You are on page 1of 5

Jasmin Dotig

Grade III St. Agnes

Epekto ng klima at lokasyon sa uri ng pamumuhay ng mga


taga Oriental Mindoro
Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhayng mga tao. May impluwensya
ang mga ito sa mga produktong ginagawa sa lugar, sa uri ng pananim at maging sa pagluluto
ng pagkain, mga pananamit, uri ng bahay at sa pagpili ng mga tao ng kanilang trabaho. Sa
mga taong nakatira sa mga lugar na urban, maaring ang kanilang mga trabaho ay pabrika o
opisina. Sa kabilang banda, maaring ang karamihan ng trabaho sa mga lugar na rural naman
ay may kinalaman sa agrikultura at palaisdaan. Isang magandang halimbawa nito ay ang
kaibahan ng lugar na urban kagaya ng Kalakhang Maynila at nang lugar na rural kagaya ng
mga lalawigan ng Mindoro. Sapagkat marami ang naninirahan sa Kalakhang Maynila, mas
higit ang mgatrabahong nakatutugon sa mabilisang takbo na pamumuhay ng mga
naninirahan dito. Halos lahat ng punong tanggapan ng ibat ``ibang pribado at
pangpamahalaan, pati na ang mgapamantasan ay makikita sa Kalakhang Maynila, kung
kayamarami ang mga tingiang tindahan na nagdudulot ng trabahokagaya ng sales lady at
utility workers. Sa kabilang banda naman, sa lalawigan ng Mindoro, kung saan hindi
kasingdami ang populasyon sa Maynila, kaunti lamang ang malalaking tingiang tindahan na
karaniwang makikita sa Maynila.Bukod sa dami ng populasyon, nakaiimpluwensya din ang
uri ng pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay dito.
Kagaya ng lokasyon, ang klima ay naghuhubog ng uri ng pamumuhay sa isang
lugar.
Isang halimbawa ng impluwensya ng klima sa mga tao ay ang mga produktong
nagmumula sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Palay, mga prutas tulad ng niyog, saging,
kalamansi, rambutan lanzones, durian ang karamihang itinatanim at pinagkakakitann ng
probinsiya. Ngunit ang iba dito ay seasonal tulad ng rambutan , lanzones durian na
makikita mula Agosto hanggang Nobyembre o Disyembre. Ang niyog naman ang angkop sa
lugar na ang klima ay higit na maulan kaysa maaraw . Ang palay naman ay may planting at
harvesting season.
Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay humihina ang kita ng mga mangingisda
sa Naujan, Oriental Mindoro. Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin.
Hindi rin sila makapagbilad ng isdang dinadaing. Ngunit pinaghahandaan ng mga
mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba,
nagpapawid at iba pang maaari nilang pagkakitaan.

Kaugalian ng mga taga Oriental Mindoro


Malaking populasyon ang bumubuo sa Oriental Mindoro ay mga

Tagalog.Sa nakaugalian, mga

nagsisipagsaka ang karamihan sa mga Tagalog, bagaman may ilang mangingisda rin. May labis na
kahigpitan sa pagtataguyod ng paggalang at pakikitungo sa kapwa ang mga Tagalog, na makikita sa
kanilang mga gawi at kayarian ng kanilang wika. Larawan din o mga halimbawa ng katapangan ang
mga Tagalog, katulad sa mga pangyayari sa kasaysayan, katulad ng sa Himagsikang Pilipino at
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Jasmin Dotig

Grade III St. Agnes

Nakatuon din ang kalinangan ng mga Tagalog sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain. Maagang
tinuturuan ang mga kababaihan (kung minsan, pati mga kalalakihan) sa larangan ng pagluluto.
Makikita ito sa mararangyang pagdiriwang tuwing mga kapistahan at mga pagtitipon.

