You are on page 1of 46

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng

Sakramento ng
Pag-Iisang Dibdib

27 Pebrero 2016








Liturgy Preparation and Lay-out


Aaron James R. Veloso

FOR THE GREATER GLORY OF GOD

Pambungad
Bago magsimula ang misa,
Commentator ang sumusunod:

babasahin

ng

Magandang umaga sa lahat. Ang Sakramento


ng Kasal ay isa sa mga maliligaya at makabuluhang
pagdiriwang sa buhay Kristiyano. Ang Pag-iisang
Dibdib ay sumasagisag sa pagmamahal ni
Hesukristo sa Santa Iglesia.
Natitipon tayo ngayong umaga bilang isang
Kristiyanong pamayanan upang saksihan ang
pagiisang - dibdib nina
Edwin at Nerissa
Ahrone at Rasel
Ronelo at Ma. Reyhan
Ricardo at Ma. Lota
Hestive at Amelyn
Jimmy Jr. at Joevelyn
Noli at Jenalyn
Nakikiisa tayo sa kanila sa pagpapasalamat sa
Diyos na naging tulay sa kanilang pagtatagpo.
Ipinapanalangin nating patuloy silang biyayaan ng
Panginoon ng kanyang pagmamahal upang maging
tapat sila sa kanilang mga pangako sa isat isa.
Ang ating pagdiriwang ay pangungunahan ni Fr
Irmo Francis A Valeza ng Kapisanan ni Hesus,
kasama sina Fr Emerito Salustiano R Dela Rama SJ
at Fr Maximo Barbero SJ. Magsitayo ang lahat.
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang
Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad
patungo sa altar, samantalang ang awiting
pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, ang
Tagapagdiwang
at
mga
tagapaglingkod
ay
magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan.
Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa
pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar. Kung
minamabuti
niya,
maiinsensuhan
niya
ito.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 3

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay paroroon sa


kanyang upuan.
Samantala, magpuprusisyon ang mga ikakasal,
habang tumutugtog ang Pambungad na Awit.
Matapos ang awiting pambungad, habang
nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus.
Ipahahayag
ng
Tagapagdiwang
nakaharap sa mga tao:

a ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.

R. Amen.

Sumainyo ang Panginoon.


R./ And with your spirit.
Ang paring tagapagdiwang ay makapagbibigay ng
maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang
ipinagdiriwang:

Mga kapatid, tayoy nilikha ng Diyos bilang


kanyang kawangis, ginawa niya tayo upang
mabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig at para
sa pag-ibig. Ang pangunahing kataga sa
Pahayag ng Diyos ay ang kanyang pag-ibig sa
kanyang sambayanan. Ito ay ipinahahayag sa
inyong pag-iibigan,
Edwin at Nerissa
Ahrone at Rasel
Ronelo at Ma. Reyhan
Ricardo at Ma. Lota
Hestive at Amelyn
Jimmy Jr. at Joevelyn
Noli at Jenalyn

Ang buklod ng pag-ibig ng magkaisangdibdib


ay siyang larawan at tagapagpahiwatig
ng tipan na siyang nag-uugnay
sa Diyos at sa kanyang sambayanan.
4 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pambungad
na
Panalangin

Ang

Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat, kaisa ng Tagapagdiwang, ay tahimik na
mananalangin nang saglit.

ma,
ginawa mo ang buklod ng kasal
na isang sagisag ng pag-ibig ni Kristo
sa Santa Iglesya.
Dinggin mo ang aming mga panalangin
para sa aming mga kapatid na ikakasal.
Ipinangangako nilang magmahalan
habambuhay taglay ang pagsampalataya sa
iyo
at pananalig sa isat isa.
Ang kanilang matamis ng pagsasama
ay lagi sanang maging tanda
ng kanilang pag-iibigan.
Alang-alang sa Anak mo,
si Hesukristong Panginoon namin,
nabubuhay at naghaharing kaisa mo
at ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.
R. Amen.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 5

Matapos ang panalangin, iimbitahin ng Commentator


na maupo ang lahat gamit ang mga sumusunod na
salita:
Maupo ang lahat para sa pagpapahayag ng Salita
ng Diyos.

