You are on page 1of 11

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

TIPAN

PAGTAWAG, PAGSUGO, PAGTAWID


(Youth-led Activity for the Diocesan Jubilee Celebration)

OPTIONAL FILM SHOWING:


The Prince of Egypt
Exodus Gods and Kings

(1 oras and 45 minuto)


(2 oras and 30 minuto)

NEEDED AVPs/Songs:
Yahweh, the Faithful One (AVP)
Pilgrims Theme (AVP)
NEEDED MATERIALS:
Worksheet #1
Red Cartolina (1 per 6 participants)
PAGKALAHATANG IDEYA

(5 minuto)

Ang ibig sabihin ng pamagat na Exodo ay "pag-alis," at tumutukoy ito sa pinakamahalagang


pangyayari sa kasaysayan ng Israel, ang pag-alis at paglaya nila mula sa pagkaalipin sa Egipto.
May apat na pangunahing bahagi ang aklat na ito: 1) ang pagpapalaya sa mga Hebreo mula sa
pagkaalipin; 2) ang kanilang paglalakbay patungo sa Bundok ng Sinai; 3) ang pakikipag-tipan ng
Diyos sa kanyang bayan kung saan ibinigay sa kanila ang mga kautusang moral, sibil, at
panrelihiyon upang maging gabay sa pamumuhay, at 4) ang pagtatayo ng dakong sambahan at
paglalagay ng mga kagamitan dito, at ang pagbibigay ng mga tuntunin tungkol sa mga pari at sa
pagsamba sa Diyos.
Higit sa lahat, inilalarawan ng aklat na ito kung ano ang ginawa ng Diyos nang palayain niya ang
Israel at gawin silang isang bansa.
Ang pangunahing tauhan sa aklat na ito ay si Moises, ang lalaking hinirang ng Diyos upang
pangunahan ang kanyang bayan sa paglaya mula sa Egipto. Ang pinakabantog na bahagi ng aklat ay
ang Sampung Utos.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN AT AWIT

(10 minuto)

Tayo nang makilakbay kasama ang mga tapat na lider at lingkod ng Panginoon sa pamamagitan ng
ating Pambungad na Panalangin at Awit. Ating damhin ang walang wagas na pagmamahal sa atin
ng Panginoon at ang palagian Niyang pagtupad sa Kanyang mga pangako sa atin, mula noon
hanggang ngayon.
1

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

AWIT: Yahweh, the Faithful one. (AVP)


PANALANGIN:
Ama naming mapagmahal, papuri at pasasalamat ang iniaalay namin sa Iyo sa pagkakataong ito na
ibinigay Mo sa amin upang magsama-sama sa pagsamba sa Iyo at magnilay sa Iyong mga Salita
bilang isang sambayanan. Ikinagagalak ng aming mga puso na mai-alay ang sandaling ito upang
makatagpo ka kasama ng aming mga minamahal na mga kapatid. Gabayan po ninyo kami upang
maunawaan namin ang mensaheng nais ninyong ipaabot sa amin sa pamamagitan ng mga salita
Ninyo na aming pagninilayan. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, kasama
Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Exodo 3: 1-22
Tinawag ng Diyos si Moises
Samantala, habang nagpapastol si Moises ng kawan ng biyenan niyang si Jetro na pari sa
Midian, itinawid niya ang kawan sa gawing kanluran ng disyerto at nakarating siya sa Sinai, a ang
Bundok ng Diyos. Doon, ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kanya na parang apoy na
nagmumula sa gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ang puno
ngunit hindi nasusunog. Kaya't nasabi niya sa kanyang sarili, "Nakakapagtaka naman ito! Titingnan
ko ngang mabuti kung bakit hindi iyon natutupok gayong nagliliyab." Nang lalapit na si Moises,
tinawag siya ni Yahweh buhat sa nagliliyab na punongkahoy, "Moises, Moises."
"Ano po iyon?" sagot niya.
Sinabi ng Diyos, "Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na
lugar ang kinatatayuan mo. Ako ang Diyos na sinamba ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham,
ni Isaac at ni Jacob." Tinakpan ni Moises ang kanyang mukha sapagkat natatakot siyang tumingin sa
Diyos.
Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio ang aking
bayan. Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko ang kanilang pagdaing. Kaya't bumaba
ako upang sila'y iligtas, ilabas sa Egipto at ihatid sa lupaing mainam, malawak, mayaman, at sagana
sa lahat ng bagay. Ito'y ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo.
Naririnig ko nga ang pagdaing ng aking bayan at nakikita ko ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng
mga Egipcio. Kaya't papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayang
Israel."
Sumagot si Moises, "Sino po ako para humarap sa Faraon at ilabas ang bayang Israel
mula sa Egipto?"

