sa sariling panitikan.
Ayon sa pag- aaral ni Panganiban (2000) sa tatlong maikling kwento gamit
ang literary criticism at descriptive analytic bilang metodo sa pananaliksik,
nagpabatid ang mga temang nangingibabaw sa mga akda ni Bienvinido Santos na
sumasalamin sa karanasan, pag- uugali at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino,
pag- unawa sa kanyang sarili at sa ibang tao. Nirekomenda din niya na ganyakin
pa ang mga guro sa panitikan ang mga mambabasa higit ang mag- aaral na
pahalagahan ang mga likha ng manunulat na Pilipino.

24

SINTESIS
Ang pag- aaral sa mga kaugnay na literature ay naging makabuluhan upang
mailahad ang mga pagkakaiba at pagkakatulad nito sa kasalukuyang pag- aaral.
Gayundin ang kaugnayan nito sa nasabing pag-aaral.
Kaugnay sa pag- aaral nina Jane L. Comia et al., (2015) ay nagkakatulad sa
kasalukuyang pag- aaral sapagkat kapwa sinuri ang mga temang nangingibabaw sa
bawat akda. Gaya ng kasalukuyang pag- aaral, gumamit din ang nasabing pagaaral ng pagsusuring thematic. Nagkaiba naman sa akdang sinuri at sa may- akda
nito.
Nagkakatulad ang pag- aaral nina Enriquez, et al., (2014) sa kasalukuyang
pag- aaral sapagkat parehong binigyang halaga ng dalawang pag-aaral ang mga
katotohanan ng buhay na masasalamin sa akda. Gaya ng kasalukuyang pag-aaral
gumamit rin ang nasabing pag- aaral sa pagsusuring thematic. Subalit naging
magkaiba naman ang dalawang pag- aaral dahil ang pananaw mismo ng may akda
ang nabigyang pansin sa naunang pag- aaral. Samantalang sa kasalukuyang pagaaral inilahad ang katotohanan ng buhay batay sa panahon kung kailan naisulat ang
akda. At ang mga katotohanang ito ay hindi na lingid sa ating kaalaman.

25

Kaugnay sa pag- aaral nina Candava at Magno (2006) ang kasalukuyang


pag- aaral ay nagbigay- pansin din sa pagsusuri sa mga temang nangingibabaw sa
nobela. Ang dalawang pag- aaral ay parehong nagsuri ng nobela gamit ang iisang
metodo.

Bagaman ang naunang

pag-aaral ay nagsuri ng banyagang nobela,

pareho namang binigyang pansin ang tema sa nasabing mga pag- aaral. Nagkaiba
naman ang dalawang pag- aaral sapagkat sinuri din sa naunang pag- aaral ang
naging papel ng simbolismo sa kabuuan at pag- unlad ng nobela na hindi naman
nabigyang- ukol sa kasalukuyang pag- aaral.
Ang pag- aaral naman nina Cerda (2005), ay kahalintulad ng kasalukuyang
pag- aaral sa aspetong kasasalaminan ito ng katotohanan ng buhay.

Kapwa

nailahad ng mga mananaliksik ang mga temang nangingibabaw sa mga akda


(nobela at maikling kwento). Magkatulad rin ang ginamit nilang pamamaraan sa
pagsusuri ng nasabing mga akda at ito ang pagsusuring thematic. Kung saan
nailahad nila ang mga temang nangingibabaw sa ibat ibang akda gamit ang
nasabing paraan ng pagsusuri. Nagkaiba lamang ang dalawang pag- aaral sa
akdang sinuri. Sapagkat ang sinuri ng unang pag- aaral ay maikling kwento
samantalang nobela naman ang sinuri sa kasalukuyang pag- aaral.

26

Batay naman sa pag- aaral na isinagawa nina Corpus, et al., (2004)


nabigyang halaga ang katangian ng mga kababaihan kung saan ito ay may
pagkakatulad sa kasalukuyang pag- aaral.

Sapagkat sa pag- aaral na ito ay

bahagyang mabibigyang pansin ang papel ng mga kababaihan sa dalawang nobela


ni Inigo ed Regalado. Nagkaiba naman ang dalawang pag- aaral sa aspeto ng
metodong ginamit. Ang unang pag- aaral ay ginamitan ng teoryang feminismo
kung saan naglalahad ito ng katangian, kalakasan, at kahinaan ng mga kababaihan.
Samantalang ang kasalukuyang pag- aaral naman ay gumagamit ng pagsusuring
thematic.