6 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 7

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos


Unang
Pagbasa

1 Corinto 12:31-13:8
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa
mga Taga-Corinto
Mga kapatid, buong taimtim ninyong nasain ang
mga kaloob na lalong dakila. At ngayoy ituturo ko
sa inyo ang pinakamabuti sa lahat. Makapagsalita
man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
kung wala naman akong pag-ibig, para lamang
akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang
na tumataginting.
Kung ako man ay may kakayahang magpahayag
ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga,
kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng
malaking pananampalataya anupat napalilipat ko
ang mga bundok, ngunit wala naman akong pagibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang
lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking
katawan upang sunugin, kung wala naman akong
pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin!
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob,
hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas,
hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili,
hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.
Hindi ito ikinatutuwa ang gawang masama,
ngunit ikinagagalak ang katotohanan.
Ang pag-ibig ay mapagbata, magpagtiwala,
puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas.
Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita
ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa ibat
ibang wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang
pag-ibig ay walang katapusan.
Ang Salita ng Diyos.

R. Salamat sa Diyos.

8 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Salmong
Tugunan

R.

Salmo 32

Laganap sa sansinukob, ang Pagmamahal ng Diyos!


Mapalad ang bansang Panginooy Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Ang may takot sa Diyos,
at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig
ay kinakalinga R.
Ang ating pag-asay nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kamiy natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala! R.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asay sat nasasalig. R.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 9

Pagpupugay
sa
Ebanghelyo

Matapos ang Salmong Tugunan, iimbitahin ng


Commentator na tumayo ang lahat gamit ang mga
sumusunod na salita:
Tumayo ang lahat para sa Mabuting Balita.

Papuri SaYo
Fr. Allan Antonio, Diyosesis ng Malolos

Papuri sa Yo, Panginoong Hesukristo,


Hari ng kadakilaang walang hanggan!

Dyos ay pag-ibig na tunay


kaya't tayoy magmahalan
at siyay ating tularan.
Papuri sa Yo, Panginoong Hesukristo,
Hari ng kadakilaang walang hanggan!

Ebanghelyo

Luke 19:1-10
Sumainyo ang Panginoon
R./ At sumaiyo rin.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Juan.
R./ Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana,


Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at
ang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak
kayat sinabi ng ina ni Hesus sa kanya,
Naubusan sila ng alak.
Sinabi ni Hesus, Huwag ninyo akong
pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon
ko. Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod,

10 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa


inyo.
Dooy may anim na tapayan, ang bawat
isay naglalaman ng dalawampu hanggang
tatlumpung galon. (Nakalaan ang mga ito para
sa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ng
mga Judio.)
Sinabi ni Hesus sa mga katulong, Punuin
ninyo ang tubig ang mga tapayan. At pinuno
nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabi
niya, Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa
namamahala ng handaan.
Dinalhan nga nila ang namamahala ng
handaan. Tinikman naman nito ang tubig ng
naging alak. Hindi niya alam kung saan
nanggaling iyon, bagamat alam ng mga
katulong na sumalok ng tubig, kayat tinawag
niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, Ang
una pong inihahain ay ang masarap ng alak.
Kapag marami nang nainom ang mga tao, saka
inihahain
ang
mababang
uri.
Ngunit
ipinagpahuli ninyo ang masarap ng alak.
Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, ay
siyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus.
Sa pamamagitan nitoy inihayag niya ang
kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang
mga alagad.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.


Homilya

Iimbitahin ng Commentator na umupo ang lahat


gamit ang mga sumusunod na salita:
Magsiupo ang lahat para sa homilya.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 11

Ang Pagiisang-Dibdib
Panimula

Mga
Katanungan

Pagkatapos ng homilya ay sasabihin ng


Commentator:
Masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib nina:
Edwin at Nerissa
Ahrone at Rasel
Ronelo at Ma. Reyhan
Ricardo at Ma. Lota
Hestive at Amelyn
Jimmy Jr. at Joevelyn
Noli at Jenalyn
sa harap ng altar ng Panginoon. Inaanyayahan
namin ang lahat na manatili sa katahimikan
habang itoy kanilang ginagawa. Tinatawagan
ang nais magpakasal na magsitayo. Gayun din
ang kanilang mga magulang, mga ninong at
ninang.
Matapos ay sasabihin ng Tagapagdiwang:

Mga minamahal kong kapatid,


sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo
sa buhay at pananagutan ng Panginoon,
at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan
mulit muli kayong nakisalo
sa hapag ng kanyang pagmamahal.
Ngayon namay kusang loob
na kayoy dumudulog sa Sambayanang ito
at humihiling ng panalangin
upang ang inyong panghabangbuhay na
pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon.
At kayo naman,
mga kapatid na natitipon ngayon,
ay manalangin para sa kanila
at bukas-palad silang tanggapin