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

"Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako
ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto
ang aking bayan," sabi ng Diyos.
Sinabi ni Moises, "Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang ako'y sinugo ng
Diyos ng aming ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko kung itanong nila kung sino ang nagsugo sa
akin?"
Sinabi ng Diyos, "Ako'y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang
pangalan ay 'Ako Nga'. Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga
ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin
magpakailanman.
Lumakad ka na at tipunin mo ang mga pinuno ng Israel. Sabihin mo sa kanilang nagpakita
ako sa iyo, akong si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.
Sabihin mong ako'y bumaba at nakita ko ang ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. Dahil dito, ilalabas
ko sila sa bansang iyon na nagpapahirap sa kanila. Dadalhin ko sila sa isang mayaman at
masaganang lupain; ang lupain ng mga Cananeo, ng mga Heteo, ng mga Amoreo, ng mga Perezeo, ng
mga Hivita at ng mga Jebuseo.
"Papakinggan ka ng aking bayan. Pagkatapos, isama mo ang mga pinuno ng Israel at
pumunta kayo sa Faraon. Sabihin mong si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, ay nagpakita sa iyo at
kayo'y maglalakbay ng tatlong araw papunta sa ilang upang maghandog sa akin. Alam kong hindi
siya papayag hangga't hindi siya ginagamitan ng kamay na bakal. 20 Kaya't paparusahan ko ang
buong Egipto sa pamamagitan ng mga kababalaghan. Pagkatapos, papayagan na niya kayong
umalis."
Idinugtong pa ng Diyos, "Pagagaanin ko sa inyo ang loob ng mga Egipcio upang may madala
kayo pag-alis. ng inyong mga kababaihan ay manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa
kanilang mga Egipciong kapitbahay at sa sinumang Egipciong babaing kasama nila sa bahay.
Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Sa ganitong paraan ay mapapasa-inyo ang ariarian ng mga Egipcio."

SESSION 1: PAGTAWAG

(45minuto)

PAGPPROSESO NG TANDA NG KALIGTASAN:

(10 minuto)

Bigyan ng diin angPagpapahirap/Pag-aalipin sa mga Israelita sa Ehipto, ihalintulad ito sa karansan


nila sa pagbibigay ng TANDA NG KALIGTASAN. Maaari ring mag-isip ang mga magpapadaloy na
pahirapan, gutumin, o bigyan ng mga pagsubok ang mga kabataang dadalo.Bigyang diin ang
Konsepto ng Pagka-Alipin dahil dito magsisimula ang ideya ng daloy ng Programa. Maaring ikonekta ang konsepto ng Pagka-Alipin sa pang-kasalukuyang Panahon na kung saan ang mga
kabataan ay ang mga Kasalukuyang Hudyo sa ating Panahon. Sila ay Alipin ng Pera, Midya,
Kasikatan, Karahasan, Pang-aabuso, at marami pang porma at mukha ng pagka-alipin.

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

ACTIVITY 1: Sino Ako? Ang aking kalakasan at ang aking kahinaan

(20 minuto)

TAGUBILIN:
1. Ang bawat kabataan ay bibigyan ng Worksheet #1
2. Magninilay at isusulat ng participant ang kanyang kahinaan at kalakasan bilang indibidwal
3. Big Group Sharing
PAGPOPROSESO:

(15 minuto)

Sumagot si Moises, "Sino po ako para humarap sa Faraon at ilabas ang bayang Israel mula sa
Egipto?"
Ang bawat isa sa atin ay may kakayahan, kabutihan at kahusayan. Ito marahil ang kailangan lang
nating hanapin at paghusayin habang tayo ay nabubuhay. Ito na rin ang puede nating gawin bilang
pagbibigay halaga at pasasalamat sa ating Maylikha para sa Kanyang kabutihan sa atin.
Bilang kabataan, minsan tayo ay pinanghihinaan ng loob dahil nakikita nating mas magaling ang
iba, mas maganda, mas maputi, mas matangkad, mas matalinopag minsan, sa ating pagtingin sa
kahusayan ng iba ay atin ng nakakalimutan na tayo ay may sarili ring kakayahan at kagalingan na
wala sa iba. Ang kagalingang ito ay dapat nating pagyamanin at gamitin sa tama.
Katulad ni Moises, nag-atubili siya noong una siyang tinawag ano nga kaya ang puedeng mangyari
kung tayo lamang ay tutugon sa tawag ng ating Panginoon?