Mangyan
Kaugalian sa Kasal-----Unang araw ng pagtulog ng mga ikakasal
Pangalawang araw ng kanilang kasal ay ang ikakasal na lamang ang magkatabi sa higaan.
Pangatlong araw sila ay lilipat na sa bahay ng magulang ng lalaki upang doon uli matulog. Hanggang
sa prosesong iyan sila ay magiging tunay ng mag-asawa.
Mangyan na irayan naman ay magtatakda ng araw para sa pagbabasbas ng mga kuyay, ibig sabihin
ay basbas ng mga matatanda at mga magulang , at kailangan ay ipagbigay alam sa kanilang APO
IRAYA na ang ibig sabihin nito ay ang Panginoong Diyos.At kapag natapos na ang pagbabasbas
kailangan nilang atulog gabi-gabi sa nga bahay ng kamag-anak ng babae at ng lalaki at kapag lahat
ay natulungan na nila ang nga bahay, sila ay ganap nang mag-asawa.
Likas na masisipag ang mga katutubong mangyan. Silay mahilig rin mag alaga ng mga hayop, lalot
higit masipag silang magtanim. Dahil nga sa silay sa kagubatan at kabundukan nakatira, minamahal
nila ito ng higit pa sa anu mang materyal na mga bagay. Mayroon silang katangian na nagpapalipat
lipat rin ng tahanan, kung saan may masaganang pagkukunan ng makakain, doon sila naninirahan.
Binibigyan nila ng pagkakataon na muling maging masaganang muli ang dating lugal bago lumipat na
muli. Doon umiikot ang kanilang pamumuhay sa kabundukan.

Narito din ang mga kaugaliang Pilipino na makikita din sa mananinirahan


sa Oriental Mindoro noon man hanggabg ngayon:
Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na
nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang
bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taongbayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang
mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang
inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay
sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin
upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng
ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang


malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang
panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa
kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na

Jasmin Dotig

Grade III St. Agnes

ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa


dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang
angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala

Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng


maganda at mabuting pakikitungo sa iba.

Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay
naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng
lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na
ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang
mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi
dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay
nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.

Utang na Loob:Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa


kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi
lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan

Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed

Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa
lugar. Kailangang ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang
dignidad ng mag-anak.citation needed

Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan
tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.

Jasmin Dotig

Grade III St. Agnes

Kasuotan:
Ang pananamit ng mga sinaunang tao ay lubhang naiiba sa pananamit ng
kasalukuyan. Noon, ang mga lalaki ay nakabahag ngunit may kanggan, na pangitaas, na maikli ang manggas at itim o asul na kamisang walang kuwelyo. Ang
kulay ng kamisa ang nagpapakilala kung ano ang antas o ranggo ng nagsusuot
noon: kung pula ay nangangahulugang datu ang may-suot; kung asul o bughaw o
kung itim ay nabibilang sa uring mababa kaysa datu. Sa kabilang dako, ang
pananamit ng mga babae ay binubuo ng pang-itaas na kung tawagiy baro at ng
pang-ibaba na kung tawagiy saya.
Nooy walang sapatos ang mga tao, kayat ang lahat ay nakatapak. Gayunman,
ang uloy may putong, na anupat isang kayong damit na nakabilibid sa ulo. Sa
kulay ng putong nakikilala ang pagkalalaki: kung pula ang putong, ang maysuot ay nakapatay na ng isang tao; kung may burda ang putong, ang may-suot
nito ay nakapatay na ng maraming tao. Ang mga babae ay hindi naglalagay ng
putong, ngunit ang kanilang buhok ay nakapusod.

Kasuotan ng Mangyan:

Jasmin Dotig

Grade III St. Agnes

Buntot man ang tawag ng iba, malalim ang pinag-uugatan ng kultura ng pagsusuot ng
bahag para sa kanila. Ilang dekada na rin ang nagdaan at patuloy nila itong isinusuot,
kahit pa napakarami na ngayong mga kasuotang iniaalok ng lipunan, ang bahag pa rin
ang nais nilang isuot. Dahil para sa kanila, kapag wala ng magsusuot nito, parang wala
na ring magpapatuloy ng lahing kanilang ipinagmamalaki sapagkat sa maliit na pilas ng
telang iyon, walang iba kundi ang bahag, makikilala ang lahing mangyan.

You might also like