You are on page 1of 20

KABANATA 25

SA BAHAY NG PILOSOPO
 
 
Sa umaga ng sumunod na araw, matapos na dalawin ni Juan
Crisostomo Ibarra ang kanyang mga lupain, ay nagtungo ito sa bahay ni
Matandang Tasyo.
Ang kumpletong katahimikan ang naghahari sa halamanan
sapagka’t ang mga langay-langayang nagliliparan sa harapan ng bahay
ay bahagya nang makagawa ng ingay. Ang lumot na tumubo sa
matandang bakod na bato na ginagapangan ng isang parang baging na
nagiging palamuti sa bintana.  Ang munting bahay na iyon ay mistulang
mansiyon ng katahimikan.
Maingat na itinali ni Ibarra ang kanyang kabayo sa isang tukod,
at halos ang daliri lamang ng paa ang inilakad, na dumaan sa
halamanang malinis at mabuti ang pagkakaalaga; inakyat niya ang
hagdanan, at dahilan sa nakabukas ang pinto, ay pumasok.  Ang unang
nakita ng paningin ay ang matanda na abalang nakayuko sa isang aklat
na sinusulatan.  Sa mga dingding ay may sari-saring tinuyong insekto at
mga dahon, kasama ng mga mapa at mga estante na puno sa aklat na
nakalimbag at mga sulat-kamay.1
Labis na nakatuon ang isipan ng matanda sa kaniyang ginagawa
kaya hindi napansin ang pagdating ng binata, kundi nang ito, sa
pagnanais na huwag makaistorbo, ay nagbalak na umalis ng walang
pasabi.
            “Aba!  Nariyan pala kayo?” ang tanong na tinanaw na may
pagtataka si Ibarra.
“Patawarin ninyo!” ang sagot nito, “napansin kong marami kayong
ginagawa…”
            “Oo nga, nagsusulat ng kaunti, ngunit hindi naman
kailangan na matapos na madali at ibig ko namang magpahinga.  May
maitutulong ba ako sa inyo?”
“Malaki po!” sagot ni Ibarra na lumapit, “ngunit…” at tinanaw ang aklat
na nasa ibabaw ng hapag.
            “Aba!” ang bulalas na pahanga.  “mahilig pala kayong bigyan
ng kahulugan ang mga geroglifico.”2

MGA PALIWANAG
 Sa kabanatang ito ang pag-uusap ng creole/ilustrado (Ibarra) at ng
katutubong intelekwal na si Pilosopo Tasyo. Inilalantad ng katutubong
intelekwal ang kalagayang palipunan ng Pilipinas sa isang creole/ilustrado.
SA BAHAGING ITO AY IBUBUNYAG NI RIZAL ANG PARAAN UPANG
MAUNAWAANG GANAP ANG MGA NILALAMAN NG NOBELANG NOLI ME
TANGER.
1
Makikita sa ginawang paglalarawan ni Rizal sa labas at loob ng bahay ni
Matandang Tasyo ang kapaligiran ng isang taong palaaral.
2
geroglifico - Paraan ng pagsulat sa pamamagitan ng mga tanda larawan
na may kahulugang bagay, salita, titik, pantig at tunog ng mga wika. Kaiba
ito sa ating paraan ng pagsulat ngayon na ang gamit ay titik ponetiko,

312
           “Hindi!” ang sagot ng matanda na inabutan siya ng isang upuan,
“hindi ako marunong ng
Ehipsiyo, ni Kopto (matandang
wikang ginagamit ng mga
Ehipsiyo) man lamang, nguni’t
nakauunawa ako ng kaunting
paraan nila sa pagsulat, at
sumusulat ako sa pamamagitan
ng mga geroglifico.3
“Sumusulat kayo ng
geroglifico?  At, bakit?” tanong ng
binata na alinlangan sa nakikita
at naririnig.
“Upang huwag mabasa sa
panahong ito ang aking
sinusulat!”4                    Si
Ibarra ay napatitig sa kanya at
sumagi sa isipan na may
katotohanan ngang baliw ang
matanda.  Siniyasat niya ang
aklat upang tingnan kung hindi
nagsisinungaling at nakitang mabuting-mabuti ang pagkakalarawan
ng mga hayop, mga bilog, mga kalahating bilog, mga bulaklak, mga
paa, mga kamay, mga bisig, atbp.5
dahilan sa ating pagsulat at pagbasa ang bawat titik ay kumakatawan o
nagpapabatid ng tunog. Maging si Rizal ay nagkaroon ng pagkakataon na
pag-aralan ang sistema ng pagsulat geroglifico ng mga taga Ehipsiyo.
Sa kabilang dako pansinin ang mga salitang “mahilig pala kayong
bigyan ng kahulugan ang mga geroglifico”
3
“sumusulat ako sa pamamagitan ng mga geroglifico.” - Hindi
sumusulat ng geroglifico
Ginamit ni Rizal ang salitang geroglifico sa paraan ng pagsusulat ni
Pilosopo Tasyo – dito makikita ang henyo ni Rizal sa simbolismo, sapagkat
ang paraan ng pagsulat niya ay hindi sa literal na geroglifico, kundi ito ay sa
anyo ng paglalarawan ng mga bagay at pangyayari. – sa ganitong paraan
inilarawan ni Rizal ang kalagayan ng Pilipinas sa sarili niyang anyo ng
“geroglifico” – ang paglalarawang simbolikal sa pamamagitan ng mga titik
at pananalita at hindi nang grapikal ng kalagayan ng bayan.
4
Isang aklat na hindi layunin na mabasa ng kaniyang mga kapanahon –
Ayon kay Ongoco, si Pilosopo Tasyo ay sumusulat ng kaniyang sariling Noli
Me Tangere. Sana ang gawang ito ng inyong lingkod ay maging unang
hakbang sa pagbubukas ng ating mga kaisipan upang unawain ang mga
lihim na mensahe ni Rizal, para sa ating kapanahunan.
5
Siniyasat niya ang aklat upang tingnan kung hindi nagsisinungaling at
nakitang mabuting-mabuti ang pagkakalarawan ng mga hayop, mga bilog,
mga kalahating bilog, mga bulaklak, mga paa, mga kamay, mga bisig, atbp.
Kaibigan, hindi ba ito ang paraan ng paglalarawan ni Rizal sa iba’t ibang
mga bagay ukol sa Pilipinas at mapapansin ninyo ang malupit na

313
“Bakit kayo sumusulat, kung ayaw ninyong mabasa ang inyong
isinusulat?”
“Dahilan sa hindi ko inilalaan sa ating mga kapanahon ang aking
sinusulat kundi sa ibang panahong darating.   Kung mababasa ng ating
mga kapanahon ang aking mga sinusulat ay
marahil susunugin ang aking mga aklat, ang aking
hinarap na gawain sa buong buhay; samantalang
sa isang dako, ang henerasyon na makakaalam
sa kahulugan ng mga titik na ito ay pawang
matatalino, mauunawaan nila ang ibig kong
kong ipaalam at masasabi nilang:6 ‘Hindi ang
lahat ay natutulog sa kapanahunan ng ating
mga ninuno.’7  Ang lihim o ang mga di-
karaniwang titik8 na ito ay siyang nakapagliligtas
sa aking gawa sa kamangmangan ng tao, 9 gaya rin
naman ng pangyayaring ang lihim at mga kung anu-anong mga
paraan ay siyang nakapagligtas sa maraming katotohanan sa
mapanirang kamay ng mga kaparian.”10

pagsasa-detalye ng mga ito. Kapag ito ay inyong napansin, ay masasabi


ninyong ang sinusulat ni Pilosopo Tasyo ay ang kaniyang sarili Noli Me
Tangere – at ang bahaging ito siyang isang susi na ibinibigay ni Rizal upang
makilala ang kaniyang nobela.
6
Mga matatalinong henerasyon na may kakayahan na unawain ang
nilalaman ng Noli Me Tangere at mauunawaan ang dahilan ng kahinaan ng
bayan.
7
Ipinapakita na sa kabila ng isang mapanupil na lipunan at paghahari ng
mga pamahiin na kumakalaban sa mga makabagong kaisipan ay mayroon
pa ring mga tao na nag-iisip ng pagsulong at pag-unlad, at bumabatikos sa
kababawan ng isang marumi at mapagsamantalang sistemang panlipunan.
8
Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik – ito ang magpapatunay na ang
aklat na sinusulat ni Pilosopo Tasyo ay hindi talagang isinusulat sa literal
na paraan kundi sa pamamagitan ng mga maayos, maingat at hindi
simuladong paraan ng mga simbolismo at pagkakasalansan.
9

Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik na ito ay siyang nakapagliligtas


sa aking gawa sa kamangmangan ng tao. Binalak ng mga kalaban ni Rizal
na sistematikong itago ang mga ideya ni Rizal sa Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng paglalabas ng mga peke at lugaw na nobelang
ipinakikilalang “Noli Me Tangere”. Sa kabilang dako, hindi pa rin nila
nagawa na burahing lahat, kahit na sa pinakapopular na expurgated edition
ay hindi nila magawang maitagong ganap at kung babasahin sa pagitan ng
mga hanay ay makikita pa rin ang nakatagong pagdagil sa pamahiin na
pinalaganap noon ng mga alagad ng kolonyal na Katolisismo sa isipan ng
mga Pilipino.
10
Mapanganib ang mga kaparian sa panahon ng mga Espanyol, pinupugnaw
nila ang kritikal na anyo ng intelekwal na pagkamalikhain ng mga Pilipino.
Ang unang biktima ng kanilang mga mapagpugnaw na kamay ay ang mga

314
 “At sa anong wika kayo sumusulat?” tanong ni Ibarra matapos
ang mahabang pagkakapatigil.
 “Sa wika natin, sa Tagalog.”
            “At magagamit ba ang mga titik na geroglifico?”
            “Kung hindi lamang dahil sa kahirapan ng pagguhit ng mga
larawan na kailangan ng panahon at patitiyaga 11 ay masasabi ko
halos na lalo pa silang nakahihigit kaysa alpabetong Latin.12 Taglay
ng lumang Ehipsiyo ang ating mga tinig; ang ating o, na panghuli
lamang at hindi kagaya ng sa Kastila, kundi isang tinig na pagitan ng o
at u; gaya natin, ang Ehipsiyo ay wala ring tunay na tunog e; nasa kanya
ang ating ha at ang ating kha na wala sa sa abakadang Latin na kagaya
ng paggamit natin sa wikang Kastila.  Sa halimbawa:  sa salitang
mukha,” ang dugtong na itinuro ang nasa aklat, “nailalagay kong lalong
wasto ang pantig na ha sa pamamagitan ng anyong isdang ito, kaysa h
ng Latin, na may iba’t ibang pagbigkas sa Europa.  Sa isang pagbigkas
na lalo pa manding mahina, sa halimbawa sa salitang hain, na ang h ay
lalong malambot, ay ginagamit ko ang ulong ito ng leon o ang tatlong
bulaklak na ito ng loto, alinsunod sa dami ng tinig.  Hindi pa iyan,
mayroon akong tunog na tinatawag na nasal na wala rin sa abakadang
Latin na kinakastila.  Inuulit kong kung hindi lamang dahil sa
kahirapan ng pagguhit ng larawan na kailangang gawing wastung-wasto
ay halos magagawang gamitin ang mga heroglipiko, nguni’t ang
matatandang kasulatan na ginawa ng ating mga ninuno sa panahon na
hindi pa tayo nabibiktima ng kolonyalismo.
Ang Noli Me Tangere ay humarap din sa tangkang direktang
pagpugnaw ng mga dayuhang kaparian. Sa sulat na natanggap ni Rizal Sa
pag-alis ni Rizal sa Pilipinas noong 1888, ganap na nilikom ng mga prayle
ang mga nalalabing kopya ng Noli Me Tangere sa bansa. Matutunghayan
ang katotohanan nito sa tinanggap na sulat ni Rizal kay Alex Schandenberg
mula sa Vigan, Ilocos noong Abril 9, 1889 na nagbabalita na dumating sa
nasabing lugar si Arsobispo Pedro Payo at maingat na nagtatanong ukol sa
nobela sa paglalayon na sunugin ang lahat ng natitirang kopya.
Hindi nagawang mapugnaw ang lahat ng kopya ng Noli Me Tangere at
nakarating sa ating panahon at upang ito ay maitago ay pinunit ang
nobelang ni Rizal, upang hindi mabasa ng buo ng maraming mga
matatalinong mag-aaral ang kabuuan ng nobela na dapat sanang
nagpakilala sa ating mga kahinaan at nagligtas sa atin sa maraming mga
trahedyang panlipunan na kinauuwian natin sa kasalukuyan.
11
Na sa bahaging ito ay ipinapaalam ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa
na ang mga satiriko na nakapalaman sa Noli Me Tangere, sa kabila ng
kahusayan ay pinag-isipan niya ng mahabang panahon at labis na pag-
iingat.
12
Ito ang pinakamataas na pagpapahalaga ni Rizal sa wikang
Tagalog/Filipino – Ang Latin ang naging wika ng dakilang imperyong
Romano, ginagamit ng Kanlurang Europa hanggang sa ika-18 siglo at
nanatili pa ring seremonyal na wika ng pandaigdig na simbahan. Si Rizal ay
nagpapahayag ng kadakilaan at kahigitan ng ating wika – ano ang kaya ang
hindi magagawa at potensiyal ng mga taong nagsasalita ng ganitong
wika – sa panahon na ito ay mabibigyan sana ng isang tamang pagkakaon.

315
kahirapan ding ito naman ang nag-uudyok sa aking huwag
magpakalawig at huwag maglagay, kundi iyong sadyang kailangan
lamang, at saka ang isa pa’y siya kong nagiging kasama ang gawaing ito,
kung ang mga tagapagdala ko ng sulat sa mga taga-Tsina at Hapon ay
nangagsisialis.”
“Ha, po?”
            “Hindi ba ninyo sila naririnig?  Ang mga tagadala ko ng sulat
ay ang mga langay-langayan;13 sa taong ito’y kulang ng isa ang
bumalik; marahil ay nahuli ng isang pilyong batang Insik o Hapon.”
            “Bakit ninyo nalalaman na nakapanggaling sa mga bansang
iyon?”
            “Madali lang:  may ilang taon na, na bago sila umalis, ay
tinatalian ko sa paa ng isang putol na papel na may sulat na pangalan
ng Pilipinas sa wikang Ingles, sa pag-aakala kong hindi lubhang
malayo ang kanilang mararating at dahilan sa wikang Ingles ang siyang
gamit sa halos lahat ng mga lupain sa dakong ito.14  Mga ilang taong ang
aking sulat ay di nagkaroon ng kasagutan, hanggang sa kahuli-hulihan
ay ipinasulat ko sa wikang Insik, at nang sumunod na Nobyembre ay
nangagsibalik ditong may ibang papel na aking pinaturingan ang
kahulugan:  ang isa ay nasa wikang Insik at ang laman ay isang
pagbating buhat sa mga pampangin ng Huang-ho, at ang isa, sa akala
ng Insik na aking pinagtanungan, ay wikang Hapon daw marahil. 
Datapwat inaabala ko kayo sa mga bagay na ito at hindi ko itinatanong
kung papaano ko kayo mapaglilingkuran.”
            “Naparito ako upang kausapin kayo tungkol sa isang bagay na
mahalaga,” ang sagot ng binata, “kahapon ng hapon…”           
“Nadakip ba ang nakakahabag na taong iyon?” ang masiyasat na
tanong ng matanda.15
          “Si Elias po ba ang sinasabi ninyo?  Bakit ninyo nalaman?”
          “Nakita ko ang Musa ng Guwardiya Sibil.”
  “Ang Musa ng Guwardiya Sibil!  At sino ang musang iyon?”
“Ang asawa ng alperes na hindi ninyo inanyayahan sa inyong
piknik.  Kahapon ng umaga ay kumalat sa bayan ang nangyari sa
13

Mayroon ng ideya si Pilosopo Tasyo ng airmail sa panahon na ang mga sulat


ay sa ibang bansa ay ipinadadala sa pamamagitan ng mailboat.
14
Philippines ang ginamit ni Pilosopo Tasyo sa kaniyang mga sulat ng
dahilan sa Ingles ang ginagamit ng maraming mga lugar na kalapit natin.
Ang Malaysia, Singapore, at Hongkong ay sakop noon ng Britanya. Isa sa
mga ipinagtataka ng bigrapher ni Rizal na si Austin Coates ay bakit sa
panahon ng pagkakatapon ni Rizal sa Dapitan, ay tinuruan niya ng wikang
Ingles ang kaniyang mga mag-aaral sa nasabing lugar. Sa pangungusap na
ito ni Pilosopo Tasyo ay maaring maiuugnay ang dahilan sa likod ng
pagsisikap ni Rizal na turuan niya ng wikang Ingles ang kaniyang mga mag-
aaral sa Dapitan.
15

Noon pa man ay makikita na ang intelekwal ay may simpatiya sa isang


“tulisan.” Na nakikitahan niya ng potensiyal na makapaghahatid ng
pagbabago na kaniyang pinapangarap para sa lipunan.