SESSION 2: PAGSUGO

(1 oras)

ACTIVITY: Hindi Niya ako Pinabayaan


TAGUBILIN:

(45 minuto)

1. Plenary sharing (Pumili ng isang lider-kabataan na magbabahagi at handa sa kanyang


presentasyon) 30 minuto
2. Magkaroon ng DYADkung saan magbabahaginan sila ng isang hindi makakalimutang
karansan na nasabi nila sa kanilang sarili na hindi sila pinabayaan ng Diyos at ipagdarasal
nila ang bawat isa. 15 minuto
PAGPOPROSESO:

(15 minuto)

"Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang
nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang
aking bayan," sabi ng Diyos.

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

Dahil na rin siguro sa ating hindi pagtitiwala sa sarili minsan ay hindi rin tayo makapaniwala pag
nakakarinig tayo ng pagsugo mula sa Panginoon. Yung alam mo ng tinatawag ka Niya para sa isang
misyon ay hindi mo na lang muna papansinin kasi akala mo hindi mo kakayan, akala mo may mas
magaling, akala mo mas magiging magaan ang lahat kung hindi mo na lang papansinin ang
pagtawag Niya.
Subalit ganun ba talaga tayo magbalik sa isang napakabuti at mapagmahal na Panginoon? Sinugo
Niya ang bawat isa dahil kilala Niya tayo at alam Niya ang ating kabutihan at kakayahan, dahil Siya
ang lumikha sa atin. Nilikha Niya tayo angat sa lahat ng nilalalang Niya dahil tayo ay may
kakayahang mag-isip at makaramdam kung ano ng aba ang dapat at tama nating gawin, hindi
lamang para sa ating sarili kundi para sa kapwa, lalo na sa labis na nangangailangan.
Kung sa ating pagbabalik-tanaw ay nakaranas tayo na hindi Niya tayo pinabayaan kahit sa mga
akala nating imposible, malamang ay ganun din angating haharapin sa mga pagsubok na ating
nararansan ngayon at mararanasan pa. Kailangan lang talaga nating manalig sa Kanya. Kung sinugo
tayo ng Panginoon mismo, tatanugin mo pa ba kung bakit ikaw? Isasagot lang siguro sa atin ng
Panginoon, Bakit naman hindi? Ikaw ang aking anak, ikaw ang aking nilikha, sinusugo kita dahil
kilala kita at ang iyong kakayahang magbago at maging instrumento ng pagbabago ng iba.
SESSION 3: PAGTAWID

(1 oras)

ACTIVITY: PAGTAWID

(30 minuto)

TAGUBILIN:
1. Bumuo ng grupo na pantay ang numero ng babae at lalaki. (3 babae at 3 lalaki)
2. Bigyan ng 2 RED CARTOLINA ang bawat grupo. Bawal itong masira.
3. Ang bawat grupo ay may kahinaan. (Pilay, Bulag, Pipi, Bingi, Makasalanan, Mahina ang
Loob).
4. Kailangang lagyan ng bandana ang pilay sa binti, ang bulag sa mata, ang pipi sa bibig.
5. Kailangang makatawid ang grupo na hindi lumalampas sa RED CARTOLINA.
6. Halinhinang gagamitin ng grupo ang RED CARTOLINA.
7. Sa tuwing didikit sa sahig ang anumang parte ng katawan ng sinuman sa grupo ay
kailangang bumaik ng lahat sa starting point.
8. Pag nakarating ang grupo sa Finish Line ay ipabasa ito:
Sinabi ng Diyos, "Ako'y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na
ang pangalan ay 'Ako Nga'. Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng
inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang
itatawag nila sa akin magpakailanman.
9. Pagbabahagi sa malaking grupo.

