You are on page 1of 9

Chulipa, Loraine T.

27 July 2015

2012- 14615

PI 100 X2C

Buod ng Kristong Pilipino: Pananampalataya kay Jose Rizal


I. Sino Ka Ba Jose Rizal?
Sa kabanatang ito ipinakita ang mga pagkakakilanlan ng mga ibat ibang tao
kay Jose Rizal. Mga halimbawa ng mga nabanggit ay pambansang bayani, martir,
manunulat, Kristong Tagalog/Pilipino/Kayumanggi/Oryental.
II. Laong Laan: MalaKristo sa Sarili
Laong- laan

Ang mga iba pang paralelismo

Bayaning itinanghal

Ang madayang paglilitis

Pinagdaanay ipinagtutulad

Ang mahinahong pagtanggap sa


kamatayan

Sa buhay ni Hesu Kristo

Ang paglalakad tungong


Kalbaryo
Pepey nais tudlain
Mga mapansamantalang prayle

Nang malapit na ang oras

Tulad ng ginawa ni Kristo

Humingi ng kapatawaran

Sa mga mapang-abusong
Pariseo

Para sa sangkatauhan
Consummatum est!

III. Icalauang Josue: Mangkukulam Tungong Redentor y Salvador


Dito ipinakita kung paano nag-iba ang pananaw ng mga tao kay Rizal. Noong
una, binansagan siyang mangkukulam dahil sa mga malahimalang paggamot niya
ng mga pilay, bingi, at lalao na ng mga bulag. Tinawag rin siyang Dr. Uliman at
espiya ng Aleman.
Nang linisan muli ni Rizal ang Pilipinas at patuloy paring pinapahirapan ang
mga Pilipino, inabangan ang kanyang muling pagbalik. Noong nakabalik na siya at
ipinatapon sa Dapitan, siya ay itinuturing na manunubos, tagapagligtas, inspirasyon
ng Katipunan, at Redenetor y Salvador. Para sa mga Kastila naman, siya ang
Verbo ng Filibusterismo at Golgotang Filipino.

Natalakay din sa kabanatang ito ang pagkakasulat ng Mi Ultimo Adios kung


saan may limang linya siya at 14 na saknong tulad ng 14 Stations of the Cross. May total rin
ito ng 70 (Septuagesima) taludtod na nagsisimbolo sa 70 araw bago ang linggo ng Pagkabuhay. Maaaring
isa pang ibigsabihin ng tula ay muling mabubuhay ang Pilipinas.
IV. Walang Pinagibhan kay Jesucristo: Ang Pagkabitay
Napag-usapan dito ang mga nangyari pagkatapos ng pagpatay kay Jose Rizal.
Halimbawa any ang mga tsimis tungkol sa kanyang pagkamatay. Sabi ng iba, may
mga anting anting daw siya kaya hindi siya mamamatay. Ang iba naman, muling
mabubuhay si Rizal tulad ni Kristo kayat binantayan ng 15 araw ang kanyang mga
labi.
Dahil rin namatay si Rizal, mas tumindi ang pangangailangang maghimagsik.
Mas maraming kumparison in ang ginawa sa kanya tulad ng siya raw ang Tagalog
na Quijote-Hamlet, Gran Tagalo, at Tagalog Redentor.
V. Luminario: Mahiwaga at Mahimala
Dito naman tinalakay ang pagkamangha, paghanga, at pagpupunyagi kay
Rizal. Halimbawa ay ang aklat ni Nicasio Geronimo na Pasiong Pilipino: Ang
Paghihirap ng ating Dakilang Martir na Dr. Jose Rizal. Kay Eriberto B. Sanos naman
ay ang Kasaysayan ng Pasyong Mahal ni Amang Dr. Jose Rizal Ang Kristong Pilipino,
Pasyong Rizal.
Si Geronimo ay gumawa rin ng acrostic para sa JOSE RIZAL kung ito ay may ibigsabihing
Justicia, Organisado, Sirbisyo, Ee(i)nternal, Repormado, Immaculate, Anghilus, Luminario.
Isa ring pagpupugay ang koleksyon ng 100 mga salaysay at mga kwentong kinumpila ni Alfonso
Santos. Ipinapakita dito kung gaano mahiwaga at mahimala si Jose Rizal. Halimbawa ay ang kwentong
Dr. Rizal and the Monkeys kung kinausap umano ng bayani ang mga unggoy na itigil ang pagkuha ng
kanyang mga pananim sa Dapitan.
Ang ibang pamamaraan kung paano rin itinanghal si Rizal ay ang paglalagay ng tattoo sa
katawan, paglabel ng mga komersyal na bagay gamit ang kanyang pangalan tulad ng sa posporo.
Ikinumpara rin siya ni John Michael Pocock kay Nostradamus dahil sa pagkapanalo niya sa loterya.
VI. Pilipinong Lantay: Katuluyan sa Dantaon 20