Gayundin, sinuri ng naunang pag- aaral ang dalawang nobela ng

dalawang magkaibang akda, ngunit ang kasalukuyang pag- aaral naman ay nagsuri
ng dalawang nobela ng iisang may- akda.
Katulad ng pag- aaral ni Panganiban (2000) ay nagsuri ng akda, ang
kasalukuyang pag- aaral ay nagsuri rin ngunit dalawang akda lamang. Sila ay
nagkatulad sapagkat ninais ng dalawang pag- aaral na matukoy ang nangingibabaw
na tema. Ngunit naging magkaiba ang dalawang pag- aaral sa aspeto ng mga
pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng akda. Ang unang pag- aaral ay gumamit ng
literary criticism at descriptive analytic, samantalang ang kasalukuyang pag aaral
naman ay gumamit ng iisang metodo lamang at ito ay ang pagsusuring thematic.
27

Subalit ang dalawang pag- aaral na ito ay masusing nakapaglahad ng mga temang
nangibabaw gamit ang magkaibang metodo.
Balangkas Konseptwal
Ang epektibong pagtuturo ng mga akdang pampanitikan ay isa sa mga
suliraning hindi maitatangging mahirap solusyunan.

Kapansin- pansin na sa

kasalukuyan, ang mga mag- aaral ay tila mas nawiwili at mas natututo mula sa mga
bagay na dulot ng makabagong teknolohiya. Hindi na napagtutuunan ng gaanong
pansin ang paglinang sa makrong kasanayan sa pagbasa.
Ang nobela ay isang uri panitikan na naglalayong ilahad ang mga
malikhaing kwento na galing sa malikot na isipan ng mga may- akda. Sa
pagbabasa ng nobela marami ang nagnanais na maunawaan ang bawat detalye nito.
Sa dinami rami ng maaaring gawin upang masuri, humantong ang mga
mananaliksik sa isang paksa. Ang malaman ang bawat temang namamayani sa
bawat akda ang kanilang nais pag- ukulan ng pansin. Naniniwala ang mga
mananaliksik na malaki ang ambag ng pagkaunawa sa tema sa takbo ng pangyayari
sa bawat isang nobela. Ginamit nila ang tematikong pagsusuri upang matukoy ang
nais iparating ng bawat nobelang akda ni Lualhati Bautista. Batid ng mga
mananaliksik na hindi magiging madali ang lahat kinakailangan ng masusing
28

pagbasa upang makuha ang bawat temang tinataglay ng bawat nobela. Alam din
nilang sa ganitong paraan maraming katanungan sa kanilang isipan ang
mabiibigyang kasagutan.
Bilang tugon sa problemang ito, napagpasyahan ng mga risertser na gumawa
ng E- Book na nakapaloob ang bawat kabanata ng nobela at gumawa ng comic
strip na nagpapakita ng temang nangingibabaw sa dalawang nobela ni Inigo Ed
Regalado. Ang comic strip na ito ay magsisilbing gabay upang lubos na mapadali
ang pagsusuri ng mga tema sa dalawang nobela. Sa pamamagitan din ng E- Book
na ito magiging madali para sa mga guro ang pagtuturo ng mga pampanitikang
akda tulad ng nobela. Gayundin, magdudulot ito ng kawilihan para sa mga magaaral ang bumasa ng mga nobela.

29

PARADIM NG PANANALIKSIK

Input
Nobela ni
Inigo ed
Regalado
Sampaguita
ng Walang
Bango

Process

Output

Pagsusurin
g Thematic

E- Book at
Comic Strip

Madaling
Araw
Pigyur 1
Konseptwal Paradim
Pagsusuring Thematic sa Dalawang Nobela ni Inigo Ed Regalado

30

Depinisyon ng Terminolohiya
Sa bahaging ito, inilahad ang mga terminolohiyang ginamit sa pag- aaral ng
bawat nobela upang mabigyang- linaw ang mga kahulugang natatago sa bawat
salita.
Lugar. Ito ay tagpuan o pinangyarihan ng kuwento o akda. (Santos, et al.,
1995).
Makatao. Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa karapatan, paggalang at
pagrespeto sa bawat isa. ( Beltran, 2001).
Mensahe. Ito ay ang laynin o mensaheng inilalarawan ng isang manunulat
sa kanyang akda.
Pagsusuring

Pampanitikan.

