You are on page 1of 18

Tapat na Mangangaral

Bulaang mangangaral animoy pantas sa katuwiran


Pananalitay mainam pupukawin iyong kaisipan
Pamantayan ay sa laman at di sa banal na kasulatan
Pagkat sa salita ng Dios silay walang alam
Pamanhik ng ilan sila daw ang totoo
Pastor nilay sugo sa huling araw na ito
Mga hula daw sa biblia kanilang patotoo
Ngunit pag iyong sinuri totoong napakalabo
Ang isa namay tumanggap naman ng pahayag
Mula sa Dios Ama pagkat siya daw ang anak!
Mga bibliang talata di na daw kailangan
Pagkat sa kaligtasan siya daw ang daan
Oras ng katotohanan pang-akit madla
Apostol daw nilay pinagpahayagan ng salita
Ngunit kahit saang dako, ay nangongolekta
Mga salita ng Dios kinakalakal nila
Oras ng himala ang kanyang anyaya
Sari-saring karamdaman nalulunasan niya
Sa pagpatong ng kamay at kaunting salita
Sa kanyang pagkumpas, ikay matutumba!
Sa lahat ng itoy may hula ang biblia
Mga bulaang mangangaral ay maglilipana
Mangagpapakita ng mga dakilang tanda
Gagawa ng mga himalat dadayain ang madla.
Sa aba ng mga bulag, na inaakay ng bulag
Sa hukay, ay kapwa sila, malalaglag
Silay mga asong walang kabusugan,
Walang mga unawa, ang hanap lamang ay pakinabang
Kayat ang aking pusoy, Tunay na nagpapasalamat
Bagamat akoy musmos, mahirap lamang at hinamak
Tapat na mangangaral aking nakilala
Upang ang aral ng Dios ay aking maunawa
Brother Eli at Brother Daniel, mahal naming mga taga-akay
Tinitiis ang maraming hirap, upang sa katuwiran kamiy maakay
Di sila gaya ng karamihan, Na kinakalakal ang katotohanan,
Kundi sa pagtatapat, tayoy inaakay sa kabanalan.

ANG GINTO AT ARAL


I
AKOY KABATAANG LAKI SA IGLESIA
NGAYON AY TUTULA SALIG SA BIBLIA
ANG GINTO AT ARAL ANG MAGIGING TEMA
ANG PAKIUSAP KO AY PAKINGGAN SANA.
II
PAG MARAMING GINTO ANG NASA IYONG KAMAY
MARAMI RING SARAP ANG IYONG MATITITKMAN
NABIBILING LAHAT BAWAT MAIBIGAN
BAHAY, KOTSE, LUPAT MAMAHALING BAGAY
III
ANG MGA MAYAMANG SANG TAMBAK ANG PERA
MAHIGAT MABANGON AY WALANG PROBLEMA
HABANG NASA LUPA SILAY MALIGAYA
ANG BAWAT MAHILING AY NAGIGING KANYA
IV
PAGKAT ANG MAYAMANG GUMON SA PAG-IBIG
SA SALAPIT YAMANG KANYANG NINANANIS
WIKA NI SAN PABLO AY NANGALILIHIS
KANILANG PAG-ASAY TINUHOG NG HAPIS
V
BUTI PA ANG ISANG TAONG MARALITA
KAHIT WALANG GINTO SA ARAL SAGANA
BUONG PANANALIG NYAY SA LUMIKHA
ANG ARAL NA NASA SUGONG KATIWALA
VI
ANG ARAL NA TUROY GINTONG MADALISAY
DADAAN SA SUGONG TAONG KASANGKAPAN
MAPALAD ANG TAONG MAY KAUNAWAAN
ANG MAKAKAKSAMAY MAPALAD DING TUNAY
VII
KUNG ANG GINTONG YAMAY NAKALILIGAYA
LALO NA ANG ARAL SA ATING BALISA
PAMAWI NG LUMBAY, PANG ALIS NG DUSA
LULUNASANG PILIT ANG PAGKAKASALA
VIII
HUWAG TAYONG BIBITAW HANGGANG KAWAKASAN
HAWAKAN ANG TURONG ARAL GINTONG LANTYAY
ATING MARARATING ANG LANGIT NA BAYAN
SA DULO NG HAPIS BUHAY WALANG HANGGAN