Tinalakay dito ang mga grupo nananampalataya at tumitingala kay Jose Rizal.
May walong grupo ang itinala.
A. Iglesia Filipina Independiente (IFI) o Simbahang Aglipayao
Kinanonize ng grupong ito sina Dr. Jose Rizal, Padre Gomez, Padre
Burgos, at Padre Zamora. Isa rin itong paraang ipakita na kaya nitong
makitambal sa simbahang Katoliko. Si Rizal rin ay itinuring bilang glorioso
Apostol.
B. Adarnista o Iglesiang Pilipina
Pinasimunuan ito ni Candida Balantac na pinaniniwalaang isang
engkantada sa Bongabon, Nueva Ecija. Siya ay tinatawag na Inang Adarna,
Maestra, at Espiritu ng kanyang mga taga-sunod. May paniniwala silang si
Rizal ang Diyos ng bayang Pilipino at siya ang tunay na Diyos at tunay na tao.
C. Samahang Rizal
Itinatag ito ni Basilio Arominsa Cuyapo, Nueva Ecija. Pinaniniwalaan
nilang si Rizal ang Anak ni Bathala. Itinuturing nilang Bibliya ang Noli Me
Tangere at ang El Filibusterismo. Ginagabayan rin sila ng mga doktrina at turo
mula sa mga nasabnig aklat.
D. Sakay ng Barko: Colorum sa Surigao
Pinaniwalaang kasapi ng kilusan na maglalaban ang mga Amerikanong
mananakop at katutubo. Pagkatapos ng apat na buwan, darating si Dr. Jose
Rizal sakay ang isang malaking barko at ililigtas ang mga mananampalataya
at dadalhin sila sa Cebu.
E. Iglesia Sagrada Filipina ng Sinco Vucales y Siete Virtudes Tierra Santa de
Jerusalem
Itinatag nina Purificacion at Severo Aviela ang samahang ito noon
1926. Naniniwala silang si Rizal, ang Diyos at ikalawang Kristo, ay buhay pa
at naroroon sa lugar kung saan si Kristo. Pinaniniwalaan din nila na ang
Bundok Banahaw ang Bagong Herusalem
F. Bathalismo, Inc.

Itinayo ito ni Venancio P. Wagan sa Mambangan, San Leonardo, Nueva


Ecija. Naniniwala silang hindi namatay si Rizal noong binaril siya at sa halip
ay tumungo siya sa China sakay ng isang bapor.
G. Amang Kaamaamahat at Inang Kainainahan, Inc.
Pinamunuan ito I Laureta Dion Balantac sa Olivete, Bongabon, Nueva
Ecija. Sa altar ay may imahen ng Maestrong Rizal, ng birhen at KKK. N noong
1986, naglakad silang nakapaa mula sa Laoag hanggang Maynila.
H. Iglesia Watawat ng Lahi
Itinatag noong Disyembre 25, 1936 sa Burol ng Lecheria, Calamba,
Laguna sa layuning magkaroon ang mga Pilipino ng sariling relihiyon na
malaya sa dayuhang impluwensia. Pinaniniwalaan din nilang si Jose Rizal ang
Kristong Pilipino at ang Sugo ng Diyos sa Dulong Silangan. Sa kasalukuyan,
hati sa tatlong grupo ang pangkat: ang Iglesia Walata ng Lahi, Inc., Samahan
Watawat ng Lahi, INc., at Iglesia ng Lipi ni Gat. Dr. Jose Rizal.
VII. Bagong Herusalem: Mga Pangkat sa Banahaw