Ito

ay

tumutukoy

sa

kritisismong

pampanitikan. (diksyunaryong Sentinyal, 2011).


Pagsusuring Thematic. Ito ay tumutukoy sa paraang qualitative analytic
upang tukuyin, suriin at pag- aralan ang tema na nakapaloob sa isang akda. Ito rin
ay nag- oorganisa at naglalarawan ng mga mayayamang detalye. Gayunpaman,
may mas malalim pa rin itong kahulugan kung ating isasaalang- alang ang mga
aspeto ng pananaliksik ( Braun and Clarke, 2006).

Pag- uugali. Ito ay gawi ng ipinapakita ng bawat tao. Nagsisilbing tanda


ng pagkatao ng bawat isa.
Pangyayari. Ito ay tumutukoy sa mga yugto ng bawat kuwento o akda
( Aquino, et al., 2006).
Tauhan. Ito ay likahang- tao ng isang akdang pampanitikan na akala moy
isang buhay na nagsasalita, nag- iisip, tumatawa o di kayay nananaghoy.
( Santiago, et. al. ,1989).
Tema. Ito ay maikling sanaysay na ipinagagawa o ipinasusulat sa kanyang
pinag- aarala. ( Santos, et al., 1995).

KABANATA III
PAMAMARAAN PANANALIKSIK
Sa bahaging ito inilahad ang mga pamamaraan maging ang ibat ibang
proseso sa ginawang pag- aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive qualitative analysis o
pagsusuring paglalarawan upang maipakita ang mga temang napapaloob sa
dalawang nobela ni Inigo Ed Regalado bilang metodolohiya. Ang deskriptibong
pananaliksik ayon kay Sevilla, et al., (1992) ang pinakamabisang paraan upang
masagot ang suliranin sa loob lamang ng maikling panahon. Ginamit din ito upang
humantong ang pag- aaral sa isang produkto na gaganyak sa mga mag- aaral upang
lalo pang tangkilikin ang mga akdang pampanitikan tulad ng nobela.
Sa tiyak at ispesipikong salik ginamit ng mga mananaliksik ang pagsusuring
thematic upang mailahad ang temang nangibabaw sa bawat nobela.
Ang pag- aaral ay naglalahad kung ano ang mga temang nangingibabaw sa
dalawang nobela ni Inigo Ed Regalado na Madaling Araw at Sampaguitang
Walang Bango na siyang nais nilang ibahagi sa mga mambabasa. Kaugnay nito
ang paghahanap ng mga namamayaning paksa sa bawat kabanata ng nobela.

33
Paraan ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng malawakang pagbabasa sa ibat
ibang mga akda, mga di- nalathalang tesis at maging sa ibat ibang sayt sa internet
tungkol sa buhay ni Inigo Ed Regalado maging sa kanyang mga nobela. Sa tulong
ng mga nobelang napalathala bilang mga aklat, naisagawa nang mahusay ang
pagsusuri sa mga nobelang nabanggit. Maging ang masususing pagtatala ng mga
kaisipan sa bawat kabanata ay hindi nila pinalampas na malaki ang ginampanang
papel sa katuparan ng pag- aaral.
Paraan sa Pangangalap ng Datos
Bago simulan ang pag- aaral na ito, ang mga mananaliksik ay matamang
nag- isip ng mga posibleng paksa na may kaugnayan sa kanilang kurso.
Sinimulan ng mga mananaliksik ang proseso sa pamamagitan ng
malawakang pagbabasa sa mga akda ng mga kilalang manunulat sa Pilipinas.
Mula sa mga ito, pinili ng mga mananaliksik ang dalawang nobela ni Inigo Ed
Regalado na nakapukaw ng kanilang atensyon. Ang mga ito ay Madaling Araw
at Sampaguitang Walang Bango. Matapos ang pagpili sa mga nobela matiyaga
nila itong binasa upang makuha ang mga namamayaning tema na siyang pakay nila
sa pagsusuri.

34
Kaugnay nito, ang masusing pagbabasa at pagsusuri sa mga kabanata ang
nagbigay daan upang matukoy ang mga dominanteng tema na nakapaloob sa
dalawang nobela.

You might also like