You are on page 1of 4

Tayutay (Figures of Speech)

Simili o Pagtutulad di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa :
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandroy lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animoy bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
Metapora o Pagwawangis tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain,
tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siyay langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
Personipikasyon o Pagtatao Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
PERSONIFICATION sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
Apostrope o Pagtawag isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang
tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kamiy lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di
malihi
Pag-uulit
Aliterasyon Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.

2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi


sa mahal niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming
mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

Anapora Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .

Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang

sumunod sa pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin
kahit kaunti man basta may halaga.

Anadiplosis Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.


Halimbawa:
Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.

Kailangan kong gawin ng itoy baguhin

Baguhin koman ng itoy magisnan;


Magisnan ng lahat ng matalino,
Matalino ang mas nakakaalam.

Ang lahat na bagay ay siyasatin

Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;


Sundin moman na walang gawiin,
Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.
Epipora Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .

Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang


sumunod sa pamahalaan.

Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin
kahit kaunti man basta may halaga.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag


Katapora Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita
o parirala na binanggit sa hulihan.
Halimbawa:
Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel
Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang akoy gawaran ng unang
gantimpala sa pag-awit
Pagmamalabis o Hayperbole Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.

Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera

Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw.

Panghihimig o Onomatopeya ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Halimbawa:

Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.

Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.

Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.

Pag-uyam o Ironiya Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.
Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Halimbawa:
Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.

Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.

Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng


kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)

Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)

Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

Pagpapalit-tawag o Metonymy Itoy pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay
pagpapalit o paghalili.
Halimbawa:
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.
Paglilipat-wika o Transferred Epithet tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay
ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.

3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.


4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.
Balintuna isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol o Klaymaks pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa
kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:
Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga
nangangaroling tuwing gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa

kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.


Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na

nagsisimbulong paparating na ang bagyo.


Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang
nabiktimang bagyong Ondoy

Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may


maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.
Pagtanggi o Litotes gumagamit ng katagang hindi na nagbabadya ng pagsalungat o
di-pagsang-ayon. Itoy may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:
1 Siya ay hindi isang kriminal.
2 Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.
Retorika na Tanong- hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng
pag-aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?
Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang
pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong
bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman
ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)
Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang
masyadong matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.

You might also like