You are on page 1of 1

PANALANGIN NG PASASALAMAT

Panginoon, aming Makapangyarihan at Mapagmahal na Ama, ang aming mga puso ay


puspos ng galak sa hapong ito na ipinagkaloob Mo sa amin. Lahat po ng mga bagay na
Inyong ibinibigay sa amin ay patunay ng Inyong walang hanggang pagmamahal.
Salamat po sa isa na namang taong magtatapos, ganundin sa lahat ng mga kaalamang
aming natutunan.
Salamat po sa aming mga magulang, sa kanilang walang sawang pagsasakripisyo at
pagmamahal sa amin.
Salamat po sa aming mga guro, punong-guro at iba pang pinuno ng paaralan, sa
kanilang walang kapagurang pagtuturo sa amin ng ibat ibang kaalaman at
kagandahang-asal.
Salamat po sa aming mga kamag-aral at kaibigan, sa kanilang pagbibigay-buhay sa
aming paglalakbay.
Salamat po sa aming mahal na paaralan, sa kanyang pag-aaruga at pagbibigay ng
pangalawang tahanan.
Panginoon, marami po kaming pinagdaanan. Sa loob ng anim na taon, ibat ibang uri ng
problema ang aming naranasan. Naniniwala po kami, Ama, na sa aming paglalakbay sa
buhay, may mga pagsubok kaming kailangang lampasan. Bagamat minsan ay gusto
naming magtago, alam naming hindi ito maaaring takasan. Sapagkat sa Iyong
karunungan, ang mga bagyo, pasakit at mga paghihirap na ito ang siyang magiging
daan upang kami ay mas maging matatag at mabuting nilalang. Salamat po sa pagantabay sa amin.
Taos-puso po kaming humihingi ng tawad sa lahat ng aming kasalanan. Ang mga ito po
ay bunga ng aming karupukan. Tulungan Niyo po kaming hanapin ang kapayapaan at
yakapin ang kabutihan.
Sa araw pong ito ng aming pagtatapos, lubos po kaming nagpapasalamat Sainyo.
Buksan Niyo po ang aming mga mata upang makita ang kagandahan sa aming paligid.
Buksan Niyo po ang aming mga tainga sa pakikinig sa lahat ng mga mensaheng ibibigay
sa pagtitipong ito. Naniniwala po kami na ito ay galing sa Inyo. Buksan Niyo rin po ang
aming mga isipan upang piliin naming matutunan ang mga bagay na naaayon sa Inyong
kagustuhan. Higit sa lahat, buksan Niyo po ang aming mga puso, para mas lalo naming
mahalin ang mga bagay na ipinagkakaloob Niyo sa amin katulad ng aming pag-aaral.
Sa amin pong mga gagawing desisyon sa hinaharap, patuloy Niyo po kaming gabayan.
Naway gawin mo kaming mga instrumento upang ang Inyong pag-ibig ay patuloy na
manatili sa lahat ng panahon ng aming buhay.
Lahat pong ito ay aming ipinapanalangin, sa ngalan ng Iyong Anak na si Hesus. Amen.

You might also like