Title: Tunay na Kayamanan


Tayong nilalang ng Maykapal
May pananagutan sa mundong ibabaw
Kaya walang dapat idahilan
Upang ito'y iwalang kabuluhan.
Ang bawat kaloob na bigay sa atin
Nararapat lamang na ating gamitin
Sapagkat dito tayo mamarapatin
Upang tahanang langit ating kamtin.
Di tayo hahatulan sa mga kasalanan
Sapagkat tayoy laya na sa kautusan
Ng ating tanggapin ang aral na banal
Sa bautismo nilinis ating kasalanan.
Kaya naman nga 'wag nating sadyain
Paulit ulit na ito ay gawin
Baka kasalanan di natin namamalayan
Nagbunga na pala ng kamatayan.
Pagtulong sa mga nangangailangan
Isang larawan ng tunay na kabanalan
Pagmamalasakit ng walang kabayaran
Naghihintay satin ganting walang hanggan.
Kayamanan di kayang tumbasan
Ng pilak at yaman sa sanlibutan
Busilak na puso taglay kalinisan
Sa puso at isip sadyang walang kapantay.

DALISAY NYANG DOKTRINA


Ang Dios nga ay naglagay Sa kaniyang Iglesia
Unay mga Apostol Saka mga Propeta
Ibat-ibang kaloob pati mga himala
Ngunit higit sa lahat dalisay na Doktrina
At sa ating panahon sa atiy isinugo
Ang dalawang lalaki sa atiy nagturo
Nito ngang mga aral na buhat kay Kristo
Doktrinang magbabago ng ating pagkatao
Wastong panalangin atin ngang natutuhan
Tamang paninikluhod bagbag na kalooban
Ang pag papakilala nang mga kahilingan
Na may pasasalamat sa Dios ng kalangitan
Ang ating mga dila totoong naturuan
Na makapagsalita ng bunong katapatan
Ang oo at ang hindi ay walang kalabisan
Ito ay napaamo ng aral at katwiran
An gating mga mata katwiray natutunan
Na hwag magsitingin ng mayroong kahalayan
Sa ating mga isip inalis kapootan
Tinanim ay pag-ibig sa buong kapatiran
Sa ating mga kaaway aral ating ibigin
Kung sila ay magutom ay ating pakainin
Kung sila ay mauhaw ay ating painumin
Tunig na maiinom pagkaing makakain
Ating pagkakatipon turo ay hwag pabayaan
Lalot kung makikita tanda ng kawakasan
Handog na iaalay ang ambag na sinimpan
Ating pinagpagalan at gawang kabutihan
Ang Pagpapasalamat ating naunawaan
Ang ating mga utang ay ating babayaran
Na ating ihahandog harap ng buong bayan
Ng Dios ng Israel na makapangyarihan
Mga kalalakihan hindi pinapayagan
Na silay magsisuot damit kababaihan

Kanilang mga buhok di dapat na habaan


Pagkat itoy mahalay turong katalagahan
Gayon din ang babae sa gayak inaralan
Na mahinhin na damit mayroong katimtiman
Ang buhok walang hiyas ginto man o perlas
Sa kataway malis mamahaling alahas
Sa kanilang mga ulo lambong ay makikita
Buho na mahaba na itoy isang tanda
Na ang Kristo nga ng Dios ang siyang namamahala
Sa kanilang mga buhay sa loob ng Iglesia
Aral ng espirito na ating pinakinggan
Ang mga inihain sa mga dios-diodasan
At sa pakikiapid sa dugo at binigti
Turo sa atiy mangilag ating ikabubuti
Ang mga pamumusong sa atiy pinagbawal
Magsalita ng laban sa katwiran at aral
Mga salita ng Dios atin ngang iningatan
Upang ang pagkataoy tunay na nahugasan
Sa Bautismong tinanggap kay Kristo ay sumumpa
Na atin ngang susundin ang kaniyang salita
Kasakdalay marating na ating gantimpala
Kung ating tutuparin Dalisay Nyang Doktrina