Bundok Banahaw
Lupang Pinagpala
Banal na Lupang Pangako

Tatsulok na larawan ni Kristo, Rizal, at


Balitaan
Ito ang simbolo

Dinadayo ng mga deboto


Templo Spiritual Pilipino Catholic
Church
Maraming grupo ang naririto

Rizal na may libro

Tulad ng Iglesia de la Ciudad Mestica


de Dios

Sa harap ng barko nakatayo

Itinayo ni Maria Bernarda Balitaan

Ito ang simbolo

Pinakamalaking kapatiran sa
kasalukuyan

Banal na lupay sa Pilipinas na

Engkantado ng Piralibotan

Rizal ang hinirang, pinili sa kalahatan

Nakasulat sa harap ng tindahan


Ni Mercedes P. Reyes

Ito ang simbolo

Mama Rosa ng La Iglesia Catolica


Filipina
Ama-Ina Santisima Trinidad sa Camara
Baja
Peynting ng ikalawang pagdating ng
Amang Doktor
Ito ang simbolo

Sinimulan ni Ka Dodong
Rizal ay hindi Kristo, kundi ay isang
Sugo
Ito ang simbolo

Narinig ni Agapitao ang dakilang boses


Itinayo ang Samahan ng Tres Persona
Solo Dios
Ipinagpipiyesta si Rizal
Ito ang simbolo

Para sa Jesus Nazareno Jove Rex Al


Na galing pa ng Camarines Norte
Rizal ay si Jesus at si Jehova
Ito ang simbolo

Kapatirang ang Litaw na Katalinuhan


Sa pangitain ni Angel Lorenzo nagmula
Templo Rizal, lugar ng panalangin
Ito ang simbolo

Sabi naman ng PAMPAR


Iwaksi ang dayuhang oryentasyon
Mahalin ang sariling bansa
Ito ang simbolo

Sampung mga pangkat


Mga Rizalista kung ituring
Pagmamahal at pagdambana
Ipinakit sa mga samut saring simbolo

Sa ibayong lugar
Kapatirang San Francisco de Asis
Nanay Lulu ay kinausap daw ni Rizal
Ito ang simbolo

Lahat ay nagtitipon upang


manampalataya
Sa mahiwagang lugar sa bayan ng
Dolores
Bundok Banahaw
Ito ang simbolo

Sa Katipunan Karunungan
Kataastaasan Pananampalataya
VIII. Olimpo Sagrado: Mga Pangkat pa sa Luzon
Dito naman tinalakay ang mga taong nananampalataya kay Rizal na
matatagpuan sa Rizal.

A. Lapiang Malaya
Si Valentin de los Santos ang supremo ng grupong ito. Iginigiit nila ang
katutubong kabihasnang Pilipino at nagtipo sa Taft Avenue noon g 1967 para
ipabatid ang kanilang hiling ngunit silay tunugis ng mga sundalo ng
pamahalaan. Dinakip rin si de los Santos at binasagang baliw. Ang mga
disipulong nakatakas ay ngayony nagpapatuloy sa kanilang paniniwala sa
ilalim ng Iglesia sa Malayang Silangan at Bukal ng Pananampalataya sa
Nueva Ecija at Vizcaya.
B. Senor Ignacio Coronado Jose Protacio Rizal Mahal na Ina Birheng Sinukuan
Universal Shrine
Matatagpuan ito sa San Juan Bano, arayat, Pampanga. Patuloy pa rin
ang dasalan at pagpupugay kina Rizal at Apo Panyang (Epifania Castillejos)
sa santuwaryong kung atwain ay Olimpo Sagrado.
C. Infinito Solo Dios
Ito nman ay sa Baranggay Sibul, San Miguel, Bulakan matatagpuan.
Galing sa ibat ibang lugar ang mga nananampalataya at silay sumusunod sa
Santong Boses. Nakakausap daw nila si Rizal. Ang simbahan nila ay gawa
sa bato.
D. Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay Gobierno Espiritwal
Mula sila sa Nueva Ecija at Leyte. Nagdaos sila ng Banal na Misa sa
Kapayapaan at Pagdakila sa Bayaning Rizal sa Luneta noong Hunyo 19,
2009.
E. Sagrada Pamilya
Itinayo ni Abelardo Cuevas dahil sa isang panaginip noong 1972. Isa sa
mga grupo mula sa Sagrada Familia ang naging Banal na Angkan na
ngayony tinatawag na Upliftment of Our Faith. Dinadakila nila si Rizal dahil
sa paggising nito sa pagkamakabayan ng mga Pilipino gamit ang kanyang
mga sulatin.
F. Katipunang Gat Rizal

