You are on page 1of 2

Hindi pa.

Nakakatuwa ang dalawang salitang iyon.


Hindi pa.
Para ang gandang pakinggan sa umpisa.
Parang laging may paanyaya ng simula.
Kumain ka na ba? Hindi pa.
Napanood mo na ba

tong pelikula? Hindi pa.

Natikman mo na ba to? Hindi pa e.


Natikman mo na ba ako? Hindi pa.
Hindi pa.
Parang laging may kasunod na pero gusto ko sana.
Parang nagsisimula ng maraming oo, tama, magsisimula.
May pangako ng isang simula.
Kaya siguro magandang pakinggan sa una dahil sa pinapangakong simula.
Pero hindi pa, sandali, huwag muna.
Mahal ko na ba? hindi pa.
Sandali, huwag muna,
mahal ko na ba? hindi kaya..huwag muna.
Tapos na ba? hindi pa, huwag sana.
Hindi pa.
Nagustuhan ko

tong dalawang salita dahil sa ibang pagkakataon para bang

may pangako na balang araw magiging hindi na.


Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintay ka pa ba? Hindi na.
Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Tama. Wakas. Hudyat ng isang wakas.
Kaya siguro magandang pakinggan hanggang sa ngayon dahil sa hinuhudyat nitong pa
gwawakas,
hindi ba?
Umaasa ka pa ba? Hindi na.

Naghihintay ka pa ba? Hindi na.


Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Umaasa ka pa ba?
Umaasa ka pa ba?
Nakalimutan mo na ba sya? Hindi na.
Hindi na? Nakalimutan mo na ba siya?
Hindi pa.
Tangina.
Nagsimula pero

di tayo matapos- tapos sa hindi pa at hindi na.

Tangina. Isang letra lang ang pinagkaiba.


Wala pang isang segundo para isulat, isang pindot lang sa keyboard.
Tangina. Ang tagal na. Pero hanggang ngayon hindi pa.
Pag tinakpan mo nga ang letrang P magmumukha itong hindi na e.
Pero hindi pa.
Kung anu-ano na ang pinantakip ko pero gano'n pa din siya.
Kung anu-ano na ang pinambura ko, pero hanggang ngayon nasa simula pa.
Kung sinu-sino na ang nilapitan ko pero na sa'yo pa rin ang mga paa ko.
Na sa'yo pa rin ako.
Sabihin mo nga, gaano karaming salita pa ang kailangan kong isulat para mapalita
n ang isang letra? Tangina.

part of exhaust
define the task of the jet pipe of the gas turbine engine
explain the operating principle of the jet pipe
define the term (choke exhaust nozzle)
describe the 2 different exhaust nozzle systems of turbofan engines
explain how engine exhaust noise can be reduced
list the ocations where the thrust reverser maybe required during operations
list and describe the different types of thrust reverser

You might also like