You are on page 1of 1

BUOD

May mga bagay na magkakaparehas ang dalawa o higit pang tao sa mundo kagaya ng
mga kagustuhan at daloy ng buhay. May mga bagay din sa buhay natin na nangyari na sa isang
tao pero mangyayari pa lang sa iba. Ang mga ito ay maaaring ibahagi sa iba bilang paalala sa
buhay para mapaganda kahit papaano ang buhay ng iba o para malaman nila ang personalidad ng
isang tao. Maaari rin itong ibahagi sa iba para matulungan ang isang tao sa kanyang mga
suliranin sa buhay. Sa pagbabahaging ito, mabibigyan ang isang tao ng mga maaaring solusyon
sa kanilang mga problema sa buhay. Kailangan lang tanggapin ng isang tao ng buong puso ang
mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay niya at mga komento ng iba ayon sa mga
naintindihan nila sa pagbabahagi ng kanyang mga karanasan sa buhay.
Ang Madamdaming Nobela ay nagpapahayag ng detalyadong impormasyon tungkol sa
buhay ng isang tao na nagngangalang Adrian Joven Yu Dizor. Nakasaad dito ang mga
kaganapan sa kanyang buhay sa pamilya, sa edukasyon at sa pag-ibig. Magsisimula ang
nobelang ito sa 1st Year High School life niya dahil dito nagsimula ang epikong parte ng kanyang
buhay. Dito rin siyang nagsimula umibig sa mga babaeng nagbigay ng insipasyon sa kanya.
Sinubukan niyang ligawan ang mga ito ngunit may mga humahadlang sa kanya sa bawat
hakbang na ginagawa niya. Wala siyang kaalam-alam sa tunay na layunin ng mga taong iyon
kaya patuloy lang siya sa ginagawa niya. Ito ay nagpatuloy-tuloy hanggang sa umabot sa
sukdulan ng kasingunalingan, pagpapanggap at pagtatago sa buhay. Umabot ito sa punto na
halos bumigay na siya sa kanyang buhay ngunit kailanman ay hindi siya nauubusan ng biyayang
binibigay sa kanya. Dito siya kumukuha ng lakas para maayos ang watak-watak na buhay niya
pero may mga punto na hindi pa siya handang talikuran ang lahat ng importanteng bagay, tao at
pangyayari sa kanyang buhay. Gayunpaman, hindi niya alam kung paano niya ito gagamitin sa
tama sapagkat naiisip niya na baka mangyayari nanaman ulit ang mga masasamang pangyayari
sa kanya noon kaya umiiwas siya sa mga sukdulang gawain. Ngunit, ang pag-iwas sa mga ito ay
nagbigay sa kanya ng takot sa pagkilos muli at ng malaking pinsala sa kanyang buhay. Hindi na
niya alam ang gagawin para umayos ang kanyang buhay. Umaasa na lang siya sa mga biyayang
darating sa kanya. Sa buhay, hindi lang dapat puro asa sa itaas kundi may gawa rin para mas
maramdaman ng isang tao ang biyayang natatanggap niya sa buhay. Mahirap panindigan ang
mga bagay na hindi talaga sa iyo galing ang lahat.
Tungkol naman sa edukasyon, marami siyang pinaghirapan sa pagpapasa ng lahat ng
kanyang mga asignatura sa bawat taon nito. Nagkaroon din siya ng mga problema sa mga grado
ng kanyang mga asignatura. Kapag may group project, naranasan niyang magkaroon ng kagrupo
na hindi gaano natulong sa kanya o kayay mapagbintang sa kagrupo niya. Gayunpaman,
nakakabuo pa rin ng proyekto sa bandang huli. Nagkaroon din siya ng mga karangalan sa ilang
mga pangyayari dito kaya mas mataas minsan ang kanyang mga grado.
Tungkol naman sa pamilya, hindi siya komportable sa mga kasamahan niya sa bahay
nung bata siya hanggang sa 2nd year college na siya. May mga gusto kasi siya na ayaw ng
magulang niya. Hindi rin buo ang tiwala ng bawat isa sa pamilya niya dahil hindi nila matanggap
ng buo ang mga kahinaan nila. May sari-sariling mundo din minsan ang bawat isa sa pamilya
niya. Gayunpaman, nagkakaroon pa rin ng pagtutulungan, pagkakaisa at pagmamahalan ang
kanyang pamilya kapag dumarating ang mga pagsubok at pagdiriwang sa kanilang buhay.

You might also like