You are on page 1of 2

Proyekto: Outreach program

Descriptsyon:
Ang outreach program ay isang programa na pinangungunahan ng
grupo ng mga tao kung saan sila ay namamahagi ng mga kagamitan sa
mga taong nangangailangan. Ang mga gamit na kanilang pinamimigay
ay maaring galing sa kanilang bulsa, o galing sa ibang tao na nagbibigay
simpatiya sa mga taong nangangailangan o mga taong di mapalad tulad
nila.
Ang outreach program ay madalas isinasagawa sa mga lugar kung
saan madaming tao ang mahirap, at ang kanilang kakayahan sa
pagtatrabaho ay kulang sa kanila. Maaring sa isang baryo, o kaya sa
isang shanty town.
Makikinabang sa proyekto:
Ang mga makikinabang sa proyektong ito ay ang mga taong
mahirap o mga taong nangangailangan ng tulong. Makikinabang din
ditto ang mga taong walang tirahan, walang pamilya, at mga taong
walang trabaho.
Layunin ng proyekto:
Ang layunin ng proyekto ay ang makapag pamahagi ng mga
kagamitan sa mga taong nangangailangan. Isa pang layunin nito ay ang
mabigyan ng panandaliang ginhawa ang mga taong nakakaramdam ng
kahirapan sa kanilang buhay at di nila ito matakasan.
Kakailanganin sa proyekto:
Ang mga kakailanganin ay ang mga sumusunod: mga taong bukas
kamay na maghahandog ng mga ipamimigay, mga kasangkapan na
gagamitin, pera.

You might also like