12 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

bilang magkaisang-dibdib
sa ating Sambayanang Kristiyano.
(Sa mga ikakasal)

Hinihiling ko ngayon
na buong katapatan ninyong ipahayag
ang inyong damdamin sa isat isa.
(Tatanungin ang mga babaeng ikakasal)

Mga babae: Bukal ba sa inyong loob


ang inyong pagparito
upang makaisang-dibdib
ang lalaking inyong mapapangasawa
na inyong pakamamahalin at
paglilingkuran habambuhay?
Mga Babae : Opo, Padre.
(Tatanungin ang mga lalaking ikakasal)

Mga lalaki: Bukal ba sa iyong loob


ang inyong pagparito
upang makaisang-dibdib
ang babaeng inyong mapapangasawa
na inyong pakamamahalin at
paglilingkuran habambuhay?
Mga Lalaki : Opo, Padre.
(Sa mga ikakasal)

Sa lahat ng ikakasal: Nakahanda ba kayong


gumanap sa inyong pananagutan
sa Simbahan at sa bayan
na umaasang inyong aarugain
ang mga supling
na ipagkakaloob ng Poong Maykapal
upang sila ay inyong palakihin
bilang mabubuting mamayanang
Kristiyano?
Mga Ikakasal: Opo, Padre.
Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 13

(Sa mga ikakasal)

Mga minamahal ko,


sa harap ng Diyos at ng kanyang
Sambayanan,
pagdaupin ninyo ang inyong mga palad
at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan
sa banal na sakramento ng kasal.
Magdadaup-palad ang mga ikakasal.
Pagpapalitan ng
Konsentimyento

(Tatanungin ang mga babaeng ikakasal)

N. sumasang- ayon ka ba
na maging asawa si N.
na naririto ngayon alinsunod
sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na Simbahan?
Mga Babae : Opo, Padre.

1. Nerissa Edwin
2. Rasel Ahrone
3. Ma. Reyhan - Ronelo
4. Ma. Lota - Ricardo
5. Amelyn - Hestive
6. Joevelyn Jimmy Jr.
7. Jenalyn - Noli

Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa


kanya ng iyong sarili bilang kanyang
maybahay?
Mga Babae : Opo, Padre.
Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya
ang pananagutan ng buhay may-asawa?
Mga Babae : Opo, Padre.
(Tatanungin ang mga lalaking ikakasal)

N., sumasang- ayon ka ba


na maging maybahay si N.
na naririto ngayon
alinsunod
sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na
Simbahan?
Mga Lalaki : Opo, Padre.

1. Edwin - Nerissa
2. Ahrone - Rasel
3. Ronelo - Ma. Reyhan
4. Ricardo - Ma. Lota
5. Hestive - Amelyn
6. Jimmy Jr. - Joevelyn
7. Noli - Jenalyn

14 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa


kanya ng iyong sarili bilang kanyang
asawa?
Mga Lalaki : Opo, Padre.
Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya
ang pananagutan ng buhay may-asawa?
Mga Lalaki : Opo, Padre.
Ngayon, kayo ay sabay-sabay na
magdarasal; uulitin ninyo ang panalanging
aking bibigkasin.
Ama naming mapagkalinga,
pagpalain Niyo kaming nag-iisang palad
kami po ay Inyong loobing
magkaisa sa pusot diwa
sa hirap at dusa
sa kaginhawahan at kahirapan
sa karamdaman at kalusugan
mula ngayon at kailanman
sa lahat ng araw ng aming buhay.
Bilang tagapagpatunay ng Simbahan,
pinagtitibay kot binabasbasan
ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan,
sa ngalan ng Ama at ng Anak, X at ng
Espiritu Santo.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 15

Pagbabasbas
ng mga Aras
at mga
Singsing

Pagkatapos ay sasabihin ng Commentator:


Inaanyayahan ang mga may dala ng mga aras at
singsing na lumapit sa gitna ng dambana.
Matapos ay sasabihin ng Tagapagdiwang, habang
nakalukob ang kanyang mga kamay sa mga aras:

Ama naming maawain,


basbasan mot kupkupin
itong inyong mga X lingkod.
Pagkalooban mo sila
ng sapat na kabuhayang
sinasagisag ng mga aras na ito
sa ikapagkakamit ng buhay ng walang
hanggan.
Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.
Matapos ay babasbasan naman niya ang mga
singsing:

