You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 10

Panuruang Taon 2015 2016


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, 90% ng mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga sumusunod:
1. Nailalarawan ang kalagayan/sitwasyon ng mga tauhan.
2. Nailalarawan ang anyo at kalagayan ng Bapor Tabo.
3. Naipahahayag ang saloobin hinggil sa mga pangyayari at usapin sa kabanata.
4. Naihahambing ang mga tauhan sa kabanata sa mga tao sa kasalukuyang panahon.
II. Paksang-Aralin :
Kagamitan

Nobelang El Filibusterismo
a. Kabanata 1 (Sa Ibabaw ng Kubyerta)
b. Kabanata 2 (Sa Ilalim ng Kubyerta)
: Laptop, bluetooth speaker, larawan, video clip

III. Pamamaraan
A. Panimula at Pagganyak
Pagganyak na tanong :
Paparating na ang summer hindi ba? Isa sa mga pangarap natin ay ang makapunta
sa lugar gaya ng Boracay, Palawan o di kaya ang kinikilala ngayong Boracay of the South
na Camsur o Camarines Sur. Kung halimbawa na kayoy mabigyan ng pagkakataong
makapunta sa isa sa mga lugar na ito, alin at paano niyo gustong gugulin ang pagkakataong
ito?
*Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga lugar na ito ayon sa kanilang saloobin o opinyon.
B. Pagpapakilala
1. Ilalarawan ng mga mag-aaral ang bagay na "tabo". Magpapakita rin ng larawan ang guro
kaugnay ng aralin sa unang dalawang kabanata ng El Filibusterismo.
2. Ilalahad ng guro ang aralin sa pamamagitan ng isang video clip tungkol sa buod ng
unang dalawang kabanata ng nobela.
a. Kabanata 1 (Sa Ibabaw ng Kubyerta)
b. Kabanata 2 (Sa Ilalim ng Kubyerta)
Saan man at paano man natin gustong gugulin ang ating bakasyon, pare-pareho lang
ang ating hangarin, ang masiyahan, makakilala ng mga bagong kaibigan at malibang
kahit paano. Ngunit masiyahan at malibang kaya kayo kung sa pagbiyahe niyo ay gaya
ng Bapor Tabo ang iyong masakyan at gaya ng mga pasahero nito ang inyong
makasakay?
Tingnan natin, talakayin at alamin natin kung ano ang aking binabanggit na Bapor
Tabo. Ito ang unang kabanata ng El Fili na isinulat ng ating pambansang bayaning si Jose
P. Rizal.
3. Manonood ang mga mag-aaral ng video clip, itatala nila sa kuwaderno ang kani-kanilang
nakita o napuna mula rito.
C. Pagtalakay
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungang may kaugnayan sa video clip.
* Ano ang Bapor Tabo? Ilarawan ang anyo at kalagayan nito.
* Sinu-sino ang mga lulan o sakay ng Bapor Tabo? batay sa lahi ? batay sa kalagayan sa
lipunan?
* Ano ang kalagayan ng mga pasaherong ito na nasa kubyerta? Nasisiyahan ba silat
komportable sa kanilang paglalakbay?

* Batay sa pagkakaunawa ninyo, bakit kaya sila nasa iisang paglalakbay?


* Isa sa mga may mabigat na dahilan ng paglalakbay ay si Donya Victorina. Sino si
Donya Victorina at ano ang dahilan ng kanyang paglalakbay?
* Sa gitna ng usapang ito, sino itong lalaking biglang nangibabaw ang tinig na sumabat
sa usapan? Sino si Simoun? Sa pangingibabaw ni Simoun sa usapan, ano ang
nakagugulat nitong sinabi o naging suhestiyon ukol sa daanang mababaw at liku-liko?
* Sino ang bukod tanging nakapagbukas ng bibig at sumalungat sa kanya? At ano ang
kanyang sinabi? At sa mga nasabing ito ni Don Custodio, ano ang naging pagtugon ni
Simoun?
* Sa tingin ninyo, ang mga sinasabi bang ito ni Simoun ay kanyang tototohanin? Bakit
kaya niya ito ginagawa? Bakit pinadadaplisan niya ang mga ito?
* Kung kayo ang tatanungin, sa inyong palagay, ano ba alaga ang nais mangyari ni
Simoun?
* Sa kasalukuyang panahon, may mga tao pa bang katulad ni Simoun at ng mga Prayle ?
Anu-ano ang mga pagkakaiba at pagkakatulad nila ?
D. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 Eye Witness
Maging saksi sa mga mahahalagang pangyayari sa pinanood na video.
Sino-sino ang mga tauhan sa
video?
Anong klase ng paglalakbay
ang naranasan nila?

Paano naiiba ang Bapor Tabo


sa iba pang sasakyang
pandagat?

Bakit kaya iba-ibang uri ng


mga tao ang kasama sa
iisang bapor?
Ano ang sinisimbolo ng
Bapor Tabo noon at ngayon?

Pangkat 2 Bolang Kristal


Kung bibigyang pagkakataon na makita ang kalagayan ng mga taong nakasakay sa
Bapor Tabo, anong senaryo o ang mga pangyayari ang nais mong tahakin nila?

Pangkat 3 Hugot 101


Pagtibayin ang mga aral na iyong natutuhan buhat sa pinanood na video. Gumamit ng
mga makabuluhang HUGOT lines na may kaugnayan rito.
Pangkat 4 Magmamarka sa nagawang gawain

E. Pagpapahalaga
Sa lipunang ating ginagalawan, hindi maitatwa ang pagkakaiba-iba ng antas ng ating
pamumuhay. Pagnilayan: Ang lahat ay pantay-pantay sa mata ng Diyos at sa mata ng
tao.
F. Paglalahat
*Gamit ang eroplanong papel, ipapalipad ito ng guro sa mag-aaral at kung sino man ang
matamaan nito ilalahad ng mag-aaral ang natutuhan sa nobela.

G. Ebalwasyon
Exit card.
* Paghambingin ang mga tauhan sa kabanata sa mga tao sa kasalukuyang panahon.
IV. Takdang-Aralin
Basahin ang kabanata 3 at ilahad ang alamat sa isang buong papel.

You might also like