You are on page 1of 13

#EXPECTATIONS

At the end of this semester, I will be able to understand Mathematics of


Investments. I am expecting that this subject will help me boost up my
literacy and numerical ability. I will be able to solve problems that I will
encounter in my entire life. This subject will enhance my ability in
computation. And it will be a good help in my course.
I am expecting that our teacher will teach our lessons very clear. All of
us will understand everything so that I can answer all activities and exercises
intelligently. Expecting that she will not give us failing grade. I also expect
that every lesson, she will give a lot of examples so that we can easily
understand.
I also expect that I will study well in our subject. Never commit absent. I
will also participate attentively. I will always listen to our teacher while she
is explaining our lesson. I will work on my assignments and projects. I am
expecting that I will pass the subject.
-Maycel Rochina =)

Itak ni Jose Bragado


May hangganan ba ang pagtanaw ng utang na loob sa mga magulang?
Masira sana ang *yubuyoban, isinumpa ko. Sa galit, ibinagsak ko ang mga muwelye sa
tabi ng yubuyoban. Kahapon, napag-usapan naming ni Pedring na manood kami ng sine
ngayon sa Vigan. Ayon kay Mang Bador, kahit hindi ka na raw manood ng sine sa loob
ng isang taon basta napanood mo na ang pelikulang iyon. Huling araw na ng palabas.
At saka manonood din daw sina Lumen at Loling. Balak naming ilibre sila sa pasahe at sa
sine. Uupo sana sila sa pagitan namin. Sa tabi ko si Lumen at si Loling kay Pedring.
Inilabas ko kagabi ang aking naipong pera sa alkansiyang kawayan. Kahit maubos ang
limang piso ko basta mapagbigyan ko lamang si Lumen. Aanyayahan ko pa silang
kumain sa restawran.
Kahit napuyat ako sa kapapangarap, maaga pa rin akong nagising at naligo upang hindi
ako mabahong makatabi ni Lumen. Ngunit nang akoy nagbibihis na, sumabog ang kulog
ng Itay. Hindi raw ako maaaring umalis dahil ipagpapatuloy naming ang pagpapanday sa
mga itak na hindi naming natapos kahapon. Kailangan daw matapos ngayon dahil
ibibiyahe na bukas. Darating daw mamayang hapon sina Manong Antonio at Manang
Magdalena na asawa niya. At kailangan malinis ang pandayan. Nakahihiya raw kay
manang na ngayon lamang madadalaw rito.
Sino ang magtatrabaho pag Linggo? Sasabihin ko sana ngunit wala ring mangyayari sa
anumang sasabihin ko. Iisa ang salita ng Itay. Sa pangalawa, may kasabay nang pingot o
batok. Kung hindi, tungayawan nang walang katapusan. Kung magpapakita ka ng
pagtanggi, bubunutin niya ang tumutubong sungay mo. Naranasan ko na ang mga ito. Pag
sinabi niya puti, sasabihin ko ring puti. Marami nang ulit na isinumpa ko ang Itay.
Parang hindi niya ako anak. Hindi naranasan ni Manong Antonio ang mga ito. Nag-aral
siya ng hayskul sa Vigan at tuwing Biyernes ng hapon lamang kung umuwi. Babalik siya
muli kung Linggo ng hapon. Halos hindi nagtatrabaho sa bahay. Kahit maghasa lamang o
magkorte ng mga sugnay ng kalabaw na gagamiting puluhan. Ngunit lakad dito, lakad
doon. Wala namang imik si Itay.
Gayundin kung bakasyon. Saka lamang hahawak ng itak kung mangangailangan ng pera.
Noong magpunta siya sa Maynila upang mag-aral ng abogasya, hindi na ako
nakapagpatuloy ng hayskul. Mag-aaral daw ako kapag nakatapos na ang kuya ko. Mula
noon hanggang ngayon, napasubo na ako sa pandayan. Ngunit hindi na ako makapagaaral dahil nag-asawa na ang kuya ko. Iyan ang isa kong kinikimkim. Ilang itak ang
dumaan sa aking palad upang makapag-aral lamang siya? Nakakahihinayang na
pagpapagod.
Ngayong magbabakasyon silang mag-asawa, sasalubungin pa ng Itay ng kabutihan.
Pamalo sana ang isalubong niya sa kanila. Ngunit parang wala siyang sama ng loob.
Kinuha ko ang lumbo sa isang sulok at kinargahan ko ng uling mula sa kuribot. Ibinuhos
ko ito sa bunganga ng tubo mula sa yubuyoban, ang magkatabing bilog na kahoy na
kasinlaki ng katawan ko. Bilog din ang butas nitong pababa. Hinawakan ko ang mga
tangkay at nag-unahan ang kaliwat kanan sa pagtaas at pagbaba.
Tumilamsik ang mga nagbabagang uling sa labas ng ibinugang hangin.
Pwede na ba? Inipit ng Itay ang nagbabagang bakal at ipinatong niya sa palihan.
Kinuha ko rin ang maso. Isinabay ko ang lahat ng hinagpis, sama ng loob at sumpa nang
itaas ko ang maso.. Nang bumagsak ito sa nagbabagang bakal ay nag-iwan ng lindol at

