You are on page 1of 4

1

Pagbasa: Kahulugan at Kahalagahan


Ang pagbasa ay:

Ayon kay Dr. James Conan, ang pagbasa ay maituturing na pundasyon


sa edukasyon. Ito ang pinakamahalagang asignatura na dapat matutuhan
ng mga bata pagkat, kakaunti ang matutuhan nila kapag hindi muna nila
matutuhan ang wastong paraan ng pagbasa.
Ayon naman kay Strevenson, nakalalabas tayo ng bansa sa pamamagitan
ng pagbabasa. Ito ang daan para sa panibagong karanasan mula sa mga
nakaraang karanasan.
Ayon kay Toze, Ang pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon na
nagiging daan sa kabatiran at karunungan.
Ayon kina Lapp at James Fleed, ang pagbasa ay isang paraan sa pagkilala
ng nakalimabag na sagisag at pagbibigay kahulugan nito.
Ayon kay Francis Bacon, ang taoy nagiging ganap na ganap sa
pamamagitan ng pagbabasa. Walang hangganan ang kakayahan na
nalilinang ng pagbasa. Mula sa pagbabasa ay nakakukuha tayo ng sapat
na karanasan. At sa makabagong daigdig ang pagbabasa ay isang likas
na bahagi ng pag-unlad.
Ayon kay Russel, Ang pagbabasa ay hindi lamang pangkasiyahan o
libangan kundi isang paraan din ng pagpapaunlad sa sarili.
Ayon sa panayam ni Villamin, ang pagbasa ay lubhang mahalaga sa
ikakaunlad ng kaalaman o karunungan ng mga kabataan lalo na sa
panahon ngayong paunlad nang paunlad ang kabihasnan.
A. Bakit Mahalaga ang Pagbabasa?
Ang ating lipunan ay dumaranas ng tinatawag na Knowledge
explosion, dahil dito nararapat lamang na tayo ay patuloy na magbabasa
upang makayanan natin ang mga pagbabago na dulot ng phenomenon na
ito upang sa ganoon ay maiangkop natin ang ating sarili sa lipunan at
daigdig na ating kinakaharap at hinaharap.
Mahalaga ang pagbasa sapagkat;

2. 80% ng ating gawain sa pang-araw-araw ay nangangailangan ng pagbasa.


3. nagiging tiket sa paglalakbay sa mga lugar na nais mong marating,
pagkilala sa mga bantog at dakilang taong hindi mo nakikita.
4. naaantig ang iyong damdamin, nababago ang iyong saloobin, at layunin
sa buhay at nagsisilbi rin itong lunas sa iyong mga suliranin at kahinaan.
5. mainam na libangan o pagpapalipas oras.
6. solong tagapag-unay sa lahat ng kasangkapan sa pagkatuto ng mga
kabatiran ukol sa ibat ibang larangan ng pamumuhay.
III.

Hakbang sa Pagbasa (ayon kay William S. Gray)


1. Persepsyon o pagkilala pagkilala ito sa mga nakalimbag na simbolo at
kakayahang mabigkas ang salita bilang isang makahulugang yunit at
pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo.
2. Pag-unawa pag-unawa sa mga ideya at kaisipang ipinahahayag ng mga
simbolo o salitang nakalimbag.
3. Reaksyon kakayahang humatol o magpasya sa kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga sa mga isinulat ng awtor.
4. Integrasyon o asimilasyon pag-uugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga
nakaraan at bagong karanasan.

2
A. Pagbasa bilang proseso at produkto
May walong aspekto ang prosesong pagbasa na pinagsama-sama upang
makabuo ng produkto.
PROSESO
Sensory
Perseptwal
Sekwensyal
Pag-uugnay
Pangkaranasan
Pag-iisip
Pagkatuto
Pandamdamin

Produkto
Komunikasyon
Mga Bahagi ng Proseso sa Pagbasa
Ang mga sumusunod ay mahalagang aspekto sa proseso ng pagbasa;
1. Sensory matukoy ang simbolong nakikita
2. Perseptwal- matukoy ang kahulugan ng kayariang pragmatika ng mga
salitang nakasulat
3. Pag-uugnay makilala ang pagkakaugnay ng simbolo sa tunog ng salita
sa kinatawan nito.
4. Pangkaranasan- maiugnay ang mga salita sa tiyakang karanasan upang
mabigyang kahulugan.
5. Pag-iisip gumawa ng hinuha at mapahalagahan ang binasa
6. Pagkatuto maalala ang natutuhan sa nakaraang karanasan at maiugnay
ang bagong ideya at konsepto.
7. Pandamdamin maisaalang-alang ang sariling interes/kawilihan saloobin
at pagpapahalaga sa sarili sa nakaapekto sa gawaing pagbasa. Ayon kay
Frederick Mc Donald, ang gawaing pagbasa ay isang
kasanayangnangangailangan ng komplikadong prosesong kognitibo,
pansaloobin at manipulatibo.
Ang Produkto ng Pagbasa
Ang produkto ng gawaing pagbasa ay komunikasyon sa pag-unawa na
naimpluwensyahan ng ibat ibang aspekto sa proseso ng pagbasa.
Naaayon ang komunikasyon sa pag-unawa na naimpluwensyahan ng ibat ibang
aspekto sa proseso ng pagbasa.
Ang pagbasa ay binubuo ng maraming pinag-ugnay na mga karanasan tungo sa
pagbibigay kahulugan sa binasa.

