You are on page 1of 24

maikling kwento

ay

isang maigsing salaysay hinggil


sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang.

Bilang

isang masining na panitikan,


naglalahad ng isang pangyayari ang maikling
kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi
kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling
kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan
nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na
matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Mga Uri ng Maikling Kuwento


1. kuwento

ng tauhan inilalarawan
ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila
ng isang mambabasa.

2. Kuwento ng katutubong
kulay binibigyang-diin ang
kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay,
at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.

3.Sa kuwentong
bayan nilalahad ang mga
kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.

4. Sa kuwento ng
kababalaghan pinag-uusapan
ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.

5. Kuwento ng katatakutan ng
mga pangyayaring kasindaksindak.

6. Sa kuwento ng
sikolohiko ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan.

7. Kuwento ng
pakikipagsapalaran
8. Kuwento ng katatawanan
9. Kuwento ng pagibig

Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at


suliranin.. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.

Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang


magsisiganap sa kuwento at kung ano ang
papel na gaganapan ng bawat isa.
Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon o mga
insidente

At ang bahagi ng suliranin ang siyang


kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.

Gitna
Binubuo

ang gitna ng saglit


na kasiglahan, tunggalian,
at kasukdulan..

Ang saglit na kasiglahan ang


naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.

Ang tunggalian naman ang bahaging


kababasahan ng pakikitunggali.
Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban

Wakas
Binubuo

ang wakas ng
kakalasan at katapusan.

Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng


unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula
sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
At ang katapusan ang bahaging kababasahan
ng magiging resolusyon ng kuwento.

Gayunpaman,

may mga kuwento na hindi


laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga sangkap.
Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na
mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang
ang mambabasa ang humatol o magpasya
kung ano, sa palagay nito, ang maaring
kahinatnan ng kuwento.

Pagpokus sa Istruktura: (Paggamit ng


Padron o Pattern)

Ang Orasan
Ang Rebentador
Ang Sayaw
Ang Analisis

Ang Orasan
Tulad

ng pag-ikot ng kamay ng isang orasan,


ang padrong ito ay nagsisimula mula sa
unahan ng magkakawing na mga pangyayari
hanggang sa kahuli-hulihang pangyayari,
maari ring magsimula sa hulihan at magflash back, o maaaring magsimula sa gitna at
gumalaw pauna o pahuli.

Ang Rebentador
Sa

padrong ito, ang isang pangyayari ang


siyang sanhi ng mga nalikha pa ng mga iba
pang pangyayari. Kung walang unang
pangyayari maaaring hindi maganap ang
mga sumunod nitong pangyayari

Ang Sayaw
Sa

padrong ito, ang mga nagaganap ay


pabalik-balik sa kani-kanilang mga panahong
may kani-kaniyang mga tagpuan

Ang Analisis
Sa

padrong ito, iniharap ang lahat ng mga


datos, susuriin ang mga ito saka sasabihin
ang isang lohikal na kongklusyon

You might also like