malalim na bakas. Itinaas kong muli. At muli. At muli. Pinawisan ako, at namatay ang
baga sa bakal.
Ibinalik ng Itay ang bakal sa baga. Bumalik din ako sa harap ng yubuyoban na hinahabol
ang aking hininga. Naiisip kaya ng kuya ko ang mga paghahabol ko ng hininga habang
ito ay nag-aaral? Nakikita kaya ng Itay ang mga patay ng pawis na ito? Naiisip niya kaya
na lumuluha rin ang aking puso kahit hindi ako umiiyak tuwing papaluin at pipingutin
niya ako? Naging bata at binata rin siya.
A, ngunit lalo ring siyang-siya raw ako. Ngunit kahat na. Hiningi ko bang ipanganak ako?
Hindi! Isipin sana ng Itay na ako ay anak nila. Na ako ay katulad din nila noon. Na ako ay
magiging katulad din nila. At ang magiging anak ko ay matutulad din sa akin. Ngunit
hindi katulad ko ang magiging anak ko. Magiging mas mabuti siya sa akin. Ako ang
magbibigay sa kanila ng kailangan nila at hindi ako maghahanap ng kailangan ko
sakanila. Sa pamamagitan ng sipit, kinuha muli ni Itay ang nagbabagang bakal. Kinuha
ko rin ang maso. At ang sanga-sangang sumpa ay ibinagsak kong muli sa nahuhubog
nang bakal.
Humapa ang baga sa bakal at ipinaraan ng Itay sa tubig. Hinigop ng lamig ng tubig ang
init ng bakal na ngayon ay matigas na. Magiging magandang itak. Magiging matalim.
Hindi malambot at madaling mapurol. Hindi magiging katulad niya na bagamat sanay sa
hirap, hinagpis at sumpa ay mapurol pa rin. Katulad din ni Manong Antonio.
May pumito sa kalsada. Si Pedring! Nakabihis na siya. Makisig siya sa kanyang bagong
poloshirt. Sumenyas siya. Umiling ako saka inginuso ang yubuyoban. Napasimangot si
Pedring. Pumasok siya sa pandayan.
Ne, saan ka pupunta, anak? tanong ng Itay.
Magsisimba ho sana, atata, sagot ni Pedring.
Sino ang kasama mo?
Si Andres ho sana, tata.
A, hindi siya makakasama. Dito na lamang sa pandayan siya magsisimba. Akala moy
hindi makikihingi sa Diyos ng kakainin dito? Hayan, pag natapos ang itak, may kuwarta
na siya. Magkakasala lamang kayo sa simbahan. Hindi naman pagsisimba ang gagawin
ninyo. Ang mag-usap at tumingin sa magagandang dalaga ang nasa isip ninyo.
Tiningnan ko si Pedring. Paano sina Lumen at Loling? Para niyang tinanong.
Pinakawalan ko ang malalim na hininga. Umungol muli ang loob ko at pinagpasan ko ang
pag-angat at pagbaba ng tangkay ng yubuyoban.
Dahan-dahan at tatalsik ang mga baga, sabi ng Itay.
Kayo naman ho kasi, atata, Linggung-Linggo ay nagtatrabaho kayo. Sabi hi Pedring,
Ang lolo ko ay ayaw niyang pagtrabahuin ang Itay sa pandayan. Kailangan daw niyang
igalang ang araw ng pahinga.
Tumawa ang Itay. Iisa ang patutunguhan naming ng lolo mo, Pedring, sabi niya
Kapwa kaming ililibing. Kaya gawin mo na ngayon ang mga ibig mong gawin.
Ganon pala, sasabihin ko sana upang magawa ko rin ang mga ibig kong gawin. Naalaala
ko ang sabi ng nagtuturo sa amin ng dasal noong nasa intermedya pa lamang ako. Sabi
raw ng Panginoong Hesus: Gawin mo na ngayon ang ibig mong gawin. Ibig sabihin,
gawin mo na ngayon ang mga paraang maaaring humugas sa iyong mga kasalanan. At
ang iyong kaluluwa ay mapupunta sa langit.
Ngunit iba ang Itay. Wala yatang kaluluwa. Sanay magawi rito ang pari at sasabihin

