You are on page 1of 10

MUSEO NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Ang Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa syudad ng Malolos ay may


dalawang magkaiba ngunit hindi mapaghihiwalay na mukha: ang simbahan na nagsilbing
tahanan ng unang Republika ng Pilipinas at ang katabi nitong kumbento na saksi sa
kasaysayang naganap sa simbahan.
Isandaan at labimpitong taon matapos ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan
ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit Cavite, ang kumbento na ngayoy naglalaman ng
Museo ng Republika ng Malolos ay patuloy na nagbibigay aral ukol sa pakikibaka ng Pilipino
tungo sa pagkamit ng minimithing kalayaan sa panahon ng Kastila at Amerikano.
Ngunit bukod sa tradisyunal na uri ng paglalahad, ang museo ay nagtuturo ng kasaysayan
sa pamamagitan ng interaktibo at digital na paraan.
Ang museo ay may limang bulwagan na layong maipaalala sa mga bisita ang kahalagaan ng
kasaysayan sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon.
Ang unang bulwagan ay naglalaman ng mga paghihirap ng Pilipino sa ilalim ng mapangaping pananakop ng bansang Espanya sa loob ng mahigit 300 taon. Ang pananakop na ito ang
pumigil sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.
Ang mga naunang hakbang upang makamit ang kalayaan, kabilang na ang mga
pagsasagawa ng pag-aaklas laban sa pamahalaan, ay ipinapakita sa unang bulwagan.

MALINTA

TUNNEL

Ang Malinta Tunnel ay ang nagsilbing headquarters o ang huling himpilan ng pamahalaang
Commonwealth bago pa umalis si Pangulong Manuel L. Quezon sa Amerika. Matatagpuan ito
sa isla ng Corregidor. Isa itong mahabang lagusan na kung saan naroon ang ospital na may
1,000 kama, taguan ng sandata at mga opisina ng mga heneral at opisyal ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, isa ito sa mga pangunahing atraksyon sa isla dahil maglalakad ka kasama
ang mga tour guide sa loob ng madilim na tunnel. Dito ko rin naranasan ang tunay na ibig
sabihin ng nakakabinging katahimikandahil kung walang nagsasalita o walang tunog sa loob
ng tunnel, maririnig mo ang alingawngaw ng katahimikan. Mararamdaman mo rin dito ang
sobrang kadiliman kapag walang ilaw at nilakad din namin ang isang parte ng tunnel kung saan
wala kaming ilaw at parang pasikip nang pasikip ang dadaanan kung wala itong ilaw. Nakita din
namin ang ilan sa mga lumang kagamitan na ginamit noong dekada 40 gayundin ang mga
lateral na nagsilbing ospital para sa mga biktima ng digmaan.

Ang Malinta Tunnel ay magsisilbing isa sa mga makasaysayang lugar sa Corregidor dahil
nagsilbi itong lugar para sa pamahalaang Commonwealth noong panahon ng Hapones.

ST.JOHN THE BAPTIST CHURCH

Ang St. John the Baptist Church ay ipinatayo noong 1605. Ang bayan na ito ay dating sakop
ng Nagcarlan. Maganda ang pagkakagawa ng simbahan dahil gawa sa bricks ang pader nito.

LUNGSOD NG VIGAN
Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng
baybaying lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang
lungsod ng lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling
pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino
Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito mula pa noong ika-16 na
siglo. Ang Intramuros (Walled City) sa Maynila ang padron ng disenyo nito. Ang Vigan lamang
ang pinaka-iingatang halimbawa ng Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas
at maging sa buong Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kayat noong Disyembre 2,
1999 ay napili itong mapasama sa UNESCO World Heritage List at naging component
city noong Enero 21, 2001.

ST. AUGUSTINE CHURCH


Ang Simbahan ng San Agustin ay isang parokyang Romano-Katolikong simbahan ng
munisipalidad ng Paoay, Ilocos Norte sa Pilipinas. Nakumpleto ito noong 1710, ang simbahan
ay tanyag sa kanyang natatanging arkitektura. Noong 1993, ang simbahan ay itinalaga bilang
isang UNESCO World Heritage Site bilang isang pinakamahusay na mga halimbawa ng mga
simbahang Baroque ng Pilipinas.

MANILA FILM CENTER


Noong Nobyembre 17, 1981, kasalukuyang ginagawa ang gusali at habang ibinubuhos
ang semento, gumuho ang unang palapag ng nasabing gusali at natabunan ang ilang mga
trabahador sa sariwang semento at ang iba naman ay natuhog sa mga upright steel bars.
Sa kakulangan ng oras upang makaabot sa pagbubukas ng Film Festival, ang iba ay hindi
na hinukay at tinabunan na lamang ng semento at nailibing ng buhay. Mula noon, marami
nang mga saksi ang nakakramdam ng mga kahindik-hindik na pagpaparamdam ng mga
kaluluwang ayon sa kanila, ay hindi matahimik at humuhingi ng hustisya.

CAMP JOHN HAY


Ang Camp John Hay ay isang 690 ektaryang kampo na itinayo ng mga Amerikano upang maging pook
libangan ng mga sundalo ng Department of Defense of America. Ipinangalan ito sa kalihin pandigma ni Pang.
Theodore Roosevelt, at naging Club John Hay nang ibigay ng mga Amerikano ang pasilidad na ito sa
pamahalaan ng Pilipinas.

CORREGIDOR
Ang Corregidor ay isang pulong nakalagak sa bukana ng Look ng Maynila. Dahil sa
kinalalagyan nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa sa look at lungsod
ng Manila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming
labanan, maging ang pagbagsak nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa sa
mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, ito ay isang mahalagang makasaysayang pook at
puntahan ng mga dayuhan. Ito ay pinangangasiwaang ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop
rin ito.

PHILIPPINE NATIONAL BANK


Ang Bangko Nasyonal ng Pilipinas ay isang bangkong panlahatan (universal bank) na
nakabase sa Pilipinas. Itinayo ito noong 1916. Ito ay na nagbibigay ng saklaw ng pagbabangko
at serbisyong pananalapi sa mga korporasyon (corporate), sentrong pamilihan, mga maliliit na
negosyo (small-medium enterprises) at mamimiling pantingi, kabilang ang mga manggagawang
Pilipino sa ibayong-dagat (overseas Filipino workers), na kasing antas din sa pambansang
pamahalaan, mga ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan (local
government units) at mga korporasyong may-ari ng pamahalaan sa Pilipinas.

PHILIPPINE POSTAL SAVINGS BANK


Ang Philippine Postal Savings Bank ay isang bangko ng pagtitipid na itinatag ng gobyerno
noong 1906. Ito and pinakamaliit sa tatlong bangkong itinatag ng gobyerno.

You might also like