You are on page 1of 31

1

Kabanata I
Suliranin
Panimula
Ang mga Pilipino ay may mayamang kaisipan at may taglay na katangi- tanging
katalinuhan buhat sa lahing kanilang pinagmulan. Sa paglipas ng panahon, nakilala ang
panitikan at niyakap ito ng mga Pilipino.
Ang maikling kuwento ay isang matibay na patunay ng isang uri ng akdang
pampanitikan na handang sumalamin sa kulturang ating pinagmulan.

Ito ay

kinapapalooban ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananalampalataya at


karanasan ng mga tao. Sa umuunlad na panitikan ng Pilipinas, ang maikling kwento pa
rin ang pinakapopular sa mga mambabasa dahil limitado lamang ang oras para basahin
ito. Isang patunay na nga rito ay ang makikita natin sa mga mag- aaral, na kaunti lamang
ang inilalaan nilang oras para sa pagbabasa.
Ang maikling kuwento ay isang genre ng panitikan na naghahatid upang
magkaugnay at magkaisa ang bawat tao sa lipunang kanyang kinabibilangan.

Ang

paggamit ng maikling kuwento bilang isang behikulo sa pagtuturo ay nangangailangan ng


epektibo at mabisang pamamaraan ng paglalahad upang magkaroon ng isang
makabuluhang pagkaunawa at pagkatuto ang mga mag- aaral.
Nagiging daan ang panitikan upang maraming manunulat sa Pilipinas ang makilala
at makapaglathala ng kanilang mga akda. Ang Panitikang Pilipino ay may kinikilalang

mahuhusay na manunulat ng maikling kuwento. Kabilang dito sina Mariano C. Pascual


(Matamis na Liwanag), Epifanio Gar Matute (Impong Sela), Aniceto Silvester (Dalawang
Mukha), Alejandro Roces ( Ang Katyaw at Ang Hari), Deograsias A. Rosario (Aloha),
Narciso G. Reyes (Anino ng Kalbaryo) at iba pa. Bagamat nakilala sila sa ibat ibang
panahon nagdulot sa pagkakaiba- iba nila ng istilo ng pagkatha ang bawat mangangatha
ay nakasalalay pa rin sa pangkalahatang tema na maikling kuwento. Maaaring
magkakaiba sila sa istilo ng pagsulat at paksang tinalakay, gayunpaman, ang panloob na
tema ng maikling kuwento ang higit na nagbibigay kulay dito.
Sa napakaraming nalimbag na maikling kuweto, ang binigyang pansin ng mga
mananaliksik ay ang ilang mga piling maikling kuwento na ginagamit sa mga mataas na
paaralan sa baitang pito, at ito nga ay ang mga sumusunod: Impeng Negro ni Rogelio
Sikat, Si Vicenteng Bingi ni Jose Villa Panganiban, Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual,
ang Walong Taong Gulang ni Genoveva E. Matute at Si Nemo ang Batang Papel ni Rene
O. Villanueva.
Nag- ugat naman ang pagnanais ng mga mananaliksik na maisakatuparan ang
pananaliksik na ito batay sa kanilang obserbasyon sa mga mag- aaral sa kasalukuyang
panahon. Karamihan ay nawawala na ang interes sa pagbabasa at pakikinig ng mga
akdang pampanitikan na gaya ng maikling kuwento. Lalo na sa mga batang nasa baiting
pito dahil sa sila ay bago pa almang iminumulat sa mga maikling kuwento at iba pang
akdang pampanitikan na hindi nila nakasalubong nang sila ay nasa antas elementarya.
Dahilan din nito ay ang ilang piling salita na ginamit sa akda na kadalasang nasa antas

pampanitikan na siyang nagiging dahilan upang mahirapan ang mga mag- aaral na ito ay
maunawaan. Gayon din ang kapaligiran, nakakaapekto ito sa kawilihan ng mga magaaral sa pagbabasa ng nobela. Dahil sa panahon ngayon ang makabagong teknolohiya
ang lubhang nakapupukaw sa atensyon ng mga mag- aaral. Halimbawa na lamang nito
ay ang mga gadgets na tulad ng laptop, tablet, cellular phones, at kung anu- ano pa.
Gayundin naman ang social media na talaga namang halos doon na nakutuon ang buong
atensyon ng karamihan sa mga mag- aaral at talaga namang akma sa panlasa nila.
Maipapakita ang ilang paraan kung paanong ang mga mag- aaral ay magkaroon ng
interes sa pagbabasa ng maikling kuwento at kung paano ang bawat mga serye nito ay
maintindihan ng maayos at mabigyang kasagutan ang mga tanong nila sa mga bahaging
hindi nila maintindihan ang ilan sa mga adhikain ng mga mananaliksik.
Dagdag pa rito ang kagustuhan ng mga mananaliksik na malaman at mapabatid
lahat ang mga tema o paksang namayani sa limang piling maikling kuwento sa baitang
pito na siyang pinakamalalim na dahilan kung bakit sila humantong sa pag- aaral na ito.
Kaalinsabay nito ninais nilang mailahad ang ilang paksa na maaaring iugnay sa ating
buhay at lipunan. Sa kagustuhang mapunan ang kakulangan sa pagsusuri, nagsumikap
silang basahin ng may pag- unawa ang limang maikling kuwento. Sa ganitong paraan ay
mapapalalim nila ang pagtalakay dito at matutugunan din ang mga katanungan na sa
kanila ay bumabagabag.

Sa mga suliraning kinaharap, higit na napatibay ang kagustuhan ng mga


mananaliksik na gawin ang pananaliksik na ito upang bumuo ng out- put na magiging
kapakipakinabang sa mga guro at lalot higit sa mga mag- aaral.