kong pagpayuhan ang Itay. Kahit anong ministro. Mapaniwala man laman siya na may
buhay na walang hanggan. Ngunit kung pari, baka masagutan lamang sila. Katulad ng
pari noon na nagpunta rito upang magbigay ng biyatiko sa isang maysakit.
Ang masama, nagkataong baligtad din ang kaluluwa ng pari kaya nagkasagutan sila. Iyon
marahil ang sumira sa paniniwala ng Itay. Mula noon ay wala nang araw na hindi siya
nagtatrabaho kahit Linggo.
Kung buhay pa sana ang Inay! Gustong-gusto ako noon ng Inay. Lagi niya akong
ipinagtatanggol kung papagalitan ako ng Itay. Hindi sana ako magpapanday kung araw ng
Linggo.
Bago tumalikod si Pedring ay tiningnan ako. Ang hina mo, parang sinasabi ng mga mata
niya. Ang matanda bang yan ang magtatali sa iyo? Kung ako lang, binalibag ko na siya
sa kahoy. Ngunit isa kang duwag! Tingnan mo ako. Nariyan naman ang gubat na
pagtataguan mo. Kung hindi, nariyan ang bukirin. Puwede nang kainin ang mga bunga ng
mais. Sige, subukin mo at tingnan mo kung hindi magtanda ang Itay mo.
Tutuloy ka ba?
Tumango si Pering. Naramdaman ko ang dakot ng inggit. Mula nang akoy magkaisip,
ngayon lamang sana ako makakapanood ng sine na kasama ang aking sinisinta. Malaki
nang bagay iyon na kasama ko sa pagtulog sa gabi. O kayay yayakapin ko sa panahon ng
tagalamig.
Nilingon ko si Pedring. Nakatawid na siya ng kalsada. Malapit na sa bahay nina Loling.
Marahil ay naghihintay.
Ano kaya ang mangyari kung takasan ko ang yubuyoban? Ngunit nakita ko ang
matipunong katawan ni Itay.
Magtatakipsilim na nang tumigil kaming magpanday. Natapos naming lahat. Ngunit
maghahasa pa ako bukas. Gagawin rin ng puluhan ang Itay. At kukulangin ang sungay ng
kalabaw. Bibili pa siya sa Parada. Maaaring bibili pa ng muwlye na papandayin naming.
Maganda ngayon ang presyo ng itak sa Bani at Bolinao.
Naisaayos na naming ang mga itak at kagamitan sa pandayan nang may tumigil na
sasakyang galling sa Maynila.
Tingnan mo nga kung ang mga kapatid mo na yan, sabi ni Itay.
Nang matawid ko ang bakod, nakatawa na ang kuya na may bitbit na maleta. Marahil ay
si Manang Magdalena itong babaeng nakapantalon at nakangiting kasunod niya. Ito ba
ang bunga ng maraming itak na nagpagiti sa aking pawis araw-araw? Mas mabuti sanang
huwag nang magpakita pa. Hindi bale kay Itay dahil tungkulin niyang palakihin at pagaralin ang kuya.
Upang wala naming masasabi sa akin, inabot ko ang maleta.
Ito si Andres, Del. Ipinakilala ako ng kuya. Ang ate mo, Andres.
Hi, Andy, kumusta ka? sabi ni Manang Magdalena. Mas pogi ka pala kaysa kuya mo.
Mas mabuti sanang huwag na niya akong bolahin dahil maliwanag na isang paghamak
ang kanyang sinabi.
Pinauna ko sila. Sumunod ako. Tiningnan ko kung saan pinakawalan ng kuya ang
maraming itak na dumaan sa aking palad. Hindi siya nagkamali.
Inilapag ko ang mabigat na maleto sa isang sulok ng bahay. Niyakap sila ng Itay.
Nahihiwagaan ako dahil maamo ang Itay sa kanila. Matamis ang ngiti na nakatingin sa
kanyang manugang. Marahil ay iniisip niya ang suwerte ng kuya na nakabingwit ng
ganitong kaganda.