316
buwaya.  Ang Musa ng Guwardiya Sibil ay may matalas na pang-amoy at
mapag-isip ng masama, at ipinalagay niyang ang piloto ang pangahas na
naghulog sa kanyang asawa sa putik at bumugbog kay Padre Damaso; at
sa dahilang binabasa niya ang mga pasabi na dapat tanggapin ng
kanyang asawa,16 bahagya pa lamang nitong nakararating na lasing at
lito sa bahay, ay pinalakad, upang masira ang kasayahan ng
piknik. Kaiingat kayo!  Si Eva ay isang mabuting babae na galing sa
kamay ng Diyos…si Doña Consolacion ay masama raw at hindi malaman
kung kaninong kamay galing!  Ang babae, upang maging mabuti ay
kailangan kahit minsan man lamang ay naging doncella o naging ina.17
Si Ibarra ay ngumiti nang bahagya at tumugon, sabay sa pagkuha
ng ilang papel sa kanyang taguan: “Ang nasira kong ama ay malimit na
humingi ng payo sa inyo ng ilang bagay, at naaalaala kong hindi nagsisi
kailanman sa pag-sunod sa inyong payo.  Mayroon ako ngayong hawak
na isang munting balak na ibig kong makitang yari.”
At isinaysay sa kanya ni Ibarra sa maikling pagsasalaysay, ang
balak na paaralan, na inihandog sa kanyang katipan, at inilahad sa
namamanghang pilosopo ang mga plano na tinanggap niyang galing sa
Maynila. “Ibig ko sanang ituro ninyo sa akin ang mga taong dapat kong
lapitan sa bayan nang lalong magtagumpay ang gawain.  Nakikilala
ninyo ang mga taong-bayan; kararating ko lamang at ako ay halos
dayuhan sa aking sariling tinubuan.”
           Siniyasat ni Matandang Tasyo, na luhaan ang mga mata, ang
mga planong kanyang kaharap. “Ang inyong gagawin ay minsang kong
naging pangarap, ang pangarap ng isang nakahahabag na baliw!” ang
bulalas na halos mapaiyak, “at ngayon ang una kong ipapayo sa inyo ay
huwag kayong paparitong magtatanong sa akin kailanman!”
  Nagtatakang tiningnan siya ng binata.
           “Sapagkat aakalain ng mga taong matitino,” ang patuloy na may
mahapding kutya, “na kayo man ay baliw din na gaya ko.  Inaakalang
baliw ng mga tao ang hindi katulad nila sa pag-iisip,18 kaya
16

Nakikialam ang asawa/kabit sa gawain ng isang pinuno ng pamahalaan.


Mapanganib ang ganitong ginagawa ng mga paki-alamerang asawa/kabit sa
gawaing opisyal ng isang pinuno. Ipapahamak ng mga paki-alamerang
asawa ng opisyal ng pamahalaan, ang bayan. Ito ay sa katotohanan na
nagkakaroon ang mga asawa ng interes sa kapangyarihan pampulitika ng
kanilang mga asawa na pinuno ng pamahalaan para sa pagsulong ng
kanilang personal na kabuhayan. Higit na ipapakilala ni Rizal ang
inpluwensiya ng kabit ng isang opisyal ng kolonyal na pamahalaan sa
nobelang El Filibusterismo.
17
Ipinakikilala ni Pilosopo Tasyo ang pagiging masamang babae ni Dna.
Consolacion maagang nasira ang puri. Ang isang babae kahit na anong
sama ay may mapipigang kabutihan kung ito ay magkakaroon ng
pagkakataon na maging isang ina, ngunit si Donya Conslacion ay hindi
naging anuman sa dalawa.
18
Inaakalang baliw ng isang lipunan ang mga taong hindi nila kapaniwala
sa pag-iisip.

317
ipinalalagay na ako ay gayon, at pinasasalamatan ko sa kanila, sapagkat
kahabag-habag ako!  Sa araw na ipataglay na muli sa akin ang
katinuan; sa araw na iyon ay aalisin nila sa akin ang kaunting
kalayaan na kinamit ko lamang kapalit aking pagkamatino.19  At sino
ang magsasabi kung sila ay nasa katwiran?  Ang pag-iisip ko at
pamumuhay ay hindi kaayon sa kanilang mga kagawian; ang aking mga
tuntunin at mga layunin sa buhay ay iba sa kanila.20  Sa kanila ay may
kabantugang matalino ang kapitan sa bayan, sa dahilang, kahit
walang napag-aralan kundi ang magdulot ng sikulate at pagtitiis sa
magagalitin si Padre Damaso, ay mayaman ngayon,21 ginugulo ang
mga dukhang kalagayan ng kanyang mga kababayan at nakababanggit
pa ng tungkol sa katarungan.22  ‘Iyan ang taong marunong!’ ang akala ng
karamihan; ‘tingnan ninyo at sa wala nanggaling ay naging malaki!’ 
Datapwat ako, ako ay nagmana ng kayamanan, katangian, ako ay nag-
aral, at ngayon ako ay mahirap, hindi ako pinagkatiwalaan ng kahit na
iyong pinakamababang tungkulin, at ang kasabihan ng lahat ay ‘Iyan ay
isang baliw; hindi niya alam kung kung paano ang mabuhay!’23  Ako ay
tinatawag na pilosopo ng kura, bilang panlilibak, at ang ibig sabihin
sa gayon ay isa akong madaldal na nagyayabang ng mga napag-
aralan sa unibersidad, gayong ang mga bagay pa namang iyon ang
19

Sa pag-aakala ng marami na siya ay baliw, ang kaniyang mga paniniwala


ay kaniyang nasasabi ng malaya ng hindi napapatawan ng kaparusahan,
kundi ang tanging parusa na lamang ay tawagin siyang “baliw” sa
pamayanan pinaghaharian ng kahangalan.
20
“Ang pag-iisip ko at pamumuhay ay hindi kaayon sa kanilang mga
kagawian; ang aking mga tuntunin at mga layunin sa buhay ay iba sa
kanila.” Maging si Rizal ay isinagawa ang ganitong anyo ng pamumuhay.
21

Ito ang kontrast ng pamumuhay ni Pilosopo Tasyo - Sa isang


materyalistikong lipunan, matalino ang taong yumaman dahilan sa pagiging
sunud-sunuran. Ang kapitan mula sa salaysay ni Pilosopo Tasyo ay
isang taong nilunok ang dangal para sa kayamanan na nagmula sa
katiwalian. Ganyan din naman sa ngayon mayroong mga opisyal ng
pamahalaan na handang lunukin ang delikadesa para lamang yumaman
mula sa salaping pinaghirapan ng mga mararalita.
22

Pinarurunggitan dito ni Rizal ang mga opisyal sa kolonyal na


pamahalaan – na magkaiba ang sinasalita kaysa sa ginagawa. Nagsasalita
ng kaunlaran at ang mga mamamayan ay nakasadlak sa kahirapan;
nagsasalita ng malinis na pamamahala samantalang walang lugar sa
ahensiya ng pamahalaan na hindi pinamumugaran ng katiwalian.
23

Datapwat ako, ako ay nagmana ng kayamanan, katangian, ako ay nag-aral,


at ngayon ako ay mahirap, hindi ako pinagkatiwalaan ng kahit na iyong
pinakamababang tungkulin, at ang kasabihan ng lahat ay ‘Iyan ay isang
baliw; hindi niya alam kung kung paano ang mabuhay! Hindi kaya ang
bahaging ito ay isinulat ni Rizal mula sa kaniyang nararamdaman – sa
kalagitnaan ng kaniyang paghihirap sa Europa?

