You are on page 1of 2

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

PROPOSED ACTIVITY PLAN FOR THE DIOCESE OF SAN PABLO


JUBILLEE YEAR CELEBRATION FOR THE YOUTH (MAY 2016)
Proposed Activity for the Youth
Theme:Pasasalamat, Pagpapalaganap at Paghahangad sa Paghahari ng Diyos sa ating Diyosesis.
Month: May 2016
Panimula: Ang Programang ito na inilapat at binalangkas para sa mga kabataan ng Diyosesis ng
San Pablo sa kanyang pagdiriwang ng ika-50 taon ng hubilehiyo ay binubuo ng Tatlong Bahagi kung
saan ang mga Kabataan sa ibat ibang Parokya o kumunidad nanabibilang dito ay ang prayoridad
at siyang magiging pangunahing tatanggap ng mga inihandang Gawain.
Unang Bahagi:
Gawaing Pang-Parokya Pagsasagawa ng TANDA NG KALIGTASAN
Date: May 1 - 13, 2016

Ang bawat ministeryong pangkabataan ng bawat parokya sa diyosesis ay pipili ng


limampung (50) pamilya nanasasakupan ng kani-kanilang mga parokya. Ilan sa mga
pamantayan sa pagpili ng mga pamilya ay ang mga sumusunod:
o Hindi kinakailangan na ang mga pamilya ay kabilang sa Simbahang Katolika. Kung hindi
man Katoliko ang napiling pamilya, nararapat lamang na maging bukas pa rin sila sa
mga rito na gagawin ayon sa turo ng Simbahang Katolika.
o Ang programang ito ay bukas sa lahat ng pamilya anuman ang kalagayan ng kanilang
pamumuhay. Ngunit mas hinihikayat na tuluyan ang mga tahanan ng ating mga kapatid
na mas nangangailangan at hindi nakakaangat sa buhay.
o Iminumungkahi na ang mga pamilya ay hindi kinabibilangan ng mga taong naglilingkod
sa simbahan.
Isang krus ang ibibigay sa bawat pamilya bilang tanda ng kaligtasan (kahalintulad ng
naisusulat sa Exodo), kalakip nito ay isang rito sa pagbabahagi ng kaligtasan na hatid ng
ating Panginoon.
Ang pagpili at pagbisita sa mga pamilya ay gagawin sa loob ng dalawang (2) linggo (May 114, 2016). Wala naming eksaktong bilang ng pamilya ang kailangang mabisita sa isang araw,
ang importante ay maipamigay ang lahat ng limampung (50) krus sa nasabing panahon.
Tatlumpu (30) dito ay ihahatid sa mga pamilya mula May 1-13, 2016. Ang dalawampu (20)
naman ay ihahatid sa May 14, 2016 (bago ang umpisa ng Vicariate Assembly), ang lokasyon
ng 20 na pamilya na ito ay dapat patungo sa direksyon ng lugar o parokya na
pagsasagawaan ng Vicariate Assembly sa bawat bikarya.

Ikalawang Bahagi:
Gawaing Pang-Bikarya ANG DAAN TUNGO SA KALIGTASAN (patterned to EXODUS)
Date: May 14, 2016 (Saturday) * 11:00 7:00PM
11:00-1:00 Arrival of Pilgrims
Ang mga Kabataang dadalo kada Parokya ay magkaroon ng iisang tukoy na lugar sa bikarya upang
magsama-sama para sa Vicariate Assembly na may temang TIPAN: Pagtawag, Pagsugo,
SPYC Youth Center: (049) 302 0153 | lagunaspyc@gmail.com

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

Pagtawid. Sa oras na ito isasagawa ang natitira pang TANDA NG KALIGTASAN para sa napiling 20
na kabahayan/pamilya na ang lokasyon ay nasa direksyon patungo sa central venue kung saan
magaganap ang Vicariate Assembly.
1:00-1:30 Settling Down
Pagdating ng mga Kabataang dadalo sa central venue para sa Vicariate Assembly.
1:30-1:45 Welcoming and Orientation
Para sa maayos na Daloy ng Programa, maaring magbigay ng maikling panimula at ilahad ang mga
gawain gayundin ang mga importanteng partisipasyon na gaganapanan ng bawat dadalo.
1:45-2:45 Opening Prayer, 1st Session and Workshop PAGTAWAG"
Pagbibigay diin sa buhay sa Ehipto at kung paano, tulad ni Moises, tayo ay tinatawag ng Diyos sa
kabila ng ating mga kahinaan.
2:45-3:00 Break
3:00-4:00 2nd Session and Workshop PAGSUGO
Pagbabalik-tanaw, pagbabahagi at pagpapatunaynatayo ay sinugo ng Diyos at hindi Niya tayo
pinabayaan. Pipili ng isang lider-kabataan (kung maaari ay mula sa bikarya) na magbabahagi ng
kanyang karanasan sa pagsugo ng Diyos sa kanya at mga pagkakataong naramdaman niyang siyay
hindi pinabayaan ng Diyos.
4:00-5:00 3rd Session and Workshop PAGTAWID
Bigyang diin ang Konsepto ng Kaligtasan at pagtawid ng mga Israelita paalis ng Ehipto. Ang
Makamitang Tunay na Kaligtasan sa paghahangad na matagpuan ang Kaharian ng Diyos. Tayo ay
Kanyang tinawag, sinugo upang makatawid sa tamang landas patungo sa Kanyang Tipan.
5:00-6:00 Closing Celebration and Preparation for the Holy Mass
Maaring magkaroon ng Selebrasyon, nasa mga magpapadaloy kung paano nila bibigyang buhay ang
selebrasyong ito. Maaring may Kainan, may awitan, sayawan, o anu pa mang makabuluhang
pagdiriwang ang nais gawin na akma parin sa temang tinatalakay.
6:00-7:00 Community Mass
Matatapos ang programa sa isang banal na misa.
7:00 HOME SWEET HOME
Ikatlong Bahagi:
Gawaing Pang-Diyosesis DIOCESAN Youth Empowerment Summer Camp (YES Camp) 2016
Date: May 19 - 22, 2016
Theme: LAKBAYAN ATBP
(Lakad Kabataan Bago Yan Alis, Tawid sa Bagong Pagdating!)

SPYC Youth Center: (049) 302 0153 | lagunaspyc@gmail.com

You might also like