Ama naming mapagmahal,


basbasan mot lingapin
itong iyong mga X lingkod.
Pagindapatin mo na silang magsusuot
ng mga singsing na ito
ay maging kawangis mo
sa iyong wagas na pag-ibig
at walang maliw na katapatan.
Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

16 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Matapos ito ay aanyayahan niya ang mga lalaki na


isuot ang singsing sa kanilang mga kabiyak:

Mga lalaki, isuot ninyo ang singsing sa


daliri ng mga babae, at ulitin ninyo ang
aking sasabihin:
Pangalan ng inyong kabiyak.
kailanmay di kita pagtataksilan.
Isuot mo at pagkaingatan ang singsing na ito
na siyang sangla ng aking pag-ibig at
katapatan.
Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo. Amen.
Isusuot ng mga lalaki ang singsing sa kanilang
kabiyak. Matapos ito ay aanyayahan naman
Tagapagdiwang ang mga babae na isuot ang
singsing sa kanilang mga kabiyak:

Mga babae, isuot ninyo ang singsing sa


daliri ng mga lalaki, at ulitin ninyo ang
aking sasabihin:
Pangalan ng inyong kabiyak.
kailanmay di kita pagtataksilan.
Isuot mo at pagkaingatan ang singsing na ito
na siyang sangla ng aking pag-ibig at
katapatan.
Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo. Amen.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 17

Matapos ito ay magaganap ang paglalagak ng mga


aras:

Mga lalaki, ilagak ninyo ang mga aras


upang ipagkatiwala ito sa babae, at ulitin
ninyo ang aking sasabihin:
Pangalan ng inyong kabiyak.
kailanmay di kita pababayaan.
Inilalagak ko sa iyo itong mga aras
na tanda ng aking pagpapahalaga
at pagkalinga sa kapakanan mo.
Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo. Amen.
Tatanggapin ito ng mga babae. Sasabihin ng
Tagapagdiwang:

Mga babae, tanggapin ninyo ang mga aras,


at ulitin ninyo ang aking sasabihin:
Tinatanggap ko ito
at nangangako akong magiging iyong
katuwang
sa wastong paggamit at pangangasiwa
ng ating kabuhayan.
Wawakasan ng Tagapagdiwang ang seremonya sa
pamamagitan ng mga salitang ito:

Mga kapatid,
ating nasaksihan ang panunumpa
ng mga bagong kasal sa isat isa,
ating ipadama ang pagtanggap sa kanila
sa pagsalubong sa kanila
ng isang masigabong palakpakan.

18 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Panalangin
ng Bayan

Iimbitahin ng Commentator na tumayo ang lahat


gamit ang mga sumusunod na salita:
Tumayo ang lahat para sa Panalangin ng Bayan
Ang Tagapagdiwang:

Mga minamahal kong kapatid,


halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos
para sa ating mga bagong kasal
at para sa buong Simbahan, sanlibutan,
at sa ikapagkakaisa ng tanan.
Ang ating itutugon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.
Para sa simbahang laganap sa buong
daigdig, lalo na para kay Francisco na ating
Papa: na sa palagian ay maipadama nila sa
lahat ng tao ang pagmamahal at pagkalinga
ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.
Para sa mga namumuno sa ating bayan:
upang silay mapuspos sa biyaya ng
karunungang nagmumula sa pagkilala sa
Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.
Para sa mga kapatid natin
na ngayoy pinagbuklod
sa pag-iisang-dibdib
upang silay mamuhay sa kalusugan
at maligtas sa panganib,
manalangin tayo sa Panginoon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 19

Para sa mga bagong kasal,


nawa silay pagpalain sa buklod ng tipan
gaya ng pagpapabanal ni Kristo
sa ikinasal sa Cana, Galilea
na pinangyarihan ng kayang unang
kababalaghan,
manalangin tayo sa Panginoon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.
Para sa mga bagong kasal,
nawa silay puspusin ng pag-ibig,
pagkakasundo at pagtutulungang matalik,
manalangin tayo sa Panginoon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.
Para sa mga bagong kasal,
nawa sila at ang lahat ng mag-asawa
ay bigyan ng Espiritu Santo
ng ibayong pag-ibig at ligaya,
manalangin tayo sa Panginoon:
Isinasamo naming kamiy iyong dinggin.
Ang Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan,


kaawaan mo ang aming mga bagong kasal
at pagbigyan sa kahilingang
magkamit ng iyong kaloob
sa ikapagkakaisa, sa pagmamahal
at sa ikapagkakaroon ng ligaya sa kalangitan
kaisa ng kanilang mga supling
at mga mahal sa buhay
sa pamamagitan ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