Bago kami natulog, sinabi ng kuya na isasama raw ako pagbalik nila sa Maynila. Papasok
daw ako sa muling pagbubukas ng mga paaralan. Kahit hindi pa siya tapos sa pag-aaral,
mag-aaral daw siya sa gabi at magtatrabaho naman sa araw. Pumapasok na raw siya
bilang empleyado sa kompanyang pinapasukan ni Manang Magdalena.
Sa aking narinig, waring nagbago ang daloy ng aking dugo. Parang lumaki ang aking
puso at pagtingin ko kina kuya at ate. Pupunta na ako sa Maynila? Malalayasan ko na rin
ang pandayan.
Sa isang kisapmatay nilipad ko sa isip ang Maynila. Tinanaw ko ang malalaking gusali.
Ang mga kalsada na maraming sasakyan. At ang eskuwelahan na aking paaralan.
Nang magising ako kinaumagahan, mataas ang araw. Nariyan na naman ang Itay na
nagtatrabaho sa mga itak na nakakamada sa sulok. Nagulat ako dahil hindi niya ako
ginising. Nitong nakaraang mga araw, madilim-dilim pa ay ginigising na niya ako ng
kanyang mga paa.
Nang maraanan ko siya sa may hagdanan, hindi man lamang niya ako pinansin. Tahimik
siya ngayon. Nakayuko sa binubutasan niyang puluhan ng itak. Napangiti ako. Mayroon
yatang anting-anting si Manong Antonio na tumalo sa Itay. O Baka nahihiya lamang kay
Manang Magdalena
Tumawid ako sa kalsada. Pupuntahan ko si Pedring
Ngunit wala si Pedring. Ipinastol daw ang kanyang kalabaw.
Umuwi ako. Nakabihis na sina Manong at Manang na mamamasyal sa Vigan. Isinasama
ako ngunit naisip ko ang trabaho naming. Kailangang ibuhos ko na ngayon ang
natitirangn panahon ko sa pandayan. Malapit na ang alis naming. Maiiwan nang nag-iisa
ang Itay. Siya lamang ang mag-aasikaso sa lahat ng Gawain sa bahay. Magluluto siya,
maglalaba at mamamalantsa. Marahil ay kukuha siya ng katulong sa pandayan.
Matagal nang nakaalis sina Manong Antonio. Matagal na rin kaming nakaharap sa mga
itak. Inaayo ng Itay ang mga puluhan samantalang naghahasa ako. Tahimik kami. Parang
hindi kami magkakilala.
Samama ka ba kina kuya mo sa Maynila?
Opo, Itay.
Gayon ba? Ang masasabi ko ay huwag ninyong galawing itong bahay. Maliban kung
maisipan mong dito ka tumira. Kung hindi, bayaan na ninyo itong masira. Minana ko ito.
Sasabihin ko na ngayon sa iyo na tapos na ang tungkol ko sa kuya mo. Ikaw na lamang
ang may karapatan ditto. Iyon ang dahilang kung bakit kita isinabak dito sa pandayan
upang matuto ka at upang malaman moa ng hirap dahil iyong ang pinakamagandang
patnubay. Pag-akoy namatay, hindi na kailangang maging katulong ka sa ibang
pandayan. Ngunit aalis ka pala
Tumayo ang Itay. Nilagyan niya ng tabako ang kanyang kuwako. Nagsindi. Pagkatapos,
ibinuga niya ang makapal na usok. Dumungaw siya. Marahil ay may itinatago siya.
Paano kaya ang magiging buhay niya? Sino ang mag-aasikaso sa kanya? Ang mga
kapitbahay? Ano ang sasabihin ng mga kapitbahay sa amin ng kuya?
Inaayo ko ang mga tapos nang itak sa isang sulok. Nabuhay ang Itay sa itak. Napalaki
niya kami. Nakapag-aral ang kuya dahil sa itak. Hindi ko kaya mabubuhay rin ang
magiging pamilya ko sa pamamagitan ng itak?
Inabot ko ang kampilan. Hinasa ko itong mahabang itak hanggang sa kumintab ang
talim. Naisip ko na katulad din ng itak ang buhay. Noon ay isang kalawanging bakal
ngayon ay isa nang kumikislap na talim.