Layunin sa Pag- aaral


Ang tesis na ito ay nakatuon sa Pagsusuring Thematic sa Limang Maikling
Kuwento sa Panitikang Pilipino para sa Baitang Pito.
Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang nilalaman ng limang maikling kuwento sa baitang pito?
1.1. Impeng Negro
1.2. Si Vicenteng Bingi
1.3. Ang Kalupi
1.4. Walong Taong Gulang
1.5. Si Nemo ang Batang Papel
2. Ano- anong mga tema o paksa ang namamayani sa limang maikling kuwento?
3. Ano- ano ang mga paksa sa limang maikling kuwento na maaaring maiugnay
sa ating buhay at lipunan ngayon?
4. Batay sa resulta ng pag- aaral, anong kagamitang panturo ang magagawa
upang pukawin ang interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga maikling
kuwento?

Kahalagahan ng Pag- aaral


Naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng pag- aaral na ito para sa mga
sumusunod:

Sa mga mag- aaral.

Magiging kapaki- pakinabang ito sa mga mag- aaral

sapagkat magiging instrumento ang pag- aaral na ito tungo sa lubos na pagkaunawa sa
limang maikling kuwento. Gayundin, magkakaroon sila ng ibat ibang perspektibo upang
higit na maunawaan ang mga maikling kuwento gamit ang pagsusuri ng mga paksa sa
bawat akdang kanilang mababasa. Mahalaga rin ang mga impormasyong nakapaloob
dito upang sila ay mabigyan ng tamang kaalaman sa pagbabasa habang nagsusuri ng
maikling kuwento.
Sa mga guro. Magagamit nila ang mga estratehiya sa kanilang pagtuturo ng
maikling kuwento upang madaling ipaunawa sa mga mag- aaral ang pagsusuri ng
nilalamang paksa. Gayundin ay upang maisiwalat ang kagandahan ng panitikan sa mga
mag- aaral. At sa pamamagitan ng pag- aaral na ito, magkakaroon sila ng kakayahan sa
madaling pagtuturo sa bawat nilalaman ng limang maikling kuwento.
Sa mga susunod na mananaliksik. Magagamit nila ang mga kaalaman mula rito
at maihahambing sa sariling pag- aaral nang sa gayon ay makalikha sila ng higit na dekalidad at piakamainam na likhang pampanitikan.
Sa mga mananaliksik.

Dagdag pa, maniniwala ag mga mananaliksik na

anumang resulta ng pag- aaral na ito ay makakatulong ng malaki sa kalinangan ng


kanilang propesyong gagampanan sa hinaharap.

Sa Panitikang Pilipino. Makapag- aambag din ito sa pagpapaunlad ng Panitikang


Pilipino sapagkat nag mga mag- aaral ang mga pangunahing mamababasa ng ibat ibang
babasahing pampanitikan katulad na lamang ng maikling kuwento.
Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa limang maikling kuwento sa baitang
pito: Impeng Negro, Si Vicenteng Bingi, Ang Kalupi, Walong Taong Gulang at Si Nemo
Ang Batang Papel. Ang pag- aaral sa limang maikling kuwento

ay isinagawa sa

pamamagitan ng pagsusuri sa paksa ng bawat makling kuwento.


Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pagsusuring thematic upag mailahad ang
mga namamayaning tema. Nakapaloob dito ang mga pangyayaring naganap sa loob ng
limang maikling kuwento at kung ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan. Gayunpaman,
ang ilang maikling kuwento sa baiting pito ay hindi isinama sa pananaliksik na ito.
Ang pananaliksik na ito ay hindi gumamit ng ibang instrumento Maliban sa
sariling pagbabasa ng tema ng mga mananaliksik sa nasabing limang maikling kuwento.
Dinilimitahan ng mga mananaliksik ang mga tema na susuriin sa bawat
pangyayari upang mapalabas ang namamayaning tema sa loob ng limang maikling
kuwento.
Kabanata II
MGA KAUGNAY NG LITERATURA AT PAG- AARAL

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga literaturang konseptwal at literaturang


pananliksik upang lubos na maunawaan ang balangkas ng isinagawang pag- aaral.
Literaturang Konseptwal
Sa literaturang konseptwal inilahad ang mga konseptong may kaugnayan sa
pagpapalawak ng pag- aaral na lubhang nakatulong sa pag- unlad nito.
Panitikan
Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming
Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyayakap ng mga Pilipino.
Ang panitikan ng isang lahi ay ulat ng nagpapakilala ng pagtuturo at mga
damdamin ng lahing ito. Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang mga kaisipan at
mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang
pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay nakakaimpluwensya sa panitikan nito.
Anumang babasahing nilimbag sa isang magasin, pulyeto, o aklat ay itinuturing na
panitikan. Sa larangan ng magandang panitik, ang salitang panitikan ay may iba at
tanging kahulugan, at dito masusumpungan ang tunay na idinidiwa
ng salitang ito. Hindi lamang ito nangangahulugan ng kahit na anong nasusulat sa isang
magasin o aklat.

Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na


isinasagawa sa paraang masining. Ito ay isang maayos na pagtutugma- tugma ng mga
karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag. Ang panitikan, ayon
kay Long (1917), ay nasusulat na tala ng pinakamabubuting kaisipan at damdamin ng tao.
Ayon naman kay Dr. Rofino Alejandro 1949 ang panitikan ay katuturang bungangisip na isinatitik. Ito ay bunga ng malikhaing isipang pinanday ng isang manunulat na
inilimbag sa ibat ibang mga paraan na sinang- ayunan naman ni Webster (1974). Ayon
sa kanya, ito ay anumang bagay na naisatitik basta may kaugnayan sa pag- iisip at
damdamin ng tao maging ito ay totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan.
Uri ng Panitikan
Sa mga kahulugang nabanggit, iniuuri ng mga manunulat ang panitikan sa tatlo: (1)
panggawaing pampanitikan, (2) masining na panitikan at (3) malikhaing panitikan.
Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayot
ganitong uri ng gawain at karunungan. Masining na panitikan naman kung
maituturing ang ating bait higit kaysa ating damdamin. Malikhaing panitikan naman
kung ang layunin nito ay tahasang pukawin ang ating guniguni at damdamin na
nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito ay binansagang gayon sapagkat ang
paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang kulay ng
isang maalab na damdamin at muling hinubog ng guniguni ng kumatha.gayundin ay

10

nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain
ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon. Sinisikap
nitong pukawin sa atin ang gunuguning ito at sa gayong paraay gisingin sa ating mga
puso ang damdamin nag- uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa. At
ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakan nagtataas sa
ating kalagayan sa buhay.
Ang bias ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang itoy
nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon, gaya rin naman na ang mga pintura ay
nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag, at anino. Subalit ang
mga salitang nilimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang
matatag na kaisipan, ang marahas na damdamin ng puso, ang pag- ibig, ang kalungkutan,
lumbay, galak, pakikiramay, paghihiganti, paninibugho, at ang matatamis at masasaklap
na karanasan ng kaluluwa ang lahat ng ito ay natititik sa panitikan ng isang bansa.
May mga dahilan kung bakit mahalaga ang pag- aaral ng ating sariling panitikan.
Una, ay upang malalaman ng mga tao ang kanilang kaliangan at kasaysayan. Ikalawa, ay
upang mabatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag- uugali.
Ikatlo, ay para maging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi. Ikaapat, ay para
makilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang ito at lalong
mapayabong at ang ikalima, ay upang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling
panitikan.

11

Ang panitikan ay may dalawang anyo, ang patula at tuluyan. Ang panitikang patula
ay masining na pagsasama- sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at
tugma o malayang taludturan. Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at
direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama- sama ng mga salita sa
katutubong takbo ng pangungusap.
May mga uri ng tula una ay ang tulang liriko o tula ng damdamin ito ay matatawag
ding tula ng puso nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni, o
damdamin ng may akda. Kabilang sa tulang liriko ang dalit na tuluyang nagbibigay ng
parangal sa Maykapal. Ang soneto na may labing- apat na taludtod at nagsasaad ng mga
aral sa buhay. Ang elehiya naman ay pumapaksa sa mga alaala ng isang namatay. Ito ay
isang uri ng panaghoy o panangis. Ang oda naman ay tulang liriko na pumupuri sa isang
kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao at awit kung ang mga paksa nito ay
pag- ibig, kabiguan, pag- asa, kaligayahan, at iba pa.
Pangalawang uri ng tula ay ang tulang pasalaysay. Ito ay tulang may kwento at may
mga pangunahing tauhang gumagalaw.

May mga kagitingan ng mga bayani sa

pakikidigma ang paksa nito. Kabilang dito ang epiko na mahabang tulang nagsasalaysay
ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway.
kababalaghang hindi kapanipaniwala.

Ito ay may mga tagpong

Awit at korido naman ang mga tulang

nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna,


duke, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may labing dalawang pantig samatalang ang

12

korido ay may wawaluhing pantig. Ang balad naman ay tulang inaawit habang may
sumasayaw.
Sa tulang patnigan naman ay may tinatawag na karagatan na ito ay paligsahan sa tula
na nilalaro bilang parangal sa isang patay. Duplo naman kung paligsahan
sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos
mailibing ang patay bilang pang- aliw sa mga naulila nito. Ensiledasa kapag paligsahan
sa pagtula na ginagawa bilang pang- aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi- gabi
hanggang ika- siyam na gabi. Balagtasan naman ang tawag sa isa pang tagisan ng talino
sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula.
Ang tulang pandulaan ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro- moro at
komedya.
Ang ikalawang uri naman panitikan ay ang panitikang tuluyan o prosa. Maikling
Kuwento ang isa sa mga ito. Naglalahad ito ng isang natatangi at mahalagang pangyayari
sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
Ang sanaysay naman ay naglalahad ng kuru- kuro at pansariling kaisipan ng
manunulat hinggil sa anumang paksa. Ang mga uri ng sanaysay ay pormal o maanyo.
Seryoso ang tono at nakatuon ang paksa sa paglalahad at lumalayo sa katauhan ng
manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita at
mabisang pangungusap. Impormal o personal naman ito kung nagpapahayag ng katauhan
ng manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad

13

ng paksa. Parang kaswal na pakikipag- usap lamang ng awtor sa mambabasa. Ito ay


tinatawag na malayang sanaysay.
Ang isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may akda o buhay ng isang tao ay
tinatawag na talambuhay. Ang mga uri nito ay maikli, pinipili ang mga bahagi ng buhay
na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari. Mahaba
kung ang lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay isinasama. Ito ay nagsisimula sa
kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa
kanyang pagpanaw. (Lalic et al., 2004)
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa
pamamagitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing
tauhan na ginaganap sa isang tanghalan. Ito ay naglalahad ng katotohanan, propaganda o
editoryal na may layuning makisangkot ang mga manunuod. Nasasalamin dito ang
kahapon, kasalukuyan at bukas ng isang bayan. Masasabing ito ang pinakamagandang
uri ng panitikan sapagkat pumapasok dito ang lahat ng uri ng tula- may damdamin, may
tinuturo, pumupuna, nanunudyo, naratibo- na nagbibigay ningning sa kabuuan ng dula.
Kahulugan ng Maikling Kuwento
Ayon kay Buensuceso (1996) napapaloob sa maikling kuwento ang ibat ibang uri
ng damdaming may kaligayahan, kalungkutan, pagkabigo o tagumpay. Katulad ng ibang
kuwento, ito ay may mga pagpapahalagang taglay, mga aral na magiging inspirasyon ng
mga mambabasa. Kinapapalooban din ito ng mga larawang guhit na nagtataglay ng mga

14

pag- uugaling nais ipabatid sa mga bata upang maging gabay at inspirasyon sa pagbabago
bilang indibidwal
Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikan na may sariling kaanyuan
at kakayahan. Ito ay hindi nangangahulugang kuwentong maikli. Itoy may mataas na uri
at likha lamang o bungang- isip lamang ng may akda ngunit hango sa tunay na buhay. Sa
mabisang paglalahad ng isang maselang pangyayari na kinasasangkutan ng mga bayani
ng kuwento ay natutupad ng maikling kuwento na libangin ang mga mambabasa.
Namumukod sa katangian nito ang pagkakaroon ng kaisahan ng bisang nais ikintal sa
diwa at damdamin ng mga mambabasa (Villanueva: 1998).
Sa pagpapahayg ni Dalisay (2006), ang maikling kuwento bukod sa pagiging
maikling uri ng katha ay umiinog sa iisang tema, tinatalakay ang piling mga tauhan at
bihira ang kilos o aksiyon. Isa ito sa pinakamatanda at pinakamunlad na anyong
pampanitikan, ayon sa pagtataya ng mga kritiko at historyador. Madalas, tinatalakay
lamang nito ang isang pangunahing pangyayari, tunggalian, tauhan at mayroong
resolusyon o pagwawakas sa huli.
May tatlong paniniwala si Edgar Allan Poe kaugnay sa kalikasan ng tradisyunal na
maikling kuwento. Ayon sa kanya, (1) Maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan; (2)
May binubuong banghay ukol sa isang protagunista o pangunahing tauhan; at (3) May
nilalayong makalikha ng isang kakintalan.

15

Sa aklat na Pluma: Wika at Panitikan nina Dayag at Julian (2009) ay ibinigay ang
ibat ibang uri ng maikling kuwento. Kuwento ng Pag- ibig na ang diwa ng kuwento ay
ukol sa pag- iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang kakambal na tauhan. Kuwento
ng Tauhan kung saan ang interes at ang diin ay nasa pangunahing tauhan. Kuwento ng
Pampagkakataon na kuwentong sinulat para sa isang tiyak na pangyayari gaya ng Pasko,
Bagong Taon at iba pa. Kuwento ng Kapaligiran na kuwentong ang paksa ay ang mga
pangyayaring mahalaga sa lipunan. Ito rin ay kadalasang patungkol sa kuwentong
tumatalakay sa kalikasan. Kuwento ng Kakatakutan na matindi ang damdaming
nagbibigay buhay sa kuwento. Nakakapanaig ang damdamin ng takot at lagim na nilikha
ng mga pangyayari sa katha. Kuwento ng Kababalaghan na naglalaman ng pangyayaring
mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at katwiran ng pag- iisip.
Ang mga kuwento sa comics ukol sa mga nuno sa punso, multo, at aswang ay ilan
lamang sa mga halimbawa ng ganitong kuwento. Kuwento ng Katatawanan na nag mga
galaw ng pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin, at
may himig na nakakatawa ang akda.
Sina Evasco et al. (2008) ang nag- isa- isa ng mga element ng maikling kuwento:
Tauhan. Ito ay tumutukoy sa personalidad na inilalarawan, kinakatawan, at
inilalahad sa kuwento, nobela, o dula. Katumbas ito ng persona sa anyo ng tula.
Tinutukoy rin ng tauhan ang mga tao at karakterisasyon ng mga ito sa loob ng isang akda.
Ang mga tauhan ay mula sa imahinasyon na kumikilos at guamgalaw sa loob ng naratibo.

16

Klasipikasyon ng mga tauhan


Protagonista. Ito ay itinuturing na pangunahing tauhan o ang bida. Madalas, ang
protagonist ay ehemplo o modelo ng kabutuhang asal. Sa panitikang bayan ng Pilipinas,
ang mga protagonista ay maituturing ding pangkulturang bayani.
Antagonista. Ito ang kalaban o pantapat na tauhan sa protagonista. Ito ang
negatibong tauhan na hahamon sa bida. Kilala rin ito sa tawag na kontrabida. Taglay niya
ang matindi at malakas na katangian na hahamon sa pangunahing tauhan maaaring sa
yaman, lakas, kapangyarihan, at hitsura. Ang antagonista ay halimaw o nilalang ng
kadiliman. Sila ang halimbawa ng lahat ng ipinagbabawal at kinamumuhian ng isang
lipunan.
Pantulong na Tauhan (minor). Buhat sa pangalan maliit lamang ang kontribusyon
ng mga tauhang ito sa kuwento o sa naratibo. Hindi mahalaga ang kanilang pag- iral
kumpara sa pangunahing tauhan. Katuwang ang mga tauhang ito sa galaw ng kuwento o
sa kilos ng tauhan. Sasabihin ng iba, ordinaryo ang mga maliliit na tauhang ito. Hindi sila
ang napili ng manunulat para itampok o talakayin sa akda. Gayunpaman, may mga
kuwentistang binibigyan ng pagkilala ang mga tauhang ito. Nag- eeksperimento sila sa
pagbibigay ng higit na interesanteng katangian sa minor n atauhan kaysa sa pangunahing
tauhan.
Punto- de- bista ng tauhan. Ang tauhang nagmamay- ari ng panauhan. Ito ang
tauhang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kuwento. Isinasalaysay niya ang mga