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

PAGNINILAY AT PAGPOPROSESO

(30 minuto)

May mga panahon talaga sa buhay ng tao na ang buhay ay nagiging mahirap at dahil ditoy
pakiramdam ng tao ay malayo ang Diyos sa kanya. Katulad na lamang noong panahon ni Moises
kung saan nahirapan din talaga ang mga Israelita sa kanilang pagtawid. Hindi naging madali ang
lahat. Ating pagnilayan ang mga pangyayari sa disyerto noon at sa ating buhay ngayon.
a. Disyerto at Ikaw
Kalimitan, ang ating mga problema at pagsubok sa buhay ay nangyayari dahil na rin saating mga
maling desisyon. Alam na nga nating mali at hindi tama, ipipilit pa. Alam naman nating bahagi ng
buhay natin ang kaunting hindi kaginhawan at pagsubok pero minamasama pa natin. Puro tayo
reklamo. Puro tayo daing. Wala naman tayong ginagawa!
Ang mahirap dyan, nakakalimutan natin na dapat tayong maging responsible sa ating sarili.
Kaakibat nito ang bawat galaw, salita at desisyon. Panahon na rin siguro na huwag nating isisi sa
iba, lalo na sa Diyos, kung tayo ay nagdurusa. Baka sa huli, tayo rin pala talaga ang nagkulang.
b. Disyerto at Paglalakbay
Sinabi sa Salmo 23:4, Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong
katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay
nagsisialiw sa akin.
1. MAGHANAP
Hanapin palagi ang presensiya ng Panginoon sa lahat ng bagay.
2. MAKINIG
Makinig palagi sa bulong ng Panginoon at sa Kanyang pagtipan sa atin.
3. MAGTIWALA
Matuto sana tayong magtiwala sa plano para sa atin ng ating Panginoon.
Ito ay ang Salita ng Diyos para sa aking buhay sa lugar na ito at sa oras na ito . Ngayon Ako ay isang
bagong nilalang kay Kristo, ako ay sa Diyos, at nananampalataya ako na ako ay may layunin sa aking
buhay.
Ako ay Kanyang tinawag, sinugo upang makatawid sa tamang landas patungo sa Kanyang Tipan.

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

PANGWAKAS NA PANALANGIN

(15 minuto)

PAGBASA: Exodo 4: 1-31


Sinugo ng Diyos si Moises
Itinanong ni Moises, "Anong gagawin ko kung hindi makinig sa akin ang mga Israelita at hindi
maniwalang nagpakita kayo sa akin?"
"Ano iyang hawak mo?" tanong sa kanya ni Yahweh.
"Tungkod po," sagot ni Moises.
"Ihagis mo sa lupa!" utos ni Yahweh. Inihagis nga ito ni Moises sa lupa at ito'y naging ahas, kaya't
siya'y tumakbong palayo. Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Hawakan mo sa buntot ang ahas." Hinawakan
nga ni Moises at ito'y naging tungkod muli. "Ganyan ang gagawin mo para maniwala silang
nagpakita ako sa iyo, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob," sabi
ni Yahweh.
"Ipasok mo ang iyong kamay sa damit mo, sa tapat ng iyong dibdib," utos ni Yahweh. Gayon nga ang
ginawa ni Moises at nang ilabas niya, ito'y nagkaroon ng sakit sa balat na parang ketong na
kasimputi ng niyebe. "Ipasok mo uli," utos ni Yahweh at sumunod naman si Moises. Nang ilabas
niyang muli ang kanyang kamay, nagbalik na ito sa dati. Sinabi ng Diyos, "Kung ayaw ka pa nilang
paniwalaan sa unang kababalaghan, malamang na paniniwalaan ka na nila sa ikalawa. Kung ayaw
pa rin nilang makinig sa iyo, kumuha ka ng tubig sa Ilog Nilo, ibuhos mo sa lupa at ang tubig na iyon
ay magiging dugo."
Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Panginoon, sa mula't mula pa'y hindi po ako mahusay magsalita.
Bagama't nangusap ka na sa akin, hanggang ngayo'y pautal-utal pa rin ako kung magsalita."
Sinabi ni Yahweh, "Sino ba ang gumagawa sa bibig ng tao? Sino ang may kapangyarihan para
maging bingi o pipi ang isang tao? At sino rin ba ang nagbibigay ng paningin at nag-aalis nito? Hindi
ba't akong si Yahweh? Kaya nga, lumakad ka na at tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo
ang iyong sasabihin."
"Yahweh, maaari po bang iba na lang ang inyong suguin?" sagot ni Moises.
Dahil dito, nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, "Hindi ba kapatid mo ang Levitang si Aaron?
Alam kong mahusay siyang magsalita. Darating siya at makikipagkita sa iyo; matutuwa siya sa
pagkikita ninyo. Kausapin mo siya at sabihin mo ang lahat ng dapat niyang sabihin. Tutulungan ko
kayo sa pagsasalita at ituturo ko sa inyo ang inyong dapat gawin. Siya ang magiging tagapagsalita
mo sa mga tao at ikaw ang magiging tagapagsalita ng Diyos na magsasabi naman sa kanya kung ano
ang sasabihin niya. Dalhin mo ang iyong tungkod sapagkat iyan ang gagamitin mo sa paggawa ng
mga kababalaghan."