Nagbalik ang itay sa kanyang upuan. Hindi ako kumikibo. Malalaman niya bukas kung
hindi ako magbibihis sa pagbabalik nina Manong at Manang sa Maynila.

Kuwento ni Mabuti ni Genova D. Edroza


Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit, sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa
isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumanghagdang umiingit sa
bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang
estero, naroon pa siyat nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang
uri ng karuningang sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saanman may kagandahan: sa isang
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at akoy lumiligaya.
Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo.. at sa kanyang buhay
Siya ay isa sa mga pinakakaraniwang guro roon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng
pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng
pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siyay tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siyay nakatalikod. Ang salitang iyon
ang bukambibig niya. Iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang
pumapalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandal ng pag-aalanganin Sa isang paraang hindi malirip, iyon ay naging nalaminan ng
uri ng paniniwala niya sa buhay.
Mabuti, ang sasabihin niya.. ngayoy magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti namat
umabot tayo sa bahaging ito.. Mabuti.. mabuti!
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akong
minsang lumuluha: nang hapong iyoy iniluluha ng bata kong puso ang pambata ring
suliranin.
Nooy magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay
tahimik na. Sa isang tagog sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang akin suliranin
sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
Mabutit may tao pala rito, wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig. Tila
may siluranin ka mabuti sana kung makatutulong ako.
Ibig kong tumakas sa kanya sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata
kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan at kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa
hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.Ngunit indi ako nakakilos
sa sinabi niya agkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat ng luklukan. Hindi
ko alam na may tao rito naparito ako upangumiyak din.
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pay nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko pagtatapat ng
suliraning sa palagay ko nooy siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon,
sa paglingon ko sa pangyayaring iyoy nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siyay nakinig nang buong
pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niyay tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panulukang naghihiwalay sa amiy