318
siyang lalo kung hindi pinakikinabangan. Marahil ay ako nga ang
tunay na baliw at sila ang matitino.  Sino ang makapagsasabi?” At
iginalaw ng matanda ang ulo, na parang may isang pumasok sa isipan
na ibig lumayo, at nagpatuloy:
            “Ang pangalawang bagay na maihahatol ko ay ang magtanong
kayo sa kura, sa kapitan, sa bayan, sa lahat ng taong may mabubuting
kalagayan:  makabuluhang payo, ngunit ang magtanong ay hindi ibig
sabihin na sumunod, magpakunwari kayong kailanman ay sinusunod
ninyo sila at inyong ibunyag na ang ginagawa ninyo ay ayon sa
kanilang akala.”24
           Nag-isip sandali si Ibarra at pagkatapos ay sumagot: “Mabuti ang
inyong payo, nguni’t mahirap sundin.  Hindi ko ba maaring
maipagpapatuloy ang aking balak nang hindi siya magkakaroon ng
kaunti mang suliranin?  Hindi kaya makakatawid ito sa kaganapan sa
gitna ng lahat ang bagay na mabuti, dahilan sa ang katotohanan ay
hindi nangangailangang manghiram ng damit sa kamalian?”
           “Dahil nga diyan ay walang nakakaibig sa hubad na
katotohanan!”25 sagot ng matanda.  “Iyan ay mabuti lamang sa sabi,
mangyayari sa mundong pinapangarap ng kabinataan.  Nariyan ang
guro sa paaralan na lumalangoy nang walang nilalanguyan; pusong bata
na naghangad ng kabutihan at walang napala kundi pagkutya at
halakhak.26  Ang sabi ninyo sa akin ay dayuhan kayo sa inyong
sariling bayan, pinaniniwalaan ko.27  Mula sa unang araw ng pagdating
ninyo ay sinugatan ninyo ang damdamin ng isang paring may
kabantugang banal sa mga tao at marunong sa kanyang mga kabaro. 28
24
Magkunwaring sumusunod upang huwag mapaghinalaan ng mga
maykapangyarihan. Sinasabi na ang mga Pilipino ay sinungaling at
mandaraya - ngunit ito ay produkto ng kolonyalismo- kailangan nilang
itago ang tunay na damdamin at hangarin – nag-aanyong sumusunod
ngunit nag-iisip ng paraan na maipapalusot ang tunay na kagustuhan.
25

Ito ang dahilan kung bakit kakikitahan ng pagiging hipokrito ang mga tao. -
Maging ang kasaysayan ay kailangang magmaskara ng objectivism o
pakunwaring “kawalan ng kinikilingan” para maging katanggap-tanggap sa
nakakarami na maaring masaktan sa paghahayag ng katotohanan ng
kasaysayan.
26
Ang guro ay lumalangoy sa kaniyang ideyalismo – mag-isa lang siya
sumusuong na pasalungat sa malakas na agos ng makalumang
pamamaraan at paniniwala at walang makitang suporta mula sa
nakakarami. Pusong bata – puno ng ideyalismo at pagnanais ng isang
makahulugan at makabuluhang pagbabago.
27
Ito ang kalagayan ng creole/ilustrado – dayuhan sa sariling bayan – dito
sila isinilang at lumaki, ngunit ang naituro sa kanila ng mga magulang ay
ang kanilang mga kulturang Espanyol. Pinamimili ni Rizal ang mga creole
kung saan bahagi ng bakod ng uring panlahi sila dapat na makabilang.
28
Ang ginawang pananakit ni Ibarra kay Padre Salvi ang itinuturing ni
Pilosopo Tasyo na katunayan na istranghero sa sariling bayan si Ibarra.

319
Loobin nawa ng Diyos na ang pangyayaring iyon ay hindi maging dahilan
ng inyong kasawian sa kinabukasan. 29  Huwag kayong manalig, na, sa
dahilang tinitingnang pakutya ng mga Dominicano at Agustino ang isang
abitong ginggon, ang kordon at ang kahiya-hiyang sapin, sapagkat
naalaalang minsan ng isang dakilang doktor sa (Unibersidad ng) Sto.
Tomas na ipinalagay ng Papa Inocencio III na ang kautusan ng ordeng ito
ay lalong nababagay sa mga baboy kaysa mga tao,30 ay hindi dapat
paniwalaan, dahilan sila nagsasama-samang lahat ng kamay upang
patibayan ang sabi ng isang procurador na:  ‘Ang lalong walang
kabuluhang lay brother ay nakahihigit kaysa sa Pamahalaan, kasama
pati ang lahat niyang kawal.’   Cave ne cadas!31  Ang ginto ay lubhang
makapangyarihan; inalis ng guyang ginto ang Diyos sa kanyang
damdana; sa maraming pagkakataon, mula pa sa mga araw ni
Moises.”32
29
Nakikini-kinita ni Pilosopo Tasyo ang masamang epekto ng pananakit ni
Ibarra kay Padre Salvi, alam ng matanda na mapagtanim ang pari at
naghihintay lamang ito ng tamang panahon ng paghihiganti. Si Ibarra
naman ay tiwala sa maskara ng pagbabait-baitan ni Padre Salvi.
30
Sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal ang lihim na panlilibak sa isa’t isa
ng mga orden relihiyoso. Mababa ang pagtingin ng mga Dominicano at
Agustino sa mga Pransiskano.
 
Pansinin
Na ang salitang baboy na ginamit ni Rizal na pang-iinsulto laban sa mga
prayle ay hinango niya mismo kay Papa Inocencio III. Alalahanin sana
ang Kabanata 6 na ang nais na ipahiwatig ni Rizal ukol sa baboy ni San
Antonio Abad. Ito rin ang dahilan kung bakit sa Kabanata 1 ay masyadong
mataas ang pagkakilala ni Pray Sybila (Dominicano) sa sarili, sa paraan ng
kaniyang pakikipag-usap kay Pray Damaso (Pransiskano).
31

Cave ne cadas! – mag-ingat ka, baka ka madapa. Paala-ala ni Pilosopo


Tasyo na huwag maging padalos-dalos si Ibarra sa mga gagawin. Ipinapakita
na ang mga ordeng pangrelihiyon sa kabila ng pagkakaroon ng lihim na pag-
aaway-away sa isa’t isa. Ngunit, nagkakaisa kung ang kalaban ay
mangagaling sa labas ng simbahan lalo na sa pamahalaan. Tunay nga
silang mga magkakapatid nag-aaway sa loob ng bakuran ng simbahan,
ngunit magtutulungan kung may aaway sa isa sa kanilang mga kapatid.
Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ni Pilosopo Tasyo, kung gaano kahirap
kalabanin ang mga prayle noong kaniyang kapanahunan.

32
Ang mga alagad ng kolonyal na simbahan sa kabila ng panata ng pagiging
mahirap ay nagpapayaman kung magkakaroon ng pagkakataon kahit na ito
ay labag sa kanilang panatang sinumpaan sa harapan ng kanilang Diyos, at
saksi pa ang mga santo. Sa bahaging ito ay dinadagil ni Rizal ang pagpasok
ng komersiyalisasyon sa templo ng pananampalataya. Bakit kaya hindi
naiintindihan ng mga taong nangangaral ng “aral” ni Cristo na ang
simbolismo ng pagpalo ni Jesus sa mga komersiyante sa templo ni Yahwe sa
Jerusalem ay ang pinakamataas at pinakamabagsik Niyang pagpapahayag
ng kaniyang pagkamuhi sa pagsasanib ng komersiyalisasyon at ng relihiyon.
Kung naririto lamang si Cristo ngayon sa lupa, tiyak na maraming mga

320
            “Hindi ako pesimistiko, hindi ko iniisip na mapanganib ang
mabuhay sa aking bayan,” sagot ni Ibarra, na nakangiti.  “Iniisip kong
ang mga takot na iyan ay labis kaysa totoong nagaganap, kaya
hinihintay kong magagawa ang lahat kong hangarin nang hindi
makakatagpo ng malaking sagabal sa dakong iyan.” 33
            “Oo, kung ilalawit nila sa inyo ang kanilang kamay: kung hindi. 
Ang lahat ng inyong pagsisikap ay malalaglag sa mga pader na bato ng
kumbento, galawin lamang ng pari ang kanyang cordon o pagaspasin
ang abito; sa kahit anong maliit na kadahilanan/pretext ay ipagkakait sa
inyo bukas ng alkalde ang ipinagkaloob ngayon sa inyo; walang inang
magpapahintulot sa kanilang anak na dumalo sa paaralan,34 at sa
gayon, ang lahat ng inyong paghihirap ay mamumunga ng hindi
kabutihan kundi kasamaan:  magpapalamig sa kalooban ng mga
magbabalak ng mabubuting gawain sa susunod na panahon.”
           “Gayunman,” salungat ng binata, “hindi ko mapaniniwalaan ang
kapangyarihang sinabi ninyo, at kahiman at ipalagay nating mayroon
nga, tanggapin na natin, ay kakampi sa akin ang bahaging matalino ng
bayan, ang Pamahalaan na may mabubuting hangad, may taglay na
malalaking balak at tunay na humahanap ng ikabubuti ng Pilipinas.”35
          “Ang Pamahalaan!  Ang Pamahalaan!” ang bulong ng pilosopo
na itinaas ang mata upang tanawin ang bubungan.36  “Kahit na malaki

alagad ng mga pananampalataya ang magkakaroon ng maraming latay


sa likod.
33

Para sa kaniya, ang sinasabi ni Pilosopo Tasyo ay exaggeration lamang ng


tunay na kaganapan. Tandaan na si Ibarra ay nanirahan ng matagal sa
malayang Europa, kung saan ang lahat ng ideya ay pinapayagan ng
mapagparayang pamahalaan – at dahilan dito sa kaniyang pagbabalik ay
nawala sa kanya ang mekanismong ginagamit ng mga katutubo para
makaligtas sa isang mapanupil na lipunan – ilan sa mga instrumentong ito
na ginagamit ng mga nasasakupan ay ang magsuot ng maskara ng
pakunwaring pagsang-ayon at pagsunod.