20 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 21

Pagdiriwang ng Huling Hapunan


Pagsisindi
ng Kandila,
Paglalagay
ng Belo, at
Pagkakabit
ng Kordon

Sasabihin ng Commentator:
Magsiupo ang lahat habang inaanyayahang
lumuhod ang mga bagong kasal.

Tinatawagan ngayon ang mga abay na sindihan


ang mga kandila.
Sisindihan ang mga kandila samantalang
pinapaliwanag ng Commentator ang nagaganap:
Ang liwanag ng kandila ay siyang simbolo
ng ating pananampalataya at pag-ibig. Ang
liwanag na ito ay siyang simbolo rin ni Kristo,
ang liwanag na mula sa Ama na siyang
tatanglaw sa landas ng buhay na tatahakin ng
mag-asawang ito patungo sa kaligtasan at buhay
na walang hanggan.

Ngayon namay maaari nang ikabit ng mga abay


ang belo at ilagay ang kordon sa mag-asawa.
Ikakabit ng mga aba yang belo at kordon
samantalang pinapaliwanag ng Commentator ang
nagaganap:
Ang belo ay simbolo ng Espiritu Santo. Ang
pangako ng Diyos sa Kanyang katapatan sa pagibig para sa atin sa kapangyarihan ng Espiritu
Santo. Ito rin ang nagpapakita ng pagiging isa ng
mag-asawang ito at pagbibigay ng sarili sa
bawat isa.
Ang kordon o tali ang siyang simbolo ng
pagkakaisa ng isip, pag-iisang puso at katawan
ng mag-asawang hinirang ng Diyos.

22 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Awit ng
Pag-Aalay

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay.


Samantalang itoy ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni
Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng
Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga
nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng
prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba
pang handog para sa Simbahan at para sa mga
dukha.

Basbasan at Kalingain
Ferdinand M. Bautista

Koro
Panginoon, tanggapin mo ang aming handog
ang tinapay at alak na ito,
kasabay ng aming dalanging
basbasan at kalingain
ang dalawang pusong nagtipanang
magmamahalan kailanman.
Ang kandilang sinindan
ay sagisag ng pagtanglaw sa buhay ng dalawa
ni Hesukristo.
Ang berbo at kurdon
ay sagisag ng kaisahan
at pagsukob ng biyaya ng Ama. Koro

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 23

Ngayon namay tatayo ang Tagapagdiwang sa


gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa
dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
R./ Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at
kailanman!
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang
patungan
ng
Katawan
ni
Kristo.
Ang
Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at
kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
kami naway makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat nakihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan
ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang
pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas
at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.
R./ Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at
kailanman!

24 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang


dinarasal niya nang pabulong:
Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisi
bilang handog upang kamiy
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng
Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana
pagkaraay iinsensuhan ng diyakono o ng
tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.
Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa
gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:
O Diyos kong minamahal, kasalanan koy hugasan
at linisin mong lubusan ang nagawa kong
pagsuway.
Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng
dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa
mga tao at muli niyang pagdaraupin habang
kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.
Tatayo ang mga tao at sasagot:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 25

Panalangin
Ukol sa
mga Alay

Ang Tagapagdiwang:

Panginoon, tanggapin mo sana


ang aming mga handog
pakundangan sa mga bagong kasal na ito.
Dahil sa iyong pag-ibig at pamamahala
pinag-isa mo sila.
Pagpalain mo
ang lahat ng araw ng kanilang pamumuhay.
Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.
R. Amen.

26 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 27

Panalangin
ng
Pagpupuri at
Pasasalamat

Sumainyo ang Panginoon.


R.

At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong mga puso at diwa.


R.

Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


R. Marapat na siya ay pasalamatan.

unay ngang marapat at matuwid,


angkop at nakagagaling
na magpasalamat kaming lagi sa iyo,
Amang banal,
Diyos na makapangyarihan at walang hanggan,
alang-alang kay Kristo naming Panginoon.
Nilikha mo ang tao dahil sa pag-ibig
upang mahabaginan ng inyong banal na buhay.
Nababatid namin ang kanyang dakilang layunin
sa pagmamahalan ng mga mag-asawa,
na tanda at tatak ng iyong banal na pag-ibig.
Pag-ibig ang pinagmulan ng tao,
pag-ibig ang ikinabubuhay niya sa lupa
at pag-ibig din ang naghihintay sa kanya sa langit.
Ang pagmamamahalan ng lalaki at babae
ay naging banal sa sakramento ng kasal,
at naglalarawan ng iyong walang hanggang pagibig.
Sa pamamagitan ni Kristo,
ang makapal na mga anghel at banal sa kalangitan
ay nagpupuri at sumasamba sa iyong kamahalan.
Kaya kasama nila ay ipinagbubunyi naming
walang humpay ang kaluwalhatian mo:

28 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Santo, Santo [Misa Pastorela]


Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

Santo, Santo, Santo,


Panginoong Diyos ng mga hukbo.
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan Mo.
Hosana, Hosana sa kaitaasan.
Hosana, Hosana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito,
sa ngalan ng Panginoon.
Hosana, Hosana sa kaitaasan.
Hosana, Hosana sa kaitaasan.
Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na ang
lahat.



Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 29

Ikatlong
Panalangin
ng
Pagpupuri
at
Panalangin

Luluhod ang lahat. Nakalahad ang kamay ng


Tagapagdiwang sa pagdarasal:

Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at
kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong
sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa
paglubong ng araw
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay at
lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang
siyay nagdarasal:

Ama, isinasamo naming pakabanalin mo


sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo
He joins his hands and, making the sign of the cross
once over both bread and chalice, says:

Ito nawa ay maging Katawan at X Dugo


ng iyong Anak at aming Panginoong
Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na
pangungusap ay ipapahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

30 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Noong gabing ipinagkalulo siya,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang
bahagyang naakangat sa ibabaw ng dambana
habang patuloy na ipinapahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya, pinaghatihati iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagya siyang yuyuko.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA IYO.
Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging
Katawan ni Kristo, ipapatong sa pinggan at luluhod
siya bilang pagsamba. Magpapatuloy siya:

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang
bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
patuloy na inihahayag:

muli ka niyang pinasalamatan,


inabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad,
at sinabi:
Bahagya siyang yuyuko.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT


INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING
DUGO, NG BAGO AT WALANG
HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO
NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA
LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA
KASALANAN. GAWIN NINYO ITO SA
PAGALALA SA AKIN.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 31

Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa


telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba.
Ang Tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya:

Sa Krus Mo
Fr. Manoling V. Francisco, SJ

Sa krus Mo at pagkabuhay
Kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Poong Hesus naming mahal
Ngayon at magpakailanman
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay
samantalang siya ay nagdarasal:

Ama, ginugunita namin


ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa amiy nagligtas
gayun din sa kanyang muling pagkabuhay
at pagakyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan
kaya bilang pasasalamat
ngayoy aming iniaalay sa iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan mo ang handog na ito n
g iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong anak
na nagalay ng kanyang buhay
upang kami ay ipagkasundo sa iyo.

32 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Loobin mong kaming magsasalusalo


sa kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay
Kristo.
Isa sa mga Concelebrants:

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming
magkamit ng iyong pamana
kaisa ng Ina ng Diyos,
ang Mahal na Birheng Maria,
ng kabiyak ng puso niyang si San Jose
kaisa ng mga Apostol, mga Martir
nina San Ignacio de Loyola
at San Francisco Javier
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahanglaging nakikiusap
para sa aming kapakanan.
Isa sa mga Concelebrants:

Ama, ang handog na ito


ng aming pakikipagsundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at
kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pagibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ang iyong lingkod na si Papa Francisco
at aming Obispo Luis Antonio
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 33

Dinggin mo ang mga kahilingan


ng iyong angkan
na ngayoy tinipon mo sa iyong harapan.
Amang maawain, kupkupin mo at pagisahin
ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming na yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pagibig sa iyo.
Kami ay umaasang
Makakarating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa
ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan
ang iyong kagandahan
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo


na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan.
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may
ostiya at ang kalis na kapwa niyang ipapahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang-hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Great Amen
Lucio D. San Pedro

34 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 35

Ang Pakikinabang
Ama Namin

Ang Tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin nang lakasloob:
Ama Namin
Fr. Manoling V. Francisco, SJ

