You are on page 1of 4

Pag-aaral ukol sa Isyu ng Paghihiwalay ng mga Magulang

I. Panimula
Sa panahong ito, rumarami na ang kaso ng mga magulang na naghihiwalay.
Pangunahing naapektuhan sa pamilya ang kanilangmga anak. Nagkakaroon
ito ng epekto sa anilang emosyonal na kalagayan pati na sa kanilang
pagaaral.
Ang paghihiwalay ng magulang ay nagreresulta ng pagkawasak ng pamilya.
Kadalasan ang anak ay tumitira kasama ang sa isang magulang lamang o
kaya naman kamaganak. Kung ang magasawa ay magkahiwalay, ang mga
anak ay nakukulangan sa suporta at gabay sa kanilang paglaki.
II. Paglalahad ng Suliranin
Ang pagaaral na ito ay naglalayon na malaman ang dahilan kung bakit
naghihiwalay ang mga magasawa at kung paano ito nakaapekto sa kanilang
mga anak. Layunin rin nitong malaman ang mga sumusunod na suliranin:
1. Epekto ng paghihiwalay ng magulang sa emosyonal na kalagayan ng mga
anak at sa kanilang pagaaral.
2. Dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga magulang.
3. Bilang ng mga magasawang naghihiwalay, kasal o di kasal.
III. Teorya
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ikinumpara nila ang mga batang galing
sa nasirang pamilya at ang mga batang galing sa buo at masayang pamilya,
lumabas sa kanilang pag-aaral na ang karamihan ng mga batang nanggaling
sa nasirang pamilya ay mas nagkakaroon ng madaming problema tulad nang
pagkakaroon ng problema sa eskwelahan, sa ugali, nagkakaroon nang
negatibong pananaw sa buhay, at pagkakaroon ng problema sa pakikitungo
sa kanilang mga magulang, isa lamang ang mga ito sa mga maaaring
maging epekto sa mga kabataan dulot nang pagkakaroon ng sirang pamilya.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, wala na ang kulturang
nakagisnan ng mga Filipino at takot sa Panginoon sa larangan ng
pagpapakasal kung kayat humahantong sa paghihiwalay. Tila wala nang bisa
ang sakramento ng kasal sa isang mag-asawa dahil mas binibigyan ng mga
ito ng prayoridad ang kanilang paghihiwalay sa halip na pagtatangkang
maisaayos ito para sa kabutihan ng kanilang mga anak.

IV. Pamamaraan
Marami na ang pamilyang biktima ng paghihiwalay ng mga magulang. Napili
itong isyung ito dahil nais ng mananaliksik na malaman ang mga dahilan at
epekto nito sa mga pamilya.
Ang mga napiling respondente ay mga anak dahil sila rin ang labis na
naapektuhan kapag naghiwalay ang mga magulang, at ang mga magulang
dahil sila ang responsable sa kaso ng pakikipaghiwalay. Gagawin ang
pagkakalap ng impormasyon sa lugar ng Maynila. Nilimitahan ang bilang ng
mga respondent sa 20 katao.
Ang paraan na gagamitin sa pagkolekta ng datos ay ang pagbabahagi ng
sarbey.
Narito ang isang halimbawa ng sarbey:
Ako si Chrisjohn R. Viray mula sa BS Archi 1-2 ng PUP ay nais malaman ang
mga dahilan at epekto ng paghihiwalay ng magulang sa pamilya. Lahat ng
impormasyon na makukuha ay mananatiling konpidensyal. Inaasahan ng
mananaliksik ang pagsagot ng mainam at ang katotohanan lamang.
Maraming Salamat!

Pangalan(Opsyunal):______________________
Edad:___

Kayo ba ay naging kasal? __Oo o __Hindi, kung oo gaano katagal? __________

Panuto: Lagyan ng Check() batay sa inyong opinyon.


5- Pinaka-sumasangayon 4- Sumasangayon 3- Siguro 2- Di Sumasangayan 1Pinaka di Sumasangayon

Dahilan ng Paghihiwalay ng Magulang

1. May bisyo ang asawa


8. Madalas na pagaaway o pagtatalo
9. Walang Asenso o Hirap ng buhay
10. May kumokontra o humahadlang sa relasyon
2. Madalas na di pagkakaintindihan
3. May ibang kasintahan o pagtataksil
4. Kulang sa komunikasyon
5. Pisikal na pangaabuso
6. Walang respeto at pagtitiwala
7. Kulang sa Romansa
8. Madalas na pagaaway o pagtatalo
9. Walang Asenso o Hirap ng buhay
10. May kumokontra o humahadlang sa relasyon
Epekto sa Anak dahil sa Paghihiwalay ng Magulang
1. Hindi pagrespeto sa mga magulang
2. Nahihirapan sa pagaaral
3. Nagiging emosyonal
4. Ikinahihiya ang sitwasyon ng pamilyo
5. Nawawalan ng gana sa pagaaral
6. Naghahanap ng attensyon sa mga kaibigan
7. Madalas napapabarkada
8. Nagrerebelde
9. Napapabayaan ang pagaaral
10. Nalululong sa bisyo

You might also like