Maging si Rizal sa kaniyang buhay ay naranasan ang ganitong sitwasyon –


34

Sa Dapitan noong si Rizal ay nagtayo ng paaralan sa mga batang lalaki sa


nasabing bayan, ang kura paroko ay gumawa ng paraan para mahadlangan
ang pagpasok ng mga batang lalaki sa paaralan ni Rizal. Nakakalungkot na
may mga magulang na sumunod sa mga payo ng kura paroko ng Dapitan –
dahilan sa pinagkaitan nila ng isang magandang pagkakataon ang kanilang
mga anak na maturuan sa pinakaadbanseng paaralan noon sa Pilipinas na
matatagpuan sa lupaing sakahan ni Rizal.
35
Makikita na si Ibarra bilang creole/ilustrado ay naniniwala na ang
kolonyal na pamahalaan ng Espanya ay naghahangad ng mabuti para sa
Pilipinas. Ang kaisipang ito ng mga creole/ilustrado ang dahilan kung bakit
sila ay higit na mga repormista kaysa sa rebolusyonaryo.
36
Ibig ipakita ni Rizal dito na ang isang maayos na pamahalaan ay isa
lamang mataas na ideya na hinahanagd ng bumababa ng sambayanan..
Hindi mo ba napapansin na ganyan din ang ating aktwasyon, kapag

321
ang pagnanasa niyang paunlarin ang bayan sa ikabubuti nito at ng
Inang Espanya, kahit na ang mapagkaloob na budhi ng mga Haring
Katoliko ay maalaala pa ng mangisa-ng isang kawani at sa sarili ay
banggi-banggitin, ay hindi tumitingin ang Pamahalaan, hindi dumidinig,
hindi humahatol, kung alinsunod sa pinatitingnan, ipinaririnig at
pinahahatol ng kura o ng provincial; siya’y nananalig na sa prayle
lamang nanghahawak;37 kung siya’y nabubuhay ay sa dahilang
binabayaan siyang mabuhay, at ang araw na lumayo sa kanya ang mga
prayle ay babagsak na parang isang tau-tauhang nawalan ng tukod. 38 
Ang Pamahalaan ay tinatakot sa pagbabantang paghihimagsikin ang
bayan, at ang bayan ay tinatakot naman sa lakas ng Pamahalaan:39 
dahil dito ay nangyayari ang isang bagay na nahahawig sa nangyayari
sa mga matatakutin kung dumadalaw sa mapapanglaw na pook: 
inaaring multo ang sarili nilang anino at ibang tunog ang kanila ring
naririnig.  Samantalang ang Pamahalaan ay hindi komukonsulta sa
bayan ay hindi makaaalis sa pasaning iyan: mabubuhay siyang
kagaya niyang mga duwag na binatang natatakot sa tinig ng upahang
nag-aalaga, na kaniyang labis na sinusuyo.40  Ang Pamahalaan ay
hindi nangangarap ng anumang lalong malusog na kalagayan sa
hinaharap, siya ay isang bisig, ang ulo ay ang kumbento, at dahil sa
ganitong hindi-pagkilos, na siyang ikinatutungo sa mga pagkakabaon,
siya ay nagiging isang anino, nawawala ang kanyang katuturan, at sa
kahinaan at kawalan ng sukat magawa ay ipinauubayan na lamang na
lahat sa kamay ng mga upahan.  Kung hindi tunay ang sinabi ko ay
ipaghambing ninyo ang palakad ng ating pamahalaan sa pamahalaan ng
mga bayang inyong nadalaw…”

nakikita natin na ang pamahalaan ay naglulublob sa katiwalian. Kelan


kaya bababa ang isang tunay at malinis na pamahalaan na maglilingkod
sa bayan?
37

Para kay Pilosopo Tasyo anumang pagbabago na balakin ng pamahalaan ay


hindi magaganap ng walang pag-sangyon ng mga prayle. Ang mga prayle
ang tunay na makapangyarihan sa Pilipinas sa panahong iyon.
38
Paglalarawan ni Rizal sa kolonyal na pamahalaan o administrasyon na
aalisan ng suporta ng mga dayuhang kaparian.
39
“Ang Pamahalaan ay tinatakot sa pagbabantang paghihimagsikin ang
bayan, at ang bayan ay tinatakot naman sa lakas ng Pamahalaan” Ang
galing naman ni Rizal – alam niyang ginagamit lamang ng kolonyal na
simbahan ang mga mamamayan para takutin ang pamahalaan upang
mapasaunod sa kaniyang mga kagustuhan.
40
Ito ang pinakamahalagang malaman ng sinumang pinuno – tiyakin niyang
komukunsulta siya sa mga mamamayan at hindi sa mga dayuhan at iilang
pangkat na mayroong mga interest na pangkabuhayan.

322
            “Oh!” ang biglang putol ni Ibarra, “iyan naman ay paghingi na ng
labis; dapat na tayong masiyahan sa pagkamalas na ang ating bayan ay
hindi dumaraing, ni hindi naghihirap ng gaya ng sa ibang lupain, at ang
iyon ay gawa ng Relihiyon at ng kabutihan ng pamahalaan.” 41
            “Ang bayan ay hindi dumaraing sapagkat pipi, hindi kumikilos
sapagkat nahihimbing, at sinabi ninyong hindi naghihirap sapagka’t
hindi ninyo nakikita ang pagdurugo ng kanyang puso.42  Ngunit makikita
rin ninyo balang araw at inyo siyang maririnig, at magiging kahabag-
habag ang mga may lakas na nakasandal sa kamangmangan o
kapanatikuhan ng mga mamamayan!43  Kahabag-habag na mga
nagsasaya dahil sa pandaraya at gumagawa sa dilim, dahil sa akalang
ang lahat ay nakakatulog!  Kapag tinanglawan ng
liwanag ng araw ang mga inianak sa kadiliman, 44 ay
darating ang kakila-kilabot na pagbalikwas; ang
lahat ng lakas na iyon na daan-daang taong
natimpi, ang gayon karaming buntung-hiningang
nilunod ay sisipot sa maliwanag at bubuga… Sino
ang magbabayad sa mga paniningil na ginagawa
paminsa-minsan ng mga bayan, paniningil na
matutunghayan sa mga madudugong dahon ng
kasaysayan?”45
 “Hindi papayagan ng Diyos, ng Pamahalaan
at ng Relihiyon na dumating ang araw na iyan!”
sagot ni Crisostomo na pinasukan din ng takot

41
Labis ang pagtitiwala ni Ibarra sa kabutihan ng kolonyal na simbahan at
pamahalaan. Isang paraan ng pagpapakita ni Rizal ng pagiging walang paki-
alam ng mga creole sa kalagayan ng bayan.
42

Mapandaya ang katahimikan ng taong bayan – sa mga mapagpasiyang


sandali sa kasaysayan ng ating bayan, mapapansin ang pagiging biglaan ng
kritikal na pagkilos ng bayan laban sa mga mapang-aping elemento ng
lipunan. Hindi dapat na magsaya o maging komportable ang isang
administrasyon sa pananahimik ng mga taong bayan – tandaan na hindi
umiihip ang hangin sa mga araw na ang isang lugar ay dadalawin ng
malakas na bagyo. Makakatulad ito ng pangangatwiran ni Elias sa
pakikipag-usap nito kay Ibarra sa Kabanata 49.
43

Hinuhulaan ni Pilosopo Tasyo na isa sa mga masasagasaan ng pagkilos ng


bayan ay ang mga dayuhang kaparian.
44
Kapag naliwanagan na ang mga taong inapi o nabatid na nila ang tunay
dahilan ng kanilang kasawian.
45
Dito ay direktang binabanggit ni Pilosopo Tasyo ang posibilidad ng
himagsikan sa pagdating isang panahon na ang bayan ay kailangan ng
maningil sa mga uri na nagsasamantala sa kanila.
Tandaan na nalimbag ang nobelang ito noong 1887, halos sampung
taon bagong maganap ang himagsikan ng 1896. Nakikinita ni Rizal ang
pagdating ng panahon ng pagbalikwas ng bayan laban sa mga mapaniil na
uri. Ito ay dahilan sa ang mga bayan ay nagsasagawa rin sa pagsasamantala