KAY PALAD KO PALA

Nagmulat ang mga mata umagay di nag iiba


Sa nagdaang mga araw na panahong lumipas na
Hiyawan ng kapitbahay naghahari sa looba
Na kapitbahay naghahari sa looban
Sari saring mga ingay pagkahimbing nagulantang
Hapdi ng aking sikmura minsan pa ay naramdaman
Na magmula pa kagabi di man lang nasayaran
Ng mainit na kape o matigas na tinapay man
Nasanay na itong gutom sa pagidlip kalimutan
Tinungo ko ang kusina nitong aming munting dampa
Hanap ay mailalaman ditto sa hungkang ko ng
sikmura
Sa paglakad nadaanan ang ina kong nakahimlay
Na gaya ng datiy puyat galling doon sa bingguhan
Maya mayay dumating na ang ama kong humahapay
Marahil ay nagpalipasang magdamag sa tindahan
Kasamay mga kumpare, na doon ay nag-inuman
Madalas ang uwiy, galit, mura at sakit ng kalooban
Sa musmos kong kaisipan, naghahari ay katanungan
Ako nga bay isinilang sa ganitong Kapalaran?
Magulang ko ay pabaya minsa kamiy sinasaktan,
Ang paglingap ng mga magulang banyaga sa
pakiramdam
Mayroong mga gabi kay ilap nitong paghimbing
Sa paglipas ng mga oras sa binatay titingin
Mga matay itutuon sa nakasabog na bituin
At sa pinakamakislap ako doon ay hihiling

Para ngang tugon ng langit hiling ko ay ibinigay


Isang gabu itong si ama, maaga pay nasa bahay
Gayundin ang aking ina di tinungo ang bingguhan
Sa unang pagkakataon sa hapunay sabay-sabay
Ang radio nga namiy bukas ay silay nagsisipakinig
Doon sa istasyon sa dinig ko ay 558
May isa ngang nangangaral paninindigay nasa tinig
Ang pangalay Bro Eli, salita ng Dios ay hatid
Ang pag-alam ng katwiran sila ay nagging puspusan
Hanggang dumating ang araw sila ngay
naawtismuhan
Anong galak nitong puso sa aking natunghan
Kay laki ng pinag-iba mahal kong mga magulang
Kapalarang nasa akin magulang koy naging sila
Sa katwiran ng Dios namulat kanilang mata
Habang kami lumalaki naging aral Niya
Di tulad ng ibnag bata lugmok sa maling pagsamba
Kapag gulang ay sapat na isa ang aking pagarap
Banal na bautismo sana ay aking matanggap
Amang Dios na Maylalang samo ko at pakiusap
Magulang ko ay samahan hanggang sila ay maging
ganap
Salamat po sa Iyo kay buti ng kapalaran
Ibinigay na msgulang may unawa sa katwiran
At sa isang mangangaral tapat at naninidigan
Salamat pos a Iyo Ama sa di masayod na katwiran