natatanaw na nang bigla akong makaalala.
Siyanga pala, Maam kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon na
Iniiyakan ko?
Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon: ang sulok na iyon na
iniiyakan natin nating dalawa. Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
Sanay masasabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin koy hindi para sa mga bata pang
gaya mo. Mabuti sanay hind imaging iyo ang ganoong uri ng suliranin kailanman. Ang
ibig kong sabihiy maging higit na mabuti sana sa iyo ang buhay.
Si Mabutiy naging isang bagong nilikha na akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita
nia mula sa hapag, pagtatanong, sumasagot, sa pag ngiti niya nang mababagal at
mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa aglalim ng kunot sa noo niya, sa kanyang mga
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na papalapit sa sulok na iyon ng silidaklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyong aming
dalawa
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong
magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinasabi. Nguni, sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya
ng maririkit na guniguni ang aming isipan at ng mga kaayayang tunog ang aming
pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming
sa Panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan. At akoy
humahanga.
Wala iyon doon kainga, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin
ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa
kariktan kundi pagkatapos na laman ng pangyayaring iyon sa silid-aralAng pananalig
niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa pinakamatitibay na
aking nakilala. Nakasasaling damdamin. Marahil ang pananalig niyang iyon ang
nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan lamang sa amin. Iyon
marahil ang nagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-kahuluhan sa mga bagay na
para sa amiy walang kabuluhan.
Hindi siya bumanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pagaaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa
tangi niyang anak nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kailanman
tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit dalawa sa mga kamag-aral naming ang
nakababatid na siyay hindi balo.
Walang pag-aalinlangang ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa
batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang palaking
mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi
namamalayang nakapagapahayag ang aming guro ng isang pangamba: ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa
iilan-ilan sa aming pangkat, ang paulit0ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay isa
lamang sa mga bagay na pinagtitiisang: pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan
iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyoy nagkaroon ng bagong kahulugan sapagkat
noon pa may nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang mga pagsasalaysay ay nalaman naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang
anak, ang bagong kasuotan niyong ay malaking lasong pula sa baywang, ang mga

kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niyay anim na taong
gulang na. Sa susunod na taon ay magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming
maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nan gang isa sa mga batang lalaki sa
aking likuran ay bumulong: Gaya ng kanyang ama!
Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siyay nagsalita. Oo, gaya
nga ng kanyang ama, ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang muka habang
sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.Iyon ang una at huling pagbanggit sa
aming klase tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Natiyak ko noong may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon na
lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo
sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang
kanyangmga kamay gaya ng giinawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at
hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung
may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang sumupil sa pagnanasa
kong yaon: ang mga kamag-aral kong nakikinig nang walang anumang malasakit sa
kanyang sinabing Oo, gaya nga ng kanyang ama. Habang tumatakas ang dugo sa
kanyang muka.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko na malilimutan kailanman. Tiningnan niya akong
buong tapang na pinipigil ang panginginig ng gma labi at Sinai ang ganot Mabuti
mabuti! Gaya ng sasabihin nitong si Fe. Iyon lamang nakaranas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsisimula tayo sa ating aralin
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na
iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang
nakatitig siya sa akin nang umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na
iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa
kanyang muka, muli niyang ipinamlas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin
naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy anuman
ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakaraan buhay nang mabalitaan ko ang tungkol sa
pagpanaw ng manggagamot ng iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging
isang manggagamot din balang araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang
nakalipas. Namatay at naiburol nang dalawang araw at dalawang gabi sa isang bahay na
hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad
na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat

Indang Berta ni Liwayway Arceo


Isang araw
Binati ako ng balita sa biglang pagkamatay ni Indang Berte nang uagang yaon. Ang
kanyang pagkamatay ang pinag-uusapan sa buong looban isang pag-uusap na walang

panghihinayang.
May nagsasabing parusa iyanng Diyos. Ang kanyang pagkamatay ay bunga ng
pagkakaipit niya sa isang poste ng ilaw sa tabi ng isang humahagibis ng jeepney, na hindi
napogilan karaka ng tsuper.
May nagsasabing iyon lamang ang dapat kahinatnan ng inang katulad niya. At may
nagsasabing mabuti na nga ang gayong nangyari, upag huwag nang magtanim sa isipan
ng kanyang mga anak ang kasalanan at ginagawa na hindi kinaggigiliwan ng marami.
Sa aking mga mata ay isang dakilang ina si Indang Berta. Labis kong hinahangaan ang
kaniyang pakikipagtunggali sa buhay. Siyay isang babaing sarat ang ilong at makapal
ang labi at maitim ang mahahaba niyang buhok, na lagging nakapusod sa may ipit na
suklay. Hahop ngunit lagging malinis ang kaniyang pananamit.
Ngunit iyan ang aking pansin. Hindi pa nalalaunang naniniraha sa looban nasabi, nang
makilala ko si Indang Berte. Ang loobang nabanggit ay pinaninirahan ng mga taong, kung
hindi man masasabing mariwasa ay tiyak naman hindi nabibilang sa mababang uri na
marahil ay siyang mga udyok ng igaling pagmamataas.
Nakilala ko si Indang Berte sa isang pagkakataong hindi sinasadya. Isang umagang
mabigat ang aking katawan ay hindi ako pumasok sa Gawain. Hind naman ako
masiyahan sa pagpasok lamang kayat nanaog ako sa entresuwelong aming bahay upang
dalawin an gaming labandera, na ang anak ay inaanak ng isang nakababatang kapatid ng
tao ko.
Doon ko nakita si Indang Berta. May dala siyang maliit na latang may bitbitan.
Siya ang kamukyga ng kaning-baboy natin, Kumare! ang sabi ng aking dinalaw.
Hindi kumibo ang tinukoy, ngunit naguhit nang buo sa aking isipan ang kanyang anyo.
Tagahanga ninyo si Indang Berta. Ang patuloy ng aking kausap, at inginuso ang
kaniyang tinukoy. Kahit hindi sila kumaing mag-asawa, makabasa lamang iyan ng
kwento ninyo ay sa pagkakataong yaon ay hinangaan ko si Indang Berta. Humalaklak
na tila sa isang batang walang kamalayan sa takbo ng panahon, isang halakhak ng
kawalang malay. Ngunit hindi maikubli ng kanyang halakhak ang bahid ng lungkot sa
kaniyang mga mata.
Aba, si Kumare. Oo, ang pagtiyak ng kausap ko. Saka ko pa lamang narinig ang tinig
ni Indang Berta.
Iyan lang libangan ko, lalo na kung hindi ako makatulog sa gabi.
E, ako na lang po ba naman ang nagsusulat? ang tugon ko.
Ang ibig kong sabihin ay ang pagpapabasa ang libangan ko, at nagkataong
nakakagiliwan ko ang mga sinusulat ninyo
Dinampot ni Indang Berta ang lata ng kaning baboy.
Huwag na ninyo akong pupuin, batang-bata pa ako.
At narinig kong muli ang kanyang naiibang halakhak Ang kanyang halakhak ang
umakit sa akin, upang maipaglapit sa kaniya. Natiyak ko agad na sa likod ng kaniyang
karaniwang any ay nakakubli ang isang kaluluwang hindi pangkaraniwan. Atmula noon
ay namagitan sa amin ang mataos sa pagkakaibigan, naipunla ko sa pagkakaloob sa
kaniya ng mga babasahin.
Nabuksang aklat sa akin ang malungkot sa nabuhay ni Indang Berta, na siyang dapat
maging batayan sa pagkilala sa kaniya sa kaniyang kadakilaang ikinubli ng karaniwan
niyang anyo.
Wala rito ang asawa ninyo? Minsan ay naitanong ko sa kanya, sa isa naming pag-