Ama namin, sumasalangit Ka,


sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin Mo kami sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama
Nakalahad ang kamay ng Tagapagdiwang na
kakanta:

Hinihiling naming kamiy iadya


sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan arawaraw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas nating si Hesukristo.
Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat sa 'Yo ang kaharian,


kapangyarihan at kapurihan
ngayon at magpakailanman!
36 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Panalangin
sa
Mag-asawa

Ang Tagapagdiwang:

Mga kaibigan,
dumalangin tayo sa Panginoon at hingin
upang kasihan ng kanyang biyaya
para sa mga bagong kasal,
na sa pamamagitan ni Kristo
pag-isahin niya sa pag-ibig
ang mga mag-asawang ito
na kanyang pinagsama sa banal na buklod.
Tatahimik ng saglit. Pagkatapos ay ilalahad ng
Tagapagdiwang ang kanyang kamay sa pagdarasal:

Ama naming banal,


nilikha mo ang tao
bilang lalakit babaing iyong kalarawan
upang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdib
ay maisakatuparan
ang iyong layunin sa lupaing ibabaw.
Ama naming mapagmahal
niloob mong sa pamumuhay
ng mag-asawas sa pagmamahalan
ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang
na iyong minarapat ipagkaloob
sa iyong sambayanan
upang ang ipinahihiwatig mong lubusan
ay maglahad ng pag-iisang dibdib
ni Kristo at ng Sambayanan
kaya naman hinihiling namin
na itong mga anak mo
ay gawaran ng pagbabasbas
ng iyong kanang kamay.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 37

Ipagkaloob mong
sa pagsasama nila habambuhay
kanilang mapagsaluhan
ang pag-ibig mong bigay
at sa isat-isay kanilang maipamalas
ang iyong pakikipisan
sa pagkakaisa ng damdamin at isipan
Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan.
Marapatin mong mapuspos
ng pagpapala ang mga babaing ito
upang kanilang maganap
nang may pagmamalasakit
ang tungkulin sa tahanan.
Gayun din naman,
pangunahan mo ng iyong pagbabasbas
ang mga lalaking ito
upang kanilang magampanang marapat
ang tungkulin ng asawang matapat.
Ama naming banal,
pagbigyan mo sila
sa pagdulog sa iyong hapag
bilang mga pinagbuklod
sa pag-ibig na wagas
upang kanilang mapagsaluhan
ang piging na di magwawakas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R.

Amen.

38 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pagbibigay
ng
Kapayapaan

Sasabihin ng Tagapagdiwang:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga apostol:
"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo,
Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo."
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag angaming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon


ay laging sumainyo.
R. At sumaiyo rin.
Ang Diyakono:
Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isat isa.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 39

Pagwasak
ng Tinapay

Hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at


hahatihatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang
pabulong niyang dinarasal:
Sa pagwasak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantala, aawitin ng lahat ang Kordero ng Diyos:

Kordero ng Diyos [Misa Antipona]


Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

Kordero ng Diyos,
na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na ang
lahat.

40 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Pakikinabang Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong


na pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alangalang sa iyong dakilang pagibig
nawa'y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya'y kanyang
hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng
malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nagalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
Tutugon ang lahat:
Panginoon,
hindi ako karapatdapat na magpatuloy sa iyo
nguni't sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.
Siyay makikinabang nang magalang at nakayuko sa
dambana habang pabulong na nagdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni
Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang kalis
at pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 41

Samantalang nakikinabang ang mga tao, sisimulan


Awit sa
Pakikinabang ang awit sa pakikinabang.

Ang Pag-Ibig

Ferdinand M. Bautista

Makapagsalita man ako


ng wika ng mga taot anghel,
kung wala akong pag-ibig
anong saysay ng aking tinig?
Ipamigay ko man ang lahat,
at ialay ko ang aking sarili
kung wala akong pag-ibig
anong kabutihan nito sa akin?
Koro
Ang pag-ibig ay matiyaga
at magandang-loob.
Hindi nananaghilit nagmamapurit
nagmamataas.
Ang pag-ibig ay mapagkalinga,
mapagtiwala, puno ng pag-asa.
Mananatiling tapat kalian pa man.