Ingkong at Kuya Naming Minamahal


I
Sa Pilipinas na Bayan,
Sa malayong Silanganan,
May mga lalake dooy isinilang,
Sugo ng Dios ang pagkakahirang.
Bro. Eli at Bro. Daniel
Ang kanilang Pangalan
II
Ingkong at Kuya amin silang turingan
Higit na mapagmahal kaysa aming magulang.
Buhay at Lakas kanilang inialay
Upang kaligtasan aming maunawaan.
III
Subalit dahil sa pagbabandila ng Katotohanan
Ingkong naming kinailangnang lumisan
Upang kaligtasan kaiyang maipaabot
Sa maraming tao sa sansinukob.
IV
BAgamt mahirap ang nararamdaman
Pagod at Puyat laging nararanasan.
Dagdag pa angpaninira, paghamak at pagkutya
Ng mga kaaway sa pananampalataya
V
Hindi titigil ang masasama
Pananampalataya naming ibig nilang mawala
May Amurao pa na binabanggit sila
Kamatayan ng aming mga sugo Ang kaligayahan nila

VI
Hanggat silng dalawa laging nagpapatuloy
Sa kanilang pangangaral Susulong at yayabong.
Kaya mga kapatid, kaibigan at mga magulang
Ingkong at Kuya natin Huwag nating iiwanan!

SUGO NG DIOS
Itoy titulong marami ang nag-aangkin
Ibat-ibang mangangaral sa panahon natin
Subalit papaano natin mapatutunayan
Na ang mangangaral ay sa Dios nga mga kababayan? Yan ngayon an gating pag-uusapan
Tunghayan natin ang mga isinasaad
Bawat katwiran na ang bibliay inilalahad
Tungkol sa mangangaral na dapat nating samahan
Upang sa atiy umakay sa kaligtasan
Mangangaral ay kasangkapan ng Dios sa pagliligtas
Upang aral Niyay ating matalastas
Subalit tandaan sa ating pagsusuri
Mangangaral ay may dalawang uri
Ang tapat at ang mapagkunwari
Pag ang samahan moy ang di tapat at mapagkunwari
Lahat mong pinagpagalan ay sa wala mauuwi
Ngunit pa gang tapat ang sya ming natagpuan
Ang kapalaran moy buhay na walang hanggan
Datapuwat papaano natin sya makikilala
Sa dinami-daming mangangaral na ating nakikita
Sinong tapat at sinong hindi?
Sinong may dala ng kaligtasang minimithi?
Kialalanin natin ang bawat isa
Ang mga katangian na nasa kanila
Sapagkat kung ang pag-uusap na ay pangkaluluwa
Hinding-hindi tayo dapat na madaya!
Isang bagay na dapat nating tandaan
Anyo ng isang taoy hindi batayan
Upang ating masabing siyang tunay na mangangaral nga
Sapagkat kanyang anyoy magandat kaaya-aya?

Hindi rin naman dapat pagbatayan


Milagrong nagagawa o kanyang pinag-aralan
Sapagkat ang karunungan nitong sanlibutan
Ay ginawa ng Dios na kamangmangan
Ang batayan kung sa Dios nga ang tao
Ay ang dala niyang aral at turo
Sapagkat ang gayon at totoo
Kung ang aral niyang dala ay walang liko
Sapagkat hindi sya gaya ng karamihan
Na kinakalakal ang salita ng Dios at pinagkakaperahan
Kundi sa pagtatapat at sa katotohanan
Nagsasalita ng sa Dios na katwiran
Mayroon kasing nagsisipagnasang maging guro
Di naman sigurado sa kanyang turo
Banal na halik daw ay beso-beso
Si Cain ang panganay, si Abel daw ay bunso
Isang bagay pa ang makapagpapatunay
Sa mangangaral na sa Dios ay ang kanyang buhay
Kung itoy maalwan at maginhawa
O puni ng pagtitiis dahil syay mapagparaya
Sapagkat hindi sya gaya ng maraming pastor
Siyay hamak lamang at dukhang predicador
Lahat niyang tinatangkilik ay handing ibigay
Upang ang ibay maging matiwasay
Pinag-uusig siya bagamat walang kasalanan
Bagamat tapat pinagbibintangan bulaan
Nagdurusa sa mga tao dahil sa katwiran
Ngunit nananatling bukas-palad sa mapagkailangan
Sa tapang at paninindigan syay walang kapara
Mga mangangaral na bulaan ay di umuubra
Mga pastor ng Born-again, Baptist, Catoliko
Sabadista, kahit sino pa, kahit si Manalo!
Sa mga pastor na bulaan ang hamon koy ito
Kung ibig nyong mapatunayan ay subukan ninyo
Lumaban kayot panindigan nyo
Di kayo uubra magpatong-patong pa kayo!
Kayat masasabi ko ng buong-puso
Ang mangangaral na Dios ang nagsugo
Ay walang iba kundi an gating katoto
Si Kapatid na Eli Soriano!