323
kahit hindi niya ibig.  “Ang Pilipinas ay relihiyoso at umiibig sa Espanya;
mababatid ng Pilipinas ang ginagawang pagsisikap nito para sa
ikabubuti niya.  May mga katiwalian, may mga depekto, hindi ko
itinatanggi, ngunit ang Espanya ay gumagawa upang magpasok ng mga
reporma na tutuwid sa gayon, nag-iisip ng mabubuting plano, hindi siya
nagsasarili sa kabutihan.”46
            “Alam ko iyon, at iyan ang siya pa ngang lalong masama.  Ang
mga pagbabagong nagbubuhat sa itaas ay nawawalang-bisa sa ibaba
dahil sa masasamang bisyo ng lahat, 47 gaya halimbawa ng
pagkagahamang yumaman sa madaling panahon48 at sa kamangmangan
ng bayan na sumusunod sa lahat ng bagay. 49  Hindi nagagamot ng isang
kautusan ng hari ang mga katiwalian habang walang isang masikap na
kapangyarihang magbabantay na maipatupad iyon,50 samantalang hindi
walang kalayaan ang pagsasalita ng laban sa mga anomalya ng mga
hari-harian; ang mga reporma ay naiiwang balak lamang, ang mga
katiwalian ay katiwalian din, at kahit gayon ang nangyari ay payapang

at ang kanilang mga pagkilos ay natala sa mga madudugong dahon ng


kanilang kasaysayan.
Sige maningil na kayo ng maningil, taasan pa ninyo ang mga
sinisingil sa aming mga dukha – kung kulang pa ang sinisingil ninyo –
dagdagan pa ninyo – taasan pa ninyo ang presyo ng koryente, tubig, pati na
ang bayad sa expresway, gasolina, at lagyan na ninyo tax pati hangin para
makapagbayad tayo sa mga dayuhang bangko na pinagsasanlaan ng
pamahalaan ng kinabukasan ng bayan – dagdagan pa ninyo, isagad pa
ninyo ang paniningil hanggang mabutas ang bulsa ng sambayanang
Pilipino, kunin na ninyo pati na ang nalalabi naming salapi na pambili ng
noodles para iulam sa mumurahing bigas na aming inuutang sa tindahan.
Kapag nangyari iyon, ang bayan naman ang maniningil at itatala ng bayan
ang mga kaganapan sa isa sa mga madugong pahina ng ating kasayayan.
MAY LIMITASYON ANG PAGTITIMPI NG BAYAN
46
Mapapansin na ang sagot ni Ibarra sa pesimistikong pananaw ni Pilosopo
Tasyo ay isang pananalita na nangngatwiran sa matanda, ngunit ang tunay
na mensahe ni Rizal sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Ibarra ay ang
paghikayat niya sa Espanya na maglapat ng mga kalunasan sa mga
suliraning panlipunan.
47
Walang anumang pagbabago magaganap, hanggang ang pamahalaan ay
nakalublob sa pusali ng katiwalian.
48

Ipinakikita rito ni Rizal na ang panunungkulan sa pamahalaan ang


pinakamadaling paraan upang ang isang tao ay yumaman. Ngunit ito
naman ay isa sa nagiging dahilan ng pagbagsak ng anumang pamahalaan.
49

Ang mga mangmang at duwag na mamamayan ay isa pa rin sa sanhi ng


kabulukan ng pamahalaan.
50
Walang kuwenta ang anumang magandang batas, kung walang mahusay
at responsableng mga tao, mga ahensiya at mga pamamaraan upang ito ay
maipatupad.

324
magpapahinga ang ministro na panatag na panatag ang kalooban. 51 
Hindi pa iyon, sakaling may maparitong mataas na taong may mabubuti
at dakilang isipan, ay agad-agad nang tatawaging ulok kapag
nakatalikod. Sa harap niya ay sasabihin:  ‘Hindi kilala ng inyong
karilagan ang bayang ito, ang ugali ng mga Indio, pasasamain ninyo sila,
ang mabuti ninyong gawin ay magtitiwala kayo kay Fulano at kay
Zutano52 at sa ganitong mga tao, atbp.’ at sa dahilang hindi nga kilala ng
marilag na ginoo ang bayang ito, na, sa akala niya ay nasa Amerika, at
saka mayroon din naman siyang mga kasiraan at dakong kahinaang-
loob, ay napapariwara.53  Naaalaala rin ng marilag na ginoo na bago niya
matamo ang katungkulan ay pinagpawisan muna siya nang marami at
nagtiis nang kaunti, na tatlong taon lamang niyang hahawakan ang
gayong tungkulin,54 siya ay matanda na at kailangang huwag mag-isip
ng maaring makagambala ukol sa kanyang kinabukasan:   isang
mansion sa Madrid, isang bahay-bakasyunan sa bukid, at isang
mabuting kinikita ng mula sa nakulimbat, upang makapamuhay nang
pasasa sa kapitolyong kinaroroonan ng hari; itong-ito lamang ang
tanging dapat na pakinabangin sa Pilipinas.55  Huwag tayong humingi ng
mga kababalaghan, huwag nating hingin na magsumakit sa ikabubuti
ng bayan ang napaparitong taga-ibang lupa upang magpayaman, at
pagkatapos ay aalis. Ano ang kabuluhan sa kanya ng pagkilala ng utang
na loob, o ng mga sumpa ng isang bayan na hindi kilala, bayang hindi

51
Ito ang trahedya sa isang lipunan na walang malayang pamamahayag –
maaring mawala ang malayang pamamahayag hindi lamang sa
pamamagitan ng represyon sa mass media kundi sa pamamagitan ng
kolaborasyon ng mga establisamento ng pamamahayag sa isang
pamahalaan dahilan sa ang establisimento ng mass media ay isa rin sa
mga instrumento na nagpapahirap sa sambayanan.
52

Fulano at Zutano – isang mapanlibak na katawagan ni Rizal sa arsobispo


ng Maynila at sa mga pari na kumokontrol noon sa punong ehekutibo ng
Pilipinas. Fulano – isa sa mga kulay sa kasuotan ng arsobispo at Zutano ay
para sa kasuotan ng mga pari.
53

Ang mga bagong pinunong Espanyol sa Pilipinas kahit na mahusay ay


nakukuha sa bulong ng mga prayle na may interes na pino-protektahan.
54
Si Pilosopo Tasyo ay hindi kasang-ayon ng maikling panunungkulan
dahilan sa gagamitin lamang ng pinuno ang nasabing maikling panahon
hindi para sa bayan kundi para sa sariling kapakanan. Tatlong taon
lamang sa kapangyarihan ang pinuno ng bayan – parang hindi ito
nabasa ng gumawa ng ating kasalukuyang Saligang Batas.
55
Nagawang ipakita ni Pilosopo Tasyo ang kaisipan ng mga nanungkulan sa
pamahalaan, ang pagkakitahan ito para sa panahon na wala na sa
kapangyarihan. Ito rin ang kaisipan ng mga kasalukuyang tiwaling pinuno
ng pamahalaan sa pandarambong sa kabang-yaman ng bayan – (Mansion,
rest house, malaking interes mula sa perang nakulimbat) walang nagbabago
pagkatapos ng mahigit 100 taon – kundi ang mga tao ngunit hindi ang
kaniyang masamang bisyo.
 Makikita ang higit na paliwanag ukol dito sa Kabanata 34

325
kinalalagakan ng kanyang mga pag-ibig?56  Ang kabantugan, upang
maging masarap, ay kailangang umalingawngaw sa pandinig ng ating
mga iniibig, sa simoy sa ating tahanan o ng tinubuang lupa na
magtatago ng ating mga kalansay; ibig nating ang kaluwalhatian ay
lumuklok sa ibabaw ng ating libingan upang mapainit ng kanyang
sinag ang lamig ng kamatayan, upang tayo ay huwag umuwing lubos
sa wala, upang may malabing kaunting bagay na sadyang atin.57  Ang
alinman sa mga bagay na ito ay hindi natin maipangangako sa
pumaparitong namamahala sa ating kapalaran.  At ang lalo pang
masama, sa lahat ng ito, ay ang pangyayaring sila’y umaalis, kapag
nakikilala na nilang unti-unti ang kanilang katungkulan.  Datapwat
napapalayo tayo sa ating pinag-uusapan.”
            “Hindi, bago natin siya balikan, ay kailangan kong liwanagin ang
ilang bagay,” ang putol na bigla ng binata.  “Maaaring sang-ayunan ko
na hindi kilala ng Pamahalaan ang bayan, nguni’t inaakala ko na lalo pa
manding hindi kilala ng bayan ang Pamahalaan.  May mga kawaning
walang kabuluhan, masasama, kung gayon ang ibig ninyong ipalagay,
nguni’t mayroon din namang mabubuti, at kung ang mga tinurang ito ay
walang magawa ay sa dahilang ang natatagpuan nila ay isang patay na
lukan: iyang mga taong-bayang hindi nakikilahok sa mga bagay-

56

Mapansin sana na maging ang mga dayuhang mamumuhunan ay hindi


nakaligtas sa malupit na pamumuna ni Rizal na kaniyang ipinarating sa
pamamagitan ni Pilosopo Tasyo Ang mga foreign investor ay nagtutungo
lamang sa Pilipinas (noon pa mang panahon nila Rizal) para magpayaman at
sa unang banta ng kaguluhan ay lilisan na taglay ang malaking kinita nila
mula sa pagsasamantala sa ating bayan. Pansinin ang sinulat ni Rizal
ukol sa mga dayuhan sa Pilipinas:

The foreigners, among whom we place the Chinese in the first


row, laugh at everything that is going on and take advantage of the
faults and defects of the ruled and the rulers in order to utilize them.
They are the happiest: They come when they like; they remain as long
as they please, and they depart when it suits them. No duty binds
them to the country; neither does it matter to them whether the
government is more or less serious, nor whether its inhabitants are
more or less slaves; like the locust, they lay waste the fields
without caring for the sowers or the land. The most unfortunate
thing is that there are Spaniards and Filipinos who resemble
these locust in their way of thinking and acting.

