You are on page 1of 3

Ang mga Tausug:

Tau Ma Isug

Submitted by:
Aiza Minoza
Arkane Cortes
Dwight Lozada
Nio Tangaan

Beah Somozo
Steven Dignos
Joseph Jayme

Submitted to:
Sir Jed Fuentes

Ang mga Tausug


Ang mga Tausug o ang mga Suluk ay isang
grupo ng mga ethnikong Pilipino. Ang Tausug ay
nagmumula sa mga salitang Tau na ang ibig sabihin
ay tao at Sug na nangangahulugang agos. Ang iba
ay nagsasabing ang kahulugan ng Tausug ay "Tau Ma
Isug" o Ang mga Taong Matatapang sa linguahe ng
mga Sulu. Tinatawag silang mga Suluk sa Sabah,
Malaysia. Sila ay may populasyon na 502,918(NCCP-PACT) sa statistiko noong 1998. At silay nakatira sa
Julo. Sila ay may dalawang pangkat na tinatawag na
Pariano at Guimbahamon.
Ang kasaysayan ng mga Tausug ay nagsimula
kay Makdum, isang Muslim na missionaryo. Siya ay
dumating sa Sulu noong 1380 at ipinakilala ang pananampalatayang Islam at naninirahan
sa Tubig Indangan, Simunul hanggang sa kanyang kamatayan. Nang dumating si Raja
Baguinda noong 1390, ipinalago niya ang trabaho ni Makdum. Dumating naman ang
Muslim-Arabian na iskolar na si Abu Bakr. Pinakasalan nito ang anak ni Baguinda at
pagkamatay ni Baguinda ay nagging sultan. At naging isang Sultanate na politikal na
sistema sila.
Ang expedisyon na ipinadala ni Gov Francisco de Sande, noong 1578, ang simula ng
halos 300 na taon na digmaan sa gitna ng mga Tausug at mga Kastila. Dito nagkaisa ang
ibat ibang mga grupo ng mga Muslim para bumuo ng pinakamalaking alyansa na binubuo
ng mga Maranao, Maguindanao, Tausug, at iba pang mga grupo. Sila ay nagkaisa sa ilalim ng
pamumuno ni Sultan Kudarat o Cachil Corralat ng Maguindanao. Bumagsak ng Sultanate at
ipinagpalit ng Department of Mindanao and Sulu noong ika-15 ng Decembre ng taong 1913.
Ngayon wala na ang Department of Mindanao and Sulu. Ang Bureau of Non-Christian
Tribes under the Department of the Interior na ang pumalit nito pero nakunan din ng mga
pribilehiyo na tinatamasa ng mga Muslim noong nasa ilalim pa sila ng administrasyon ng
mga Amerikano.
Ang mga Tausug ay may maraming mga paniniwala at tradisyon. Isa na sa mga ito
ang pagpapahalaga ng pangalan at reputasyon ng angkan at dapat hindi nila dudumihan ito.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit itinuturing silang matapang. Para sa kanila, ang
kaduwagan ay isang malaking kahihiyan.
Meron silang tradisyon at ritwal sa pagbinyag ng sanggol o ang Paggunting. Sa mga
lalaking sanggol lang ito kailangan. Hindi ito kailangan ng mga babaeng sanggol dahil
itinuturing nilang mahalaga ang mga babae at dapat hindi hawakan. Unang-una, ang
sanggol ay binabalutan sa pinakakaaya-ayang tela at ihahatid sa mga Imam na nakaayos na
pabilog. Ang buhok ng sanggol ay isasawsaw sa tubig ng butong. Papahiran ng asukal ang
bibig ng sanggol. Sa simula ng ritual, may isang kandila na sisindihan at pagkatapos ng
ritual ay itoy ipinapatay.
Meron din silang ritual para sa paglilibing ng bangkay. Kapag naglaho na ang init ng
bangkay, pupunasan, gamit ng isang espongha, ito ng malamig na tubig. Ang paglilinis ay
ginagawa ng mga Imam o relihiyosong mga tao at dapat tahimik ang kapaligiran habang
ginagawa ito. Ang tubig na iginagamit ay malinis at sariwa. Ito rin ay pinabangohan ng mga

bulaklak ng betel nut, kamanyan o insence at sandalwood. Pagkatapos, pupunasan ang


bangkay at pabangohan. Babalutan ang buong katawan sa isang puting tela Binabalutan
ang bangkay na nakalagay ang mga palad sa kanilang dibdib na nakapatong ang kanang
kamay sa kaliwa. Ang kabaong ay gawa sa kahoy at itoy walang takip. Ang libingan ay
hinuhukay hanggang sa magkaugnay ang kahabaan ng bangkay. Ito ay sumusunod sa
north-south na direksyon at isasara ng mga kahoy na may 2-inch kakapal, 1 ft x 3-4 ft ang
mga dimensyon. Ang mga grave markers ng mga lalaki ay rounded at patag naman sa
mga babae. Sinusunod ito ng pitong araw na paglalamay. Depende sa karangyaan ng mga
pamilya, pwede silang humanda ng mga commemorative na paghahanda sa ika-pitong,
ika-dalawampung, ika-apatnapung at ika-sandaang araw at sa unang, pangalawang at
pangatlong anibersaryo ng pagkamatay.
Sila ay mga Sunni Muslims. Hindi pwedeng magdasal ang babae kung hindi pa ito
kasal at ang lalaki kung hindi pa ito tuli. Naniniwala din sila na isang malaking pagkakasala
ang hawakan ang isang dalagang babae(kublit-kublit). Ang parusa ng pagkakasalang ay
papasyahan ng Datu. Ang kabigatan ng parusa ay nag-dedepende rin sa kung anong araw at
oras hinawakan at kung saan hinawakan ang babae.
Maliban kay Allah o Tuhan, naniniwala pa rin sila sa mga panininiwala nila baga pa
sila nagging Islam. At naniniwala sila na may mga espirito sa mundo na may kakayahan
gumawa ng mabuti o masama. Nininiwala sila sa mga saytan o ang mga masasamang mga
kaluluwa at jinn o ang mga hindi nakikita. Naniniwala rin sila na may apat na kaluluwa ang
tao. Ang Transcendental soul o ang kaluluwa na pupunta sa langit, ang life-soul o ang
kaluluwa na may associasyon sa dugo, Ang breath o life essence at ang spirit-soul na ang
kaluluwa na lumalakbay sa atin mga panaginip at ang dahilan ng mga anino nila.
Meron din silang mga mangugubat (curer) na may kapangyarihang tawagin ang
Mundo ng espirito. Ang mga mangugubat ay nakakakuha lamang ang mga kapangyarihan
nila sa pamamagitan ng pagtuturo ng ibang mangugubat o kayay sa panaginip nila.
May isang sayaw ang mga Tausug na nakikila sa buong Pilipinas. Ito ay ang
pangalay. Ito ay nakikilala dahil sa paggamit ng mga janggay (metal nail extenders). Ito ay
isang sayaw ng panliligaw na kung saan na kukunin ng lalaki ang janggay na itinapon ng
babae kung gusto nitong ligawan ang babae.
Sources:
http://litera1no4.tripod.com/tausug_frame.html
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Tausug
http://s3.amazonaws.com/ppt-download/tausugbeliefsandpractices-120112063359phpapp02.pptx?response-contentdisposition=attachment&Signature=yeS7wYVwWUjc6%2BQiVpZiZWbI%2FXA%3D
&Expires=1374756882&AWSAccessKeyId=AKIAIW74DRRRQSO4NIKA

You might also like