SA AKING KAMUSMUSAN
Isang magandang araw ang aking pagbati
Binabati ko po kayo ng may ngiti sa labi
Una sa lahat sa Dios ang pagluwalhati
Tayo ay magpuri ng may pagpupunyagi
Itong aking tulang sa inyoy iniaalay
Nais ipabatid ang pagnanasang inaasam
Mapukaw ang diwang tila nahihimlay
Sa kalagayan ng mangangaral at ng kapatiran
Sa ating kapatiran tayoy magkaisa
Sa mga aral ni Kristo tayoy tumalima
Sa mabuting gawain ay magsama-sama
Upang pangarap ng pusoy ating matamasa
Sa aking kamusmusan ako ay namulat
Sa aking pamilyang pag-ibig ang kalasag
Iyan ang bunga ng aral na tinaggap
Mula sa mga sugong sa akiy naglingap
Maraming tao ngayon buyo sa kalayawan
Hinahangad nilay layaw ng sanlibutan
Ngunit ang tangi kong pangarap ay makamtan
Paraisong bayan akin ngang tinatanaw
Pangarap kong buhay na walang hanggan

Iyan ang aking sa pusoy inaasam


Kung saan wala nang hirap, dusa at lumbay
Makakamit natin to kung magtutumibay sa aral
Hanggang sa huling hiningang kapalit
Ibinigay ng Maykapal sa lingkod Nyang ibig
Pagibig ng Dios sa propetay natitik
Pangakong maghahawak laging isinasa-isip
Isang bagay na natutuhan sa aking mangangaral
Kay kapatid na Eli sa tuwinay nagpapagal
Alang-alang sa kaluluwang kanyang inaakay
Pinaglilingkod ang buhay sukat mang mapatay
Sandaat sanlibo na ang sa kanyay nangahas
Tumutol sa mga aral balat baril ang hawak
Subalit natinag ba ang sugong nililibak?
Magpatung-patong pa silang punong ligaw ng landas
Meron bang tumututol sa katagang binitawan?
Palagay koy wala! Kung meron ay titik lang
Kayat magisip-isip ka hanggat oras ay di pa dumaratal
Panahoy malapit na, parating na ang kawakasan
Kayat sa mga magulang, mga anak at kaibigan
Ito sanay makagawa sa inyong kalooban
Ang nais lamang ay maibahagi ang katwiran
Na aking natutuhan sa aking kamusmusan
Naway makapag-iwan ng munting aral
Itong Kawan ng Cordero sa Dios ay nagpupugay
Sa Kanya ang lahat ng karangalat kapurihan
Mabuhay! Mabuhay! Ang Iglesia ng Katotohanan

SALAMAT PO
Salamat po Amang Banal
Sa iyong lubos na pagmamahal
Ligaya ng Puso na akoy mapabilang
Sa tunay na Iglesia ng Dios
Na Siyang banal na kulungan
Salamat din po sa sinugo mong mangangaral
Sa pamamagitan niyat kanyang ipinangaral
Ang dalisay na turot aral mot katuwiran
Na siyang nagmulat sa amin sa katotohanan