17

pangyayari sa abot ng kaniyang makakaya. Maaaring ang tauhang ito ay pantulong o


maaari rin namang pangunahing tauhan tulad ng protagonista o antagonista.
Tauhang Di- Piksyunal. Ito ang mga tauhang buhat sa tunay na personalidad tulad
ng bayni, dakilang tao, popular na tao sa ibat ibang larangan na nilapatan ng katha.
Magkaiba ng bersiyon ang buhay ng tauhan sa kasaysayan at sa katha.
Tagpuan. Bilang elemento ng katha, tinutukoy ng tagpuan ang lunan ( kung saan
nagaganap) at ang panahon ( kung kailan nagaganap) ang pinangyayarihan ng naratibo o
galaw sa akda. Nagsisilbing tuntungan, ugat at kaligiran ng isang katha ang elementong
ito. tinutukoy ng lunan ang mga pinakapayak na detalye tulad ng klima o uri ng panahon
tulad ng tag- init o tag- ulan, ang mga kagamitan sa paligid, ang palamuti sa tauhan at ang
arkitektural at disenyo ng isang pamayanan. Gayundin, tinutukoy rin nito ang
pinakamasalimuot na dimension gaya ng kontekstong pangkasaysayan at panlipunan.
Banghay. Ang banghay ng isang kuwento o anumang anyong naratibo ay
maiihalintulad sa balangkas ng itatayong tahanan, mapa ng lalakbaying lupain, gaya sa
pagpipinta ng mga larawan, plano sa paglalatag ng daan at tulay, disenyo ng tatahiing
damit, istruktura ng mataas na gusali, o mga buto na sumusuporta sa laman ng isang
nilalang. Kahit minsan, hindi ito naging kahon o tanikala sa pagkamalikhain, gaya ng
inaakala ng ilang manunulat.

18

Mga Uri ng Banghay


(1) Episodikong Banghay. Binubuo ng mga serye ng kabanata o ng mga kuwento,
na bawat isay may sariling banghay, sariling buhay, at sariling rurok. Napag- uugnay ang
mga episodyo dahil sa pagtatampok ng parehong tauhan. Ang mga episodyo ay maaaring
magpalit ng ayos ngunit hindi magbabago ang buong kuwento. (2) Umuunlad na
Banghay. Umuunlad ang banghay dulot ng pagllahok ng mga elemento. Sa tuwing
nadaragdagan nag elemento, muling inuulit ang nakaraang elemento hanggang sa
matapos ang kuwento. (3) Inuulit- ulit na Banghay. Ang ganitong uri ng kuwento ay may
magkakahawig na insidente na inuulit- ulit, kadalasan ay tatlong beses ngunit nagbabago
nang bahagya sa bawat pangyayari. (4) Mahinahong Pag- unlad. Nagtataglay ng mga
pangyayari at tunggalian sa kuwento pero kakaunti ang tensyon o suspens. Hindi
humahantong sa tiyak na rurok ang banghay. (5) Tumitinding Galaw. Ang banghay na ito
ay may tiyak na tunggalian, tension at suspens na hahantong sa rurok. Tumitigil nag
banghay na hindi naipapaliwanag nang husto ang kalinawan o kakalasan. (6) Tumitindi at
Kumakalas na Galaw. Ito ang tumutukoy sa tradisyunal an banghay. Mayroon itong tiyak
na tunggalian, tensiyon at suspens na hahantong sa rurok. Susundan ang karurukan ng
kakalasan/ kalinawan. (7) Magkaugnay na Banghay. Mayroong dalawang banghay na
parehong insidente na sabay o salit- salitang inilalarawan at tinatalakay. Sa isang punto,
magtatagpo sa isang pangyayari ang dalawang magkahiwalay na banghay.

19

Tunggalian. Tinutukoy ng tunggalian sa katha ang labanan, salpukan, at banggaan


ng mga lakas ng mga tao o kayay mga puwersa at kapangyarihan. Sa tunggalian
nakabatay ang dramatikong aksiyon ng anumang naratibo. Tunggalian ang dahilan kung
bakit umuusad, sumusulong, o pumapaimbulog ang kuwento. Tila ito hangin na
nagpapaalagwa sa isang saranggola o tumutulong para makapaglayag ang isang barko sa
mga lupalop at sa mga bagong teritoryo. Kasinghalaga ito ng petrolyo upang umandar
ang mga makina at industriya. Tunggalian ang nagsusulong sa banghay. Sabihan pa,
walang banghay kung walang tunggalian.
Panauhan. Kilala ang terminong panauhan sa mga taguring pananaw,
panauhan, paningin para sa mga kritiko at manunulat sa Filipino. Malayang gamitin
ang alinman sa mga katagang ito. Sa Ingles, tinatawag itong point of view. Tinutukoy
ng elementong ito ang perspektibo, posisyon o pagtinging pinagmumulan ng kuwentong
isasalaysay o susulatin para sa mambabasa.
Salitaan o Diyalogo. Kumbersasyon, pag- uusap, at palitang kuro sa pagitan ng
dalawa o higit pang tauhan sa anumang naratibo. Tinuturing itong elementong
kumbersasyonal sa mga likhang naratibo o dramatiko. Ito ang mga linya, salita, o
pahayag na binibigkas ng mga tauhan sa kuwento, nobela, at ibat ibang anyo ng dula sa
entablado, telebisyon, radio at pelikula. Pinahahayag ng diyalogo ang sinasabi ng isang
tauhan. Ito ang mga tinig na maririnig sa isang katha.
Tema. Ito ang pinagdudukalan ng inspirasyon para mapagyaman ang talakayan o
mapalawak ang isang abstraktong ideya. Ugat itong kinakapitan ng mga nagsasangang