Rizal: How The Philippines is Governed


57
Lahat ng tao ay nagnanais ng kabantugan na lalampas hanggang sa
kamatayan. Sa kamatayan ng isang tao ay nawawala siya sa mundo at sa
ilang panahon ay malilimutan, mapalad ang ilang mga dakilang tao na hindi
nawala sa isipan ng mga sumunod salintao kahit sila namatay – si Rizal ay
isa sa mga katulad nito. Ipinakikita ni Rizal sa bahaging ito ang posibilidad
ng imortalidad ng mga bayaning magmamahal at mag-uukol ng isang
mahusay na paglilingkod sa bayan.

326
bagay na nauukol sa kanya.58   Nguni’t hindi ako naparito upang
makipagtalo sa inyo tungkol sa bagay na iyan:  naparito ako upang
hingan kayo ng isang payo at ang sabi ninyo’y iyuko ko ang aking ulo sa
mga diyus-diyusan na puno ng kahalayan…”
            “Opo, at aking inuulit, sapagkat dito’y kailangang iyuko ang ulo
o bumagsak ito.”59
            “Iyuko ang ulo o bayaan siyang lumagpak?” ulit ni Ibarra na
nagbubulay-bulay.  “Napakahirap na pagpilian ang butas na iyan! 
Subalit bakit?  Hindi ba maaaring matagalay ang pag-ibig ko sa aking
tinubuan na kasama ang pag-ibig ko sa Espanya?60  Kailangan bang
maging sunud-sunuran upang maging mabuting Katoliko, salaulain
ang sariling budhi upang maisagawa ang isang mabuting layunin? 
Iniibig ko ang aking tinubuan, ang Pilipinas, dahil sa utang ko sa
kanya ang aking buhay at ang aking kaligayahan, at katungkulan ng
sinumang tao ang ibigin ang kanyang tinubuan; iniibig ko ang
Espanya, ang tinubuan ng aking mga ninuno, sapagkat anuman ang
sabihin, ay utang at magiging utang pa sa kanya ng Pilipinas ang
58

Patay na lukan – katawagan sa isang tao o mga taong walang paki-alam o


pasibo sa mga kaganapan sa kanilang lipunan. Mga taong lumitaw sa
mundo para kumain at gumawa lamang para sa kanilang mga sarili, ngunit
hindi nakapag-ambag ng kanilang katalinuhan o mga katangian para sa
higit na pagpapabuti ng kanilang lipunan. Ang kawalan ng paki-alam sa
mga usapin na nauukol sa atin ang siyang susi upang pagsamantalahan
tayong mga taong bayan. ITO ANG PANGUNAHING IKINAMUMUHI NI
RIZAL SA MGA PILIPINO, NA IPINAHAYAG LAMANG NIYA SA
PAMAMAGITAN NG MAGALANG NA PARAAN.
HINDI TAYO MARUNONG MANINDIGAN BILANG ISANG BANSA,
HIGIT TAYONG NAKASENTRO SA ATING MGA SARILING KAPAKANAN.
Bibigyan ito ng malaking pansin Kabanata 35.
59

Mapapansin na pinapanukala ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra na sumunod o


magkunwaring sumusunod sa mga maykapangyarihan upang maisulong
lamang ang planong paaralan. Isang anyo ng pagkukunwari ang gustong
mangyari ni Pilosopo Tasyo. Ipinapakita ni Rizal na ang pagsisinungaling ay
isang anyo ng pakikitungo at lihim na paraan ng pakikipaglaban sa mga
maykapangyarihan. Ang mahabang panahon ng pagtitiis ng ating mga
ninuno sa daan-daang taon ng brutal at hindi makatarungang pamamahala,
pagsasamantala, paghihirap at pagmamaliit. Sa ganito, nagkunwari silang
sumusunod ngunit naghihintay ng pagkakataon na maisakatuparan ang
tunay nilang gusto sa isang pagkakataon. Pinatay ng kolonyalismo ang ating
likas na kabutihan dahilan sa ang mga mabubuti at tapat sa kanilang mga
damdamin at adhikain ay namamatay/pinapatay bilang mga filibustero o
rebelde.
60
Ibarra bilang isang mestiso ay may parehong pag-ibig sa Pilipinas at
Espanya. Ito rin ang damdamin ng mga propagandista sa panahon ni Rizal
at ng maraming mga Pilipinong may dugong Espanyol noon. Sa panahon na
hindi pa nagigising ang ating bayan sa simulain ng paghiwalay mahal nila
ang Espanya at tintitingnan nila ito na kanilang amangbayan (Patria
Grande) at ang Pilipinas naman ang maliit nilang bayan (Patria Chica).

327
kaligayahan at magandang kinabukasan;61 ako ay Katoliko, malinis ko
pang taglay ang pananalig ng aking mga magulang at hindi ko
maunawa ang dahilan kung bakit ko iyuyuko ang aking ulo gayong
maaari ko naman itong itaas, at ipagkakaloob ko sa aking mga
kalaban, maari ko silang tuntungan.”
“Sapagkat ang lupaing ibig ninyong taniman ay hawak ng inyong
mga kaaway at kayo ay walang lakas na panlaban sa kanila… Kailangan
muna ninyong hagkan ang kamay na iyan…”
Datapwat hindi siya binayaang magpatuloy ng binata at
napabulalas ng: “Humalik?  Nalimot ninyong sila ang pumatay sa
aking ama, nag-alis sa libingan… subalit akong anak ay hindi ko
malilimutan ang gayon, at kung hindi ko ipinaghihiganti ay sa
dahilang iginagalang ko ang Relihiyon.”62
“Ginoong Ibarra,” ang marahang sagot pagkatapos na maitungo
ang ulo, “kung inyong itinatago ang mga alalahaning iyan, mga alaalang
hindi ko kayo uudyukan na na inyong limutin, ay iwan ninyo ang inyong
pinapakay at sa ibang dako ninyo hanapin ang ikagagaling ng inyong
mga kababayan.63  Ang gawaing iyan ay mangangailangan ng ibang tao,
sa dahilang upang ito ay magawa ay hindi sapat na ang ibigin lamang at
magkaroon ng salapi; bukod sa mga bagay na iyan, sa ating bayan, ay
nangangailangan pa ng pagtitiis, katigasang-loob na di magmamaliw,
at pananalig, sapagkat ang lupa ay hindi pa nahahanda; walang tanim
kundi pawang tinik.”64
61

Sa pagiging creole ni Ibarra ay iniibig niya ang Pilipinas, dahil dito siya
isinilang (gayundin ang kaniyang lolo at ama) may dugo siyang Espanyol
ngunit nabantuan ng dugo ng mga inang mestisang Tsino at maging si
Ibarra ay anak ng isang ina na purong Pilipina. Ang pag-ibig ni Ibarra sa
Pilipinas ay dahilan sa ito ang kaniyang lupang tinubuan at ang kaniyang
angkan ay nagkaroon ng mabuting kapalaran. Dito ay ipinapakita ni Rizal
kung ano ang dapat na maging damdamin ng mga creole sa Pilipinas, isang
panawagan na ang mga creole ang dapat na maghanap ng ikabubuti ng
Pilipinas dahilan sa sila ay nakikinabang dito, at nagtataglay ng
inpluwensiyang pampulitika dahilan sila ay nagtataglay ng dugong
Espanyol.
62

Ipinapakita ni Ibarra ang kaniyang pagiging tapat na Katoliko kahit alam na


niya ang ginawang mga paglulubog ni Padre Damaso laban sa kaniyang ama
noong ito ay nasa bilanguan at sa huli ang paglapastangan nito sa libingan
ng kaniya ama. Pinalampas ito ni Ibarra dahilan sa pagiging isang mabuting
anak ng simbahan.
63
Pagsasabi ni Pilosopo Tasyo na ang mga creole ay dapat na sa ibang lugar
na lamang gumawa para sa kabutihan ng bayan. Isang maagang pasaring
ni Rizal sa mga propagandistang Pilipino na nasa Europa.
64
Mayroong ibang dapat na taglayin na pag-uugali ang mga nasa Pilipinas
na lumalaban para sa kapakanan ng bayan – ito ay nakita ni Pilosopo Tasyo
kay Elias at ang dahilan ng pagpapahayag ng simpatya dito sa unahan ng
kabanata.