Bilang kawan ng kordero


Ang kapangyarihan moy kaharian, aming natatamo
Di hadlang ang pagkasalimoot ng sanlibutang ito
Bagamat napagsalikupan ng biyaya mot oh namamalayan ng ibang tao
Sa paglalakbay, kahit saan kamiy iyong samahan
Pakikipagbaka ng mga paninindigan
Sa iyong banal na pangalan
Mananatilit pasasakop sa haligit saligan
Ang Dating Daan! Marapat lakaran
Kahit sa gitna ng kapighatian
Sa iyo lamang Ama ang lahat ng kapurihan
Kung loloobin mot matupad ko sana
Ang banal na tungkulin dito sa lupa
Sa awat tulong moy akoy bata pa
Iingatan sa puso ang iyong dakilang salita
Naway akoy mapabilang mot mapaghandaan
Sa iyong pinangakong banal na tahanan
Na doon ay wala ng kamatayan
Sa paraiso moy buhay na walang hanggan

TAO PARA SA MABUBUTING GAWA


Bakit nga ba ang tao ay Kaniyang nilalang?
Ano ang Kaniyang dahil at papaano ang pagkalalang
Ang wika ng iba taoy galling sa kawayan
Nang tamaan ng kidlat ang tao daw ay lumitaw
Sabi naman ng iba taoy galling daw sa unggoy
Pinangangalandakan teorya ng EBOLUSYON!
Pinagpipilitan ng maraming marurunong
Kung yan ang totoo bakit mayroon mukhang BABOY!

Ano nga ba talaga mga ate, mga kuya?


Alm na ba natin kung bkit tayo nilkha?
Meron kasi nagpakamatay sa kawalan ng unawa
Sa dahil ng Dios kung bakit tayo ginawa
Ating saliksikin sa BIBLIA ang katwiran
Sa uno-kuwatro (1:4) ng Efeso ay ating masisilayan
Ang taoy nilalang WALANG DUNGIS! MGA BANAL!
Pinili ng Dios bago pa ang sanlibutan
Higit sa ibang bagay, ang tao ay mahalaga
Sa paningin ng Dios, taoy walang kapareha
Ipinaglaan ng tahanan, binigyan ng kapangyarihan
Sa mga hayop sa himpapawid, sa dagat at sa parang man
Kung ang hayop at halaman tao ang pinagukulan
Ang nga bagay ukol naman saan/
Sa dos-diyes (2:10) ng Efeso ay ating maalaman
Sa MABUBUTING GAWA ang tao ay inilaan
Ang utos ay BANAL at MATUWID at MABUTI
Itoy ating mababasa sa Roma siyete-dose (7:12)
Mabubuitng gawa dito natin ibabase
Hindi sa kung saan, hindi lalo sa sarili
Pagkatakot sa Dios ay pagsunod sa Kaniyang utos
Buo nating katungkulan na dapat nating matapos
Kaya habang mga batay tinuturuan na ng lubos
Upang sa masamang araw, pag-asay di mauubos
Kaya habang may pagkakataon gumawa tayo ng mabuti
Upang sa bandang huli ay di tayo magsisisi
Baka dumating ang araw saka tayo magsasabi
Panginoon! Panginoon! Ngunit ang Dios ay tatanggi
Ang Tama Ang Imulat Mo Sa Amin
Pag-ibig aking nakilala di dapat palakihin
Ang bata sa layaw at sa katuwaay
Kapag namihasa kung lumaki walang hihintaying ginhawa
Sabi sa kawikaan turuan mo ang bata
Sa daan na dapat niyang lakaran
At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan
Ang mabuting bata magalangin sa matanda
At kinaaawaan ang mahina at ang dukha
Pantay-pantay kung tumingin