20

ideya, kuro- kuro, panayam at pampublikong diskusyon. Mangyari pa, ang tema ang
nagbibigay ng bigat, lalim, at tunguhin sa isang sulatin at gawaing nangangailangan ng
pagkamalikhain at kritikal na kaalaman.

Literaturang Pananaliksik
Sa bahaging ito inilahad ang mga pananaliksik na may kaugnayan sa
kasalukuyang pag- aaral.
Sa pag- aaral nina Comia et al., 2015 sa tatlong akda ni Lualhati Bautista na Gapo,
Dekada 70, at Bata, Bata Pano ka Ginawa?.

Natukoy nila ang tatlo sa pinaka

nangingibabaw na tema sa bawat nobela, kung saan ay iniugnay sa kasalukuyang


pangyayari upang maipakita ang mga kaganapan sa isang indibidwal, pamilya at lipunan
na ating ginagalawan. Sa pagnanais na makatulong sa mga guro, mag-aaral at iba pang
mananaliksik ay humantong sila sa pagkamit ng Elektronikong Pagsusulit na magagamit
upang mapukaw ang interes ng lahat at sa mas matagumpay na pagkaunawa ng isang
paksa o akda.
Sa pag- aaral nina De Torres et al., 2015 sa limang maikling kuwento ni Rogelio
Sikat na Tata Selo, Impeng Negro, Quentin, Ang Kura at ang Agwador at Sa Lupa ng
Sariling Bayan. Natuklasan nila na ang limang maikling kuwento ay pawang kuwento ng
tauhan at nakita nila ang limang tema sa bawat akda at ito ay iniugnay sa mahahalagang
karanasang pantao na makikita sa limang elemento ng lipunan- paaralan, pamilya,

21

simbahan, gobyerno ay ekonomiya; at nakatulong ang isinagawang pagsusuri upang


mabuo ang elektronikong flipbook at gayundin nag mga mungkahing pagsusulit.
Sa pag- aaral nina Enriquez, et al., (2014) sa akda ni Dante Alighieri na Divine
Comedy nasuri nila na ang mga tula ay nagpapakita ng nangingibabaw nitong tema.
Kung saan ito ay umiikot sa pisikal, political at ispiritwal na pagkaunawa ni Dante sa
mundo. Ang karanasan ng tao ay nagpapakita sa mga mambabasa ng kahalagahan ng
ibat ibang mukha ng buhay. Inirekomenda din nila na malaki ang tulong na nagagawa
ng E- Learning Book at E- Quiz sa mga mag- aaral at guro sa pag- unawa ng panitikan
bilang paradigm ng kanilang pagsusuri gamit ang thematic na paraan.
Sa isinagawang pag- aaral nina Cerda, et al., (2005) sa apat na maiikling kwento ni
Guy De Maupassant nasuri nila na ang bawat tema ay sumasailalim sa ideolohiya at
pilosopiya ng buhay. Ipinapakita din ang pagkaganid ng ugali ng tao sa kapwa. Ang apat
na katha ay madaming implikasyon sa kontemporaryong buhay tulad ng pagiging
kontento sa buhay. Ang relasyon sa pamilya ay di dapat balewalain at ang maging
malikhain at pagkakaroon ng pagbubuklod- buklod ng pamilya. Inirekomenda nila na
ang mga guro sa panitikan ay nararapat gumamit ng ibang metodolohiya sa pagtuturo at
ibang aktibiti para sa mga mag- aaral upang mapukaw ang interes nila sa pagbabasa ng
mga kwento o panitkan.
Ayon sa pag- aaral ni Panganiban (2000) sa tatlong maikling kwento gamit ang
literary criticism at descriptive analytic bilang metodo sa pananaliksik, nagpabatid ang
mga temang nangingibabaw sa mga akda ni Bienvinido Santos na sumasalamin sa

22

karanasan, pag- uugali at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino, pag- unawa sa kanyang
sarili at sa ibang tao. Nirekomenda din niya na ganyakin pa ang mga guro sa panitikan
ang mga mambabasa higit ang mag- aaral na pahalagahan ang mga likha ng manunulat na
Pilipino.

SINTESIS
Ang pag- aaral sa mga kaugnay na panitikan ay naging makabuluhan upang
mailahad ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa kasalukuyang pag- aaral. Gayundin
ang kaugnayan nito sa nasabing pag-aaral.
Kaugnay sa pag- aaral nina Comia et al., (2015) ay nagkakatulad sa kasalukuyang
pag- aaral sapagkat kapwa sinuri ang mga temang nangingibabaw sa bawat akda. Gaya
ng kasalukuyang pag- aaral, gumamit din ang nasabing pag- aaral ng pagsusuring
thematic. Nagkaiba naman sa genre nang panitikang sinuri. Dahil ang unang pag- aaral
ay nagsuri ng nobela samantalang ang kasalukuyang pag- aaral ay nagsuri ng maikling
kuwento.
Kaugnay sa pag- aaral nina De Torres et al., (2015) ay nagkatulad sa kasalukuyang
pag- aaral sapagkat kapwa sinuri ang mga temang nangingibabaw sa bawat akda at
parehong maikling kuwento ang sinuri. Nagkaiba naman sa paraan ng pagsusuri dahil ang
naunang pag- aaral ay gumamit ng panunuring pampanitikan samantalang ang
kasalukuyang pag- aaral ay gumamit ng pagsusuring thematic.