42 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital

Panalangin
PagkaPakinabang

Ang Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Manahimik saglit.

anginoon, dahil sa iyong pag-ibig,


ibinigay mo sa amin
ang Eukaristiyang ito
upang pag-isahin kami sa isat isa at sa iyo.
Yayamang pinag-isa mo
ang aming mga bagong kasal sa sakramento
na ito (at sa pakikinabang ng tinapay at alak),
pag-isahan mo rin sila ngayon sa pag-ibig
at paglilingkod sa isat isa.
Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.
R. Amen.

Pabatid

Ang Commentator:
Maaari nang tanggalin ng mga abay ang mga belo
at kordon ng mga bagong kasal.
Magsiupo ang lahat para sa mga pabatid.
Pagkatapos po ang ating Banal na Misa,
magkakaroon ng picture-taking ang mga bagong
kasal at kanilang entourage. Maari po sanang
lumapit kaagad sa harapan kapag tinawag na ang
ating grupo.
Magkakaroon din po tayo ng kaunting salusalo sa Social Hall ng Nurses Home. Inaasahan po
naming dumalo ang mga ikinasal, ang kanilang
sampung panauhin, ang mga Chaplains, mga
miyembro ng Legion of Mary, Choir, Servers,
Readers at mga piling panauhin.
Pagkatapos po ng picture-taking ng bawat
couple at entourage, maaari na po silang tumuloy
sa reception area. Ipakita po ninyo ang inyong
invitation card na magsisilbing gate pass.
Sasamahan po kayo ng mga usherettes patungo sa
reception.
Maraming salamat, at inaasahan po namin ang
inyong kooperasyon. Magsitayo na po ang lahat.

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 43

Paghayo

Ang Tagapagdiwang:

Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal:


mamuhay kayong lagi
sa pag-ibig at katapatan.
Sa mga maybahay,
pag-ibig ninyoy patunayan
sa pagiging butihing maybahay
na may pananampalataya, kabanalan,
at pag-ibig sa Maykapal.
Sa mga asawang lalaki,
ang maybahay ninyoy ibigin
gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan
bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama
sa kalangitan.
Sumainyo ang Panginoon.
R.

At sumaiyo rin.

Iyuko ang inyong mga ulo


upang tanggapin ang pagbabasbas
ng Panginoon.
Ang Diyos Amang makapangyarihan
ay siya nawang magbigay ng kagalakan
dulot ng mga anak na sa inyoy sisilang
at ng kanyang kasiyahan
ngayon at magpasawalang hanggan.
R.

Amen.

Ang Bugtong ng Anak ng Diyos


ay siya nawang sa inyoy tumuwang
sa kahirapan at kaginhawaan
ngayon at magpasawalang hanggan.
R.

Amen.

Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot


ng pagmamahal na nag-uumapaw sa inyo
ngayon at magpasawalang hanggan.
R.

Amen.

At kayong lahat na nagtipun-tipon


dito ay pagpalain nawa
ng makapangyarihang Diyos:
Ama, at Anak X
at Espiritu Santo.
R.

Amen.

Taglayin ninyo sa inyong pag-alis


ang kapayapaan ni Kristo.
R.

Salamat sa Diyos!

Awit
Pangwakas

Mapalad ang Tao na May Takot sa Diyos


Ferdinand M. Bautista

Koro
Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
ang maalab na adhikaiy
sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan.
Ang buhay niya ay maligayat uunlad kailanman.
Sa tahanan ang asaway parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang
ang anak niya. Koro
Ang sinumang ang Panginooy
buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Koro

Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 45

Ang Pasunod-sunod sa Pagkuha ng Larawan


1. Couples with Priests
2. Mr and Mrs Edwin Bacalla
3. Mr and Mrs Edwin Bacalla, Principal
Sponsors, and Entourage
4. Mr and Mrs Ahrone Gamelong
5. Mr and Mrs Ahrone Gamelong, Principal
Sponsors, and Entourage
6. Mr and Mrs Ronelo Espiritu
7. Mr and Mrs Ronelo Espiritu, Principal
Sponsors, and Entourage
8. Mr and Mrs Ricardo Balmores
9. Mr and Mrs Ricardo Balmores, Principal
Sponsors and Entourage
10. Mr and Mrs Noli Diong
11. Mr and Mrs Noli Diong, Principal Sponsors,
and Entourage
12. Mr and Mrs Jimmy Solano Jr.
13. Mr and Mrs Jimmy Solano Jr., Principal
Sponsors, and Entourage
14. Mr and Mrs Hestive Hestoso
15. Mr and Mrs Hestive Hestoso, Principal
Sponsors, and Entourage

You might also like