You are on page 1of 20

BHUTAN

Ang Bhutan ay isang bansang walang pampang na kabilang sa Timog Asya.


Napaliligiran ito ng bansang Tsina sa hilagang bahagi, at napaliligiran naman ito ng bansang India sa timog, silangan, at kanlurang bahagi nito.
Sa proyektong ito ipapakita ang ibat ibang kultura, tradisyon, kasuotan,
pagkain at paniniwala ng mga taong naninirahan sa bansang Bhutan.

Ipapakita sa mga susunod na pahina ang kultura at mga tradisyon ng Bhutanang kanilang musika, laro, at mga kaugalian na matagumpay nilang
naipreserba mula sa sinaunang panahon.

Ang Bhutanese music ang may tradisyonal na gentres tulad ng

Zhungdra , Boedra at modern gentres tulad ng Rigzar.

Dzongkha ang tawag sa opisyal na lenggwahe ng Bhutan.

Kadalasang kumakain ang mga Bhutanese gamit ang kanilang mga

kamay. Ang mga kababaihan ang kadalasang naghahanda ng mga


pagkain. Bago sila kumain, nagdadasal sila at nagbibigay sila ng mga
alay para sa kanilang mga Diyos.

Driglam Namzha ang tawag sa pagpepreserba ng kultura at


tradisyong Bhutanese. Ito ay mga tuntunin sa kung ano ang dapat
suotin, paano kumain, at kung paano magbigay-galang sa mga

nakakatanda

Ang mga mamamayan ng Bhutan ay may sinusunod na National Dress

Code o mas kilala bilang Driglam Namzha, alinsunod sa alituntunin ng kanilang pamahalaan. Ipinatupad ito ng pamahalaan upang lalo pang
mapagtibay ang kanilang kultura alinsunod ng modernisasyon.

Ang pambansang kasuotan ng mga lalaki sa Bhutan ay tinatawag na


Gho. Ito ay isang balabal na abot hanggang tuhod ang haba at may
nakatali itong sinturon. Itinitiklop ito sa paraang makakagawa ito
ng bulsa sa harap ng tiyan.

Ang mga babaeng Bhutanese naman ay may pambansang kasuotan


na tinatawag na Kira. Ito ay isang makulay na blusa na kanilang
itinitiklop at itinatali ng mahigpit ng isang malaking parihabang tela, na nakakagawa ng damit na abot hanggang sa bukong. Ito ay kadalasang gawa sa sutla.

Kadalasang mayroong red rice ang putaheng Bhutanese. Ang red rice
ay kahalintulad din ng ating brown rice ngunit ito ay mayroong lasang
mani. Ang manok, baboy, pinatuyong baka, karne ng yak, at karne ng tupa ang mga karneng madalas nilang kainin. Mahilig din sa mga maiinit na
pagkain ang mga Bhutanese, lalo na kung malamig ang panahon, dahil nga
ito ay nagbibigay ng mainit na pakiramdam sa tiyan.

Ang Bhutanese red rice ay isang uri ng bigas na karaniwang inaani

mula sa silangang Himalayas. Ito ang pangunahing bigas ng mga Bhutanese. Mas mabilis ito maluto kaysa sa brown rice at kapag ito ay
naluto, ito ay may mala-rosas na kulay,, malambot, at medyo
malagkit.

Ang Ema Datshi ang pambansang pagkain ng Bhutan. Ang salitang


Ema ay nangangahulugang sili, at ang salitang Datshi ay
nangangahulugang keso. Sa medaling salita, ang Ema Datshi ay gawa
sa sili at keso. Madalas itong ipinapares sa magkahalong Bhutanese
red rice at puting bigas.

Ang tradisyonal na pagkaing Jasha Tshoem ay tinaguriang Bhutanese


Chicken Curry.. Gawa ito sa karne ng manok,, sibuyas, luya at isang
klase ng luntiang sili na matatagpuan lamang sa Bhutan.

Ang Jasha Maru, o ang Bhutanese lentil soup, ay isa ring tradisyonal
na pagkaing Bhutanese. Gawa ito sa tinadtad na manok, kamatis, at
iba pang mga sangkap.

Ang Ara ang tradisyonal na inuming alcohol mula sa Bhutan. Maaaring


ito ay ginawa mula sa bigas, mais, o trigo, at maaaring ito ay naferment na o hindi. Ito ay karaniwang malinaw o may halong puting

kulay.

Ang mga Bhutanese ay may sarili ring mga paniniwala. Sa mga susunod
na pahina, ipapakita ang ibat ibang paniniwalang Bhutaneseang kanilang relihiyon, mga pananaw sa pulitika, at ang turing nila sa mga kababaihan.

Mahayana Buddhism ang pangunahing relihiyon ng mga Bhutanese.


Ipinakilala ang relhiyong Buddhism sa Bhutan noong ika-pitong siglo.

Ang Bhutan ay itinuturing bilang isang constitutional monarchy, ibig


sabihin, ang hari nila ay simbolo lamang/nirerepresenta ang kanilang
pamahalaan. Ang parlamento ang tunay na may kakayahang gumawa at

magpasa ng batas.

Ang mga babae sa Bhutan, bagaman mas mababa ang katayuan sa mga

kalalakihan, ay may halos pantay na karapatan sa mga kalalakihan.


Nakakapag-aral at nakakapagtrabaho ang mga kababaihan doon. At kadalasang pinapahalagahan ang mga kababaihan sa kanila dahil sila ang

inaasahang mag-aalaga sa mga nakakatanda.

PANGKAT 1

You might also like