23

Nagkakatulad ang pag- aaral nina Enriquez, et al., (2014) sa kasalukuyang pagaaral sapagkat parehong binigyang halaga ng dalawang pag-aaral ang mga katotohanan
ng buhay na masasalamin sa akda. Gaya ng kasalukuyang pag-aaral, gumamit rin ang
nasabing pag- aaral sa pagsusuring thematic. Subalit naiiba ito sa kasalukuyang pagaaral dahil ang sinuri ng unang pag- aaral ay tula samantalang kasalukuyang pag- aaral ay
gumamit ng maikling kuwento.
Ang pag- aaral naman nina Cerda (2005), ay kahalintulad ng kasalukuyang pagaaral sa aspetong kasasalaminan ito ng katotohanan ng buhay. Kapwa nailahad ng mga
mananaliksik ang mga temang nangingibabaw sa mga akda (nobela at maikling kwento).
Magkatulad rin ang ginamit nilang pamamaraan sa pagsusuri ng nasabing mga akda at ito
ang pagsusuring thematic. Kung saan nailahad nila ang mga temang nangingibabaw sa
ibat ibang akda gamit ang nasabing paraan ng pagsusuri.

Nagkaiba lamang ang

dalawang pag- aaral sa mga akdang sinuri dahil ang unang pag- aaral ay mayroong
ispesipikong manunulat, samantalang ang kasalukuyang pag- aaral ay pili lamang ang
mga akda at manunulat at ang naging batayan nila ay mga maikling kuwento sa baitang
pito.
Sa pag- aaral ni Panganiban (2000) .Sila ay nagkatulad sapagkat ninais ng
dalawang pag- aaral na matukoy ang nangingibabaw na tema. Ngunit naging magkaiba
ang dalawang pag- aaral sa aspeto ng mga pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng akda.
Ang unang pag- aaral ay gumamit ng literary criticism at descriptive analytic,
samantalang ang kasalukuyang pag aaral naman ay gumamit ng iisang metodo lamang

24

at ito ay ang pagsusuring thematic. Subalit ang dalawang pag- aaral na ito ay masusing
nakapaglahad ng mga temang nangibabaw gamit ang magkaibang metodo.
Balangkas Konseptwal
Ang epektibong pagtuturo ng mga akdang pampanitikan ay isa sa mga suliraning
hindi maitatangging mahirap solusyunan. Kapansin- pansin na sa kasalukuyan, ang mga
mag- aaral ay tila mas nawiwili at mas natututo mula sa mga bagay na dulot ng
makabagong teknolohiya. Hindi na napagtutuunan ng gaanong pansin ang paglinang sa
makrong kasanayan sa pagbasa.
Ang maikling kuwento ay isang uri panitikan na naglalahad ng isang natatangi at
mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon
at isang salaysay na may isang kakintalan.Sa dinami rami ng maaaring gawin upang
masuri, humantong ang mga mananaliksik sa isang paksa. Ang malaman ang bawat
temang namamayani sa bawat akda ang kanilang nais pag- ukulan ng pansin. Naniniwala
ang mga mananaliksik na malaki ang ambag ng pagkaunawa sa tema sa takbo ng
pangyayari sa bawat maikling kuwento. Ginamit nila ang tematikong pagsusuri upang
matukoy ang nais iparating ng bawat piling maikling kuwento na ginagamit sa baitang
pito. Batid ng mga mananaliksik na hindi magiging madali ang lahat kinakailangan ng
masusing pagbasa upang makuha ang temang tinataglay ng mga piling maikling kuwento
sa baiting pito. Alam din nilang sa ganitong paraan maraming katanungan sa kanilang
isipan ang mabibigyang kasagutan.

25

Bilang tugon sa problemang ito, napagpasyahan ng mga risertser na gumawa ng


slide show na nakapaloob ang bawat maikling kuwento at gumawa ng ad blurb na
maggaganyak sa mga mag- aaral upang basahin nag mga akdang pampanitikan.

Balangkas Konseptwal

26

M g a P il n g M a ik lin g P a g s u s u rin g S lid e S h o w


Pigyur 1
Konseptwal Paradim
Pagsusuring Thematic sa Limang Maikling Kuwento sa Baitang Pito

K u w e n t o s a B a i t a n g P i t o Th e m a t i c a t A d B l u r b

Ang Pigyur na ito ay naglalrawan ng limang maikling kuwento sa baiting pito. Sa

unang kahon, ipinakikita ang lahat ng kailangang suriing maikling kuwento upang
mapatibay o maisagawa ang pag- aaral na ito. sa ikalawang kahon pinakikita ang ginamit

na paraan ng pagsusuri kung saan aalamin ang mga temang nakapaloob sa limang
maikling kuwento at ang ikatlong kahon ay nagpapakita ng magiging output upang mas
maging epektibo ang pagtuturo ng akdang pampanitikan na gaya ng maikling kuwento.