328
Napagkilala ni Ibarra ang halaga ng mga sinabing iyon, ngunit
hindi nababagay ang siya ay manlupaypay; Naalala niya na ang paaralan
ay inihandog niya kay Maria Clara; at kailangang yariin ang kanyang
handog sa minamahal. “Wala na bang iba kayong maiimumungkahi sa
akin, maliban sa mabigat na paraang iyan?” ang mahinang tanong.
            Hinawakan siya ng matanda sa bisig at inilapit sa binatana: 
Isang malamig na paunang hangin sa tag-ginaw, ang humihihip; sa
kanyang pananaw ay nalantad ang halamanan na ang kahanggan ay ang
malalapad na kagubatang pinakakulob. “Bakit hindi natin tularan ang
ginagawa niyang munting sangang iyan na maraming bulaklak at buko?”
ang sabi ng pilosopo na itinuro ang isang magandang punong-rosal. 
“Humihihip ang hangin, siya ay ipinapagaspas, at siya ay yumuyukong
na parang itinatago ang kanyang mahalagang dala.  Kung ang sanga ay
magmamatigas ay mababakli, isasabog ng hangin ang mga bulaklak at
masasawi ang mga buko. Pagkaraan ng hangin ay muling tumutuwid
ang mga sanga, na nagmamalaking dala rin ang kanyang kayamanan. 
Sino ang makakasumbat sa kanya sa pagyuko dahil sa kailangan ang
gayon?  Tingnan ninyo ang malaking kupang na iyon na mahinay na
iginagalaw ang kanyang mataas na sangang pinagpupugaran ng lawin. 
Maliit pa ng kunin ko iyan sa gubat, ilang buwan kong tinukuran ng
kawayan ang kanyang maliit na puno.  Kung dinala ko ritong malaki na
at malusog ay marahin ay hindi mabubuhay at iginupo siya ng hangin
bago makakapit na mabuti sa lupa ang kanyang mga ugat, bago
lumagong mabuti sa paligid at mabigyan siya ng sapat na dagtang
kailangan ng kanyang laki at taas.  Ganyan ang mangyayari sa inyo,
punong inilipat buhat sa Europa sa lupang ito na mabato, kung hindi
hahanap ng sandigan at kayo ay magpapakaliit.  Masama ang inyong
kalagayan, kayo ay nag-iisa at mataas:   ang lupa ay umuuga, ang langit
ay nagbabala ng bagyo at nakita nang ang mga nasa itaas ng puno ng
inyong angkan ay palaging umaakit ng kidlat.65  Hindi katapangan,
kundi kapangahasan,66 ang lumabang mag-isa sa lahat nang sa ngayon
ay umiiral; walang nakapipintas sa piloto na kumakanlong sa isang
daungan sa unang pag-ihip ng bagyo.  Ang pagyuko, kung dumaraan
ang punglo ay hindi kaduwagan; ang masama ay ang harapin siya
upang bumagsak at huwag nang muling makabangon.”
            “At ang pagtitiis bang iyon ay magbibigay ng bungang aking
inaasahan?” tanong ni Ibarra, “Paniniwalaan ba ako at lilimutin ng pari
ang kanyang pagkapahiya?  Tapat ba nilang tutulungan ako sa
paaralang makikiagaw sa mga kumbento ng kayamanang-bayan?67 
65
Puno ng angkan – family tree – ipinapaalam ni Pilosopo Tasyo na
mayroong mga pamilya ng creole na pinag-iinitan ang kolonyal na
pamahalaan at simbahan dahilan sa maaring maging banta sa kanilang
kapangyarihan.
66
Pinag-iingat ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na baka mapagkamalan na ang
kapangahasan ay katapangan.
67

Tutulungan kaya ng mga alagad ng kolonyal na simbahan ang paaralang


bayan na kaagaw ng kanilang mga paaralan? Maliit lamang ang paaralan na
planong ipatayo ni Ibarra, ngunit ang tono nito ay higit na hinango sa

329
Hindi kaya magkukunwaring sila ay kaibigan, magpamalas pakunwaring
ng pagtulong, at sa ilalim, sa gitna ng kadiliman, ay tunggaliin upang
mapag-iwan na lalong madali, kaysa bakahin ng harap-harapan? 68 
Sang-ayon sa mga bagay-bagay na nanaganp na noong una ay inyong
maakala at mahihintay ang lahat!”69
Ang matanda ay patuloy sa pananahimik na hindi makasagot. 
Nag-isip sandali at sumagot: “Kung gayon ang mangyayari, kung hindi
matuloy ang balak, ay magiging pampalubag-loob sa inyo ang kaisipan
na inyong ginawa ang lahat ng inyong magagawa, at kahit man sa
ganoon, ay mayroon ding napala:  nailagay ang unang bato, naihasik
ang unang binhi, at matapos makaraan ang bagyo, marahil ay may
tutubong paisa-isang butil, na matitira mula sa kasawian, na gagawa
upang hindi mawala ang pananim at siyang magsisilbing binhi na
maaring magamit ng mga anak ng mga namayapang magsasaka.  Ang
halimbawa ay maaring makahikayat sa iba na natatakot lamang na
magsimula.”70
            Tinimbang-timbang ni Ibarra ang mga katwirang ito, namalas
ang sariling kalagayan, at nakilala niyang kahit na mahilig sa kawalan
ng pag-asa ang matanda, ay mayroon namang malaking katwiran ang
kaniyang tinuturan. “Naniniwala ako sa inyo,” ang wikang kinamayan
ang kausap.  “Hindi walang kabuluhan na hinanap ko kayo para sa
inyong mabuting pagpapayo.  Ngayon din ay makikipag-unawaan ako sa
kura, sa isang dako ay wala namang nagawang masama sa akin at
marahil ay mabuti naman siya, sapagkat hindi naman ang lahat ay
kagaya ng umusig sa aking ama.  At saka ang isa pa ay ipapakiusap ko
sa kanyang lingapin ang kahabag-habag na baliw at kanyang mga
anak:71  Inilalagak ko ang aking pag-asa sa Diyos at sa tao!”
            Nagpaalam sa matanda, at matapos makasakay sa kabayo ay
umalis.
           “Tumatak!” ang bulong ng matandang hindi-mapaniwalain, na
sinundan siya ng tingin, “panoorin natin kung papaano isasalansan ng
katalagahan ang dulang nagsimula sa libingan.” Sa bagay na ito ay

balakin sa panahon ni GH de la Torre na pagtatayo ng Instituto Filipino


bilang isang pampublikong sekondaryang paaralan na maaring
makakompitensiya ng San Jose, San Juan de Letran, at Ateneo. Maging sa
kapanahunan ni de la Torre ay nagkaroon ng panukala na ang Unibersidad
ng Santo Tomas ay gawing unibersidad ng estado na tatawagin na
Unibersidad de Filipinas.
68
Pamamaraan ng mga prayle. Nagkukunwari silang nakalimutan na ang
lahat ng suliranin upang maging malapit at sa ganon ay madali nilang
magagapi ang binata.

Matuto sa kasaysayan, nagtuturo ang mga karanasan.


69

Hindi dapat na mabantulot sa ating mga nabigong pagtatangka, dahilan sa


70

palaging may magpapatuloy ng mga naiiwang mabuting layunin. Sinasabing


ang unang kabiguan kabiguan ay ang hindi pagtatangka.

Walang kamalay-malay si Ibarra na ang mismong sanhi ng kasawian ng


71

mga anak ni Sisa ay si Padre Salvi.

330
maling-mali nga siya; ang dula ay nagsimula nang malaung-malaon na
kaysa kanyang pinaniniwalaan.72 

72
Bakit mali si Pilosopo Tasyo sa kaniyang akala?
Ang labanan sa pagitan ng mga liberal at pangkat ng mga
reaksiyonaryo ay nagsimula na noon pa mang panahon ni Burgos. Dito ay
makikita na ang kaganapan na mangyayari sa mga huling katapusan ng
kabanata ay nauna na nang naganap. Kung magaganap man ang masakit
na wakas kay Ibarra ito ay pag-uulit na lamang ng naunang pangyayari na
hinango ni Rizal mula sa tunay na historikal na kaganapan.

331

You might also like