Professional Documents
Culture Documents
I.
LAYUNIN
1. Natutukoy ang ibang mga bayani at sikat na Pilipinong
nagtagumpay dahil sa kanilang mabuting ginawa
2. Naipahahayag ang paghanga sa mga Pilipinong naging
matagumpay sa buhay
3. Nababanggit ang paraan kung paano maabot ng sarili ang mga
narating ng mga Pilipino o bayaning nagtagumpay
II.
NILALAMAN
A. Paksa: Mga Taong Nagtagumpay Bunga ng Mabuting Paggawa
B. Sanggunian: BAYAN: Makatao at Maunlad na Lipunan pp. 299-302
(Modified lesson/activity) Authors: Punsalan, Gonzales, Caberio,
Nicolas, Reyes (Rex Bookstore)
C. Mga Kagamitan: mga larawan, papel, projector, laptop
D. Pokus ng Pagpapahalaga: Ang mga bayani at ibang sikat na Pilipino ay
nagtagumpay sa buhay dahil sa mabuting paggawa. Sila ay dapat
nating hangaan at tularan.
III.
PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1. Pagpapakita ng larawan ng mga kilalang tao.
2. Pagtatanong
B. Paglalahad
Lecturette: Mangarap at Kumilos Kagaya Nila
Mangarap at Kumilos Kagaya Nila
Marami tayong mga kababayan na maari nating maipagmalaki
dahil sa kanilang mga nagawa. Ilan sa kanila ay namatay na at
tinanghal na bayani. Ang ilan naman ay patuloy na umaani ng
tagumpay para sa bansa. Sila ay mga Pilipinong malaki ang
impluwensya sa ating pag-iisip at kalagayan bilang Pilipino. Sinu-sino
ang ilan sa mga dakilang Pilipinong ito?
Sa larangan ng sining ay nariyan si Juan Luna, isang pintor, na
nanalo sa isang paligsahan sa Espanya sa pamamagitan ng kanyang
obrang Spolarium. Gayundin si Lea Salonga na kauna-unahang Asyano
at Pilipino na nakarating sa Broadway upang magtanghal sa entablado
at nanalo ng Tony Awards. Marami rin ang nagkakamit ng tagumpay sa
pag-awit gaya ni Regine Velasquez, at iba pa.
Sa paglalaro, nariyan si si Eugene Torre na tinanghal na grand
master sa chess, at si Pacquiao naman sa boksing.
Sa mga makabayang Pilipino, hindi maiiwasang hindi banggitin
si Rizal na nagpakita ng masidhing damdaming makabayan sa
pamamagitan ng kanyang panulat. Ang kanyang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay gumising at nagbigay daan sa himagsikan dahil
kanyang inilantad ang mga kasamaan ng mga Kastila sa Pilipinas. At
D. Paglalahat
Sa pangkalahatan, ano ba ang susi sa pagtatagumpay ng tao?
E. Paglalapat
Paano mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon?
F.
Pagtataya
Kumuha ng kalahating papel at isulat ang magandang nagawa
ng bawat isa.
1.
2.
3.
4.
Inihanda ni:
Chenee C. Gatila
Aplikante