Sa mayroon at sa wala
Ang matay di masisilaw sa salaping laksa-laksa
Ganyan ang batang mabait, masunurin
Siyang anak sa tahanan laging handa sa paggawa
At pagganap bawat iutos sa kanya ay gawaing matutupad
pag nangako ang sinasabi ginagwa agad-agad
Magandang ugali ating pagsanayan
kung habang bata pa ating tuturuan
magandang halimbawa ng ulirang mangangaral
ang buhay nila magandang huwaran
Kaya itong tao pag nalulong sa masama
ang nararapat na sisihin ang sarili niyang pabaya
di nakikinig at di tumutupad ng aral
at sa tahanan laging wala ay lumalabag
sa tungkuling inatas ng lumikha
Kung talas ng bibig at karunungan ang paguusapan nangunguna
ang tapat na mangangangaral sa alin mang larangan
sa lakas ng loob angking kakayahan
magaling an gating mangangaral na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan
Sa ano mang Gawain dapat alalahanin
ang pagtutulungan did apt kalimutan
magandang aral itanim sa pusot isipan
dakilang paglilingkod ang maiaalay
magandang huwaran nitong ating buhay
Kaya itong guro at mangangaral
may tungkuling anong hirap kahit hindi kanyang anak
sa mabuti hinahatak silay ilaw sa landasin na madilim at madawag
at matibay na sandigan sa hinihintay na pangarap
Kaya sa paglapit sa Maykapal lagging ugaliin
ang pagpapasalamat wag lilimutin
pangakoy kakamtin sa panahong darating
kaya sa lamat sa Dios sa Kanyang kaloob na di masabi

Ang Mangangaral
I.Guni guniy binalangkas pinagg-alabng dadamin,
Na marating at maabot ang parnaso ng tulain;
Upangitong titik sa diway ihabilin
At sa Amang minamahal iaalay ngbuong giliw.
II.Ang Amang itinatangi hindi lamang sa salita,
At hindi rin palamuti nitogating abang dila;
Sa puso at kaganapay laging laman nitong diwa,

Kabutihang gawa niya sa isipay nakapunla.


III. Sa sandal at simula nitong ating kamusmusan,
Tumuntong ang gulang natinsa antas ng kabataan;
Walang tanging sinopa man sa sariliy sumubaybay,
Kundi itong mapaglingap na ating mangangaral.
IV.Si kapatid na Eli tapat na tagaakay,
Sinugo ng Dios Ama mangangaral na tunay;
Walang inuurungang mga pastor na bulaan,
Maihayag lamangtunay na katuwiran.
V.Sa gitna ng masalimuot at magulong sanlibutan,
Mula sa kamangmangan hanggang kaunawaan,
Aming nakilala ang dalisay na katuwiran.
VI.Kasaysayan ay salamin ng kahapon ngayon at bukas
Nas sa dunong ng isipan kaganapay nagpamalas
Walang tangingnaging gabay upang ito ay matupad
Kundi sugong magpamahal ang layunin ay busilak.
VII. Wala akong maiganti sa hirap at pagdurusa,
Pagkatuto at pagkalinga sa hangarin ay nagbata;
Kundi wagas na pagibig panalangin sa tuwina,
Na lumawig itong buhay at makamtan ang ligaya.
VIII. Kayat aking pakiusap sa buong kapatirn,
Hirap ng mangangaral atin sanang damayan;
Huwag nating hayaang maging huliang lahat,
Na tayoy mawalan ng isang sugong mapagmahal.

ANG DATING DAAN


MINSAN AKOY PAPAUWI BUHAT SAKING PAARALAN
NAKITA KONG NAG-UUSAP ANG MARAMING KATANDAAN
PAGLAKAD KO AY BUMAGAL AT AKING NAINTINDIHAN
PINASUKAN NA RELIHIYON ANG DI PINAGKAISAHAN
WIKA NITONG SABADISTA NA KATALO SA UMPUKAN
BAWAL WIKA YANG BABOY NI HWAG NINYO NG TITIKMAN
ISDANG WALA NG KALISKIS HWAG IHAIN SA KAINAN
IYAN DAW ANG NAKASULAT SA BANAL NA KASULATAN