uusap.
Wala akong kasama kundi ang anak kong panganay na may labindalawang taon ang
kaniyang sabi na hindi nagbabago ang tinig, bagamat nangingilid ang luha. Kaya nga
kung hindi ako makatulog ay basa na lang ako ng nang basa ng mga lingguhan.
Matagal ko siyang tiningnan, at nang mapansin niya ang aking ginawa ay nangiti na
kasunod ang pamumungkahi.
Ano kayat sulatin moa ng aking buhay? ang kaniyang sabi na sinundan ng halakhak na
kaniyang-kaniya lamang.
Bakit po ba hindi? ang sagot ko, Sige ho, simulan natin ngayon.
Alam mo kahapon ay nadalaw ako sa aking mga anak. May Malaki-laking kinita sa
paglilinis ng sapatos ang aking si Pepe, at nagkaroon ako ng pamasahe ang kanyang
balita sa akin:
Saan naroon ang mga bata ninyo? ang tanong ko, na nagkunwaring hindi ko pa
nalalaman.
Sinabi nga niyang nasa ampunan,
Marahil ay nakadalaw ka na roon? ang kaniyang patuloy.
May sinulat po ako tungkol doon ang saki ko na dinugtungan ng isang tanong
Kumusta po naman ang mga bata?
Iyon ang ikinatutuwa ko, lagi silang malinis at malusog, dahil husto ang kinakain, husto
sa lahat ng pangangailangan. Kung nasa akin sila, totoo ngang lagi ko silang makkita,
ngunit napatigil sa pagsasalita. Nangislap sa luha ang kaniyang mga mata bago
nagpatuloy, Sa aking pilng, pati ang aking pagmamahal ay hindi nila maaaring
madama, sapagkat hindi ko siaa nadudulutan ng mga kailangan. Sa aking piling,
nangangailangan sila ng ibat ibang bagay, ngunit magtatamo sila ng kabiguan. Sa ngayon
ay tinitimpi ko ang damdaming makaniid sila sa lahat ng sandal, pagkat nais kong
lumigaya sila. Nais kong managana sa mga sustansya ang kanilang katawan, upang
malayo sa sakit na katulad ng sa kanilang ama: Nais kong
Tumingin sa akin. Ngunit hindi siya kumikibo hindi niya dinugtungan ang kaniyang
sasabihin. Napatango lamang ako. Walang anu-anoy mula siyang magsalita.
Ito ang ipinipintas sa akin ng marami, natitiis ko raw na malayo sa aking piling ang mga
anak ko A, ang pagmamahal ay mapagtiis at maalam magpasakit. Mahulaan mo na
marahil, kung gaano kabigat ang tinitiis kong sakit ng kalooban, sa paghahanap tuwina sa
aking mga anak. Ngunit kailangang pagtiisan ko, alang-alang sa kanilang kinabukasan.
Ngayong siyay napapanatag na sa isang nakapanghihilakbot na kamatayan ay saka ko
lamang nakilala ang kaniyang kadakilaan. Iilan marahil ang nakakabatid ng kaniyang
tunay na loobin. At ang kaungkutan ko at panghihinayang sa kaniyang maagang
kamatayan ay pinabigat ng katotohanan hindi ko ito nasulat noong siyay nabubuhay
pa.
Ang paggunita na sa walang kapantay na pakikipagtunggali niya sa buhay ay isang
inaakala kong lalong karapat-dapat ng pagkilala sa kaniyang kadakilaan na hindi
nauunawaan ng iba!

PORTFOLIO IN
MATHEMATICS
OF
INVESTMENTS
BY: MAYCEL
TAPURO
ROCHINA BSA

I-A
COMPILATION
OF MOI TOPICS
=)
COMPILATION
OF QUIZES,
ASSIGNMENTS

,ACTIVITIES
AND EXAMS =)

You might also like