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

Bumalik si Moises sa Egipto


Umuwi si Moises upang magpaalam sa biyenan niyang si Jetro. Sinabi niya, "Babalik po ako sa
Egipto. Dadalawin ko po ang aking mga kamag-anak doon para malaman ko naman kung buhay pa
sila." Pumayag naman si Jetro.
Matapos magpaalam, sinabi ni Yahweh kay Moises, "Magbalik ka na sa Egipto sapagkat patay nang
lahat ang mga taong ibig pumatay sa iyo." Kaya, isinakay niya sa mga asno ang kanyang asawa't mga
anak at naglakbay sila patungong Egipto; dala niya ang kanyang tungkod.
Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Pagdating mo sa Egipto, gawin mo sa harapan ng Faraon ang mga
kababalaghang ipinagagawa ko sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihang gawin ang mga ito. Ngunit
patitigasin ko ang puso niya upang hindi niya payagang umalis ang mga tao. Kung magkagayon,
ganito ang sabihin mo sa kanya: 'Ipinapasabi ni Yahweh, Ang Israel ay aking anak na panganay. 23
Payagan mo siyang umalis para sumamba sa akin. Kapag hindi mo pinayagan, papatayin ko
ang iyong panganay.' "
Isang gabi, samantalang namamahinga sina Moises sa kanilang paglalakbay patungong Egipto,
nilapitan siya ni Yahweh at pinagtangkaang patayin. Kaya't kumuha si Zipora ng isang matalim na
bato at tinuli ang kanyang anak. Pagkatapos, ipinahid niya sa mga paa a ni Moises ang pinagtulian,
saka sinabi, "Tunay ngang asawa na kita sa pamamagitan ng dugo ng pagtutuli." 26 Dahil dito,
hinayaan ni Yahweh na mabuhay pa si Moises. Kaya, sinabi ni Zipora kay Moises, "Naging asawa
kita sa pamamagitan ng dugo ng pagtutuli."
Samantala, sinabi ni Yahweh kay Aaron, "Salubungin mo sa ilang si Moises." Sinalubong nga niya si
Moises sa Bundok ng Diyos at hinagkan niya nang sila'y magkita. Sinabi ni Moises kay Aaron ang
lahat ng sinabi sa kanya ni Yahweh, pati ang mga kababalaghang ipinagagawa sa kanya. At
magkasama silang lumakad upang tipunin ang mga pinuno ng Israel.Lahat ng sinabi ni Yahweh kay
Moises ay sinabi ni Aaron sa kanila. Pagkatapos, gumawa si Moises ng kababalaghan sa harapan nila
at naniwala ang buong bayan. Nang marinig nilang sila'y dinalaw ni Yahweh at hindi lingid sa kanya
ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio, yumuko sila at sumamba kay Yahweh.
PANALANGIN:
Panginoon, tinutupad Mo ang iyong pangako mula noon hanggang ngayon. Nananampalataya kami
sa Iyo at nananalangin. Kayo na po ang bahalang magpuno sa aming kahinaan. Patawarin Ninyo po
kami sa aming pagkakasala sa sarili at sa kapwa. Ilayo Ninyo po kaming palagi sa tukso,
pagsasawalang-bahala at pagkabulag sa katotothanan. Bigyan Ninyo po kami palagi ng lakas ng loob
at katawan lalo na sa panahong kamiy nanghihina sa pagsunod sa Iyo at sa misyong iniasa Mo sa
amin.
Maraming salamat Panginoon dahil sa kabila ng aming kahinaan ay tinawag at sinugo Niyo pa rin
kami at pinagkatiwalaan. Amin po itong babaunin saan man po kami dalhin ng aming mga paa
habang tinutuloy po naminangaming misyon bilang Iyong lingcod-kabataan.

