You are on page 1of 2

SIMBOLO NG BULACAN

PINAGMULAN NG BULACAN
Natuklasan ng mga mangingisda ang lugar na ito bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa.
Nanggaling sila mula sa baybayin ng Maynila at lumipat sa lupaing ito kung saan mataba ang
lupa at napapaligiran ng ilog at batis. Lumaki ang bilang ng mga naninirahan dito at ngayon ay
kilala na bilang lalawigan ng Bulakan.
Pinaniniwalaang mula sa salitang "bulak" (kapok) o tinipil na salitang "bulaklak". Maaaring
tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook na may maraming tanim na bulak o bulaklak.
Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng
kasaysayan ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay isa sa mga lalawigang nag-alsa sa mga Kastila.
Ang Simbahan ng Malolos at Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga naging punong himpilan
ni Pangulong Emilio Aguinaldo at ng kanyang batasan.

PANGYAYARI
Ang Bulakan ay nasa timog-kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon. Ito ay nasa hanggahan
ng Nueva Ecija mula hilaga, ng Aurora at Quezon sa silangan, ng Pampanga sa kanluran
at Kalakhang Maynilaat Look Maynila mula sa timog.
Binubuo ng 2,625.0 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Bulakan. Humigit kumulang
14 na porsiyento ng buong sukat ng Luzon ang sinasaklaw ng Bulakan. Mayroon itong 21
munisipalidad, tatlong lungsod at 569 barangay. Ang Lungsod Malolos ang kabisera ng
naturang lalawigan.

SIMBOLO NG NUEVA ECIJA

PINAGMULAN NG NUEVA ECIJA


Ang Nueva Ecija ay isang walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan
sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang
Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva
Vizcaya,Zambales, Bataan at Aurora. Tinuturing na pangunahing nagpapatubo ng palay na
lalawigan sa Pilipinas ang Nueva Ecija. At saka ang nangungunang taga-gawa ng
mga sibuyas(sa munisipalidad ng Bongabon) sa Timog-silangang Asya. Sikat din rito ang
mga Gatas ng Kalabaw, mga gulay at prutas na inaani ng Nueva Ecija.

PANGYAYARI
Nabuo ang Nueva Ecija bilang isang comandancia militar noong 1777 sa pamamagitan
ni Gobernador HeneralClavera[kailangan ng sanggunian], kasama ang kapital sa Baler (bahagi na
ngayon ng Aurora). Dating kabilang sa lalawigan ngPampanga. Mula sa pagkatatag nito sa
simula, lumaki ang lawak ng lupain upang sakupin ang buong pulo ng Luzon. May mga talaan
ng mga Kastila na kinikilala ang 2 Kastilang lalawigan (county) sa Pasipiko Las Islas Filipinas
at Nueva Ecija. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi binigyan na pagkilala ng Hari ng
Espanya noong dekada 1840 ang Nueva Ecija bilang isang hiwalay ng bansa sa Pilipinas. Mula
1777 hanggang 1917, nahati ang teritoryo ng Nueva Ecija upang magbigay daan sa palikha ng
ibang lalawigan. Ang lalawigan ng Tayabas (Aurora at Quezon ngayon) kabilang ang mga pulo
ng Polilio, ang lalawigan ng Palanan (Isabela ngayon), Cagayan, ang lalawigan ng Nueva
Vizcaya, ang teritoryo na naging kabilang sa Lalawigan ng Quirino, at ang lalawigan
ng Maynila hilaga ng lalawigan ng Tondo noong 1867, at ang Distrito ng Morong (Rizal ngayon)
ay nalikha mula sa Nueva Ecija.

You might also like