Itinatag noong 1993 upang buhayin ang kamalayan ng bayani sa


pagtitipon ng kanyang mga anak upang ganap na maisakatupparan ang
angkop na kahulugan ng mga katagang Noli Me Tangere. Gagawin ito sa
pamamagitan ng pagpapatayo ng Paaralang Rizaleo at pangkabuhayang
Rizalyanihan.
G. Kapatirang Rizal Incorporada
Naniniwala silang hindi pa malaya ang bansa.
IX. Yuta nga Gisaad: Sa Bisayas at Mindanaw
Sa kabanatang ito inilista ang mga organisasyon at pangkat sa bandang
Bisayas at Mindanaw na nananampalataya kay Rizal. Sa Bisayas, mayroon ang
Perfecto Govierno Spiritual sa Leyte at Rizalian sa Capiz. Sa Mindanaw naman
matatagpuan ang Philippine Benevolent Missionaries Association sa Surigao del
Norte, Iglesia ni Jehova Moncado Alpha and Omega World Crusaders Mission,
Incorporated sa North Cotabato, New Jerusalem, Inc. sa Zamboanga del Norte, at
iba pa.
X. Sacred Prophetic Politics: Sa Akademya at Mataas na Lipunan
Dito naman tinatalakay na hindi lang sa mga mabababang uri ng lipunan
ang nananalaytay ang kahibangang ito. Ipinakita rin na may mga dayo at mga
nasa mataas na lipunan na nananampalataya kay Rizal. Halimbawa ay si
Consolacion Alaras retiradong propesor ng UPD nasumulat ng aklat na Pamathalaan: Ang
Pagbubukas sa Tipan ng Mahal na Ina kung saan inilahad niya ang mga ibat ibang
kapatiran sa kapuluan at ang pagbubuklod-buklod ng mga ito tungo sa dalumat ng
Pamathalaan.
Isa ring nabanggit na pruweba ay ang Holy Orthodox Catholic Apostolic
Church of Jesus Christ na pinamunuan ni Reynaldo de la Paz, isang sayantist at
propesor din ng UPD. Sumulat rin siya ng aklat na nagpapaliwanag sa doktrina ng
kanyang pangkat.
XI. Deluded: Pagtawad at Pagkutya
Noong una,

Si Rizal ay kriminal!

mga Espanyol ang kumutya

Patayin niyo siya!

Si Rizal, Kristo??? Exag naman!


Mga Kano ang sumunod

Deluded dahil walang edukasyon

Mga nananampalataya ang


pinatamahan

Kulto! Hindi raw tamang relihyon!

Katarantahang relihyon iyan!


Pinaghalong pagkahaling at pamahiin
lamang
Ngayon, sariling kababayan ang
tumutuligsa

Ngunit matanong ko lang,


Sino ba sila para umasta ng ganyan?
Sino ba?
Mga mapanghusgang putang ina!

XII. Pambansa, Makabayan, Pananampalataya


Dito naman tinalakay na hindi lang sa Pilipinas natatagpuan ang mga
indibiduwal at mga kilusang tulad ni Rizal at mga Rizalista. Ipinakita na rin ang mga
reaksyon ng mga estudyanteng sumali sa PI 100 field trip sa Bundok Banahaw.
XIII. Talasanggunian
Nakalista ang mga sangguning ginamit sa pagsulat ng libro.

You might also like