Depinisyon ng Terminolohiya

27

Sa bahaging ito, inilahad ang mga terminolohiyang ginamit sa pag- aaral ng


bawat maikling kuwento upang mabigyang- linaw ang mga kahulugang natatago sa
bawat salita.
Kagandahang- Asal. Itoy tumutukoy sa wastong ugali ng isang tao.
(Beltran: 1996). Ito ang gawing ipinakikita ng bawat tauhan sa kuwento.
Lugar. Ito ay tagpuan o pinangyarihan ng kuwento o akda. (Santos, et al.,
1995). Ito ay tumutukoy sa kung saan naganap ang isang kuwento.
Makatao. Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa karapatan, paggalang at
pagrespeto sa bawat isa. ( Beltran, 2001). Ito ay tumutukoy sa pag- uugaling dapat
taglayin ng bawat tauhan sa kuwento.
Mensahe. Ito ay ang laynin o mensaheng inilalarawan ng isang manunulat
sa kanyang akda.(Santos et al., 1995). Ito ay tumutukoy sa mga nais ipabatid o
ipahatid ng mga manunulat sa mga taong babasa ng kanilang akda.
Pagsusuring

Pampanitikan.

Ito

ay

tumutukoy

sa

kritisismong

pampanitikan. (diksyunaryong Sentinyal, 2011).


Pagsusuring Thematic. Ito ay tumutukoy sa paraang qualitative analytic
upang tukuyin, suriin at pag- aralan ang tema na nakapaloob sa isang akda. Ito rin
ay nag- oorganisa at naglalarawan ng mga mayayamang detalye. Gayunpaman,

28

may mas malalim pa rin itong kahulugan kung ating isasaalang- alang ang mga
aspeto ng pananaliksik ( Braun and Clarke, 2006).
Pag- uugali. Ito ay gawi ng ipinapakita ng bawat tao. Nagsisilbing tanda
ng pagkatao ng bawat isa.(Ramos: 1990). Ito ay tumutukoy sa ugali o gawain na
ipinapakita ng bawat tauhan sa kuwento.
Pangyayari. Ito ay tumutukoy sa mga yugto ng bawat kuwento o akda
( Aquino, et al., 2006). Ito ang mga mahahalagang kaganapang nangyayari sa loob
ng isang kuwento.
Tauhan. Ito ay likahang- tao ng isang akdang pampanitikan na akala moy
isang buhay na nagsasalita, nag- iisip, tumatawa o di kayay nananaghoy.
( Santiago, et. al. ,1989). Ito ang mga nagbibigay buhay sa mga karakter ng isang
kuwento.
Tema. Ito ay maikling sanaysay na ipinagagawa o ipinasusulat sa kanyang
pinag- aarala. ( Santos, et al., 1995). Tumutukoy ito sa mga aral na nais ipabatid sa
mga mambabasa.

KABANATA III

29

PAMAMARAAN PANANALIKSIK
Sa bahaging ito inilahad ang mga pamamaraan maging ang ibat ibang proseso sa
ginawang pag- aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive qualitative analysis o
pagsusuring paglalarawan upang maipakita ang mga temang napapaloob sa limang piling
maikling kuwento sa baitang pito. Ang deskriptibong pananaliksik ayon kay Sevilla, et
al., (1992) ang pinakamabisang paraan upang masagot ang suliranin sa loob lamang ng
maikling panahon. Ginamit din ito upang humantong ang pag- aaral sa isang produkto na
gaganyak sa mga mag- aaral upang lalo pang tangkilikin ang mga akdang pampanitikan
tulad ng maikling kuwento.
Sa tiyak at ispesipikong salik ginamit ng mga mananaliksik ang pagsusuring
thematic upang mailahad ang temang nangibabaw sa limang piling maikling kuwento sa
baitang pito.
Ang pag- aaral ay naglalahad kung ano ang mga temang nangingibabaw sa limang
maikling kuwento na siyang nais nilang ibahagi sa mga mambabasa. Kaugnay nito ang
paghahanap ng mga namamayaning paksa sa bawat pangyayari sa loob ng maikling
kuwento.
Paraan ng Pananaliksik

30

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng malawakang pagbabasa sa ibat ibang


mga akda, mga di- nalathalang tesis at mga aklat sa panitikan. Sa tulong ng mga maikling
kuwento na napalathala bilang mga aklat, naisagawa nang mahusay ang pagsusuri sa mga
maikling kuwentong nabanggit. Maging ang masususing pagtatala ng mga kaisipan sa
nilalaman ng bawat maikling kuwento ay hindi nila pinalampas na malaki ang
ginampanang papel sa katuparan ng pag- aaral.
Paraan sa Pangangalap ng Datos
Bago simulan ang pag- aaral na ito, ang mga mananaliksik ay matamang nag- isip
ng mga posibleng paksa na may kaugnayan sa kanilang kurso.
Sinimulan ng mga mananaliksik ang proseso sa pamamagitan ng malawakang
pagbabasa sa mga akda ng mga kilalang manunulat sa Pilipinas. Mula sa mga ito, pinili
ng mga mananaliksik ang limang maiikling kuwento na Impeng Negro ni Rogelio Sikat,
Si Vicenteng Bingi ni Jose Villa Panganiban, Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual, ang
Walong Taong Gulang ni Genoveva E. Matute at Si Nemo ang Batang Papel ni Rene O.
Villanueva na nakapukaw ng kanilang atensiyon.

Matapos ang pagpili sa limang

maikling kuwento matiyaga nila itong binasa upang makuha ang mga namamayaning
tema na siyang pakay nila sa pagsusuri.
Kaugnay nito, ang masusing pagbabasa at pagsusuri sa mga pangyayari

na

nagbigay daan upang matukoy ang mga dominanteng tema na nakapaloob sa limang
maikling kuwento.

31

You might also like