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

Gabayan Ninyo po kami sa aming araw-araw na paglalakbay sa buhay naming puno ng disyerto.
Ikaw po Panginoon ang aming pag-asa at nabubuhay kami sa pangako Mong hindi Mo kami
pababayaan sa bawat pagtawid sa aming buhay.
Salamat po Panginoon. Hanggang sa muling misyon.
Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Lualhati sa Ama.
Amen

AWIT: Pilgrims Theme (AVP)

RESOURCES:
http://www.angbiblia.net/exodo.aspx
https://www.google.com.ph/webhp?sourceid=chrome-instant&ion=1&espv=2&ie=UTF8#q=english%20tagalog%20translation
http://panalangindasaltagalog.blogspot.com/2012/09/dalangin-bago-magsimula-ang-isang.html
9

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

ADDITIONAL READING FOR THE FACILITATOR


THE CONVENANT
The theme of COVENANT began with the promise made to Abraham, continued on with Moses, and was fully
revealed in the life and person of Jesus Christ. God is in covenant relationship with us today. It is the same
covenant that began with Abraham, was fulfilled in Jesus, and continues to be lived by people of faith
throughout the ages. God promises to be with us. That covenant relationship is experienced each day as
people of faith live in the risen presence of Jesus. One need look no further than the sick bed of a dying child
to find a mother sustained by the presence of their living God.
The covenant made with Abraham and Moses and fulfilled through Jesus continues today as people live in
radical, reciprocal relationship with the living God. This relationship is ratified and renewed as people live in
biblical justice. Biblical justice demands that one love the Lord God with ones whole heart, soul, and entire
being and extend that same love to others and to self. Thus, people are to be treated as God would treat them:
as children f God who deserve the highest dignity. To be in covenant with God means that the disciple has a
duty to respect the dignity of all human persons. The poor, marginalized, oppressed, and powerless become
the object of the disciples care, concern, and love. Catechesis seeks to help people encounter the abiding
presence of their covenant God and to instill in them zeal for a life of loving apostolic service.

EXODUS
The exodus, the premier symbol of Gods saving love for the Hebrew peole, ultimately reaches perfect
fulfilment and profundity in the passage from death to life accomplished by Christs paschal mystery. This
sign so clearly defines the Christian life that nearly every catechetical encounter addresses the mystery it
contains. The ultimate goal of catechesis is transformation. Exodus asks the question, How have I / you/ we
been transformed, changed, brought from death to life, in the story we just shared? Every Christian has an
exodus story constitutes participation in the cherished life, death, and resurrection of Jesus Christ, the paschal
mystery.
____
These biblical themes show us how God has been present and attentive to the work of salvation throughout
all of human history. They give us a glimpse of how God views his relationship with us and how we, in turn,
are to view our relationship with God.
The recurring themes emphasize the manner in which God has been present to us.
The people of God, the church, is in covenant relationship with God. The people of God, the church, is one
body and is often called the sacrament of Christ. God is in intimate union with the Church. Do our
communities reveal the story of a people responding in faith to a God who is in relationship with and living
within them?
The covenant and exodus are leaven that allows the meaning of Gods relationship with humanity to rise to
fullness. Effective ministry of the word remembers and makes present the God of all creation and new life, the
God of exodus who leads us out of slavery into that new life, and the God who invites the people of God into
radical, reciprocal, covenant relationship.

10

Diocese of San Pablo

San Pablo Youth Commission


Poblacion, Sta. RosaCity 4026, Laguna, Philippines

Worksheet #1
SINO AKO?
Ang aking kalakasan Ang aking kahinaan

SINO AKO?
Ang aking kalakasan
Ang aking kahinaan

SINO AKO?
Ang aking kalakasan Ang aking kahinaan

SINO AKO?
Ang aking kalakasan
Ang aking kahinaan

11

You might also like