SABI NITONG RIZALISTA DIOS NIYA AY SI RIZAL


BUHAY PA RAW AT NANDOON SA MALAYONG KABUNDUKAN
DI BAT ALAM NAMANA NATIN YANG KANYANG KASAYSAYAN
MARAHIL AY DALA ITO NG KANILANG KAMANG-MANGAN
NANG HUMIRIT ANG BORN AGAIN LALO AKONG NAPATAWA
TATLONG ITLOG TATLONG TALONG TALON TURO DAW YON SA KANILA
PABALIKTAD YAONG PAYONG ULAY SINASAHOD NILA
IYON DAW AY PAGPAPALA KAY EL SHADDAI NA PADALA
SUMAGOT ANG MANALISTA NA PARA PANG NANUNUYA
ANG BANAL DAW NA HAPUNAN SA UMAGA GINAGAWA
PASTOR LANG ANG BUMABASA AT ANG MIYEMBRO AY BAWAL NA
KAYA SILAY NILOLOKO CHINACHOP-CHOP PA YONG IBA
MAHINAHON NA SUMAGOT ANG KNCNG INYONG LINGKOD
PWEDE PO BA NA AKO AY MAKASALIT MAKASAGOT
LAHAT SILAY NAGTAWANAN AT NILAIT AKONG LUBOS
ANO DAW ANG NALALAMAN NG TULAD KONG ISANG BANSOT
MARAMI PO AKONG ALAM NA HINDI NYO NAUTUTUNAN
ANG SINABI NINYONG LAHAT PURO HAKAT SABI LAMANG
KUNG TAMA ANG RELIHIYON NYO DI BA DAPAT MAY BATAYAN
DI KATULAD NG SA AKIN SA BIBLIA MATUTUNGHAN
LAHAT SILA AY NAGULAT SA KANILANG NARINIG
PERO AKOY TULOY PARIN ANG BIBIG KOY DI-NAUUMID
KUNG GUSTO NYO NA MATUTO MATIGIL ANG PAGTATALO
KAY BRO.ELI MAKINIG KA AT SIYA PO ANG PASTOR KO
DAPAT TAYONG MGA TAO NAGSUSURIT NAG-AARAL
LALO NA SA RELIHIYON MO PATUNGO SA KALIGTASAN
KAPAG KALULUWA MO PATUNGO SA KALIGTASAN
KAPAG KALULUWA NINYO NAPAHAMAK NG TULUYAN
HINDO MO NA MABABAWI IMPYERNO ANG BABAGSAKAN
KUNG GUSTO NYO NA MARINIG AT MALAMAN ANG HANAP NYO
MALUTAS ANG AGAM-AGAM AT MAPASOK SA TOTOO
HANAPIN ANG MANGANGARAL NA SASAGOT SA TANONG NYO
BIBLIA ANG SSAGOT ITANONG MO KAY SORIANO

TANGLAW SA DAAN
Na minsan sa buhay pumatak ang luha
Kinutkot ng takot ang bigong pag asa
Na dito sa mundo may lumbay at dusa
Anong ilalaban nang dukhat dalita

Maunos na sigwa handa nang kumitil


Nang lipos kong buhay hudyat ang hilahil
San ako kukubli sa mga pagsupil
Ako bay ihahatid sa nag ngangang libing
Akoy tumatawag saan ka naroroon?
Sino kang tutulong sa magitlang hamon
Pusoy nakiusap na sanay humilom
Ang kirot at sakit sugat ng kahapon
Ano bang ngalan mo tanong nitong budhi
Ikaw ba ang tugon nitong minimithi?
Na sa kiy aakay sa mga suligi
At maging karamay sa adhikang sawi
Akoy kaibigan na sa yoy gagabay
Tinig na bumubulong habang naglalakbay
Sa gitna nang laot siya ang karamay
Sabik na makita kaibigang tunay
Hiling nitong puso sanay ipadama
Wagas na pag ibig anupat ipakita
Salamat sa iyo O Kristong dakila
Kaibigang tapat sa kiy umunawa.

You might also like