MGA TEORYANG DAPAT BIGYANG PANSIN SA PAGBASA

3
A. Teoryang Istruktural
Naniniwala ang mga nagpapahalaga sa teoryang istruktural na ang
pagbabasa ay set ng mga kasanayan na dapat natutuhang mabuti na
mapag-ugnay ugnay ng isang mahusay na mambabasa. Sumasang-ayon
din sila na ang mga kasanayan ay dapat matutuhan ng bukud-bukod at
paisa-isa hanggang maging mabilisan at mapag-ugnay ugnay nang
maayos.
Nagbigay si David La Berge at S.J. Samuel ng isang modelo o
hulwaran sa pagkatuto ng pagbasa. Iminumungkahi nila na ang gawing
pagtuturo ng yunit ay maliit palaki at pagsama-samahin upang matutuhan
nang mabuti. Ayon sa kanila, ang pagkatuto ay mula sa letra, pantig at
salita.
Sinasabi ni Frank Smith(1978) na ang pagkatutong bumasa ay
nangangailangan ng impormasyong hindi biswal at hindi rin ito maituturo
pagkat produkto ito ng kanyang dating kaalaman. Ayon pa rin sa kanya,
natututong bumasa ang bata katulad ng pagkatuto niyang magsalita. Sa
teoryang pa ring ito sinasabing kailangang
bigyan ang mambabasa ng mga pagkakataon o kondisyon upang
makahikayat sa kanya na matutong bumasa.
B.1 . Proseso ng Pagbasa batay sa Teoryang Saykolinggwistiks
Ang nakuha ng mata na impormasyong biswal ay inihatid sa utak
kung saan ito ay binigyang kahulugan sa tulong ng dating kaalaman ( prior
knowledge) ng wika (tuntuning pangkayarian at nilalaman.). Ang unang
impormasyon ay nasa biswal na konpigurasyon ng pahina. Ang naguugnay sa konpigurasyong biswal (pang-ibabaw na kayarian) at sa
kahulugang semantika (malalim na kahulugan) ay ang sintaks o kayarian
ng pangungusap at ang pinagbabatayan ng buong proseso ay ang dating
kaalaman. Ang huling kalalabasan ng proseso ay ang pagtukoy sa
kahulugan.
Ayon kina Cooper at Petrosky, (1976) pinagsasama ng
saykolinggwistiks ang linggwistika at sikolohiyang kognitibo sa pagsusuri
at pag-unawa sa proseso ng wika at pag-iisip.

4
Bottom-up
(ibaba-pataas)

Kailangan
nakikilala ang bawat
salita sa teksto upang
maunawaan ang akda.

Top-down
(itaas-pababa)
Maaring maunawaan
ang teksto kahit na
hindi nakilala ang bawat
salita sa akda.

Kailangang
Kailangang magamit
magamit nang eksklusibo ang mga palatandaan
ang salita o mga
(cues) ng kahulugan at
palatandaan (cues) ng
gramatika bilang
tunog ng letra upang
karagdagan sa mga
matukoy ang mga di
palatandaang (cues)
kilalangsalita.
grapiko upang matukoy
ang mga di kilalang
salita.
Binibigyang diin
Binibigyang diin sa
ang mga letra,
ugnayan ng letra at
pagtuturo ng
tunog, at mga salita.
pagbabasa ang
pangungusap, mga

Mahalaga ang
talata at ang akda.
ganap na kawastuan
(accuracy) sa pagkilala Natatamo ang
ng mga salita.
kakayahan sa pagbasa
sa pamamagitan ng
Tinatawag ding
mga makabuluhang
gawain sa pagbasa,
pagkilala sa salita
pagsulat, pakikinig at
pagsasalita upang
Sa teksto (bottom)
matamo ang kakayahan
patungo sa tagabasa
sa pagbasa.
(up) nagsisimula ang
pag-unawa.
Mahalaga ang
Tinawag ito ni Smith pagbasa nang may
na outside-in o data kahulugan
driven dahil sa teksto
ang informasyon sa
pag-unawa at hindi sa
nagbabasa.

Iskema

Interaktibo

Mahalagang salik
sa pagbasa ang
papel ng dating
kaalaman

>Parehong
ginagamit ang
bottom-up at topdown

ito ay nagsasaad na
nakakaimpluwensya
nang malaki sa pagunawa kung ano ang
mga alam na o hindi
alam ng mambabasa

<ang impormasyon
mula sa teksto at mula
sa dating kaalaman ng
mambabasa ay
pinagtutugma.
Nagbubunga ang
pagkakatugma ng
kasiya-siyang
interpretasyon ng
teksto kung hindi
magkatugma ang pagunawa sa
impormasyon sa
teksto at ang dating
kaalaman ng
mambabasa, hindi
maganda ang bunga
nito hindi
mauunawaan ang
binabasa
Gayunpaman, ayon
kay Stanovich (1980)
ang kakulangan sa
alinman sa dalawang
hanguan ng kaalaman
(top-down o bottom
up) ay nagtutulak sa
isang mambabasa
upang higit na iasa
ang kanyang pagunawa sa isang
hanguan ng kaalaman.

mga uri ng iskema


- content o nilalaman
(tumutukoy sa mga
sistema ng tunay na
katotohanan, valyus
at kombensyong
kultural
- formal (tinatawag
ding tekstwal na
iskema, na may
kaugnayan sa
kaalamang retorikal
na istruktura ng teksto
at mga genre ng
panitikan.
-linggwistika
(tinatawag ding
iskema ng wika, na
tumutukoy sa
istruktura ng wika,
bokabularyo atbp.

You might also like